CHAPTER 13
[ ALEXA ]
Hinimas ko 'yung jacket ni Cross, kahit mukha namang hindi lukot para lang may magawa. Nakita kong titig na titig na mata ni si Stella sa akin, hindi pala sa jacket at alam ko naman ang nasa isip niya ngayon.
"Let's go na, Stella."
Napatingin naman ako kay Amy, nilingon niya rin ako at biglang nanlaki mata niya. Natatawa ako sa loob ko dahil sa mga mukha nila.
"Ang lamig sa labas noh, Hannah?" Tawag pansin ko kay Hannah na busy sa locker niya.
"Ha?" Takang sambit nu Hannah lumingon-lingon.
"Gosh, kay Cross ba 'yung jacket na yon?"
Dinig ko kahit mahina pa ang pagkakabulong ni Amy.
"Tama ka kay, Cross nga 'to." Nakangiting sabat ko at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Stella, pero iniwas niya agad ang mukha niya sa akin.
"What the? How-"
"Come on," aya ni Stella kay Amy.
Napapangiti na lang ako habang hinihimas ko ang suot ko, natatawa ako sa itsura nila lalo na si, Stella.
Sigurado akong g n g na 'yon ngayon so, totoo talagang may gusto siya kay, Cross. May pang-asar na pala ako sa'yo, Stella.
"Sila Stella pala 'yon? Tapos nakita niya 'yang jacket?" Nanlalaki ang matang ani ni, Hannah.
"Bakit?" Tanong ko at hinayaan kong suot ko lang 'yung jacket at hanggang sa matapos na ang klase susuotin ko 'to.
"Ha? Ano kasi, kung hindi mo pa alam maraming nagsasabi na si Stella, may lihim na pagkagusto kay, Cross."
"Aa, yon ba? Oo naman ramdam ko 'yun." Sagot ko lang at hinatak ko na si, Hannah.
"Baka mapag-initan ka na naman lalo na may nag-post ng pic mo na suot 'yan. Maraming nagkakagusto at nababaliw kay Cross, pero walang pinansin si Cross." Kuwento ni Hannah.
"Problema nga 'yan, pero mas problemahin nila ako kapag na hayblad ako." Natatawa kong sabi.
"Ang cool mo talaga saka ang tapang mo pa, kaya gusto kitang maging kaibigan Alexa."
Inakbayan ko si Hannah.
"Kaya magpakabait ka sa akin." Pagbibiro ko. "Joke lang, kapag may nanakit sa'yo sabihin mo lang sa akin gugulpihin ko." Mayabang na sabi ko at nagkatawanan kaming dalawa.
"Trending ka."
Napahinto kami sa paglakad dahil sa nagsalita si Justin pala ang president namin.
"Ako ba?" Turo ko sa sarili ko at tumango si Justin. "Hayaan mo sila, para mas lalo sumakit ulo nila." Nakangiting sabi ko at nagpatuloy akong maglakad.
"Malamang marami kang makakalaban dahil kay, Cross." Seryosong ani ni, Justin.
"Problemado ka naman masiyado, mabuti pa shot tayo mamaya?" Nakangiting alok ko sa kanila.
"Maaga akong uuwi mamaya." Sagot agad ni, Justin.
"Ako, hindi ako gaano umiinom." Sagot naman ni, Hannah.
"Walang tatangi iinom tayo mamaya para naman mag-celebrate tayo." Akbay ko pareho sa kanilang dalawa.
"Sige sasamahan na kita, ikaw rin Justin." Siko ni Hannah.
"Hindi ko alam ayokong mangako." seryosong sagot ni, Justin.
"Sasaama ka sa amin Justin sa ayaw at gusto mo." Giit ko at hindi sila sumagot, napangiti ako habang naglalakad kami.
-------
Pagdating namin sa pinto kung saan ang room namin napalingon lahat sa amin. Naunang umupo na si Justin at sumunod si, Hannah. Tiningnan ko ang lahat ng mga nakatingin sa akin, iba-iba itsura nila.
