CHAPTER 20
[ STELLA ]
Sabay na napatingin kami ni Amy dahil sa biglaan na pagpasok sa pinto ni Cross at Celine na kanina ko pa hinihintay na makita, tahimik na nakatingin kami ni Amy sa dalawa hindi man lang kami sinulyapan ni Cross. Si Celine ang tumingin sa amin pero hindi niya ako agad binati dahil may mukhang may pag-uusapan sila ni, Cross.
"Bakit mo ako pinigilan na harapin ang basurang babae na yon?" galit ang boses na sabi ni Celine, iniisip ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi siya basura." sagot lang ni, Cross.
"Really? So, marunong ka na pala ngayon magtangol sa iba?" bakas sa boses ni Celine, ang pagtataka.
"Kapatid siya ni, Stella."
Napatingin sa akin si Celine, nagtatanong ang mata at marahan na tumango lang ako.
"Really huh? Hindi ko siya gusto." Nakapameywang na diretsong sabi ni Celine kay, Cross.
Hindi sumagot si Cross, tumalikod ito at naglakad papuntang pinto.
"Cross!"
Tawag ni Celine, pero parang walang narinig si Cross, nagpatuloy sa paglabas ng pinto. Inis na binato ni Celine ang sling bag niya sa pinto.
"Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid? Wala akong natatandaan na may nakuwento ka sa akin?" Baling sa akin ni, Celine.
"Yeah, wala talaga. Pero anak siya ni daddy sa ibang babae." Sagot ko at natahimik si, Celine.
"May problema ba kay, Alexa? Kasi karamihan naman problema siya dahil sa mayabang niyang kilos." naiinis na sabi ni, Amy.
"Ganun? So, tama lang pala ang dating ko dito. Kailangan niyang malaman na ako lang dapat ang puwedeng katakutan dito. Ako lang magbibigay ng batas na gusto ko."
Nakatingin lang ako kay Celine, masaya ako na nandito siya ulit dahil may makakasama na akong mapaalis at masira ang pagkatao ni, Alexa. Kilala ko na Celine, simula ng matuntong ako dito sa Carmella High School, lahat nasaksihan ko kung paano naghirap at umiyak, sumuko at lumuhod kay Celine, marami na rin siyang napaalis dito. Marumi maglaro si Celine, mana sa kanyang ama.
Napapalabas niyang wala siyang kinalaman sa lahat, ibang tao ang napagbibintangan sa mga ginawa niya na pinlano niya rin.
"Hello? Kausap ba kita?"
Napakurap ang mata ko dahil sa mahinang paghatak ni Celine sa hibla ng buhok ko. Ito ang kinaiinisan ko sa kanya ang madalas na paghatak sa buhok ko, hindi lang ako makapagreklamo dahil kailangan kong dumikit sa kanya. Isa pa hindi alam ni Celine ang damdamin ko kay, Cross.
"Bakit?" Sagot ko.
"Tinatanong ni Celine, buong detalye sa kapatid mo raw." Si Amy na ang sumagot.
"Ha? Wala akong gaanong alam sa kanya, hindi kami close. Ang alam ko lang sa kanya galing siya sa eskwater." Sagot ko.
"Kaya naman pala, bagay nga sa kanya ang basura. Dahil sa basurahan siya nangaling." Nakangising sabi ni, Celine.
"I miss you Celine, excited na akong makasama ka at makitang magpaiyak sa huling year natin dito." Nakangiting sabi ni, Amy.
"Yeah, kaya susulitin ko ang bawat araw. Bumalik ako dahil may nabalitaan akong napapalapit raw kay Cross?"
Nagkatinginan kami ni Amy, dahil sa sinabi ni, Celine. May kinuha sa gilid ng bulsa ito at nilabas ang phone niya, may tinitingnan doon.
"Oh my? Siya ito? Yung kapatid mo?" Nanlalaki ang matang pinakita ni Celine ang phone niya.
May pic doon na babae na nakasuot ng jacket, walang iba si Alexa, nakasuot ng jacket ni Cross.
"Siya nga ito, talagang si Cross pa ang nilapitan niya? Malandi siya, suot pa niya ang jacket ni, Cross?" Nangigigil na litanya ni, Celine.
"Yeah, masiyado siyang papansin kay, Cross. Kaya dapat turuan mo na lumugar ang Alexa na 'yon." ani ni, Amy.
"Gusto kong mawala na siya dito, Celine." Seryosong sabi ko at nakangiting tiningnan lang ako ni, Celine.
