Chapter Twenty-Three Rhaine
NANG HAPON DING IYON ay nagdesisyon sila ni Ryu na magtungo sa restaurant ng mga Salazar. Gusto na rin kasi nilang magset ng isang dinner date para sa kanilang pamilya, at silang dalawa mismo ni Ryu ang magluluto.
Nang marating nila ang restaurant ay maabutan nilang nag-iinuman ang kanilang mga tatay.
"Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang anak ko. Yung isa naglayas, at 'yung isa naman may anak na pala!" may hinanakit na sabi ng Daddy ni Aireen.
"Malalaki na nga sila," komento na lang ng Daddy ni Ryu.
"Daddy!" tawag ni Airee. Saka siya pagalit na lumapit rito, "Umiinom kayo sa oras ng trabaho? Saka diba sabi ni Mommy, iwas-iwasan mo na ang alak?"
Natulala naman ang Daddy niya sa kanya. Ganoon rin ang Papa ni Ryu. Parang nakakita ang mga ito ng multo. Nanlaki bigla ang mga mata.
"Daddy nandito na po ako!" ngumiti siya sa mga ito.
Wala sa loob na niyakap siya nito. Saka ito umiyak, "Totoo nga ah! Bumalik ka na nga!"
"Ayyy... Daddy naman!" saway niya rito pero nagawa niyang aluin ang likod nito.
"Namiss lang kita," sabi nito.
"Oh, 'yung singsing!" sita ni Papa ni Ryu nang nakita nito ang singsing sa daliri ni Aireen.
Bigla namang tinignan iyon ng Daddy niya. Parang sinisiguro nito kung iyon nga ba ang singsing na galing kay Ryu.
"Daddy, Papa..." pinasalin-salin ni Aireen ang kanyang paningin sa dalawang lalaki, "... Itutuloy na po namin ang kasal."
Mabilis namang bumakas ang gulat sa mukha ng mga ito.
"Nagbabalak po kami ni Ai na magkaroon tayo ng family dinner dito para mapag-usapan ang kasal namin," nakangiting sabi ni Ryu.
"Totoo nga, hindi ako nanaginip," tuwa ng Daddy niya na parang kinikilig pa.
"Kami po ang magluluto! Okay lang naman po diba?" paghingi ng permiso ni Aireen sa ama niya.
"Aba, pwedeng-pwede naman!" pagpayag nito.
"Tara na..." aya na ni Aireen, at hinawakan niya ang kamay ni Ryu papasok sa dirty kitchen. At minsan pa niyang nilingon ang dalawa, "Hinto n'yo na ang pag-inom n'yo! Isusumbong namin kayo!"
"Ahh, oo! Hihinto na kami!" sabi na lang Papa ni Ryu kahit na hindi pa talaga nila nababawasan ang wine na binuksan nila.
Samantalang sinimulan na nila Aireen ang pagluluto. Si Ryu ang taga-hiwa ng mga sangkap. Samantalang masaya naman silang pinapanuod sa malayo ng kanilang ama.
Lihim naman kinikilig ang ibang staff ng restaurant nila. Nakikita kasi ng mga ito ang sweetness ng dalawa.
Malapit na silang matapos nang pumasok sa dirty kitchen ang Ate Mary niya, "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige, ate..." pagpayag ni Aireen. At nagtataka niyang sinundan ang kapatid patungo sa likod kung saan binabagsak ang mga supplies nila.
Pagkaharap niya sa kanyang kapatid ay inabot nito sa kanya ang cellphone nito. At sinenyasan siya nitong panuorin ang videong iyon. Na siya namang ginawa niya.
Noong una ay napakunot ng noo ni Aireen. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang oarang umakyat ang dugo sa kanya ulo dahil sa kanyang napanuod.
"Kaylan 'to?" tanong niya.
"Kahapon lang," tugon nito, "Pinagtapat ko na kanina kina Mommy ang totoo dahil gusto ko nang mabawi ang anak ko. Pero hindi alam ang gagawin ko?"
"Ate, sino ba 'yung sana video?" tanong niya.
