CHAPTER 11
[ ALEXA ]
"Ang laki talaga ng problema nang babae na 'yon sa akin." Inis kong bigkas habang sumusubo ng kanin kasama ang paksiw na isda.
Pagdating ko galing sa school bigla akong nagutom, naumay kasi ako sa mga pagkain na nakain ko kaya naghanap ako ng ibang makakain. Sakto namang pagpasok ko sa kusina kumakain 'yung driver ko si Mang Ramon at ang iba pang kasambahay. Naamoy ko 'yung paksiw kaya natakam ako, isa pa ang mama ko ang naaalala ko sa paksiw na 'yon dahil paborito ko 'to sa kanya kahit na anong paksiw.
"Pasensya na po kung nadamay kayo sa amin, sana hindi na namin kayo niyayang kumain."
Napatingin ako dito kay Clara ang isa sa kasambahay.
"Pasensya rin maam." Nakayukong sabi naman ni Mang Ramon. Ganun rin ang iba pa.
"Ano ba kayo? Bakit kayo nag-aalala kay Stella? Sa akin kayo mangamba kapag ako nagalit dahil ako ang legit na anak, ok?" Paliwanag ko sa kanila at bigla silang napatango.
"Pasensya na maam nawala sa isip namin, pero nagpapasalamat kami dahil kayo pa lang ang nakisama sa amin dito." malungkot na sabi naman ni, Dolores.
"Nako naman, tama na nga yang drama na 'yan. Sige na maliligo na ako ang langsa ko." Napangiti sila dahil sa sinabi ko, hindi ko na pinansin at lumabas na ako ng kusina.
Pumunta na ako sa kuwarto ko para maligo dahil amoy paksiw ako, pero napapangiti na lang ako habang nasa loob ng banyo.
-------
Matapos kong maligo at makapagpalit ng damit, hawak ko ang lumang phone ko. Bukas ako bibili ng bago, syempre yung mamahalin at latest na ang bibilhin ko.
Napalingon ako sa pinto dahil may kumakatok, tatayo na sana ako ng bumukas 'yon. Hindi ko nga pala na-lock 'yon.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ng daddy niyo sa office niya sa second floor."
Hindi naman ako nakapagsalita at lumabas na 'yung isa pa na kasambahay. Naisip ko baka nakarating na kay papa ang ginawa ko sa mga kaklase ko.
Ok lang kahit pa anong sabihin niya sa akin walang mababago.
Pumunta ako sa second floor at hinanap ko ang office ni papa, hindi naman ako nahirapan dahil may mga lalaki akong nakita sa paligid. Siguro bodyguard yon ni papa, tinuro sa akin ang office niya.
Pagpasok ko sa loob malamig na amoy agad ang naramdaman ko at mabangong pabango. aircon sa loob kaya masarap din siguro dito tumambay, nakayuko si papa at may ginagawa ito.
"Maupo ka na muna anak." Wika niya pero hindi ko siya sinunod.
"Hindi na, ano bang kailangan mo sa akin?" Diretsang tanong ko, umayos siya ng upo at sumandal.
"Gusto ko lang malaman kung nag-enjoy ka ba sa bagong school mo ngayon at malaman kung may naging kaibigan ka na."
Natigilan ako dahil iba ang nasa isip ko sa sinabi ngayon ni papa.
"Ayos lang ako doon huwag mo na ako isipin." Sagot ko lang at tumalikod na ako para lumabas.
"Kung may iba ka pang kailangan sabihan mo lang ako." Seryosong sabi niya.
"Sige." Sagot ko at tumalikod na.
"Siya nga pala anak, pinalista na kita sa darating na field trip niyo. Gusto kong maranasan at ma-enjoy lahat."
Hindi na ako sumagot binuksan ko na ang pinto at tuluyan na akong lumabas, dumiretso na ako sa kuwarto ko para makatulog na ng maaga.
--------
Maaga akong nagising dahil gusto kong pumasok ng maaga, maayos na lahat ng gamit ko at suot ko na ulit ang uniform ko. Tinali ko paitaas ang buhok ko at lumabas na ako ng silid ko.
"Ma'am good morning po." Bati sa akin ni, Clara.
Tumango lang ako hindi naman talaga masama ugali ko lalo na kung mabait naman ang kaharap ko. Nagiging demonyo lang ako kapag kaharap ko ay may sa demonyo rin at lalo na kung mahaba na ang sungay.
Wala pang ibang gising mga kasambahay pa lang, malamang tulog pa ang piling prinsesa at reyna. Tukoy ko kay Luisa at Stella.
"Ma'am Alexa."
