Chapter 28
(Lady Arthisa’s POV)
Ipinosisyon ko ang aking espada at gano'n din siya sa dagger niya.
"Pwede ka namang mag-back out kung gusto mo," nakangising sabi ko sa kaniya. Ngumisi din siya pero agad na sumeryoso.
"I will kill you on my own hands," seryosong wika nito. Tumawa lang ako sa sinabi niya at agad na iwinasiwas ang espada ko. Umiwas siya doon pero dahil sa mabilis kong pagwasiwas nito ay nadaplisan ang kaniyang braso. Nakakapagtakang hindi dugo ang lumalabas sa braso niya kundi itim na usok, siguro ay dahil ng aking espada.
Gulat din siya dahil iba ang lumalabas sa kaniyang braso pero napalitan ng galit ang kaniyang mukha.
May pinindot siyang kung ano sa dagger at unti unti itong humaba hanggang sa maging isang espada na rin.
Naglaban kaming dalawa at puro kalansing lang ang maririnig sa bawat sulok ng kweba. Sasaksakin niya sana ako sa tiyan pero agad kong naiharang ang aking espada doon at iyon ang ginamit upang maitulak siya.
Mabilis ko siyang tinamaan sa kaniyang tagiliran ng mawalan siya ng balanse ng maitulak ko siya. Kagaya no'ng una ay itim na usok rin ang lumabas dito at hindi dugo. Nakipag espadahan na naman siya sa akin at sasaksakin na sana niya ako ng iharang kong muli ang aking espada at sinipa siya ng malakas sa tiyan. Napadaing siya dahil sa isang bato siya tumama.
Nakangiwi siyang tumayo at muling humarap sa akin. May inilabas siyang isa na naman dagger at may pinindot muli doon kaya naging dalawa ang kaniyang espada.
Kung kaya ko nga lamang mag-teleport ay baka nasaksak ko na siya sa likod.
Nagtaka ako ng unti unti ay nilamon ng itim na usok ang aking paa kaya napatigil sa pagsugod sa akin ang babae. Nilamon ako ng itim na usok ngunit naramdaman ko agad na nakalapat na muli ako sa lupa at nakita kong nasa likod na niya ako. Napangisi ako at agad siyang sinipa sa likod.
Gulat na gulat ang kaniyang mukha dahil sa nangyari. Sinugod niya ako ng isang espada kaya iniharang ko ang akin ngunit hindi ko naalalang dalawa na nga pala ang espada niya kaya nadaplisan niya ako sa braso pero agad kong sinipa ang braso niya kaya tumalsik palayo ang isang espada.
Mabilis kong itinulak ang kaniyang kamay na may hawak na espada at saka siya mabilis na sinaksak sa tiyan. Ayoko ng patagalin pa ito.
Nanlalaki ang mata niya sa ginawa ko kaya mas idiniin ko ang pagsaksak sa tiyan niya.
"Sino ngayon ang mamamatay sa kamay ko?" Nakangising sabi ko bago tinanggal ang espada sa tiyan niya at itinutok iyon sa kaliwang dibdib niya at agad iyong sinaksak. Hindi na siya nakaimik pa dahil nilamon na ng itim na usok ang kaniyang katawan hanggang sa maging abo na ito.
"Hmm! Hmm!" Napalingon ako kay Kobie ng mapansing may gusto siyang sabihin sa akin. Hindi ko naalalang nandito nga pala siya. Lumapit ako sa kulungan at sinira ang kinakalawang na nitong lock.
Tinanggal ko ang busal sa bibig ni Kobie at pagkatapos ay ang gapos sa katawan niya.
Lumabas siya sa kulungan na parang nakahinga ng maluwag.
"Why are you here? Akala ko ba ay may Royal Family Gathering kayo kaya hindi ka nakasama?" Tanong ko kunwari sa kaniya.
