Chapter 27

(Lady Arthisa’s POV)

Hindi ako mapakali sa aking higaan. Nakailang ulit na ako ng pagpapalit ng pwesto ay hindi pa rin ako madalaw ng antok. May bumabagabag sa isip ko at hindi ko alam kung ano iyon.

Napatingin ako sa King Alpha at muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko ng makitang nakatingin ito sa akin.

"You scared me!" Nakasapo sa dibdib na sabi ko. Akala ko ay tulog siya dahil rinig ko ang paghilik niya.

Ngunit nagtaka ako ng hindi ito sumasagot sa akin at nakatingin lang ito ng diretso sa akin. Kumunot ang noo ko at iwinagayway ang kamay ko sa mukha niya pero hindi ito kumukurap.

Napabuga na lang ako ng hangin ng may marealize. Nakamulat siya 'pag natutulog!

Napahinga ako ng malalim bago lumakad papunta sa isang daan na nakita ko no'ng hindi ako makatulog. Hindi ito sobrang kita dahil na rin sa madilim ang lugar pero kung titingnang mabuti ay makikita ang isang butas.

Dahan dahan akong lumakad papasok sa may isa pang lagusan nang walang ginagawang kahit anong ingay.

Nang makapasok ako sa lagusan ay bumungad sa akin ang isang mukhang paraiso. May butas sa may taas ng kweba at nakasentro doon ang buwan. Katapat ng butas na iyon ay ang isang tubig na kumikislap dahil sa sinag ng buwan.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Maraming iba't ibang bulaklak na nakatanim at iba't iba ring halaman. Maraming alitaptap ang lumilipad sa buong lugar na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Sobrang nakakamangha ng nakikita ko pero nawala iyon ng may marinig akong kaluskos sa isang gilid.

Dahan dahan akong lumapit sa mga nakaladlad na vines dahil do'n ko narinig ang kumakaluskos. Palapit ako ng palapit sa mga vines ay palakas rin ng palakas ang kaluskos na aking naririnig. Agad ko iyong hinawi at mas nagulat sa nakita.

May isang kulungan doon at sa loob ng kulungan ay naroon si Kobie na nakagapos at maraming pasa at sugat sa katawan. May busal rin ang kaniyang bibig at nakatingin ang kaniyang mga mata sa akin na parang humihingi ng tulong. Akmang lalapitan ko na siya ng biglang may nagsalita sa taas.

"Well, well, well. Akala ko pa naman ay napatay ka na ng tauhan ko at pugot na ang ulo mo na pinagpepyestahan na nila ngayon," ani ng babaeng gumaya sa mukha ni Rieka.

"Pwes, mamatay ka sa akala," nakangising sabi ko. Inis siyang bumaba kaya magkaharap na kami.

"I want to kill all the students in Alphera, especially you." Aniya. Ngumisi ako sa kaniya at humalukipkip.

"Really? I love that," nang-aasar na sabi ko sa kaniya. Umigting ang panga niya sa sinabi ko na halatang nagtitimpi ng galit.

"Mamamatay ka sa kamay ko," mariing sabi niya at inihanda ang kaniyang dagger. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at saka siya nginitian.

"Sure." Sagot ko at nagkibit balikat. Agad siyang sumugod sa tayo ko habang tinatangka akong saksakin pero umiiwas lang ako. Sisipain niya sana ako sa tiyan pero agad kong nahawakan ang paa niya at ibinato siya sa isang bato kaya napatama ang likod niya doon. Napangiwi siya dahil sa sakit pero mas nag-alab ang kaniyang mata para mapatay ako.

She's really desperate to kill me huh?

Sinugod na niya akong muli ng dagger niya at nagtangka na namang isaksak sa akin pero umiiwas pa rin ako. Asar na asar na ang mukha niya dahil sa ginagawa kong pag-iwas kaya napatawa na ako. Galit niya akobg tinapunan ng tingin pero nagkibit balikat lang ako.

"Lumaban ka, weakling!" Sigaw niya na mas lalong nakapagpalakas ng tawa ko. Sige na nga. Pagbibigyan ko na siya. Tutal, gustong gusto ko na rin namang makakita ng dugo. Gustong gusto ko na ring pumatay ngayon.

'Sword, come out from my body,' turan ko sa aking isip. Naramdaman ko ang malakas na pwersa na pumapalibot sa akin. Alam kong naramdaman iyon ng babaeng gumaya sa mukha ni Rieka kaya napatigil siya sa pag-atake sa akin.

May lumabas na itim na usok sa katawan ko hanggang sa naramdaman kong nabuo ang espada galing sa usok. Mangha at gulat ang nakarehistro sa mukha ng babae pati na rin ni Kobie. Parang hindi sila makapaniwala sa kanilabg nakita.

"P-paano? B-bakit?" Makikita ang takot at pangamba sa mukha ng babae kaya napangisi ako. Hindi pa nga ako lumalaban ay natatakot na agad siya.

"Scared already?" Nakangising tanong ko sa kaniya. Agad niyang pinalitan ang ekspresyon at kumunot ang kaniyang noo. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil hindi siya marunong magtakip ng ekspresyon. Galit ang mukha niya pero kitang kita sa mata niya at takot at pangamba. Poor kid.

Inihanda ko ang aking espada at gano'n din siya. Sumugod agad siya gamit ang kaniyang dagger pero agad kong naiharang ang aking espada at sinipa siya sa tiyan.

Inis na inis na ang mukha niya at halatang hindi na nagugustuhan ang ginagawa ko sa kaniya. Ngumisi muna ako bago unti unting naglaho iyon at napalitan ng seryosong mukha.

Showtime.