"Anong problema niyo ha?" Tanong ko sa kanilang lahat at biglang nagyukuan sila.
Naglakad na ako papunta sa upuan ako at napansin ko na nandoon na pala si, Dianne. Pero hindi ko na siya pinansin naupo na ko, wala pa si Cross dito.
"Ang kapal ng mukha mo suot mo talaga 'yan hanggang dito?"
Nilingon ko si Dianne at nginitian ko siya ng matamis, maganda na ulit ang mukha niya wala ng bakas ng suntok ko.
"Malamig kasi kaya suot ko 'to, ang ganda ba?" Nakangising sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.
"Sila ba ni, Cross?"
"Hindi ako makapaniwala suot niya ang damit ni, Cross."
"Bagay naman sila aa."
"Ang aga naman puro kayo chismisan, wala ba kayong kasawaan?" Inis kong turan nasisira naman ang mood ko, natahimik naman sila. Nagtama naman ang mata namin ni Stella, ang sama ng tingin niya sa akin.
"Masiyado ka kasing asumera."
Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa pagsalita na naman ni, Dianne. Tatayo na sana ako ng biglang pumasok ang English teacher namin.
Nako, swerte mo Dianne
Bulong ko dahil nangangati na naman akong manapak.
"Good morning class."
Bati sa amin pero nawala ako sa mood kaya humiga ako sa lamesa ko.
"Bakit late ka, Mr. Cuervo?"
Hindi ko pinansin ang naririnig ko dahil hindi ko naman kilala 'yung Cuervo na 'yon.
Grabe inaantok tuloy ako kanina sinisipag ako eh.
Napadilat ang mata ko dahil parang may dumaan si Cross, kakaupo lang at nakatingin siya sa akin. Bigla kong pinikit ang mata ko dahil suot ko pa rin ang jacket niya, baka mamaya anong isipin nitong mokong na 'to.
Natapos ang klase namin sa English, wala akong naintindihan, palabas na kami ng room ng may marinig kaming announcement.
"Magadang umaga sa lahat ng fourt year student, gusto ko lang sabihin sa inyo na maaari na kayong umuwi ngayon. May meeting ang mga teacher niyo ngayon sa ibang school, so mag-iingat kayo at magkita-kita tayo ulit bukas."
Mga nagsigawan lahat dahil sa announce, mga nagkagulo at nagtutulakan may nagbabatuhan ng payong. Napangiti naman ako ng maluwag dahil matutuloy ang inuman.
"Wow may party-party pala dito mukhang nalate ako."
Si Brent na kararating lang hindi na nakapasok, pero maaga siyang umalis kanina tapos hindi pala papasok.
"Mabuti pa shot tayo guys!"
Sigaw ng isa sa kaklase namin at mga nagsigawan ang iba.
"Justin! Game na!" Tawag ko kay Justin.
Si Hannah naman ay hawak ko na sa braso.
"Game ako diyan!" Masayang sabi rin ni Brent at hinatak si Cross. "Syempre kasama ang buddy ko." Tukoy niya kay Cross, wala namang sagot si Cross mukhang ok lang sa kanya.
"Doon tayo sa dati." Sabi ni, Brent. "Come one guys! Shot!" Sigaw ni Brent at nagsigawan ang iba.
Masaya pala at talagang umayon sa gusto ko ang plano ko na inom, parang sa dati kong school kapag may yayaan ng inuman mga magsasamahan at masaya ang lahat lalo na kapag walang klase. Ganito rin pala dito pinasosyal lang talaga dito.
Sabay-sabay kaming nagbabaan at lumabas ng school, nagpaalam na rin ako kay Mang Ramon na mag-iinom ako pero sabi niya huwag raw ako magpaparami ng inom. Ipapaalam rin daw niya kay papa, ok lang naman bahala na siya kung magalit siya basta ako gusto kong maging masaya.
------
Note: Baka magtaka kayo sa fourth year student 😅 yan kasi inabot ni author pasensya na. 🤣😉