Umiling iling siya sa akin bago sumagot. "Hindi ako ang kasama ninyo." Turan niya na siyang nagpangisi sa akin.
Then, Alphan is right. Hindi nga si Kobie ang tunay na kasama namin.
Flashback...
"We will play what?" Gulat na tanong ni Czarina.
"You are all going to play hide and seek. Kung gusto nilang makipagtaguan, then pagbibigyan natin!" Ani Alphan.
"Nila? What do you mean by that? Madami sila?" Tanong ni Gyle.
"Yes. Hindi lang iisa o dalawa ang kumukontrol sa temperatura ng paligid, but marami." Sabi niya na nagpagulat sa iba.
"Kailan namin sisimulan ang mission?" Tanong ni Wade.
"Tomorrow, of course!" Sabi ng Alphan at saka ngumiti, more like ngumisi.
"Tomorrow? Hindi ba masyadong matagal 'yon? Bakit hindi na lang ngayon? Or mamaya?" Takang tanong ni Czarina.
"Hindi ba may gagawin pa kayong Antidote para sa lahat ng poison? Kung makagawa kayo ngayon, maaari ninyo iyong magamit sa mission n'yo." Aniya at saka tumayo at tinanaw ang kabuuan ng school mula sa bintana.
"Yeah," sabi ni Czarina.
"You can go now. Nasabi ko na lahat." Aniya at saka kami muling nilingon.
Tumango kami at maglalakad na sana paalis ng pinigilan ako ng Alphan.
"Not you, Lady Arthisa. I have something to tell you." Seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Umalis na ang ibang Disciples at ako na lamang ang natira.
Umupo ang Alphan sa kaniyang upuan at muli akong tiningnan.
"Have a seat," nakangiting aniya. Napairap na lang sa ere bago umupo sa upuan na nasa harap ng table niya.
"What do you want?" Tanong ko rito. She looked at me intently before she spoke.
"Observe Kobie. I'm afraid he is not him, I mean, hindi siya ang tunay na Kobie dahil may nanggaya sa katauhan niya. Kung nasaan si Kobie ay hindi ko alam," aniya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at saka nag de kwatro.
"Paanong may gagaya sa katauhan ni Kobie? Sino naman ang may ability ng gan'on?" Tanong ko sa kaniya.
"Isa lang ang kilala kong may ability na kayang gayahin ang katauhan ng ibang tao," nambibitin na sabi niya.
"Sino?"
Huminga siya ng malalim bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"It's Amara. Pero sa tingin ko ang nanggaya kay Kobie ay si... Ace," seryosong ani Alphan. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. How come na magiging si Ace 'yon?
"What? He's an illusionist. Paanong mangyayari na siya 'yon?" Tanong ko rito.
"Yes. He's an illusionist at ang Kobie na kasama ninyo ay isang ilusyon lamang. Pansin n'yo naman siguro na parang robot siya kung gumalaw at minsan ay hindi talaga nagsasalita, diba?"
"Yeah," sagot ko na lamang sa kaniya. Binalot ng matinding katahimikan ang buong kwarto matapos niyang sabihin ang mga 'yon. If he is not the true Kobie, then where the hell is Kobie?
"How can we escape if something happens?" Tanong ko matapos ang mahabang katahimikan. Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim bago iniiwas ang kaniyang paningin.
"The only way to escape is... to die."
Flashback Ends...
"Bakit napunta ka dito?" Tanong ko kay Kobie. Tumingin siya sa abo na nasa lupa.
"Because of her," aniya habang nakatingin do'n.
"Who is she?" Tanong ko sa kaniya.
"She's Amara. Isa sa mga kaklase natin sa subject ni Miss Haidie." Sagot niya bago muling tumingin sa akin. So, siya pala ang tinutukoy ng Alphan. Oh well, poor girl.
