CHAPTER 19
[ ALEXA ]
"Hindi ko inaasahan na makikita ko ng matagal si Cross."
"Oo nga kasama pa si Drake, pero yung babae hindi siya pamilyar sa akin."
"Swerte naman ng babae na 'yan kasama si Cross."
Hindi ko pinansin ang mga babae na mga nakadungaw sa bintana dahil asar na asar ako. Nandito kaming tatlo sa loob ng library para maglinis pero itong dalawa na 'to.
"Sandali nga? Kumain ka na ba?" Puna ko kay Cross, hawak niya ang walis pero parang lantang gulay ang pagwawalis niya.
"Wala ako sa mood pagdating sa ganito." Walang buhay na sagot niya.
"Hays! Hoy! Ikaw bakit nakaupo ka lang diyan? Kung tumutulong ka kaya?" Sigaw kong sita naman kay Drake na nakaupo at prenting nakasandal pa.
"Kayo niyo na 'yan tinatamad ako." Sagot niya at naghikab pa.
"Ayos rin kayo aa, hindi ba kayo nahihiya ang dami niyo pa namang fans mga batugan kayo." Inis kong sabi dahil halos mapuno na ang bintana ng mga studyante na babae dahil sa dalawang kasama ko.
"Hindi ako interesado." Tipid na sagot ni, Cross.
"Mas lalo ako." bigkas rin ni, Drake.
"Anong mayro'n ha? Magsibalik kayo sa mga classroom niyo!"
Napatayo bigla si Drake dahil sa pagpasok ni Mr. Albano, pati si Cross kunwari nagwawalis. Isa-isang nag-alisan ang mga babae sa bintana.
"Anong nagawa niyo na at nalinis? Parang wala naman akong nakitang nilinis niyong tatlo. Sabihin niyo nga niloloko niyo ba ako?"
"Sir, tinatamad raw sila." sagot ko at nilingon ako ng dalawa.
"Tinatamad? Kung tamarin rin kaya ako at i-suspend ko kayo?" Salubong ang kilay na sabi ni, Mr. Albano.
"Ikaw naman sir, maglilinis na kami. Bilisan mo diyan magwalis ang lamya mo." Sita ni Drake kay, Cross.
"Gumalaw ka naman baka manakit 'yang panga mo." banat naman ni, Cross.
"Tama na 'yan kailangan bago magtanghali tapos na kayo, hindi porket anak kayo ng mga kilalang tao 'ay hindi niyo puwedeng gawin 'yan, nagkakamali kayo."
Hindi na namin pinansin ang pagsasalita ni Mr. Albano, pero mabuti nagpunta siya kasi kung hindi, wala talagang kikilos sa kanilang dalawa. Medyo may nalinis naman kahit paano.
Napalingon ako sa may pinto habang nagpupunas ng kabinet, may pumasok si Justin. May dala siyang notebook at ballpen.
"Press," bati ni Drake.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko dahil prenting naupo siya at binuklat ang notebook na dala niya.
"Para ilista ang mga ginagawa niyo at kung mayron talaga kayong ginagawa."
"Seryoso ka? Nagpunta ka lang para diyan? Akala ko pa naman nag-aalala ka sa akin." nakasimangot kong sabi pero hindi ako pinansin ni Justin, nagsusulat lang ito.
Napalingon naman ako at nagtama ang mata namin ni Cross, tumalikod ako agad dahil wala ako sa mood ngayon humanga sa kagwapuhan niya.
Natapos namin ang ginagawa namin na labag talaga sa kalooban ko, nandito ako ngayon sa cafeteria dahil gutom na gutom ako. Nakapila ako dahil medyo maraming studyante ngayon, kung puwede lang na itulak ko silang lahat. Mabait pa naman ako kahit paano.
Habang nag-iisip ako para malibang sa gutom, bigla akong napalingon dahil sa narinig ko na may bumagsak. Nakita ko sa sahig ang nagkalat na pagkain at natapon na drinks, sumunod 'yung babae na bakas sa mukha niya ang takot. May babae ang nasa harapan niya at base sa mukha ng babae 'ay galit ito. Medyo malapit ako sa kanila kaya kitang-kita ko ang takot sa mukha ng babae.
