CHAPTER 18
[ STELLA ]
Tahimik na nakasandal ako habang nasa biyahe papuntang school, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Alexa, mas lalo akong naiinis sa babae na 'yon. Ano bang gagawin ko para mapalayo siya, Cross. Hindi ko matatangap kung magugustuah ni Cross si, Alexa.
Iniinis mo talaga ako Alexa, pati ba naman si Cross gusto mong mapunta sa'yo? Matagal ko na siyang lihim na gusto
Pagdating sa school dumiretso muna ako sa cafeteria dahil matagal pa naman ang klase. Maaga akong pumasok ngayon dahil maaga laging umaalis si, Alexa. Pagdating ko doon nakita ko agad si Alexa, kasama si Drake.
Pati si Drake? Napakalandi mo talaga at 'yang dalawa pa talaga.
Naglakad ako palapit sa kanila bahagya pang nagulat si Alexa sa aki ng makita ako.
"Stella, tara join ka na dito." Aya ni Drake sa akin, naupo ako sa tabi ni Drake.
"Ano'ng gusto mo Stella? Treat ko na." Tanong sa akin ni Drake, pero kay Alexa ako nakatingin na parang walang nakita dahil busy sa cellphone na hawak niya.
"Tea lang sa akin." Sagot ko.
Umalis si Drake at naiwan kaming dalawa ni, Alexa.
"So, close rin kayo ni Drake."
Napaangat ang mukha ni Alexa sa akin at tiningnan ako.
"Niyaya niya ako." Sagot lang niya.
Nakaramdam ako ng nainis lalo na kapag nagsasalita si Alexa, ang sarap niya lang sampalin.
"Ito na Stella,"
Nilapit ko sa tapat ko ang tea na inorder sa akin ni, Drake.
"Pansin ko lang hindi ba kayo magkasundo?"
Tinaasan ko ng kilay si Drake dahil sa tanong niya. Nginitian niya lang ako tinuon ang atensyon niya sa pagkain na inorder niya.
"Ayos lang naman kaming dalawa hindi ba, Stella?" Nakangiting sabi sa akin ni, Alexa.
Naiinis ako sa tono ng pananalita niya dahil alam ko namang may laman ang sinabi niya.
"Yeah," tipid na sagot ko.
"Nagpunta pala kayo sa bahay ni, Cross? Sayang hindi ako nakasama." ani ni, Drake.
"Kahit naman nandoon ka sigurado ka ba sasama ka doon?" Mataray kong litanya.
Tumawa naman si Drake, alam ko naman na lagi silang nagkakabangaan ni Cross, kaya alam kong hindi rin siya pupunta doon.
"Ok lang 'din naman kami, Cross." Nakangiting sabi niya.
"Tss." mahinang sambit ko dahil alam ko namang hindi totoo.
"Mauna na ako sa inyo, salamat sa libre."
Tinignan ko lang si Alexa.
"Sa susunod ulit." nakangiti pa si, Drake.
Umalis na si Alexa, naiwan kaming dalawa ni Drake.
"Ibang klase talaga ang kapatid mo."
"Hindi ko siya kapatid." Mabilis na sagot ko at nagkibit balikat si, Drake.
"Maiwan na rin kita." Paalam niya at sinabayan ng tayo.
"May gusto ka ba sa kanya?" Mahinang tanong ko pero huminto si Drake kaya alam ko na narinig niya 'yon.
Nilingon ko si Drake, seryosonh nakatingin siya sa akin.
"Si Alexa ba ang tinutukoy mo? Kung gusto ko nga siya may problema ba?"
Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan ang sagot ni Drake, dahil kahit na minsan hindi ko pa narinig o nakita na nagkroon siya ng gusto sa mga babae dito.
"Bakit siya pa?" Muling tanong ko dahil hindi ko matanggap na maraming nagkakagusto kay, Alexa.
"Bakit siya? Hindi ko rin alam, siguro dahil kakaiba siya. Maiwan na kita, ubusin mo 'yang tea mo." Paalam niya sa akin.
Tahimik na nakatitig lang ako sa tasa at napakuyom ang kamao ko dahil naiinis ako.
