Chapter Twenty-Four The Wedding
"MOMMY, NAGDESISYON KAMI NI RYU na sa Heavenstar Guest House namin gaganapin ang kasal. Simpleng Garden Wedding ang gusto naming dalawa. Tayo-tayo lang," paliwanag ni Aireen sa kanyang Mommy.
Ilang araw lang kasi ay ikakasal na sila ni Ryu. Nang sabihin nila ang location ng kasal nila, nakita nilang hindi naging sang-ayon roon ang kanilang mga Ina.
"Magbabawas lang kami ng konting bisita," dagdag ni Ryu.
"Si Gerald pa rin ang Bestman. Si Ate Mary, ang Maid Of Honor ko. Si Rhaine ang Flower Girl. Si Ate Ging ang Bride's Maid, at ang magkapatid na Jayson at Sol lang ang abay ko."
"Pero..." tutol pa sana ang Mommy niya.
"Hayaan na natin ang bata magdesisyon about sa kasal nila, Mahal," malambing na awat ni Daddy Roman sa asawa nito.
"Pati mga Ninong at Ninong n'yo?" tanong ni Mama Annie.
"Wala kaming binago," si Ryu ang sumagot.
"Mabuti naman," Sabi ni Mama Annie.
"Before the wedding doon na tayo sa Guest House tutuloy. Nacontact ko na ang magkapatid tungkol rito, at kinausap na sila ng Wedsing Coordinator na kinuha ninyo. Nakapag-coordinate na rin kami sa pareng magkakasal sa amin," pagpapatuloy ni Aireen.
"Hindi naman pala nila binago lahat!" natatawang komento ni Papa Vicente, "Nagbawas lang sila ng Abay at konting guest."
"Gusto kasi namin na simple na lang, Pa..." sabi ni Ryu.
Tumango-tango ang lahat.
Sa haba-haba ng pag-uusap nila ay nagawa nilang mapapayag ang kanilang magulang sa gusto nila. Pakiramdam ni Aireen ay perpekto na ang lahat.
At tulad ng napag-usapan, a day before the wedding ay nagcheck-in silang lahat sa Guest House. Kitang-kita nila ang tuwa sa mukha ni Kuya Jayson dahil buong buwan na walang itong naging guest. Sumigla ang paligid dahil sa pagdating ng pamilya nila Aireen at Ryu.
"First time sa history ng guest house namin ang magkaroon ng kasalan rito!" tuwa ni Kuya Jayson.
At nang dumating na ang araw ng kasal, naging abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho. Pero pagkagising ni Aireen ay dali-dali na siyang tumakbo sa banyo dahil pakiramdam niya biglang bumaliktad ang sikmura niya.
"Ate ok ka lang?" tanong ni Sol na siyang kasama niya sa kuwarto. At hinihintay na nila ang make-up artist nila.
"May nakain yata akong hindi maganda," sabi niya.
"Wala naman tayong ibang kinain kungdi iyong barbeque diba? Nakita nga kita hindi ka masyadong kumain," sabi nito.
"Hindi ko alam, pero parang ang sama ng pakiramdam ko," sabi niya.
"Baka kinakabahan ka lang?"
"Siguro nga," pagsang-ayon na lang niya. Saka na dumating ang kanilang make-up artist.
Mahigpit na binilin sa kanya ng Mommy niya na huwag na huwag siyang lalabas ng kuwarto. Hindi raw maaaring makita ng Groom ang Bride bago ang araw ng kasal. Kaya hanggang text lang sila ni Ryu ng araw na iyon.
Habang lumalapit na sa tinakdang oras lalo lang nakakakaramdam ng kaba si Aireen. Hindi na rin nagiging maganda ang pakiramdam niya.
"Ay, ang ganda naman ni Tita Ai!" komento ng Ate Mary niya nang silipin na siya nito sa kuwarto nila ni Sol. Kasama ng Ate niya ang anak nitong si Rhaine na nakabihis na rin.
"Ang cute naman ng pamangkin ko," lambing niya rito.
"You are so pretty, Tita! You look like my favorite Disney Character, Queen Elsa!" puri ng bata.
"Ay hindi naman!" nahihiyang sabi niya rito, at namula pa ang magkabila niyang pisngi.
Nasa ganoon silang senaryo nang puntahan na sila ng Wedding Coordinator nila. At sinabi nito na kailangan niyang bumababa, at dumating na ang paring magkakasal sa kanila ni Ryu.
"I love you, Sis!" niyakap pa siya ng ate niya bago lumabas ang mga ito.
"I loye you too, ate!" ganti niya.
Saka na siya inalalayan ng kanyang Wedding Coordinator palumabas ng kuwarto. Sa kuwarto siya ni Sol pinatulog ng kanyang Mommy dahil nasa first floor iyon. At hindi na niya kailangan pang bumababa ng hagdanan.