"Siya ang asawa ni Fred," tugon ni Ate Mary.
"Asawa?" napakunot ang noo ni Aireen, "Pwede ba akong magtanong, ate? Bakit nga pala nasa ex mo si Rhaine?"
"Noon kasing nasa Canada kami, aaminin ko na naging pabaya akong ina kay Rhaine. Masyado akong naging workaholic, at napabayaan ko na siya. One time, weekend noon nang hindi sinasadyang matabunan ng pinakulo kong mainit na tubig si Rhaine. Masyadong pinalaki ni Fred ang isyung iyon. Muntikan pa niya akong ipakulong."
"My God, Ate..." gulat na gulat na reaksyon ni Aireen, "Bakit mo ito tinago sa amin? Bakit sinekreto mo ang tungkol sa Fred na 'yun?"
"Kasi may ibang asawa si Fred rito sa Pilipinas!" pagtatapat nito.
Napanganga si Aireen.
"Hindi totoong kinasal kami sa Canada. Nagsama lang kami pero hindi alam ng pamilya ni Fred. Hindi magkaanak ang asawa niya. Nang matuklasan nito ang sa amin ng asawa niya, pinauwi niya si Fred kasama ang anak ko."
"My God," tanging naging reaksyon ni Aireen.
"Aireen, tulungan mo ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Nalilito, at natatakot para sa anak ko! Napagbubuhat ng babaeng iyong ang anak ko."
Niyakap ni Aireen ang kapatid niya.
"Gusto kong mabawi ang anak ko, Aireen! Please help me!" pagsusumamo nito sa kanya.
"S-Sige, ate..." tumango- tango siya, "... ngayon din kukunin natin si Rhaine!"
"Pero diba may--"
"Mas mahalaga si Rhaine, ate..." agaw niya, "... kaya uunahin natin siya."
"Salamat!" mangiyak-ngiyak na sabi nito.
"Mamaya ka na magpasalamat," tinapik na niya ang balikat nito. At saka nila hinila ang kapatid pabalik sa loob.
"Aalis muna kami. Pahiram muna ng susi ng sasakyan," sabi niya kay Ryu.
"S-Saan kayo pupunta? At mukhang susugod kayo sa gyera?" nagtatakang tanong nito.
"Susugod nga kami," sabi nito.
"Pero... "
"Kung gusto mo sumama ka na lang. Kukunin natin si Rhaine!" sabi niya rito.
"S-Sige!" anito.
Mabilis na rin silang nagpaalam sa kanilang Daddy at Papa. Kahit nagtataka ang mga ito kung saan sila pupunta ay pinayagan naman sila.
"Ate, sa Las Piñas ba nakatira ang ex mo?" tanong ni Aireen.
"Hindi na. Nasa Quezon City sila ngayon," tugon nito, "Akala nila kahit ilang beses nilang ilayo sa akin si Rhaine, hindi ko mahahanap!"
Habang nasa biyahe, naikwento ni Aireen kay Ryu ang dahilan kung bakit susugod sila ngayon sa ex ni Ate Mary. Napag-alamanan nilang Alfred ang pangalan nito. At dahil malapit lang ang Quezon City, madali lang nila natunton ang condo unit na tinitirhan mga ito.
Sinabi na ni Ate Mary kung room ang Ex nito. At saka nila ito pinuntahan.
Si Aireen na ang nagdoorbell. Nakailang pindot pa ang ginawa bago ito bumukas. Bumungad sa kanilang paningin ang isang matangkad na lalaki.
"Ate siya ba?" tanong ni Aireen sa ate niya pero hindi niya inaalis ang kanyang paningin sa lalaki.
"Mary?" napakunot ang noo n Fred nang makita nito si Mary sa likod nila Aireen at Ryu, "What is the meaning of this?"
"May babawiin lang kaming mahalagang taong kinuha mo, Mr. Ex!" matapang na tugon ni Aireen.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang sumilip sa kanila ang isang babae at si Rhaine.
"Mommy!" tuwa ni Rhaine nang makita nito ang ina. At mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan nila.
