Chapter 26
(Lady Arthisa’s POV)
"Hey! Bakit ka ba tumakbo?" Nagulat ako ng bigla na lamang lumitaw sa gilid ko ang King Alpha at nakitakbo na rin sa akin.
"Sabi ko do'n ka lang!" Inis na sabi ko habang patuloy pa ring tumatakbo at hindi siya tinatapunan ng tingin. Ayokong mawala sa paningin ko ang anino ng tumatakbong 'yon.
"Bakit nga ba?" Tanong pa niya ngunit hindi ko na pinansin. Mas binilisan ko ang pagtakbo at napangisi ako ng makitang malapit na kami sa aninong 'yon.
"Hoy! Sagutin mo kasi ako!" Napairap ako sa ere dahil sa sinabing iyon ng King Alpha.
"Nanliligaw ka ba?" Sarcastic na sabi ko. Ramdam ko ang pagtigil niya ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Mas lalong lumawak ang ngisi ko ng makitang tumigil ang anino sa pagtakbo.
Tumigil na rin ako at dahan dahan at magaan ang ginawang paghakbang patungo sa kinatatayuan ng tao'ng iyon. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako makikita. Mahaba ang buhok nito na kulay itim at medyo maliit ang katawan kaya nahihinuha kong isa itong babae. Pamilyar sa akin ang hubog ng kaniyang katawan ngunit hindi ko maalala kung sino iyon.
Nang medyo malapit na ako dito ay bigla namang lumitaw sa harap ko ang King Alpha kaya muntik ko na siyang masuntok sa mukha.
"Ano ba?!" Pasigaw na bulong ko dito ngunit nginisian lamang ako.
"Magpapaligaw ka?" Parang batang tanong niya kaya napatampal na lang ako sa noo ko.
"Lumayas ka nga d'yan!" Bulong ko uli at agad siyang hinawi sa unahan ko. Nakita ko doon ang babae na halatang pagod pa rin sa ginawang pagtakbo dahil tumataas baba ang kaniyang balikat.
Lumapit pa ako sa kaniya at dahan dahang hinugot ang aking espada ngunit bago ko pa man ito mailabas sa lalagyan ay humarap na sa akin ang babae at laking gulat ko ng makilala ko ito.
"Rieka?!"
"Ah eh hehe. Hi Lady!" Parang batang nahihiyang sabi niya. Kumunot ang noo ko at agad inilibot ang paningin sa buong lugar ngunit wala namang kakaiba doon. Muli kong ibinaling ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung guni guni ko lang 'yon o hindi pero nakangisi siya ng maibaling ko ang paningin ko sa kaniya ngunit sa isang kurap ko ay nawala iyon.
"Anong ginagawa mo dito? 'Tsaka bakit nag-iba na ang kulay ng buhok mo?" Pagsasawalang bahala ko sa nakita.
"May hinahabol kasi ako kanina, eh. Tapos narealize ko na lang na nasa Southern part na ako. 'Yong buhok ko? Ewan ko," kibit balikat na sabi niya. Bigla namang tumabi sa akin ang King Alpha at nakita kong seryoso na siya ngayon.
"Where's your bow and arrow? Bakit dagger na ang hawak mo?" Malamig na tanong ng King Alpha kay Rieka. Napansin ko ang pamumutla ng mukha ni Rieka at naging malikot din ang kaniyang mga mata.
"Hey, ayos ka lang?" Tanong ko rito. Lumunok naman siya at sunod sunod na tumango.
"I'm asking you. Where are your bow and arrow?" Ngayon ay mas naging malamig ang tono ng King Alpha kumpara kanina. Ramdam ko rin ang nagbabadyang paglabas ng isang malakas na enerhiya na nanggagaling sa likuran niya.
"Nabali ang bow ko kaya itinapon ko na lang," simpleng sagot niya. Nagkatinginan kami ng King Alpha bago ko siya tinanong.
"Paanong nabali? Hindi naman mababali iyon, Rieka. Gawa sa kidlat 'yon, nakalimutan mo na ba?" Tanong ko sa kaniya. Mas lalong namutla ang mukha niya ngunit naging panandalian lamang iyon.
