CHAPTER 10
AN: Salamat po sa mga nagbabasa at magbabasa pa, feel free to comment para mas lalong ganahan si author 😉😘❤❤❤.
__________
_____
[ STELLA ]
Sirang-sira ang araw ko ngayon dahil sa Alexa na 'yon, masiyado siyang pabida at lahat inagaw niya ang atensyon. Simula ng dumating siya kahapon at ngayon nga dito rin siya enroll ni Daddy, gusto ko man tumutol wala akong magagawa.
Nasa kotse ako ngayon hinatid ako ng sarili kong driver, kung tutusin kaya ko ng magneho dahil nag-aral akong mag-drive. Pero ayaw ni daddy dahil hangga't nag-aaral raw ako. Kailangan kong magpahatid sundo, need kong sumunod.
Tumunog ang phone ko at si mommy ang tumatawag, hindi ko na siya nakita kanina pagpunta niya sa school dahil wala ako sa mood. Lalo na 'yung nakita ko na kung paanong hinubad ni Cross ang suot niya para ipantakip sa ulo ni, Alexa. Kahit minsan walang pang ginawang ganun si, Cross.
"Are you there?"
Bahagyang gumalaw ang balikat ko dahil sa nagsalita, sinagot ko na pala ang tawag ni mommy pero dahil malalim ang iniisip ko hindi ko na napansin ang pagsasalita niya.
"Ok, sa bahay na tayo mag-usap alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na agad pag-uwi mo, dumaan muna ako sa daddy mo."
"Ok," sagot ko lang.
Hindi naman nagtagal nakarating na kami agad sa mansyon. Simula ng ampunin ako ni daddy noong sampung taon ako, napamahal na talaga siya sa akin at tinuring ko na talagang ama. Binigay sa akin lahat ng kailangan ko at lahat ng hilingin ko, wala akong kaagaw dahil ang alam namin noon ni mama wala siyang anak. Dahil hindi sila nagkaanak ng asawa niya noon, pero ito isang araw nalaman namin na sekrito na pinahahanap ni daddy 'yung babae na nagkaroon ng parte sa buhay niya.
Walang iba kung hindi ang mama ni Alexa, isang bayarang babae na naanakan ng katulad ni daddy. Nalaman namin na nagkaanak ang babae na 'yon at inalam nga ni papa, ngunit patay na yung mama ni Alexa, ng matagpuan sila ni daddy.
Hindi ako natutuwa dahil may kapatid na ako, naiinis ako dahil may kaagaw na ako at kahati sa lahat. Ngunit mas lamang si Alexa, dahil siya ang tunay na anak. Umiiyak ako no'n kay mommy dahil baka mabawasan na ang pagmamahal sa akin ni daddy.
Natigilan ako pagpasok ko sa malaking mansyon na napapalibutan ng mga mamahalin na gamit. Ako prinsesa dito dati ngayon, pangalawa na lang ba? O wala na?
"Ma'am Stella, nandiyan na po pala kayo. Ipaghahanda ko ba kayo ng makakain?"
Nilingon ko 'yung Merly ang isa sa katulong dito, hindi ko siya pinansin at malalaki ang hakbang na tinungo ko ang hagdan. Diretso ako agad sa kuwarto ko at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng tumunog ang phone ko, tumatawag si Amy thru video call.
"Nakauwi ka na?" Tanong niya agad.
"Yes," sagot ko at hinatak ko ang unan para yakapin.
"Alam kong alam mo na ang balita na nagpa-register na si Cross sa field trip, hindi ba nakakaloka?"
Hindi ako sumagot natahimik ako dahil isa rin 'yon sa pinagtataka ko dahil biglang sumama si Cross, dahil walang hilig ito sa ganito. Pero ngayon nauna pa siya nagpalista kasama si, Brent.
"Hindi ka ba masaya? Malay mo ito na ang pagkakataon mo na mapalapit kay, Cross. One week ang trip natin parang bakasyon na rin, para 'daw bago dumating ang exam natin ma-refresh ang mga utak." Natatawang sabi ni, Amy.
"One week?" sambit ko dahil hindi ko alam na ganun pala 'yon katagal.
"Yep, maghanda ka ng mga susuotin mo lalo na yung pinaka-sexy mo na pang-swimming malay mo maakit sa'yo si, Cross."
Napangiti lang ako sa sinabi ni Amy, pero naisip ko baka ito na nga ang pagkakataon ko na mapalapit sa kanya.
"Yung Alexa, kasama ba?" Maya'y tanong ni, Amy.
"Hindi ko alam pero sana huwag na siyang sumama." mahinang sabi ko dahil masisira lang ang field trip ko sa kanya." naiinis na sabi ko.
"Hay nako, I'm sure naman na sasama 'yan. Ok sige na, mag-shower na ako, bye na."
Hindi na ako nagpaalam kay Amy, nawala na ito at muli akong natahimik. Naisip kong mag-shower na.
-----
Lumabas ako ng kuwarto pagkatapos kong maligo dahil nakaramdam ako ng gutom. Ayokong magpadala ng pagkain dahil minsan hindi ko gusto ang dinadala nilang pagkain sa akin.
Walang tao habang bumaba ako ng hagdan, ala singko pa lang ng hapon mamaya pa darating si daddy mga alas otso ng gabi. Pagbaba ko tahimik rin sa sala, naisip ko baka nasa kusina ang mga tao dito para maghanda ng hapunan.
Hindi pa ako nakakarating sa pinto ng kitchen narinig ko na agad ang mga tawanan at malalakas na usapan. Pagdating ko doon, natigilan ako dahil mga busy sila kumain at hindi ko inaasahan na makikita ko si Alexa, kasamang kumain ang mga katulong at driver.
"Kumain ka pa maam Alexa, sigurado akong namiss mo ang pagkaina na 'yan."
Naka-cross arm na nakatingin ako sa kanila, saktong susubo na si Alexa gamit ang kamay nito. Napalingon ako sa ibang direksyon dahil nandidiri ako sa kamay niya na may mga kanin.
"Ikaw pala Stella, gusto mo ba? Paksiw na gg 'to."
Alok sa akin ni Alexa, tiningnan ko siya ng masama dahil ang lakas ng loob niyang alukin ako ng nakakadiring pagkain na 'yon.
"Pasensya na maam, Stella." Nakayukong hinging pasensya nilang lahat sa akin.
"Sandali nga, bakit kayo humihingi ng pasensya? Wala naman kayong ginawa."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Alexa, wala talaga siyang alam dahil galing siya sa basurang lugar.
"Pero kasi maam Alex-"
"Hayaan mo siya huwag niyo intindihin, kumain lang tayo." Litanya pa ni, Alexa.
Naiinis lalo ako dahil para bang pinaparamdam niya sa akin na wala akong karapatan.
"Watch your every move because you are no longer in the place you came from." Inis kong sabi at tinalikuran ko na sila.
"Hoy!"
Hindi ko pinansin ang tawag ni Alexa, ayoko siyang patulan dahil magmumukha akong walang pinag-aralan. Isa pa maaari naman akong gumawa ng hakbang na hindi ako ang kikilos.
One day Alexa, malalaman mo rin kung saan ka talaga nababagay.