CHAPTER 14
[ STELLA ]
"Sasama ba tayo?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Amy, habang nakatayo at nagkakasiyahan ang lahat dahil cut na ang klase namin.
"Stella, sama ba kayo? Sabay na kayo sa amin."
Tiningnan ko si Jayson ang isa sa mga kaklase ko, kapag kaharap niya ako masiyado siyang halata na may gusto sa akin.
"Kaya namin maglakad." Inis na sagot ko at hinawakan ko si, Amy.
"Maarte ka naman, bakit dahil hindi ako kasing gwapo ni Cross?"
"Alam mo, Jayson? Huwag mo ikumpara si Cross sa'yo dahil napakalayo." Pang-aasar ni Amy.
"Come on, huwag munang pansinin." Muling hatak ko kay Amy.
"Nakakasira ng araw 'yang si Jayson, naiinis na nga ako dahil kay Alexa tapos dumagdag pa siya."
Natahimik lang ako habang naglalakad nasa unahan na ang iba at napatitig ako sa naglalakad na nakatalikod. Si Alexa, suot pa rin niya ang jacket ni Cross.
Bakit si Alexa pa? Kahit minsan hindi ako nakalapit sa'yo Cross.
"Tingnan mo ang kapal ng talaga ng mukha ng Alexa na 'yan, talagang hindi niya hinuhubad ang jacket."
Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad kami, kanina gusto kong sugurin si Alexa. Pero nagpigil ako dahil magmumukha lang akong kawawa, alam kong sinasadiya niya yon kanina at yun ang kinagagalit ko ng sobra sa kanya.
"Grabe hindi ko alam na maiinis ako ngayong last year ng high school ko, dapat kasi umamin ka na kay, Cross. Mamaya, mga kapag nakainom na tayo lapitan at umamin ka na kay, Cross."
Tiningnan ko lang si Amy, matagal ko na 'yun gustong gawin lalo na kapag nagkakasama ang pamilya namin at pamilya ni, Cross. Doon ko lang nakakasama si Cross dahil sa magulang namin.
Nakarating na kami sa palagi naming pinupuntahan dito sa restobar ng dating studyante ng Carmella high school. Mga nakaupo na ang iba, may mga nakatayo pa. Naglakad agad dahil nakita ko si Cross, pero natigilan ako ng ipaghila ni Cross ng upuan si Alexa.
Magkatabi silang dalawa at may bakante na upuan sa tabi ni Cross, naupo ako agad doon pero umupo naman sa kabila ko si Jayson. Nasa kabilang hanay si Amy, nakangiti lang sa akin.
"Ito na ata ang huling taon natin sa Carmella, kays cheers guys!" Tinaas ni Brent ang beer na hawak niya magkatapat sila ni, Cross.
Palihim na sinusulyapan ko si Cross at si Alexa na katabi niya, hindi ako mapakali dahiil magkatabi silang dalawa.
"Cheers din para sa ating bagong kaklase, para kay Alexa!" Sigaw ng isa mga kaklase namin.
Nakitaas lang ako ng baso para lang makita nila na nakikisama ako.
"Stella, pansin namin hindi kayo close ni, Alexa? Hindi ba magkapatid naman kayo?"
Natigilan naman ako at hindi agad nakapagsalita, napatingin ako kay Cross, pero umiwas siya ng tingin sa akin.
-----------
-----
[ ALEXA ]
"Mabuti uminom na lang tayo." Agaw ko sa atensyon dahil sa pagtatanong nila kay, Stella. Ayokong masira ang araw na 'to gusto kong magsaya kahit ngayon lang.
"Tama si, Alexa." Segunda ni, Brent.
"Alexa, konti lang iinumin ko aa." Mahinang sabi sa akin ni Hannah, magkatabi kami at nasa tabi niya rin si, Justin.
"Alexa, magkuwento ka naman. Bakit ngayon ka lang nakita ng papa mo?"
Nilingon ko 'yung babae na nagtanong hindi ko alam name niya.
"Oo nga naman ang tagal mo rin hindi nakasama ang papa mo." yung isa pa dagdag na tanong.
"Pero bago mo yan sagutin kailangan shot puno muna."
Sinalinan nila ang baso ko na kakaubos pa lang, pinuno 'yon at halos umapaw na dahil sa bula. Nakangiting inangat ko 'yon pero napansin ko na may nakatingin sa akin si Cross.
Hindi ko siya pinansin straight na ininom ko yon na walang babaan at binaba ko ang baso na wala ng laman.
"Grabe ang lakas mo pala uminom Alexa." Namimilog ang matang sabi ni, Alexa.
"Kaya pala ang lakas ang mag-aya." Dinig kong sabi ni, Justin.
"Lagyan mo pa." Sabi ko doon sa nagsalin ng beer sa baso ko, nagtataka na sinalinan niya muli ang baso ko.
"Wala namang maganda sa buhay ko noon noong wala pa ako dito, pero syempre dito ko na-experience 'yung wala sa nakasanayan kong mundo." Sagot sa tanong nila sa akin.
"Balita ko galing ka raw sa eskwater area?" Si Amy ang nagtanong.
"Nandito pala kayo."
