CHAPTER 12

[ ALEXA ]

"Pasensya nagulat ako sa'yo." Sabi ko lang at tumingin ako sa ibang direksyon.

Bwesit bakit kasi ang gwapo nitong gag* na 'to. Kahit nagising ang gwapo pa rin.

"Aa, Alexa. Napainom kasi kami ng konti kaya nakatulog si Cross dito, sandali mabuti pa sabay na kayo magkape." Umalis na agad si, Brent.

Kinuha ko ang phone ko para doon ituon ang atensyon ko pero hindi ako makapag-focus kasi dama ko ang matang nakatingin sa akin.

"Puwede ba huwag mo akong tingnan." galit-galitang sabi ko at tiningnan ko siya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Lasing pa siguro ito lutang pa

"Malamig dito suot mo 'to."

Hinagis niya sa akin bigla ang jacket at tumama rin 'yon sa mukha ko kaya inis na tiningnan ko siya.

"Salamat aa," sarkastikong kong sabi, balak ko sanang itapon pabalik sa kanya dahil ayokong suotin ang jacket niya pero may bigla akong naisip. Napangiting demonyo ako at saktong napatingin ako kay, Cross.

"Maganda ang jacket mukhang mamahalin, ibabalik ko 'to sa'yo." Nakangiting sabi ko at tiningnan niya ako na para bang may naghihinala.

"Bahala ka." sagot niya at may dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone.

"Ito magkape na kayo, siya nga pala Alexa. Ano pala Facebook mo?" Hinanap ko ang name mo hindi ko nakita." Si Brent nilapag ang kape at nilagay sa tapat namin.

"Alam mo ang bait mong kaibigan sa kanya." Sabi ko at hindi ko inintindi ang sinasabi ni Brent, napakamot siya sa ulo niya.

"Siya lang naman masama sa akin." Madramang ani ni, Brent.

Humigop ako ng kape pero napatingin ako kay Cross, nilapag niya lang basta ang phone sa lamesa.

"Problema?" Tanong ni Brent kay, Cross.

Hindi sumagot si Cross tahimik lang siya.

"Enjoy mo lang 'yan hindi na rin ako magtatagal, uuwi pa ako sa bahay. Ikaw rin Cross, sumabay ka na lang kaya kay Alexa, magpadaan ka sa bahay mo."

Bahay? May sariling bahay si Cross? Wow aa...

"Hindi na." Sagot agad ni Cross.

"Wala kang gagamitin na sasakyan, iniwan mo ang motor mo." salubong ang kilay ni, Brent. "Alexa, baka naman puwede mo siya idaan? Malapit lang dito bahay niya. Kailangan ko na kasing umuwi kanina pa tawag ng tawag si mama."

"Ok," sagot ko na lang dahil para bang ang gulo nila. Hind naman nagreklamo si Cross, mukha ok naman siya kanya at isa pa parang pansin ko may problema siya.

"Salamat Alexa, paano maiwan ko na kayo." Paalam na ni, Brent.

"Grabe, ang yaman din niya may sarili siyang coffee shop." Sambit ko at muling humigop ng kape.

Sinulyapan ko si Cross, tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip niya.

"Uubusin mo pa ba 'yan?" Maya'y pukaw ko sa kanya dahil isang beses lang siya humigop ng kape.

"Bakit ang aga mo pumasok?"

"Yan ba ang iniisip mo o mali lang ako?" Natatawang sabi ko dahil natawa ako sa tanong niya.

"Huwag mo ng pansinin." Seryosong sabi niya at tumayo.

Tumayo na lang din ako at sinundan ko siya, sabay na lumabas kami. Nakita kami ni Mang Ramon, sinalubong niya kami agad.

"Ikaw pala sir, Cross."

Napatingin ako kay Mang Ramon, kilala niya rin pala si, Cross.

"Mang Ramon, idaan muna natin si Cross sa bahay daw niya." Sabi ko at binuksan ko ang pinto.

"Sige po."

Sumunod si Cross pumasok, magkatabi sa likuran.

"Magkakilala na pala kayo ni sir Cross, ma'am Alexa." Nakangiting sabi ni Mang Ramon sa salamin nakatingin sa amin.

Tumango lang ako at nilingon ko si Cross.

"Seryoso bahay mo? Ikaw lang talaga mag-isa doon?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala, halos magkaedad lang kami.

"Yeah," tipid na sagot niya.

"Gusto kong makita puwede ba?" Excited na sabi ko, nilingon ako ni Cross at hindi makapaniwala ang mukhang tiningnan niya ako.

Napangiti ako dahil excited akong makita ang bahay ni Cross, sa mga palabas ko lang nakikita ang ganun na kahit bata pa may sarili ng bahay. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa sinasabi ni Cross.

"Titingnan mo?"

Tiningnan ko si Cross at sunod-sunod na tumango, hindi kalakihan ang building kung saan nakatira si Cross, mukhang katulad rin ito sa mga apartment na nakikita ko mas maganda lang dito at malinis talaga.

Binuksan na ni Cross ang pinto gamit ang susi na hawak niya, sinindihan niya ang ilaw. Kumalat sa loob ang liwanag at malaya kong nakita ang kabuan sa loob. Simple ang pagkakaayos pero, kumpleto sa gamit at mukhang mamahalin din. May mahabang sopa at mababang lamesa, may malaking t. v na para bang sinehan na kapag nanood ka.

May hagdan sa gilid at napansin ko na naroon ang kama, banda sa dulo may hindi kahabaan na lamesa na salamin at ilang mga upuan. Naroon na rin ang lababo at ref at mga iba pang gamit niya.

