CHAPTER 21
[ CELINE ]
Pinagmamasdan ko ang nakatalikod na si Alexa, pinaalis ko si Dianne dito at pinalipat ng ibang room dahil wala naman siyang kuwenta, siya mismo ang nagsabi sa principal na ilipat siya dahil na rin sa utos ko.
Napalingon ako kay Cross, napansin ko na nakatingin siya kay Alexa, may kung anong inis akong nararamdaman. Parang may bago kay Cross, dati naman wala siyang pakialam sa mga ginagawa ko tapos ngayon.
Hindi naman maganda ang Alexa na 'yan, mas maganda pa rin ako. Walang papantay sa kagandahan ko, malayong-malayo si Alexa pagdating sa kagandahan ko.
Nagpilit akong ibalik ni daddy dito para dito ko na tapusin ang high school at isa pa hindi ko talaga kayang malayo kay Cross, umalis ako dito para kalimutan siya pero mas lalo ko lang siyang na-miss at hindi ko nagustuhan ang mga nababalitaan ko na may babaeng napapalapit kay, Cross.
Nilalaro ko ang ballpen ko habang malalim na nag-iisip kung paano ko mapapaalis agad ang babae na 'to.
"Ok class, tomorrow tatlong subject lang ang klase niyo dahil magme-meeting kami para sa darating na field trip, pinatawag na rin namin ang mga magulang niyo."
"Maam, need talaga na pumunta ang parent?" Tanong ni Ayesha, ang piling cute kapag nakikita kong dumaraan.
"Yes, may importante kaming pag-uusapan."
Umingay sa loob ng room dahil iyong iba ayaw lang nila papuntahin ang magulang nila dahil may mga malalaman ito tungkol sa kanila.
"Malamang mas malaking ibibigay na naman ang papa ni, Cross."
Nilingon ko banda si Drake sa may dulo, alam na alam talaga niya dahil totoo naman. Kapag may ganitong fiel trip malaki ang binibigay ng papa ni Cross, kahit hindi sumasama si Cross.
Tahimik naman si Cross na seryosong nakatingin lang sa harapan.
I'm sure naman na hindi siya ulit sasama kaya wala ng dahilan para sumama ako.
"Mabuti nga ngayon sasama na si, Cross."
Natigilan ako dahil sa narinig ko sa kaklase namin, tama ba ang dinig ko na sasama siya?
"See you class."
Umalis na ang teacher namin at inaabangan ko na tumayo si Cross dahil ako mismo ang magtatanong sa kanya.
"Sakit ng likod ko."
Tiningnan ko si Alexa, nakatingin rin siya sa akin.
"Hannah, samahan mo ako mamaya."
Hindi ko na pinansin si Alexa, dahil tumayo na si Cross, mabilis na tumayo rin ako at hinarangan ko siya.
"Sasama ka sa field trip?" Tanong ko agad sa kanya, hindi agad siya sumagot at napansin ko na napatingin siya kila, Alexa.
Hindi siya sumagot at balak na iwasan ako, mas lalo ko siyang hinarangan at nagsalubong ang mata namin.
"Yeah," sagot niya at nilagpasan na ako.
Kung ganun totoo pala? Paanong nagkaroon siya ngayon ng interes? Dahil kay, Alexa? No, no way!
--------------
--------
[ ALEXA ]
Nakalabas na kami ng room pero nasa isip ko si Cross at Celine, hindi ko na masiyado narinig ang usapan nila pero ang narinig ko tungkol sa field trip.
"Bagay ba si Celine at Cross?"
Napalingon ako kay Hannah, naglalakad kami at sa maraming tanong na puwede niyang itanong ito talaga.
"I'm sure, oo ang sagot mo kasi pareho silang maganda at gwapo." nakangiting sabi ni Hannah, hindi na niya hinintay ang sagot ko.
"Tama ka bagay sila pero hindi ko type si Celine para kay, Cross. Feel ko pa lang masama siya." Sabi ko at napangiti si, Hannah.
"Chismis na naman 'yan."
Napalingon ako si Justin, naglalakad habang may hawak na libro.
"Alam mo para kang multo bigla-bigla ka na lang sumusulpot." sabi ko at natatawa naman si Hannah, hindi naman na nagsalita si Justin. Busy ito sa binabasa niya.
"Masanay ka na sa kanya Alexa, mahilig talaga siya magbasa hanggang sa c. r." natatawang sabi ni, Hannah. Nilingon naman siya bigla ni Justin.
Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa at piling ko bagay sila, kaso si Justin dama kong torpe 'to.
----------
"Sa wakas! Friday na bukas!" malakas kong sabi sabay taas ng dalawang kamay.
"Oo nga ang bilis lang ng araw." nakangiting sabi ni, Hannah.
"May gagawin ka bukas? Samahan mo ako bibili ako ng cellphone, para naman mapalitan na itong luma kong phone." Aya ko kay Hannah, naglalakad kami ngayon papuntang locker para kunin ang ibang gamit. Tapos na ang klase namin.
"Talaga? Sure sama ako ikaw Justin?" Lingon ni Hannah, pati ako nilingon ko rin si Justin.
"Nasaan na 'yung lalaki na 'yon?" Takang tanong ko kanina lang kasi kasabay namin.
"Lagi talagang ganun si Justin, pero sasamahan kita."
"Okey," sagot ko na lang at nagpatuloy na kaming maglakad.
"Huwag ka na magtali ng buhok, Alexa."
Takang nilingon ko si Hannah, ngumiti siya sa akin.
"Bagay kasi sa'yo kapag nakalugay ang buhok mo." todo ngiting sabi niya.
"Naiinitan kasi ako kaya lagi akong nakatali, pero sabagay hindi naman mainit dito sa school." Sagot ko at sinunod ko ang sinabi ni, Hannah.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko, hinagod ko ng ilang ulit at matapos ay humarap ako sa kanya.
"Ano? Happy na?" Natatawang sabi ko at matamis ang ngiting sunod-sunod na tumango si, Hannah.
"Para sa akin mas maganda kaysa kay Celine, mas lalo siguro kapag nag-ayos ka pa talaga."
"Hays! Tamad ako sa ganyang bagay saka na kapag sinipag ako." Inakbayan ko si Hannah at nagpatuloy na kaming maglakad.
Nakarating na kami ng cafeteria para doon tumambay nakita ko si Brent, agad na kinamayan niya kami ng mapalingon sa amin.
Hindi na naman siya pumasok sa unang klase ang tibay talaga nitong lalaki na 'to.
"Si Brent, tinatawag tayo."
"Oy, kalma lang aa?" Nakataas ang kilay na sabi ko kay Hannah, piling ko kasi may crush si Hannah kay, Brent.
"Ha?" Inosenteng sambit niya.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak na papunta kay, Brent.
"Hi, Alexa. Ikaw rin, Hannah." Bati ni Brent.
"Sarap buhay aa, laging wala sa first subject." Sita ko sa kanya at naupo, nagkamot sa ulo si, Brent.
"Masanay ka na Alexa, hirap kasi akong gumising ng maaga." Sagot niya.
"Mabuti pa pala yung tropa mo laging present." sabi ko at tukoy kay, Cross.
"Si Cross ba tinutukoy mo?" Tanong ni, Brent.
Tumango ako ng walang alinlangan at biglang ngumisi ng nakakaloko si, Brent.
"Anong ngiti naman 'yan?" kuryos na tanong ko sa kanya si Hannah na katabi ko napakatahimik.
"Wala naman pero nandito na siya."
Kunot noong nakatingin ako kay Brent, sumunod lumingon ako sa likuran sa may entrance ng cafeteria papasok si Cross.
"Tara, Hannah." Aya ko kay, Hannah.
"Bakit?"
Nilingon ko si Alexa, mukhang ayaw niyang tumayo.
"Doon tayo sa kabila." aya ko ulit at tumayo na ako.
"Dito na lang kayo." Pigil ni Brent sa gusto ko.
Tiningnan ko si Hannah at ngumiti lang siya.
"Cross, ang tagal mo namang lumabas."
Lumingon ako at nagsalubong ang mata namin ni Cross, seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Ayokong umalis ka dito."
Napailing ako bigla dahil sa salita na 'yon na biglang pumasok sa isip ko. Naglakad na si Cross at na upo sa katabing inupuan ko.
"Alexa, maupo ka na."
Wala naman akong nagawa at naupo ako, magkatabi pa kami ni Cross, tahimik na lang ako.
"May inorder na ako at dinagdagan ko 'yon dahil alam kong makakasama ko kumain si, Alexa."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Brent, napatingin ako kay Cross. Hawak niya ang phone niya at may nakita akong tumatawag doon, lalaki ang name pero pinatayan niya.
Ang chismosa ko at bilis ng mata ko dahil nakita ko pa yon agad, pero sino kaya 'yon bakit niya pinatayan?
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





