Chapter 15

[ STELLA ]

"Babalik 'din 'yung kapatid mo."

Tiningan ko si Jayson, inis na tinalikuran ko siya. Hindi ko gusto 'yung nakikita ko at ayaw tangapin ng isip ko, hinawakan ni Cross si Alexa. Dinala kung saan at hindi namin alam kung saan siya dadalhin ni, Cross.

"Huwag kayong mag-alala diyan lang 'yan sa bahay ni Cross dadalhin si Alexa." Si Brent na parang balewala lang.

"Ano!? Sa bahay ni Cross? Hindi ba si Cross lang ang nandoon?" Nanlalaki ang matang litanya ni, Hannah.

Nakatingin sa akin si Amy, kahit hindi siya magsalita alam ko tinatakbo ng isip niya.

"Ano? Sige pupunta ako diyan."

Napatingin ako kay Drake na may kausap.

"Bad trip naman, mauna na ako sa inyo." Paalam ni, Drake.

"Ako rin mauna na." Paalam ng iba pa naming kasama.

Naiwan kami ni Hannah, Brent, Justin si Amy at Jayson.

"Mabuti pa puntahan na lang natin sila Cross, malapit lang naman dito ang bahay niya." Suggestion ko dahil isipin ko pa lang na nandoon si Alexa kasama si Cross, hindi ako mapapakali dito.

"Tama, puntahan na lang nati  sila at doon na tayo uminom hindi ba, Brent?" Segunda naman ni, Jayson.

"Ha? A-ano kasi," kamot sa ulong sabi ni, Brent.

"Tara na," aya ko na sa kanila at tumayo, alam kong hindi na makakatangi pa si Cross kapag nandoon na kami.

Isa pa ngayon ko lang makikita ang loob bahay ni Cross, hindi pa ako nakakapasok doon at yun ang mas lalo kong kinaiinis kay, Alexa.

"Oo nga baka mamaya ano gawin ni Cross kay Alexa." Si Justin.

"Kung may gawin man sila labas na tayo doon." Natatawang sagot naman ni, Jayson.

"Bahala na nga." ani ni Brent. "Ako na mag-take out ng alak at pagkain."

Lumabas na kami at hinintay lang namin si Jayson at Brent dala ang mga order nila. Nagsimula na kaming maglakad, makakarating kami agad doon dahil hindi ganun kalayo.

"Sa tingin mo ano kaya ginagawa nila ngayon?" Mahinang bulong ni Amy sa akin habang naka-angkla sa akin.

"Puwede ba huwag mo akong tanungin ng ganyan." Pigil ang galit na sabi ko, natahimik naman si, Amy. Nasa likuran kami nila.

"Sana umuwi na lang ako." si Justin habang kasabay si, Hannah.

"Oy, press. Sumasama ka pala sa mga ganito? Ngayon ka lang namin nakasama." Natatawang sabi ni Amy, nilingon lang siya ni Justin.

Pati si Justin, malapit rin kay Alexa. Bakit lahat na lang sila nasa paligid ni, Alexa. Lalo na si Cross, hindi ko matangap kanina.

Nakarating na kami sa bahay ni Cross, nakita ko pa yung motor niya at ibig sabihin lang no'n nandoon talaga sila. Si Brent ang nag-doorbell, hindi naman matagal ng buksan, pagpasok namin sa loob hinanap agad ng mata ko si, Alexa.

Nakita ko siya at iba na ang suot niya at ang damit ni Cross, mas lalong nag-ngingitngit ang dibdib ko sa galit kay, Alexa.

"Dito na lang tayo uminom at isa pa nag-uwian na ang iba." Si Brent na dumiretso agad sa sopa.

Sinulyapan ko si Cross, tahimik lang ito at hindi nagsasalita.

"Grabe ang ganda naman ng bahay mo, kahit hindi siya ganun kalaki ay kumpleto na lahat.

Lumingon ako sa kabuan at tama si Hannah, kumpleto nga sa gamit at totoo talaga na namumuhay mag-isa si Cross, hindi talaga sila okey ng papa niya.

----------------

-------

[ ALEXA ]

"Alexa, ayos ka lang ba?" Kapit sa akin ni Hannah sa braso, pero ako hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita.