"Eh, ano naman ngayon kung hindi na 'yong bow and arrow ang dala ko? May magagawa ka ba?" Nakangising sabi nito.
Ngayon ay naging seryoso na rin ako ng mag-iba ang tono ng boses niya. Hindi ito si Rieka!
"Anong ginawa mo kay Rieka?" Nagtitimping tanong ko sa kaniya. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko ngunit humalakhak lamang ito at sa isang iglap lamang ay may nakapalibot na sa aming mga naka itim na mask.
"Who the hell are you?!" Sigaw kong tanong dito ngunit nagkibit balikat lamang ito. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ng King Alpha sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. I want to kill this girl!
"Kill these two nuisances. Make sure to cut off their heads," malamig na sabi ni Rieka- I mean, gumaya sa mukha ni Rieka at agad na tumalikod sa amin at lumakad palayo.
Damn you, bitch. Magsama na kayo ni Czarina.
Hinugot na ng King Alpha ang kaniyang espada sa lalagyan nito at do'n ay naramdaman ko ang paglabas ng isang kakaibang enerhiya. May lumabas na puting usok na nagmula sa handle nito hanggang sa umabot sa dulo ng blade. Literal na umapoy ang blade nito at nang may nagtangkang sumugod na isang nakaitim na mask at maisaksak ng King Alpha ang kaniyang espada dito ay nagkaroon naman ng ice ang parte ng katawan ng lalaking nasaksak. Woah. Cool.
Mabilis na nagsuguran ang mga nakaitim na mask at mabilis naman ang ginawang pagsalag ng King Alpha sa mga atake ng mga ito at pagkatapos ay mabilis na pagsasaksakin.
"Ano? Tutunganga ka na lang d'yan?" Baling ng King Alpha sa akin ng makitang hindi ako kumikibo sa tayo ko. Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay tila nabuhay ang dugo ko.
May mga sumugod sa akin kaya agad kong hinugot ang espadang nabili ko kanina. Halos tumigil ang oras ng sa paghugot ko ng espada sa lalagyan nito ay binalot ito ng itim na usok at katulad ng sa King Alpha ay umabot ang usok nito hanggang sa dulo ng blade. Matapos no'n ay hindi ito nag-apoy tulad ng sa King Alpha. Nagulat ako ng biglang lumabas na naman ang itim na usok at umikot ito sa akin.
May parang ibinubulong ito sa tainga ko ngunit hindi ko iyon maintindihan. Mga bulong na parang isinalita sa ibang lengguwahe.
Agad iyong natapos at nang tingnan ko ang mukha nila ay manghang mangha ang nakarehistro doon. Hindi ko man makita ang mga itsura nila ngunit nababatid ko dahil sa mga mata nila. Ngunit ang isang napansin kong reaksyon ay ang pagkabalisa ng King Alpha. Hindi ito makatingin ng diretso sa hawak kong espada. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at agad sinaksak ang kalaban na muntik ng umatake sa King Alpha dahil sa kawalan niya ng pokus.
Pero ang ikinamangha ko ay ang pag-usok ng katawan ng nakaitim na mask bago ito naging abo at tinangay ng hangin. Mangha kong tiningnan ang espadang hawak ko. This is awesome!
Parang nabuhayan ang walang kulay kong dugo at naging aktibo akong gumalaw. Lahat ng makita kong nakaitim na mask ay pinagsasaksak ko hanggang sa maubos ang mga ito at tinangay ng hangin ang kani-kanilang abo.
Napaupo ako sa lupa dahil sa naramdamang pagod at nang hindi ko na makayanan ay tuluyan na akong napahiga.
"Nakakapagod!" Sigaw ko bago binitawan ang espada. Ngunit agad akong napabalikwas ng biglang may lumabas na usok sa handle nito at binalot ng usok na iyon ang buong espada bago ito mabilis na pumasok sa loob ng katawan ko. At sa kamay ko ito pumasok!
Hindi ako makapaniwalang napahiga na naman sa lupa at tinanaw ang nagiging kulay kahel na kalangitan.
"I want to sleep," ani ng King Alpha na ngayon ay tumabi na rin sa akin sa paghiga sa lupa at pumikit.