Mabilis namang niyakap at kinarga ni Ate Mary ang anak nito.
"Diba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na kami?" parang galit pang sabi ng asawa ni Fred.
"Bakit ba lagi n'yo na lang nilalayo sa akin ang anak ko?" hinanakit na tanong Mary.
"Wala ka namang kwentang ina," sabi ng lalaki.
"Oi, lalaki! Ano'ng karapatan mo para tawagin siyang walang kwentang ina?" pinandilatan ng mata ni Aireen ang lalaki. Nagawa pa niyang duruin, "Una sa lahat, siyam na buwan niyang dinala si Rhaine sa sinappupunan niya! Siguro kaya mo ginawang kabit ang ate ko para lang ananakan! Dahil walang kakayahan ang asawa mong tuparin ang pangarap n'yong magkaanak!"
"Sino ka ba?" tanong nito.
"Ako?" nanunuyang tinuro pa ni Aireen ang sarili, "Ako lang naman ang Tita ni Rhaine?"
"Matalas ang bibig ng babae ito ah!" pasuhod na sana ang babae nang mabilis na namagitan si Ryu.
"Subukan mong saktan ang asawa ko, sa korte tayo magkikita-kita!" Pagbabanta tinitigan ni Ryu ang babae.
Gulat namang napatingin si Airee kay Ryu. b
"Pwede bang umalis na kayo. Kakasuhan ko kayong tresspassing eh!" maarteng sabat ng babae.
Kung hindi nagkakamali si Aireen, ito 'yung babae sa video na pinanuod sa kanya ni Ate Mary niya. Ang babaeng itong ang nananakit kay Rhaine. At pagkakamalan niya, Glaiza ang pangalan nito.
"Kami pa talaga ang plano mong kasuhan? Maipapaliwanag mo ba 'yung mga sugat at pasa ng pamangkin ko?" hamon ni Aireen.
"May kalikutan talaga 'yang bata. Doon niya nakukuha 'yun. Makapagsalita ka parang pinapalabas mo na sinasaktan ko 'yung bata!" depensa nito.
"Bakit hindi ba? Wala pa nga akong pini-pinpoint, nagreact ka na agad! Masyado ka namang guilty!" tumaas pa kilay ni Aireen. Saka niya binalingan ng tingin ang ex ng ate niya, "At ikaw, alam mo naman ang pinagkaiba ng aksidente sa sinasadya diba? Noong nabuhasan ng tubig na mainit si Rhaine sa Canada, binalak mo pang ipakulong ang ate ko samantalang hindi naman niya iyon sinasadya! Pero itong bruhilda mong asawang baog, sinasadya niyang kurot-kurutin ang pamangkin ko!"
"A-Alam n'yo, bago kayo magbintang maglabas muna kayo ng ibidensya na talagang sinasaktan ko ang bata!" pagdepensa pa rin ng Glaiza na ito ang sarili niya.
"Ibidensya ba ang hanap mo? Pwes, ibibigay namin 'yun!" saka inabot ni Aireen ang cellphone sa lalaki. At pinanuod nila rito ang video.
"Sinasaktan mo talaga ang anak ko?" baling ni Fred sa asawa nito, "Sabi mo sa kakulitan lang niya nakukuha ang mga sugat niya!"
"H-Hindi mo naman alam ang kwento ng video na 'yan eh!" katwiran nito.
"Pero ginawa mo!" singhal ng lalaki.
"Kung tutuusin pwedeng-pwede namin kayong kasuhan ng Child Abuse!" pagbabanta ni Ryu. At naniningkit ang mga mata nitong tumingin kay Fred, "At ikaw, wala ka bang alam sa mga batas? Hindi mo alam na pwede kang kasuhan sa pagtakas at pagtago mo bata?"
"Ipapatulfo namin kayo!" banta ni Aireen, "Huwag ninyong hintayin na lumabas ang mga mukha n'yo sa TV!"
"Huwag n'yo na ring hintayin na magdala pa kami rito ng mga pulis para makuha si Rhaine," banta ni Ryu.
