CHAPTER 16
[ ALEXA ]
"Ikaw nagpaalam ka ba?" Balik tanong ko sa kanya at nakita ko na tiningnan niya ako ng mabuti.
"Yes," sagot niya at ininom ang beer na hawak niya.
"Ayun naman pala nagpaalam ka na." Sagot ko at nagtitigan kaming dalawa.
"Ang sarap talaga ng beer parang kagabi lang iniinom ko rin 'to." Basag ni Brent sa katahimikan.
"Hindi ka man nagyaya Brent," nakasimangot na sabi ni, Jayson.
"Alam mo, kapag ito ang kasama ko hindi ako puwede mag-aya." Hawak ni Brent sa balikat ni Cross, tahimik lang si Cross habang umiinom ng beer.
"Hirap talaga makasama ni Cross, mahawaan man lang ng kagwapuhan." Kamot sa ulong sabi ni Jayson, natawa naman si Hannah.
"Mabuti pa maglaro tayo ng truth or dare? Para naman may magawa tayo." Si Amy, nakangiti pa siya.
"Gusto ko 'yan." masayang ani ni, Brent.
"Kayo na lang." Seryosong litanya ni, Cross.
"Ano game ba kayo?" Ulit ni, Amy.
"Game ako," si Brent.
"Ako rin," si Jayson na mukhang excited.
"Sige sali rin ako at si Hannah, pati si Justin." Desisyon ko para sa dalawa dahil hindi sila nagsasalita, tiningnan nila akong dalawa.
"Ok, sige. Hindi ka talaga sasali Cross?" Muling tanong pa ni Amy, hindi sumagot si Cross. "Ok, itong bote paiikutin ko kung kanino tumapat siya ang tatanungin ko." Paliwanag ni, Amy.
Napapanood ko lang to sa mga palabas, sa amin naman hindi ganito ang laro. Dahil kadalasan kapag nag-iinuman away ang nangyayari o kaya naman dramahan tapos kantahan mga ganun.
"Huwag sa akin." Senyas ni Brent sa pagal na ng pagal na ikot ng bote.
"Sa'yo Jayson." masayang sabi ni Amy paghinto kay Jayson.
"Sige, dare ako." Pili agad ni, Jayson.
"Ok, sandali. I dare you na tumalon ka ng sampung beses." Utos ni, Amy.
"Napakadali." Mayabang na tumayo si Jayson at ginawa nga.
"Malamang mamaya hilo ka na." Natatawang sabi ni, Amy.
"Ako naman." Inikot naman ni Jayson ang bote at tumapat 'yon kay, Hannah.
"Hala ako na? Teka sandali, truth na lang ako." Nag-aalangan na sabi ni, Hannah.
Napatingin naman ako kay Stella, nakatingin siya kay Cross pero lumingon sa akin si Cross kaya inalis ko agad ang paningin ko sa kanya.
"Truth? Wala akong maisip, sandali... Alam ko na, sinong crush mo ngayon? Huwag mong sabihin si Cross, tama na." Naiiling na sabi ni, Jayson.
"Hindi naman pero oo dati pero ngayon..." Bitin ni Hannah sa sasabihin at napansin ko na nakatingin si Hannah, kay Brent.
"Inumin mo na 'yang beer mo, huwag mo na sagutin hindi magandang sabihin pa." Sabi ko at nagtataka naman sila.
"Ok sige na nga." Ani ni, Jayson.
"Ako na magpapaikot?" Tanong ni Hannah.
"Oo ikaw na." Sagot ko at pinaikot nga niya na ang bote at tumapat 'yon kay, Justin.
"Truth." Mabilis na sagot agad ni, Justin.
"Truth? Teka, may naging girlfriend ka na ba?" Nakangiting tanong ni Hannah, medyo mapungay na ang mata niya.
"Wala." Sagot agad ni, Justin.
"Pareho lang kayo ni Cross, idol niyo ba isa't isa?" Natatawang sabi ni, Brent. Hindi naman sumagot si Justin.
Pinaikot naman ni Justin ang bote at mayamaya huminto ito kay, Brent.
"Dare na ako, baka mamaya tungkol sa school ang itanong niya o kaya naman magpasagot sa math." Mabilis na sagot ni Brent, natawa ako at ganun rin ang iba tanging si Cross at Stella ang tahimik.
"Dare? I dare you to dance." utos ni, Justin.
"Sasayaw na 'yan." Cheer ni, Jayson.
"Go, Brent." Si Amy na naghihintay.
"Walangya bakit 'yon? Hindi nga ako marunong sumayaw." Reklamo ni, Brent.
"Hindi ko na problema 'yan." Masungit na sagot ni Justin na napapangiti.
Nilabas ni Jayson ang phone niya at nagpatugtog ng careless whisper. Kahit ayaw ay walang nagawa si Brent at sumayaw kaso nakakadiri ang sayaw niya.
"Ang sagwa mo sumayaw." Natawang sabi ni, Jayson.