--------------
------
[ ALEXA ]
Naglalakad ako papuntang locker, galing ako sa cafeteria umalis na ako doon dahil ayokonh makasama ng matagal si, Stella. Pagdating ko sa locker nakita ko si Cross, may inaayos sa locker niya.
Apat na locker ang pagitan ng locker namin ni, Cross. Binuksan ko na at kinuha ang ilang gamit ko doon dahil ayokong dalhin lahat. Napasulyap naman ako kay Cross, tahimik lang siya.
Mukhang bad mood na naman itong lalaki na 'to.
"Alexa! Nandito ka pala, pinuntahan kita sa cafeteria wala ka doon."
Si Hannah, ang fresh ng itsura niya ang cute talaga ng babae na 'to.
"Oo umalis rin ako agad doon." Sagot ko at napalingon kami bigla ni Hannah, dahil pabagsak na sinara ni Cross 'yung locker niya at sabay talikod naglakad.
"Galit ba siya?" Inosente na bigkas ni, Hannah.
"Ewan ko." Sagot ko lang at sinara ko na ang locker ko.
"Baka wala siya sa mood, tara na sabay na tayo." Aya sa akin ni Hannah, tumango lang ako.
Pagdating namin sa room natigilan ako at ganun rin si Hannah, nasa tapat sila ng upuan ko, si Cross at Drake, magkatapat sila at parang may tensyon na magaganap.
"Anong nangyari?" Mahinang sabi ni, Hannah.
"Nabanga ni Cross si, Drake."
"Hindi naman ata sinasadiya ni, Cross."
"Binangga talaga ni Cross si Drake, kitang-kita ko."
Dinig kong mga usapan banda sa likuran, kung titignan mukha konting minuto na lang at magsasalpukan na ang dalawa na 'to dahil sa tinginan nila.
"Sana dumating na si, maam."
"Oo nga, ayoko makita ang pag-aaway ng dalawa na 'yan.
Lumakad ako at dumaan ako sa gitna nila at nilapag ko ang notebook ko, matapos binalingan ko silang dalawa.
"Hindi kayo magpapaawat?" Tanong ko sa kanilang dalawa, namulsa lang si Cross at ngumisi naman si, Drake.
"Kung may problema ka sa papa mo huwag kang mandama-"
Nagulat ako sa biglang nangyari dahil sinapak agad ni Cross si Drake, pero nakaganti rin si Drake tinamaan si Cross at dumugo ang gilid na labi nito. Napaatras ako dahil nakakatakot silang dalawa mamaya tamaan pa ako sayang naman ang mukha ko. Akmang mag-aabot sana sila ulit ng pumasok ang teacher namin.
"Ano na namang kaguluhan 'yan? Kayo na namang dalawa?'
Nagbalikan sa upuan ang iba at mga natahimik ako nakatayo lang dahil nabigla ako sa nangyari.
"Kasama ka rin Ms. Braganza?"
"Ha? Ako, hindi ako kasali." Mariin na tangi ko.
"Doon na kayo magpaliwanag na tatlo, sumunod kayo sa akin ngayon din!"
"Anak ng? Buwesit naman nadamay pa ako sa inyo, sa susunod doon kayo banda sa likod magsuntukan aa." Inis kong sabi at nauna na ako sa kanilang dalawa.
Guidance office
"Sino ang nauna sa gulo na 'to?"
Walang sumasagot sa aming tatlo.
"Anong mga problema niyo at sa loob pa ng classroom kayo nag-aaway?" Muling tanong sa amin at wala na namang sumagot.
"Paano ko malalaman kung ayaw niyong mga magsalita?"
"Ako ang may kasalanan." Drake.
"Ako." Si Cross.
"Sino ba talaga?" Salubong ang kilay na tanong sa amin ni, Mr. Albano.
"Siguro ako?" Sarkastiko kong sagot na rin dahil nababanas ako.
Nilingon nila ako pareho dahil nasa sulo ako umupo.
"Dahil hindi maayos ang mga sagot niya sa akin kayong tatlo ang parurusahan ko."
Napasandal na lang ako at napapikit dahil sa inis dahil nadamay pa ako sa dalawang kamote na 'to.