"So-sorry, h-hindi ko sina-sadiya." Parang hirap na hirap magsalita 'yung babae na nakahulog ng dala niya atang tray na may lamang mga pagkain.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo kung dinumihan mo na ang new uniform ko!?" May kalakasan na sabi ng babae na isa, maganda pa naman ang babae na 'yon pero pakiramdam ko panget ang ugali niya.
"Si Celine,"
"Bumalik na pala siya."
"Totoo pala ang balita."
"Devil is here now, hindi na matatahimik ang buhay ng iba sa kanya."
"Good luck na lang."
Natigilan ako sa mga narinig ko dahil kilala pala nila 'yung babae at kung tama ang dinig ko nagbalik lang itong sinasabi nila na, Celine.
Muli akong napatingin sa dalawa, hinubad no'ng Celine yung pamatong niya at lumapit doon sa babae. Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari, pinaghahampas niya sa mukha ng babae ang uniform niya. Nagulo na ang buhok ng babae at tinangap niya lang bawat hampas sa kanya hanggang sa may dugo akong nakita sa kanang pisngi niya. Doon ako biglang napalakad at humarang sa gitna nila.
Titig na titig itong Celine, sa akin at ganun rin ang ginawa ko.
"What? Umalis ka diyan." Mariin na utos niya sa akin.
"Tumigil ka na." Mababa ang boses na sabi ko at nginisihan niya ako.
"Sino ka para sabihan ako ng ganyan? Kilala mo ba ako?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
"Hindi kita kilala, pero ako hindi mo rin kilala." Seryosong sagot ko, mga nakatingin sa amin lahat ng mga nandito.
"Wow? Sino ba ang babae na 'to? Piling hero ka ba dito?" Nakakainsulto na sabi niya.
"Sige na umalis ka na ako ng bahala dto." Baling ko doon sa babae na nagpupunas ng luha.
"What? I'm not done!"
Humarang ako sa kanya dahil balak niyang hatakin 'yung babae. Tinitigan niya ako ng masama at balak sanang ihampas sa akin din 'yung uniform niya pero hindi 'yon nangyari.
May kamay na pumigil sa kanya at pagkakita ko si Cross, seryoso siyang nakatingin kay Celine na gulat na gulat.
"C-Cross, w-what are you doing?"
"Stop this." mahinang sabi ni, Cross.
Ano ba 'yan kiligin na ba ako? Kanina naiinis ako pero ngayon ewan ko ba parang k-drama lang ang peg ngayon dito.
"Tha't girl, she ruin my first day." Sumbong nitong Celine.
"Ano'ng ruin na sinasabi mo diyan? Ayos ka aa, ikaw nga 'tong gumagawa ng eksena dito." singhal ko dahil piling api itong Celine na 'to.
Masamang tiningnan ako ni Celine, gusto niya ulit lumapit sa akin pero hinatak na siya ni Cross palabas ng cafeteria.
"Alexa,"
Napalingon ako sa likod ko si Hannah, nakatingin lang siya sa akin.
"Sino ba 'yung Celine na 'yon?" Tanong ko kay Hannah, nakaupo na kami ngayon at sinimulan ko ng kainin 'yung pagkain ko.
"Aa, dati rin siyang studyante dito. Bumalik na pala siya at totoo ang nabalitaan ko." Sagot ni Hannah.
"Alam mo may pagka-chismosa ka rin, charot lang." Nakangiting sabi ko at napangiti rin si, Hannah.
"Mag-iingat ka kay Celine," mahinang sabi ni, Hannah.
"Siya ang mag-ingat sa akin." Sagot ko dahil hindi ko kailangan matakot sa kanya.
"Kahit na mag-ingat ka sa kanya kayang-kayang gawin ni Celine ang lahat na hindi malalaman na siya ang may gawa. Marami na siyang napaalis dito babae man o lalaki."
"Ang sama nga niya." Balewalang sagot ko.
"Hindi ka takot sa kanya?" seryosong tanong ni, Hannah.
"Hindi, maganda naman ako kaya hindi ko kailangan matakot sa kanya." Pagbibiro ko at tumawa si, Hannah.
"Maganda ka naman talaga." sabi ni Hannah, nginitian ko lang siya.
Pero naalala ko ang paghatak ni Cross kay Celine, saan kaya silang dalawa nagpunta? Bakit ko ba sila iniisip? Hindi ko dapat sila intindihin.