"Ano'ng mayro'n? Ang tahimik niyo namang dalawa, nag-away ba kayo?" Tanong ni Brent kay Cross.

"Hindi," sagot agad ni Cross at naupo sa sopa sa tabi ni Brent.

"Big time talaga itong si Cross, ngayon lang ako nakapunta dito. Totoo talaga ang sinasabi nila may sarili kang bahay. Gusto ko rin magsolo kaso si papa." Kamot sa ulong ani ni, Jayson.

"Iba si Cross," sagot naman ni, Justin.

"Hindi ka ba nahihirapan dito, Cross?"

Napalingon ako kay Stella, kay Cross lang talaga siya nakatingin. Mga nakasalampak kami sa sahig dahil may carpet naman.

"Buksan mo na 'yan." Tukoy ni Cross sa hawak ni Brent, hindi niya pinansin ang sinabi ni Stella.

"Stella, diyan ka na wala ng puwesto." Tulak naman ni Amy, sa tabi ni Cross dahil may espasyo pa doon.

"Ay simulan na natin nabitin ako kanina." Sabi ko para magbago na itong nararamdaman ko.

"Malakas ka talaga uminom, Alexa?" Tanong sa akin ni, Jayson.

"Medyo lang naman minsan kapag nasa mood ako mas matagal akong malasing." Nakangiting sagot ko dahil doon sa lugar namin nasanay na akong uminom.

"Grabe ako hindi ko kaya 'yan, mga tatlo o apat lang lasing na ako." Nahihiyang sabi ni, Hannah.

"Ayos lang 'yan baby ka pa." ngiting ani ko.

"Siguro ang swerte ng babaeng dadalhin mo dito." Nakangiting sabi ni, Amy.

Natigilan naman ako at ewan ko ba pero napatingin ako kay Cross, nagulat naman ako dahil nakatingin sa akin si Cross, mabilis na inagaw ko kay Brent 'yung beer at tinunga ko na agad 'yon.

"Uhaw ka na ba?" Hindi makapaniwalang litanya ni, Brent.

"Ha? O-Oo," pilit ang ngiting sabi ko.

"Hindi ako magtatagal uuwi na rin aki mayamaya." Si Justin na may hawak pa rin na notebook.

"Hays! Ano ba 'yan wala tayo sa school ngayon, bakit pag-aaral yang ginagawa mo?" Puna ko kay, Justin.

"Remember? May groupings tayo bukas Mapeh, ganun rin sa Science."

"Ay oo nga pala, naalala ko pero saka na 'yan puwede naman 'diba?" Pa-cute kong sabi kay Justin, pero siya sa notebook nakatingin.

"Mabuti nga walang klase, nakakatamad kaya ngayong araw." Si Jayson na kinuha ang maliit na unan at niyakap.

"Cross, nasabi na ba sa'yo na sa Saturday may dinner tayo kasama ang papa mo at ikaw."

Nakinig lang ako sa sinabi ni Stella, pero bakit ako hindi ko alam na may magaganap pala na dinner?

"Oo," tipid na sagot ni, Cross.

"Alam mo close na close talaga family niyo Stella, kila Cross. Kaya bagay na bagay kayong dalawa." Ngiting-ngiti na sabi ni, Amy.

"Ahem! Yung alak niyo inumin niyo na." Si Brent na nakatingin sa mga beer na hawak namin.

"Alexa, anong dream mo sa lalaki?" Nakangiting baling sa akin ni, Hannah.

"Dream, sa lalaki? Wala naman, hindi ko naman 'yon iniisip." Sagot ko at uminom.

"Si Cross, perfect na siya hindi mo ba siya type? Siya lang naman ang nag-iisang kaagaw namin sa babae, kahit wala pa siyang ginagawa."

Natawa naman ako sa sinabi ni Jayson, ganun rin si Brent at Hannah.

"Tama ka, pero wala namang naging girlfriend itong kaibigan ko. Siguro wala pa 'yung babae na makakapagpatibok sa puso niya." Nakapikit pa si Brent habang sinasabi niya, nakakadiri siya.

"Ano ba namang usapan 'to, iba na lang." Ani ko sa kanila.

"Nagpaalam ka na ba kay Daddy?"

Napatingin ako kay Stella, ang dami niyang puwedeng sabihin 'yon talaga?