------------
------
[ ALEXA ]
Matapos kong kumain sa cafeteria, pinauna ko na si Hannah dahil may kinuha pa ako sa locker. Habang naglalakad ako papuntang room, napatingin ako sa gilid ko may sumabay kasing maglakad sa akin.
Bahagya pa akong nagulat dahil si Cross, seryoso ang mukhang saglit na sinulyapan niya ako.
Ano na naman kaya ang trip nito at sumabay sa akin maglakad? Iba-iba rin mood nitong lalaki na 'to.
"Iwasan mo kung maaari si, Celine."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya, bahagya pang nag-loading ang isip ko dahil sa sinabi niya. Saka ko naalala 'yung babae na 'yon si Celine.
"Kailangan talaga?" Sagot ko lang.
Bigla siyang huminto kaya natigilan ako sa paglakad ko rin at hinarap ko siya.
"Masiyado kang seryoso naman diyan umayos ka nga." pagbibiro ko.
"Ayokong mawala ka dito." seryosong sabi niya at direktang sa mata ko niya sinabi.
Napaawang naman ang bibig ko at bigla akong naubusan ng sasabihin dahil sa sinabi ni Cross.
Sandali ang lakas ng tibok ng puso ko bakit ganito...
"May masakit ba sa'yo?" Akmang hahawakan niya ako sa kamay dahil napahawak ako sa dibdib ko.
"Ha? W-wala." mabilis na sabi ko at tinabig ko ang kamay niya. Tumalikod ako agad at malalaki ang hakbang na naglakad ako.
Hays! Gagi lang ba't ganun?
Napailing ako sa naiisip ko at dire-diretso lang ako habang lutang ang isip ko. Nagulat na lang ako ng may mabanga ako, napakapit ako sa ilong ko dahil yun ang tumama.
"Aray ko naman." Reklamo ko at pag-angat ng tingin ko si Drake, natigilan ako dahil titig na titig siya sa akin.
Dahan-dahan na parang lumalapit ang mukha niya sa akin kaya nanlalaki ang mata ko.
"Hoy!" duro ko sa kanya kaya napalayo siya bigla.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Anong balak mo?" Sagot ko agad na nakahawak pa rin sa ilong ko.
"Balak?" natatawang sabi niya. "Tinitingnan ko lang kung nasugatan ko ba ang ilong mo." Natatawa niyang sabi.
Asar na tiningnan ko siya pero agad na nawala 'yon dahil nakita ko si Stella, kasama si Amy at si Celine. Magkaibigan pala sila, hindi naman nakakapagtaka.
"Wow, nagsama-sama ang mga magagandang babae." Bati ni, Drake.
Balak ko na sanang pumasok sa room pero si Drake hinaharangan ako kaya nakalapit na sa amin sila Stella.
"Ano'ng mayron dito?" Nakaangat agad ang kilay na tanong ni, Celine.
"Wala naman nag-uusap lang kami ni, Alexa." Nakangiting sagot ni, Drake.
"Nag-uusap sa tapat ng pinto? Hindi niyo ba alam na nakaharang kayo sa daraanan?" Mataray na muling ani ni, Celine.
"Huwag ka kasing humarang-harang diyan." Sita ko kay, Drake. Hinawi ko siya para makapasok na ako sa loob.
"Alexa."
Napahinto ako sa tuluyang pagpasok sa loob dahil sa pagtawag ng pangalan ko. Humarap ako.
"Nice to meet you." Ngiting demonyong bati sa akin ni, Celine.
"Masaya rin ako." Nakangiting sagot ko sa kanya, nakita ko naman na napaangat ang kilay ni, Celine.
"Mukhang nag-eenjoy ka dito." Tanong pa niya sa akin.
"Tama ka hindi ba, Drake?" si Drake ang binalingan ko, tumango naman ito.
"Pumasok na kayo sa loob."
Napalingon naman kami sa nagsalita si Justin at nasa likod na rin niya si, Cross.
"Press, nice to see you again." Maarte ang boses na bati ni Celine kay, Justin.
"Welcome back, Celine." Sagot lang ni, Justin.
"Bakit mga nasa labas pa kayo?"
Nagsi-upuan lahat ng mga nakikichismis sa may bintana dahil sa biglang pagdating ng teacher namin. Pumasok na rin kami sa loob at mga naupo na sa upuan namin, napansin ko wala doon si Dianne. Ang naupo ngayon sa puwesto niya itong si Celine.
Panira naman nandito pa sa likuran ko itong si Celine, nako umayos siya sa akin kapag talaga may gawin siya masusuntok ko rin talaga siya.