"Ang ganda naman pala ng bahay mo at ikaw lang talaga dito? Bakit hindi ka sa magulang mo umuuwi?" Kuryos na tanong ko at naglakad ako para tumitingin pa.

"Gusto kong mag-isa."

Nilingon ko lang siya at napatango-tango, iba talaga kapag mayayaman kahit ano na lang ang naiisipan nila.

Ako kaya puwede rin magsarili? Kaso matutuwa yung dalawang bruha sa bahay huwag na lang.

Napansin ko walang kahit na anong picture sa loob at kahit saang sulok.

"Ok naman pala itong bahay mo puwede rin tumambay dito para uminom." Napapangiti kong sabi.

"Umiinom ka?" Takang tanong niya at natigilan ako na napatingin sa labi niya, namumula yon siguro dahil sa malamig na tubig na hawak niya uminom siya.

"Ha? O-oo, gusto mo ba ako subukan? Baka sumuko ka." Sabi ko at tiningnan ko ang oras sa phone at muling gumala pa ang mata ko.

"Alis na ako baka naiinip na si Mang Ramon," paalam ko na sa kanya pero wala akong narinig na salita sa kanya.

Bumaba na ako at nagbalik sa parking kung saan naroon si Mang Ramon, pumasok na ako sa loob. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ngayon lang nagsama ng babae si Cross sa tinutuluyan niya."

Napatingin ako kay Mang Ramon dahil sa sinabi niya.

"Si Brent na kaibigan niya lang ang nakakapunta doon, wala ng iba. Masaya akong nakikipag-usap na ulit siya sa iba."

"Ano'ng ibig niyong sabihin?" Kuryos na tanong ko.

"Simula ng mamatay ang mama ni Cross, naging mas malayo na siya sa iba lalo na sa papa niya."

Natigilan ako at napaisip dahil hindi lang si Mang Ramon ang nagsabi ng ganun tunkol kay, Cross. Pero bakit pati sa papa niya malayo ang loob niya?

Hays! Bakit ko ba kailangan isipin pa 'yon?

"Nandito na po tayo."

Saka ko lang napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng school, hindi ko na namalayan. Lumabas na ako at naglakad pero nag-iisip pa rin ako habang naglalakad.

"Hindi ba kay Cross 'yang jacket?"

"Baka naman kagaya lang."

"Hindi sure ako at isa pa isa 'yan sa paboritong jacket na sinusuot ni Cross."

Natigilan ako dahil sa bubuyog sa gilid ko, nilingon ko sila pero bigla silang nagtakbuhan. Natatawa na lang ako sa isipan ko at tiningnan ko ang suot ko, naalala ko pinasuot pala ito sa akin ni Cross, sinuot ko naman dahil may purpose kaya ko ito sinuot pero grabe ang bango ng jacket mas mabango pa ata sa akin.

"Alexa!"

Napalingon ako sa likuran ko si Hannah, tumatakbo palapit sa akin. Hinintay ko siya makalapit, hinihingal pa siya.

"Ang bilis mo naman maglakad." Nagpupunas ng pawis na aniya.

"Papayat ka niyan Hannah, sure ako." Natatawang sabi ko at ngumuso siya sa akin.

"Grabe ka aa, pero sandali bakit suot mo yang jacket?" Takang tanong ni Hannah.

"Jacket ito ba?" Tukoy sa suot ko. "Bakit?" Nagmamaang-maangan na tanong ko habang magkasabay kami na naglalakad.

"Ano kasi, alam ko may ganyan si Cross. Sayo ba 'yan?"

"Hindi." Nakangiting sagot ko at nagtakip ng bibig si Hannah at napapangiti.

"Hindi nga? So, kay Cross nga yan?" Ngiting-ngiti na sabi niya at piling ko kilig na kilig siya.

"Oo, bakit?" Balewala ko lang na sagot.

Impit na tumili naman si Hannah, kaya hinawakan ko ang malalambot niyang pisngi para pakalmahin siya.

"Ano ka ba, sinuot ko lang to kasi ang lamig doon sa coffee shop ni Brent." Sabi ko at binitawan ko na ang pisngi niya.

"Nakapunta ka na pala doon balak pa naman sana kitang yayain doon. Pero ok lang atlest alam mo na ngayon, ang ganda doon noh? Pero teka, grabe naman pinasuot talaga sa'yo ni, Cross?" Muling tanong ni Hannah, hindi talaga siya makapaniwala.

"Oo, ibabalik ko rin naman 'to sa kanya." nakangiti pa rin si Hannah sa akin.

"Ang gentleman naman Cross, hindi talaga ako makapaniwala grabe naman. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila 'yan." Napapapikit pa ang mata ni Hannah.

"Wala namang meaning sa akin 'to, sinadiya ko lang lang suotin rin ito para sa purpose ko." Nakangiting sabi ko.

"OMO! Naka-post ka na Alexa."

Napatingin ako kay Hannah habang hawak ang phone niya, tiningnan ko ang sinasabi niya. May pic ng babae na nakatalikod at suot ang jacket at walang iba kung hindi ako, may naka-side view rin.

"Grabe aa ang bibilis nilang mag-upload." balewalang sabi ko lang.

"New girl o girlfriend." Yan ang nakalagay sa post.

"Mag-comment ka sabihin mo pakibura now na si Alexa Braganza 'to."

"Ha? Si-sigurado ka?"

Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy maglakad, nandito na kami sa locker area at kapag sinuswere ka nga naman. Yung gusto mong makita ngayon ay nandito ngayon sa harapan ko.