CHAPTER 17
[ ALEXA ]
"Magpapasundo na lang ako kay Mang Ramon, nakainom ka rin mamaya mategi pa ako ng maaga." sabi ko at kunot noong tiningnan niya ako.
Hindi niya siguro alam meaning ng tegi.
"Samahan kitang maghintay dito." Aniya at namulsa.
Ano bang trip nitong Cross, ayokong mag-assume aa... Type kaya niya ako? Kung totoo nga 'yon malamang ako na ang pinakaswerteng babae.
Napapangiti ako dahil sa naiisip ko, napatingin ako kay Cross nagtataka ang mukha niya.
"Why are you smiling?" Seryosong tanong niya.
"Wala may naisip lang ako, pero sandali nga talaga bang ikaw lang mag-isa diyan?" Tukoy ko sa tinitirahan niya.
"Yeah, why?" Kuryos ang mukhang tanong niya.
"Wala naman ang lungkot naman kasi ng buhay mo." Sabi ko.
"Hindi naman." Maikling sagot niya.
"Kung ganun makikilala ko pala ang papa mo, may dinner diba kasama ka at ang papa mo?" ani ko dahil 'yon ang sabi ni, Stella.
"Hindi ako pupunta." sagot niya at tumingin sa ibang direksyon.
Hays! Ano bang problema ng lalaki na 'to? Ano kaya galit niya sa papa niya at ayaw niyang makasama?
"Nandiyan na sundo ko sige salamat." Paalam ko na agad sa kanya dahil natanawan ko na ang kotse, kahit medyo malayo pa ay ako na ang lumapit.
Sumakay ako agad sa kotse at pag-upo ko nakita ko pa sa side mirror si Cross, nakatayo pa rin ito doon. Malungkot rin naman buhay ko noong mawala si mama, pero parang mas malungkot ata buhay ni, Cross.
"Kamusta naman naging masaya ba ang inuman niyo?" Tanong ni, Ramon.
"Ayos lang naman." Sagot ko.
"Tumawag ang papa mo sa akin, nagtanong lang siya pero wala naman siyang sinabi na kung ano." Kuwento niya.
Hindi ako sumagot at tiningnan ako ang phone ko, nakalimutan ko bumili ng bagong cellphone. Binuksan ko ang Facebook ko at nag-scroll, naalala ko naman si Cross, nag-search ako at type ko name niya. Nakita ko ang pic niya pero naka-side view pero kahit kalahati lang ng mukha niya ay gwapo pa rin.
Sandali? Si Brent lang talaga friend niya?
Nakita ko kasi si Brent lang ang nandoon dahil sa picture kaya nakilala ko agad si, Brent.
"Ang lonely naman ng lalaki na 'yon isa lang talaga friend niya sa Facebook? Ang daminh nakakakilala sa kanya kaya naisip ko marami siyang friend or follower." mahinang sabi ko dahil ngayon lang ako nakakita ng Facebook account na isa lang ang kaibigan.
Nahihilo na ako bukas na nga ako mag-cellphone marami-rami ring beer ang nainom ko.
----------
Hindi na ako kumain kagabi dahil nakatulog na ako diretso, doon na lang din ako mag-aalmusal sa school. Nagmamadali na akong bumaba, alas sais medya na kaya maaga pa rin kung darating ako sa school.
Nakita ko si Stella, mukhang naligo na siya pero hindi pa siya naka-uniform. Nakahinto siya at mukhang hinihintay niya akong makababa.
"Mabuti naman nagpasundo ka sa driver." Bungad niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin nilagpasan ko lang siya alam naman pala niya nagtatanong pa siya.
"Close na ba kayo ni, Cross?"
Napahinto ako sa paglakad dahil sa tanong niya sa akin.
"Bakit mo tinatanong?" Balik tanong ko sa kanya.
"Tell me, do you like him?"
"Huh, ang aga naman ganyan mga tanungan mo? Sandali, kung close kami may problema ba do'n? Kung magustuhan ko man siya o hindi wala ka ng kinalaman doon." Sagot ko at tumalikod na at muling naglakad.
Inabangan niya ba ako para lang tanungin ang bagay na 'yon? Nako, kung hindi siya magustuhan ni Cross, dapat mag-move on na siya.
"Ma'am aalis na po tayo?"
"Oo," sagot ko kay Mang Ramon, nasira na agad ang umaga ko. Pumasok na ako sa loob at nagsimula ng umandar ang kotse.
Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana, maganda naman gising ko kanina nasira lang dahil kay, Stella. Nadaanan namin 'yung coffee shop balak ko sanang magpababa doon kaso nagbago isip ko doon na lang ako sa cafeteria.
Pagdating ko sa loob ng school, nagtungo muna ako sa locker area para ilagay ang gamit ko muna.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na lagi mo lilinisan ang locker ko! Wala ka bang utak at ang hina mo umintind?!"