Napalingon kami lahat si Drake, tinapik si Brent at pinalipat ng upuan 'yung katabi ni Brent. Si Drake ang naupo dito at magkatapat kami. Nginitian ako ni Drake, hinayaan ko na lang.
"Saan ka ba galing Drake?" tanong ng laging kasama niya, lagi naman kasing wala sa klase ang mokong na 'to.
"Wala naman nakatambay lang pero mas masarap pala tumambay dito may alak na may maganda pang babae."
"Ang dami mong alam mabuti pa uminom ka na." Sabi ko at sinalinan ko ang baso sa tapat niya at pinuno ko 'yon.
Nagtawanan ang iba at naiiling na napapangiting inangat ni Drake ang baso.
"Iinumin ko dahil ikaw ang nagsalin." Mayabang na sabi niya.
Napansin ko naman na nagsalin ng beer si Cross at pinuno niya rin 'yon, ininom rin ng diretso.
"Sasagutin ko muna ang tanong ni Amy, tama ka galing ako doon. Wala naman sigurong problema?" Nakangiti kong sagot kay Amy, hindi sumagot si Amy.
"Salinan ko na baso mo, Cross."
Napatingin ako kay Stella, hawak niya ang bote ng beer at balak ng magsalin sa baso ni, Cross. Pero kumuha ng ibang bote si Cross at siya ang nagsalin sa baso niya.
Inalis ko na ang atensyon ko doon at nagsalin muli ng alak, nakita ko sa mukha ni Stella ang pagkapahiya.
Kasalanan niya naman yon kung walang gusto sa kanya bakit kailangan niyang gawin yung makakasakit sa kanya.
"Hays! Bakit ko ba iniisip 'yon?" Sambit ko at napatingin sila sa akin lahat.
"Gusto mo pa ba?"
Napalingon ako kay Cross sa tanong niya at hindi pa ako nakakapagsalita pero sinalinan niya ng beer ang baso ko. Hindi ko alam pero bakit ganun pakiramdam ko?
Kinikilig ba ako? Hindi dala lang 'to ng beer.
"Mukhang magkasundo na kayo."
Napaangat naman ang mukha ko kay Drake. Hindi ko siya sinagot dahil dito sa nararamdaman ko, inangat ko na lang baso pero bigla ko yon natabig at natapon sa damit ko.
Bwesit naman!
"Nako Alexa, ayos ka lang ba? Sandali, wala pa naman akong extrang damit dito.
"Ayos lang ako." Sagot ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o hahawakan para ipangpunas.
"May extra akong t-shirt." Nakatayong sabi ni, Drake.
Pero biglang hinawakan ni Cross ang kamay ko at napatayo ako, hinatak niya ako. Napatingin ako sa kamay niya na hawak ako.
Ang lakas ng tibok ng puso ko bakit ganito? May sakit na ba ako sa puso?
Nakarating kami sa labas at naroon, huminto kami sa motor niya, ito gamit niya kanina papunta dito.
"Sandali saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.
"Kailangan mo magpalit ng damit malamig, babalik tayo dito." Sagot niya na hindi ako tinitingnan, nakasakay na siya sa motor.
Hindi ko alam pero umangkas ako, nag-aalalangan pa akong humawak sa kanya.
Ano ba 'to ba't parang ang hina ko ngayon ano bang nangyayari?
Halos mapayakap na ako kay Cross, grabe ang bilis niya magpatakbo kaya ang bilis namin makarating sa bahay niya.
"Kukuha lang ako ng t-shirt." Paalam niya sa akin.
Hindi naman nagtagal bumaba siya agad at dala ang damit, inabot niya yon sa akin.
"Doon ka na sa c. r, hintayin kita dito." Sabi niya.
Napatango lang ako at nagtungo ako sa banyo, nagpalit ako ng t-shirt niya at grabe ang bango sobra hindi mo na kailangan magpabango. Paglabas ko nakaupo si Cross at nakayuko.
Nilapitan ko siya at umangat ang mukha niya, pansin ko na parang antok na siya.
"Tara na baka hinihintay na nila tayo." Aya ko sa kanya pero nakatitig siya sa akin.
"Bagay sa'yo ang damit ko." Mahinang sabi niya.
"Puting t-shirt lang 'to anong bagay?" Natatawa kong sabi at hinawakan niya ako sa kamay at hinatak palapit sa kanya. Halos magdikit na ang mukha namin, nakapikit siya at biglang nanlaki ang mata ko dahil sa isipin na hahalikan niya ako.
Naalis ko bigla ang kamay ko sa kanya dahil biglang may nag-door bell. Tumayo si Cross at lumapit sa pinto, napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok.
"Alexa!" Malakas na tawag sa akin at nagulat ako dahil si Hannah.
"Dito na lang kami dude, nagalisan na 'yung iba. Ayos lang naman hindi ba? Niyaya ko sila dito total nandito naman kayo." Si Brent.
"Ayos lang." Sagot ni, Cross.
May dala silang mga plastik at kasama rin si Justin, sumunod na pumasok si Amy at Stella at pati na rin si, Jayson.
Titig na titig naman sa akin si Stella, pero mabilis na inalis niya ang tingin sa akin.