"Wala akong talent, kagwapuhan lang mayron ako." Mayabang na sabi ni, Brent.
Kinuha niya na ang bote at pinaikot ulit 'yon at mga nakaabang kami hanggang sa huminto 'yon at doon mismo kay, Cross.
"Ulitin ko ayaw ng isa na 'yan sumali." Kuha ni Brent sa bote at balak paikutin ulit.
"Ako na, dare."
Napalingon kaming lahat sa kanya at bakas sa mukha ang pagkagulat nila dahil kanina ayaw niya sumali.
"Seryoso sali ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni, Brent.
"Sinabi ko na." Sagot ni, Cross.
"Ok, dare? Ano ba maganda? Baka mamaya magulpi ako kapag hindi nagustuhan nito." Ani ni Brent, napapangiti naman ako at panay ang tawa naman ni, Hannah.
"Bahala ka na diyan Brent, wala kaming kinalaman diyan." pananakot ni, Jayson.
"Ok," napansin ko na napangiti si, Brent. "I dare you, eye to eye. Ikaw na bahala kanino." nakangiting sabi ni, Brent.
Natigilan ako at natahimik ang lahat, naghihintay sa gagawin o gagawin ba talaga ni, Cross.
"Sigurado akong hindi sa akin." bigkas ni, Jayson.
Tumayo si Cross at dumaan sa gilid ng lamesa at pumunta sa akin at tumapat, nagulat ako. Bigla para akong kakapusin ng hininga, nakatitig siya sa mata ko at bumaba ang mata niya. Sumunod lumapit siya ng husto sa akin kaya nama nalanghap ko na ang amoy niya, para akong naninigas kinauupuan ko pero natigilan ako dahil may inaayos siya sa suot ko.
"Tabingi ang t-shirt mo." Mahinang sabi niya at umalis na sa harapan ko.
Hindi ko alam ano ang gagawin ko o sasabihin ko.
"Kikiligin na ba ako?" Si Brent na nakangisi.
Napatingin naman ako kay Hannah, todo ang ngiti niya sa akin. Nag-uusap sila pero ako ito lutang na lutang, hindi ko na alam kung ano pa ang mga nangyari.
"A-ayoko na." Si Hannah na nakapikit na.
"Tama na 'yan, halika na ihahatid na kita." Aya ni, Justin.
"Halika ihahatid ka na namin ni, Justin." Nag-aalalang sabi ko kay Hannah, lasing na nga siya.
"Ako ng bahala sa kanya." ani ni, Justin. Lumabas na sila ni Hannah, nakaalalay si Justin sa kanya
"Ganun ba? Sige." Sagot ko.
"Ako rin mauna na." Paalam na rin ni, Jayson.
"Sige brod, mamaya pa kami." Sagot naman ni, Brent.
"Ikaw Stella, hindi ka pa uuwi? Sabay na tayo." tanong ni Amy.
Nakatingin sa akin si Stella, hindi siya sumagot.
"Uuwi na rin ako." Paalam ko rin.
"Sabay-sabay na kayo umuwi." si Jayson na hindi pa ganun kalasing.
"Hindi na ako na lang mag-isa kaya ko naman, sige na salamat." Paalam ko na.
Lumabas na ako at nauna ako sa kanila, ayoko sumabay sa kanila saka hindi ko na lang tatawagan si Mang Ramon, mag-commute ako. Na-miss ko na rin sumakay.
"Grabe madilim na pala, kanina lang umaga pa." Mahinang sambit ko dahil madilim na sa labas.
Napalingon ako sa likod ko si Stella at Amy, huminto pa sila sa tapat ko. Kakaiba rin itong si Stella, parang hindi tinamaa ng alak. Malakas din siguro 'to uminom.
"Magpapasundo ka dito, Stella?" Dinig kong tanong ni, Amy.
"Oo, magpapasundo ako dito." Sagot ni, Stella.
"Sandali si Cross ba 'yon?"
Napalingon naman ako dahil sa narinig kong pangalan, si Cross nga at tumatakbo ito.
Ba't tumatakbo 'to?
Pagdating niya sa harapan ko nagtataka naman ako, pero napatingin ako sa bitbit niya. Naala ko naman 'yung damit ko nga pala nakalamutan ko.
"Naiwan mo." Abot niya sa akin.
"Nakalimutan ko." Sagot ko at kinuha sa kanya ang damit ko.
"Ihahatid na kita mahirap sumakay." Aya niya sa akin.
"Hindi na kaya ko naman." Sagot ko at tinalikuran ko siya.
Nakatingin ako sa daanan at inisip ko kung saan ako sasakay, may humintong kotse sa tapat nila Stella, bumukas 'yon. Driver ni Stella, binati pa ako.
"Tara na Stella, sabay ako malapit sa school." Aya ni, Amy.
Nakatingin sa akin si Stella, bago siya sumakay sa loob ng kotse.