Natigilan ako sa naabutan kong tagpo sa may dulo ng locker, may tatlong babae doon at isang babae na nakaupo na sa sahig. Bakas sa mukha nito ang pag-iyak at magulo rin ang buhok niya. Balak ko sanang huwag na pansinin 'yon dahil wala ako sa mood pero biglang lumagabog. Inuntog ng isang babae 'yung babae na nasa sahig sa locker.
Napakuyom ang kamao ko at sinara ko ng malakas 'yung locker ko, napatingin sa akin 'yung tatlo. Binitawan ng nasa gitnang babae 'yung ulo ng babae.
"Anong tinitingin-tingin mo? Umalis ka kung ayaw mo madamay!" Maangas na sabi sa akin ng isang babae na may kulay ang mga dulong buhok na pula.
Mga sisiw na naman
Naglakad ako palapit sa kanila at tiningnan ko 'yung babae.
"Tumayo ka diyan, nagpapaapi ka sa mga panget na 'to?" Sabi ko doon sa babae at napatingin sa itong babae na may sugat na ang pisngi.
"Hoy! Tinawag mo kaming panget! Gusto mo talagang-"
"SUBUKAN MO LANG GAWIN SA AKIN YAN! PAPANGET LALO 'YANG MUKHA MO!" malakas kong sigaw at bahagyang natakot 'yung isang babae.
"Piling hero ka? Sino ka ba? Mukhang bago ka lang dito aa? Mayabang ka na?" Lapit sa akin nitong babae na nasa gitna.
"Mahina pala ang chismis sa lugar mo dahil maraming nakakakilala sa akin." Nakangisi kong sagot at tumawa ng nakakaloko sa akin itong babae.
Bigla niya akong binalya sa locker at hinarang ang braso niya sa leeg ko, gigil na gigil na tiningnan niya ako.
"Sa tingin mo may magagawa 'yang yabang mo sa aming tatlo?" Nakangising sabi niya.
"Ang aga may gulo na agad dito."
Napalingon kami parehong nitong babae si Drake, mukhang bagong ligo pa at inaayos pa ang necktie niya habang nakatingin.
"Tara na Gen, nandiyan si Drake." Mahinang aya nitong isang kasama nitong Gen pala ang pangalan tatandaan ko 'yan.
"Pasalamat ka may araw ka rin sa akin." Pananakot pa niya at tinulak ko siya dahil halos masakal na ako.
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni, Drake.
Hindi ko siya pinansin nilapitan ko yung babae na nagpupunas ng luha, umalis na 'yung tatlong babae na bully.
"Ayos ka lang ba? Mga kaklase mo ba sila?" Naaawang tanong ko dito sa babae, tumango ito. Nilingon ko si Drake.
"Tulungan mo ako itayo natin siya." Sabi ko.
"Nadamay pa ako." Mahinang reklamo niya.
"Pasensya na pero salamat." Sabi nitong babae.
"Huwag mo silang hayaan na sasaktan ka lang." Sermon ko kasi naiinis ako kapag nakakakita ako ng naaapi.
"Hindi ganun kadali 'yon ang grupo ni Gen, marami sila. Hindi niya kakayanin."
Nilingon ko si Drake, natahimik ako dahil tama rin naman siya.
"Saan ba natin siya dadalhin?" Tanong ni, Drake.
"Saan ba clinic dito?" Tanong ko.
"Huwag na kaya ko naman salamat ulit, pasensya na nakaistorbo ako." Nakayukong sabi niya.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko pa at tumango siya. "Sige ikaw bahala, pero kapag may ginawa sila ulit sa'yo sabihin mo lang sa akin. Alexa Braganza." Nakangiting pakilala ko.
"S-salamat Alexa, Mary ang name ko." nakangiting pakilala niya rin.
"Sige, mag-ingat ka lagi." Sabi ko pa at naglakad na siya palayo sa amin.
"Mas lalo mo akong napapahanga, iba ka talaga."
"Tigilan mo nga ako." Sabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Libre na kita ngayon."
Nilingon ko siya na hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya.
"Dati lang unang kita mo sa akin gusto mo na akong sapakin." Natatawang sabi ko.
"Naalala mo pa pala 'yon." Kamot sa batok na sabi niya. "Wala naman bigla akong nagsawa sa ginagawa ko ngayon mayron na kasi akong matinding kalaban." Natatawang ani niya.
"Bolero, malamang ang dami mo ng naging babae. Mayabang ka na playboy ka pa." Sagot ko.
"Wala pa." Sagot niya.
Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Drake, anong mayron sa kanila ni Cross? Bakit pareho rin silang wala pang naging jowa? Samantalang sa dating kong school halos lahat ng kaklase kong lalaki nakailang babae na.
Napahinto ako sa pag-iisip dahil nasa harapan namin si Cross, seryoso siyang nakatingin sa akin at lumipat ng tingin kay, Drake.
"Ang aga mo rin." bati ko kay, Cross.
Hindi niya ako pinansin nilagpasan niya lang ako at napakunot noo ako.
Problema no'n?