Chapter 26
(Lady Arthisa’s POV)
"Hey, get up! H'wag kang matulog dito! We should look for a small house or just a cave!" Tumatayong sabi ko at mahina siyang sinipa sa binti ng tuluyan akong makatayo.
"Argh!" Daing niya at bumangon na rin. Pinagpagan ko ang sarili ko bago nagsimulang maglakad para maghanap ng matutuluyan.
"Wait for me! Lagi mo na lang akong iniiwan!" Maktol na sabi ng King Alpha na parang bata.
"Hindi ka dapat nakadepende sa iba. Paano kung isang araw bigla ka na lang nilang iwanan lahat? You should stand for yourself." Saad ko habang naglalakad. Nakita ko sa peripheral vision ko ang ginawa niyang pagtigil ngunit hindi ko na iyon pa pinansin at nagtuloy na lamang sa paglalakad.
"I'm not being dependent. You are just my source of happiness, Serene," napatigil ako sa paglalakad at napasinghap. For the second time around, he called me in that name, again.
Inis ko siyang hinarap at inis na hinablot ang kamay niya. Gulat na gulat ang mukha niya dahil sa ginawa ko.
"B-bakit?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Could you please, stop calling me Serene?! I am not her and will never be," mariing sabi ko. He looked at me intently at sinuklian ko ang mga titig niya.
"You are," aniya kaya napatawa ako ng bahaw.
"Stop calling me that. I'm warning you," saad ko bago muling naglakad.
"Pero ikaw nga si Serene!" Habol pa niya sa akin. I clenched my jaw and looked at him.
"Bakit ba Serene ka ng Serene sa akin?! Hindi nga ako 'yon!" Galit na sigaw ko na sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero agad niya iyong inalis at ipinilig ang ulo.
"Sa ngayon nasasabi mong hindi ikaw si Serene, pero I'm telling you. Ikaw si Serene." Aniya bago nagpatuloy sa paglalakad. Napapailing na lang akong sumunod sa kaniya.
Sino ba kasi ang Serene na 'yon? Anong meron sa kaniya at lagi na lang iyon ang itinatawag sa akin ng King Alpha? Nakakairita na.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin habang naglalakad. Walang nagtatangkang magsalita sa aming dalawa. Tila nagpapakiramdaman kami sa kung sino ang magsasalita. Mas pinili ko na lang na maging tahimik kesa mag-away lang kami sa daan. Baka iyon pa ang gawing daan ng kalaban para mabilis kaming mapatay.
Tahimik kaming naglalakad ng bigla niyang basagin ang katahimikan.
"Do you mind if I ask kung bakit nasa sa'yo ang espadang 'yon?" Tanong niya at ang tinutukoy ay ang espadang binili ko. Well, hindi ko naman talaga iyon binili dahil hindi ko binayaran. Ibinigay lamang iyon sa akin ng magtitinda. Gulat na gulat ang mukha niya no'n ng makitang hawak ko ang espada.
"What do you mean, bakit nasa akin?" Tanong ko.
"I mean, hindi basta-basta na lang ang espadang hawak mo kaya nagtataka ako kung bakit nando'n ang espadang 'yon. Dapat ay nasa sikretong lugar iyon dahil maaaring mapahamak ang mga taong hahawak no'n nang walang kaalam-alam tungkol sa espada," kibit-balikat na aniya.
Napatigil ako ng ilang sandali ngunit agad ding lumakad.
"Ano bang meron sa espadang 'yon? 'Tsaka bakit parang pag nakikita kita habang hawak o gamit ko ang espadang iyon ay namumutla ka at nagiging balisa?" Pagtatanong ko sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Tiningnan ko siya at napansin kong parang may malalim siyang iniisip.
"This is not the time para may malaman ka," sagot niya at mas binilisan ang lakad. Naiwan ako do'n na maraming tanong sa isip.
Ano ba talagang meron? Bakit parang may tinatago sa akin ang King Alpha? Parang ang daming sikretong nakakubli sa katauhan niya—katauhan ko.
"Hey!" napatingin ako sa kinatatayuan niya hindi kalayuan sa akin. "May kweba dito!" Dugtong niya. Iwinaksi ko na lamang ang aking mga iniisip at ang mga tanong sa isip ko bago tumungo sa tayo niya.
Nakita ko ang isang kweba na hindi naman nakakatakot tingnan. Dito muna kami magpapalipas ng gabi bago namin ipagpatuloy ang paghahanap sa hide-out ng mga kalaban kinabukasan.