"Ok fine!" suko na ni Fred, "Kunin n'yo na siya. Pero hindi ko hahayaang alisan n'yo ako ng karapatan sa anak ko!"
"Hindi ko gagawin ang ginawa mo sa akin sa anak ko," sabi ni Mary, "Anumang oras pwede mong madalaw ang anak ko. Pero hindi pwedeng lumapit ang bruhildang asawa mo sa anak ko!"
"Ok na sige na! Lumayas na kayo! Mga eskandalosang magkapatid!" inis ng babae.
"Sandali..." ani Ate Mary saka pinasa nito kay Aireen ang pagkarga sa bata. Pumasok ito sa loob at isang malakas na sampal ang binigay nito sa babae, "... Hindi ako natatakot kong kasuhan mo akong tresspassing o ng physical injury! Hindi ko na hahayang hawakan mo ang anak ko!"
"Tara na, Ate..." inawat ni Ryu si Mary.
Inirapan ni Mary si Glaiza bago ito tinalikuran ang mga ito.
Saka na sila nagdesisyon na lumabas sa lugar na iyon. Matapos nilang pagsarhan ng pintuan ni Fred ay saka naman nila narinig ang malakas na boses nitong sinagawan ang asawa.
Mahigpit nang yakap-yakap ni Mary ang anak niya habang magkatabi ang mga ito sa backseat ng sasakyan ni Ryu. Bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahanh dahil kasama nito ang anak.
"Ay ang cute talaga ng anak mo, Ate!" tuwa ni Aireen habang sinilip ang mag-ina sa backseat.
"Salamat sa tulong n'yo," sabi nito.
"Okay lang ate," ngumiti si Aireen, "Kapatid kita eh! Pero isa lang hiling ko. Huwag ka nang manglihim sa amin. Pwedeng-pwede mo akong sandalan, ate. At promise ko sa'yo na magiging mabuti akong Tita sa anak mo."
"Salamat," ani Mary at inabot ang kamay ni Aireen.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang magring ang cellphone ni Aireen. Kaagad naman niyang sinagot iyon nang mabasa niya ang pangalan ng kanyang Mama.
"Saan ba kayo? Alam mo bang kanina pa kami naghihintay rito!" reklamo ng Mommy nila sa kabilang linya. Bahagya pang nilayo ni Aireen ang kanyang tenga sa cellphone niya dahill parang gumihit ang matinis nitong boses sa eardrums niya.
"Malapit na kami, Mommy! Ito natatanaw na namin ang restaurant ni Daddy!"
"Kapag hindi pa kayo pumunta rito ipapakain namin sa inyo ang lahat ng niluto n'yo!" inis nito.
"Heto na mga Mommmy! Magpapark na kami," sabi niya rito saka na niya binabaan ito ng cellphone.
Nang maiparada ni Ryu ang sasakyan nito sa tapat ng restaurant nila ay saka na sila bumababa. Hawak ni Ate Mary ang kamay ng anak nang sumunod ito kina Aireen at Ryu.
"Saan ba kayo galing?" bungad na tanong ng Mommy nila.
"May binawi kaming mahalagang tao," tugon ni Aireen saka sila tumabi ni Ryu para makita ng mga ito ang batang si Rhaine.
Nagulat ang lahat.
"Mommy, Daddy, si Rhaine po anak ko," Pagpapakilala ni Mary sa anak nito, "Rhaine, met your Lolos and Lolas!"
Napanganga naman ang mga ito. Nashock. Pero ang Daddy nila ang unang nakabawi at mabilis na nilapitan ang bata.
"Hala, siya na ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ng Daddy Roman nila.
"What's your name?" magiliw na tanong naman ng Papa Vicente nila na lumapit na rin.
"Rhaine," nakangiting tugon nito.
"Hala siya kamukhang-kamukha mo siya Mary noong bata ka pa!" natutuwang react ni Mama Annie nila.
Naiyak naman ang Mommy Luz nila, at nagpunas pa ito ng luha bago niyakap si Rhaine, "I can't believe it, Lola na ako!"
Tumawa naman ang lahat.