Papalabas na si Aireen sa main door ng Guest House. Nakikita na niya sa labas ang nakahilerang arko kung saan naparaming bulaklak. Dumaan siya roon patungo sa malawak na hardin kung saan naghihintay ang lahat.
Alam ni Aireen na sa kanya ang tingin ng lahat kaya lalo lang siyang kinakabahan. Sa dulo ng aisle ay natanaw niya ang kanyang groom na nakangiting naghihintay sa kanya.
Napaguwapo nito sa suot nitong barong tagalog. Lalong lumitaw ang kaputian nito.
Hinatid siya ng kanyang Daddy at Mommy patungong altar.
Nasa kalagitnaan na siya sa paglalakad nang makaramdam siya ng hilo. At sa isang iglap lang ay nagdilim ang kanyang paningin. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang ay mabilis siyang nasalo ng Daddy niya.
"Anak, anak!" tinapik-tapik ni Mommy Luz ang pisngi ng anak.
Nagulat ang lahat dahil sa nangyari. Napatakbo naman si Ryu sa kinaroroonan ng kanyang Bride.
"Sandali... Sandali..." paghawi ng isang Ninang nila. Ito ang family doktor ng Martinez at Salazar. Kaagad nitong pinulsuhan si Aireen.
Sa kamay.
"Itakbo na natin siya sa hospital!" natatarantang sabi ni Mama Annie..
"Shhhh..." awat ng Ninang nila saka hinawakan ng pulso ni Aireen na banda sa leeg. At saka napakunot ang noo nito.
Ilang saglit pa ay unting-unti nang nakamalay si Aireen. At naguguluhan itong napatingin sa kanila.
"A-Ano pong nangyari?" nagtatakang tanong niya at kay Ryu siya tumingin.
"Hinimatay ka," tugon nito.
"Ano kasi bigla lang akong nahilo," nahihiyang tugon niya.
"Ija, madalas ka bang nakakaramdam ng pagkahilo?" agaw na tanong ng Ninang nilang doktor, "Sumuka ka ba kanina umaga? Pakiramdam mo, lagi ka na lang sinisikmura?"
"Sumuka po 'yan!" sabat ni Sol.
"Buntis ka ba, Anak?" pagdududang tanong ng Mommy niya.
"Po?" gulat niya. Saka siya napaisip na almost two weeks na nga siyang delay sa menstration niya. Nalilitong napatingin siya kay Ryu.
"Mamaya tse-check-up-pin pa kita, after ng wedding ceremony," ngumiti ang Ninang nila, "Kaya mo ba pang ituloy ito? Makakapaghintay naman yata si Ryu."
"O-opo! Kaya po, Ninang!" sabi niya.
Ngumiti ito.
Muling pinagpatuloy ang kasal. Inalalayan siya ng husto ni Ryu. At
dahil sa nangyari minadali ang ginawang sermonya ng pare.
"You my kiss the Bride!" iyon ang utos ng Pare na siyang hudyat ng pagtatapos.
Umugong ang malakas na palakpakan ng mga bisita. At nang matapos iyon ay kaagad na check-up si Aireen ng Ninang nila.
"Tama nga," ngumiti ito saka tumingin ang Doktor kay Ryu, "Congratulation! She's pregnant."
"My God!" bulaslas ng mga ina nila.
Nagulat naman si Ryu at hindi halos makapagsalita. Niyakap lang nito si Aireen.
"Bisitahin n'yo ako sa clinic ko ah?" ngumiti ang Ninang nila bago ito nagpaalam para bumalik sa reception area.
"Nakatakot ako, akala ko hindi na naman matutuloy ang kasal n'yo!" mangiyak-iyak na turan ni Ate Mary.
"A-Akala ko dahil lang ito sa kinain ko kagabi," natutulang sabi ni Aireen habang hawak-hawak pa rin ni Ryu ang kamay niya.
"Kaya pala ang sungit mo sa akin lately!" natatawang pagsusumbong ni Ryu.
"Sorry na, hindi ko kasi alam," ngitian niya ang asawa.
"Magiging lolo na ulit ako!" tuwang react ni Daddy Roman!
"Ga'nun pala ang pakiramdam!" tuwa rin ni Papa Vicente.
"Feeling ko, tumatanda na tayo!" sabi naman ni Mama Annie.
"Tama ka!" segunda ni Mommy Luz.
Tumawa naman silang lahat. Saka na sila nagdesisyon na humarap na sa kanilang mga bisita. Kung saan sinalubong ulit sila ng masigabong palakpakan.
"Congrats!" bati ng mga ito sa newly wed.