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Mang Ramon, nakasundo pa ito at hindi suot ang polo nito na uniform pero naka-slacks na siya na pantalon.
"Papasok ako ng maaga." Sabi ko at tumango agad si Mang Ramon, kinuha ang polo niya na kulay brown.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at sumandal, kinuha ko ang phone ko. Six pa lang ng umaga, alas otso ang start ng klase namin.
"Pasensya na maam kung natagalan ako." Ani ni Mang Ramon sa akin.
"Pahinaan ako ng lamig." nakapikit kong sabi imbis na sagutin ang sinabi ni, Mang Ramon.
Naramdaman ko na makina ng kotse at nagsimula na itong umandar, nakapikit lang ako habang nasa biyahe na kami. Pero dumilat rin agad 'yon, nakatingin lang ako sa bawat madaraanan namin. Hindi naman malayo masiyado ang bahay namin dito sa school siguro mga thirty minutes.
"Malapit na po tayo."
Napatingin ako sa unahan at natanaw ko na nga ang malaking gate ng Carmella High School. Napalingon ako sa kaliwa ko si may nakita akong coffee shop.
"Gusto niyo po bang dumaan saglit sa coffee shop?"
Napatingin ako kay Ramon at dahan-dahan na umaandar ang kotse.
"Sige." Sagot ko.
"Isa sa mga kaklase mo ang may ari niyan."
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Mang Ramon paghinto namin, hindi ko inaasahan na may ari ng coffee shop ay isa sa mga kaklase ko.
Lumabas na ako ng kotse at pinagmasdan ang kabuan ng coffee shop. Maganda ang pagkakadisenyo at talagang mapapalingon ka dahil pagkasosyal talaga at puwedeng tambayan. Napangiti ako bigla dahil may naisip akong bagong tatambayan ko.
"Dito lang po ako maghihintay."
Tumango ako kay Mang Ramon, lumapit na ako sa salamin pinton at tinulak 'yon. Nalanghap ko agad ang mabangong aroma ng kape, wala pang customer dito mukhang ako pa lang.
"Good morning maa-"
Nagulat naman ako sa bumati sa akin at ganun rin siya, si Brent lang naman ang nakita ko. Naka-jacket ito at mukhang kakagising lang.
"Alexa!" Bulalas niya at sa itsura niya talagang hindi siya makapaniwalang makita ako ngayong umaga.
"Ikaw pala." Sabi ko lang at lumingon sa paligid, may lumabas na babae doon banda sa may counter naka-unifrom ito at kakulay dito sa coffee shop.
"Gumanda ang umaga ko bigla nakakita ako ng maganda."
Hindi ko pinansin si Brent, naglakad ako papunta sa counter.
"Asikasuhin niyo siya sandali, Alexa. Ang aga mo yata pumasok ngayon?" Muling kausap sa akin ni, Brent.
"Trip ko lang, sandali. Anong masarap na kape dito?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.
"Maupo ka muna ako ng bahala sa kape mo, libre ko na." Nakangiting aniya. "Dito ka na lang maupo."
Alok niya sa akin doon banda sa sulok, sumunod ako doon at may sopa doon pero natigilan ako banda sa may gilid may nakaupo at nakataas ang dalawang paa sa lamesa. Hindi ko makita ang mukha dahil may takip ang sumbrero malamang tulog yon pero lalaki base sa katawan at pananamit.
"Nako, nandito pa pala 'to. Dito pa siya natulog." Kamot sa ulong sabi ni Brent.
"Sa'yo ba 'to?" Tanong ko dahil naalala ko ang sinabi ni Mang Ramon.
"Aa... Oo, sa akin nga ito." Nahihiya pa niyang sabi pero feel ko hindi siya siguro nahihiya nagpapa-cute.
"Ayos aa, bigt time ka pala kung ganun. Puwede ba akong magpunta lagi dito?" Tanong ko at kinuha ko ang isang unan para yakapin dahil bigla akong nilamig ang lakas ng aircon dito.
"Oo naman ikaw pa."
Napangiti ako pero napatingin ako sa lalaking gumalaw, umatras pa ang lamesa dahil sa paggalaw ng paa niya at inalis niya ang sumbrero na nakatakip sa mukha.
"Oy, Cross. Umuwi ka na para makapasok ka pa."
Hindi ko naman inaasahan na si Cross pala ang natutulog, hindi ako agad nakapagsalita dahil para bang nag-slow motion pa paghawi niya sa buhok niya at paghimas sa batok niya.
"Bakit nandito ka?"
Doon ako biglang natauhan dahil sa tanong ni Cross, hindi ko alam pero bigla ko siyang nabato ng unan na hawak ko at tumama yon sa mukha niya.