"Lahat ng sangkot sa pagbabago ng temperatura ay nanggaling sa Alphera. Nagrerebelde sila dahil ang mga magulang nila na nandito sa Aphelonia ay ginagawang alipin ng mga nakatataas," paliwanag ni Kobie. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit pati ang Alphera dinadamay nila? While we were fighting, she said na gusto niyang patayin lahat ng estudyante ng Alphera, especially me," takang tanong ko sa kaniya.
"It's because your family is the one who's taking care of Aphelonia. The Lord is the Town Mayor at alam mo naman na lagi silang sama-sama ng King at Queen. Gusto ka nilang patayin dahil ang pamilya mo ang mismong nagpapahirap sa mga pamilya nila," sagot niya.
"Pero bakit pati ang ibang students?"
"Dahil kumakampi ang pamilya ng lahat ng estudyante sa pamilya mo at mas lalong pinapahirapan ang pamilya ng mga nagrerebeldeng estudyante, that's why." Napatingin kaming dalawa ni Kobie sa sumagot nito. Ang King Alpha.
"But, their main target is you. And this mission is their way para mapatay ka. It's like a trap," malamig na sabi nito habang lumalapit sa amin.
Nagtataka ang mukha namin parehas ni Kobie kung paano siyang bigla na lang sumulpot dito at nakisali sa usapan namin.
"Akala ko iniwan mo na ako. Pero buti na lang at masyadong malakas ang boses ng kausap mo kaya natunton kita," aniya ng mabasa ang ekspresyon naming dalawa. Muling bumalik sa pagiging walang ekspresyon ang mukha ko dahil sa narealize na mali ang ipinapakita ko.
"Kobie, marami pa ba sila?" Baling ko kay Kobie.
"I- I think nasa 20 plus pa sila," sagot niya.
"Who'd you think is their leader?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang alam ko ay si Ace. Dahil gusto rin niyang gumanti sa'yo," kinakabahang sagot niya. Tumango na lang ako bago muling pinapasok sa loob ng katawan ko ang aking espada na sa tingin ko ay nakakuha ng atensyon ni Kobie.
"Teka, Lady Arthisa," pagpigil niya sa akin ng sana ay paalis na ako. Tumingin ako sa kaniya ng may malamig na tingin.
"Bakit?" I asked.
Nanginginig na itinuro niya ang aking katawan bago kinakabahang sumagot.
"S-sa'n mo nakuha ang espadang 'yon?" Nauutal na tanong niya.
"Sa tabi-tabi," sagot ko na lamang sa kaniya bago muling naglakad paalis. Hindi nakatakas sa paningin ko ang namumutlang mukha niya kaya napakunot ang noo ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Lumabas ako do'n sa pinasukan ko kaninang may mga nakaladlad na vines at nang makita ko ang kaninang mukhang paraisong tiningnan ko ay halos mamangha ako sa aking nakita.
Mas nakikita ang buong lugar dahil maliwanag na. Kitang kita ang mga bulaklak at ang iba't ibang kulay nito na sobrang titingkad. Kumikislap din ang tubig dahil tinatamaan ito ng araw.
"It's beautiful," I murmured.
"Sometimes, beautiful things are hidden on a disastrous look."
Napapitlag ako sa aking kinatatayuan ng bigla na lamang sumulpot sa tabi ko ang King Alpha at sinabi ang mga katagang iyon.
"What?" Nakataas ang kilay na tanong ko rito.
"You are just like this place. Sa una, aakalain mong masama ang buong lugar dahil puro bato lamang ang makikita but when you explore, you'll see a beautiful view." Makahulugang sabi niya bago nagsimula ng umalis sa lugar. Pinapanood ko ang paglalakad niya ng bigla siyang tumigil at nagsalita ng hindi humaharap sa akin.
"You may be like a disaster. But a very beautiful one," huling sabi niya bago muling naglakad at naiwan akong nakakunot ang noo at nagtataka sa mga pinagsasasabi niya.
'Crazy,' I whispered to myself as I behold the whole place for the last time.