Chapter Twenty-Five Ryulito III
Nine Months later....
MABILIS NA PINARADA NI RYU SA tapat ng hospital ang kanyang kotse. Pagkaraan ay sinalubong sila ng mga staff roon. Kaagad na dinala sa delivery Room si Aireen.
Si Ryu naman ay paikot, at lihim na nagdadarasal.
Ngayong araw ay pupunta sana siya sa studio dahil ngayon ang release ng bagong album ng singer na si Kei. Ito ang napili ng company nila para kumakanta ng mga sinulat niya. Ito rin ang anak ng kanilang Director kaya hindi na siya nagreklamo pa.
Masaya naman si Ryu kahit hindi siya ang kumanta ng kantang sinukat niya. At isang baguhang singer si Kei. Masaya siya dahil official na siyang Composer. Ipinangako na lang niya sa kanya sarili na, ipapamana niya sa kanyang magiging anak ang pagkahilig niya sa musika.
Sa ngayon kailangan muna niyang magdasal dahil kasalukuyan nang nagli-labor ang asawa niya.
At lumipas ang ilang oras ay sinabi ng Ninang nilang doktor na succesful ang panganganak ni Aireen. Agad naman niyang tignan ang kanyang anak sa nursery room, at halos maiyak-iyak siya dahil hindi akalain na ganoon ang pakiramdam na maging isang ama. Tapos nakikita niyang kamukhang-kamukha niya ito.
Lalaki ang anak nila. Kaya sinusunod niya ito sa pangalan nila ng Lolo niya.
Matapos niyang bisitahin ang kanyang anak ay si Aireen naman ang pinuntahan niya sa kiwarto nito. Naabutan niyang natutulog pa ito.
Lumapit siya roon at hinalikan ang kamay nito. At dahil sa ginawa niyang iyon kaya nagising ito.
"Kamusta ang baby natin?" bungad na tanong ni sa kanya.
"Thanks God, he's ealthy," masayang balita niya rito.
"Teka, umiiyak ka?" sita ni Aireen.
"Nakita ko na kasi siya eh!" tatawang sabi niya, "At ang cute niya!"
"Talaga? Gusto ko rin siya makita!" ani Aireen.
"Sige, irerequest ko sa nurse," aniya saka saglit siyanh lumabas para sabihan ng nurse.
Bumalik na si Ryu sa silid ng kanyang asawa.
"Maalala ko, diba ngayon din ang release ng music video ni Kei?" tanong nito.
"Ahh.. Oo," tugon niya saka niya dinukot sa bulsa ang cellphone niya. Chineck niya ang website ng isang sikat application. At nakita niyang na-upload na sa channel ni Kei ang MV nito na pinamagatang "Empty"
Pinanuod ni Ryu kay Aireen ang music video nito. At ganoon na lang ang gulat sa mukha nito dahil naroroon ang ilang video clip nila simula noong mga bata pa sila.
Hindi inaasahan ni Aireen na sila pala ang magiging artist sa Music Video ni Kei.
"Nainspired kasi ang producer sa story natin kaya haya'n. Masaya na ako kahit hindi ako ang kumanta iyan, at least maraming taong nakaalam ng love story natin!" nakangiting sabi ni Ryu.
Mula kasi sa kanilang pagkabata hanggang sa ikasal nila ang storyline ng naturang music video. Hindi tuloy maiwasan ni Aireen ang mapaiyak dahil sadyang napakaganda ng boses ng artist na napili para kantahin ang sinulat ni Ryu.
"O, tignan mo. umabot na agad ng million ang views ng music video!" gulat ni Aireen saka pinakita kay Ryu ang cellphone.
"Oo nga noh!" tuwa ni Ryu, "Mukhang magtitrending yata tayo!"
"Tama ka," natatawang sabi ni Aireen, " nasurprise ako sa Music Video. I'm so happy to have you, my Honey! I love you!
"I love you too!" saka hinalikan ni Ryu ang noo ng asawa.
Eksakto naman at dumating na ang baby nila. At dahil bawal pang magkikilos, si Ryu ang nagbuhat ng sanggol. Kahit natatakot pa ay excited niyang binuhat ang unang anak nila ni Aireen.
"Kamukha mo nga siya!" komento ni Aireen, "Nakuha ang ilong mo!"
"Ang guwapo ni Ryulito The Third namin!" tuwa ni Ryu.
"Balak mo ba talagang isunod sa pangalan mo ang anak natin?" tanong ni Aireen.
"Bakit, ang ganda naman ah! Sinunod ko sa pangalan namin ni Lolo!" nakangiting sabi ni Ryu.
"Ay, hindi ako papayag! Ambaho kasi ng pangalan mong Ryulito!" pang-aasar ni Aireen.
"Wala na, nilakad ko na ang birth certicate niya!" sabi ni Ryu.
"Asar ka!" irap lang ang tinugon ni Aireen.
"Hayaan mo, susundan kaagad natin si Ryulito para ikaw naman ang magpangalan sa next baby natin!" biro niya.
"Wala pa ngang bente-quatro oras akong nanganganak, balak mo na kaagad 'yan sundan?" nanlalaki ang mga mata ni Aireen na tinitigan siya nito.
"Gusto ko naman babae, para mayroon rin tayong Aireen liit!" nagawa pa niyang pisilin ang pisngi ng asawa.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating na ang buong pamilya nila. Kaagad na pinag-agawan ng mga ito si Ryulito III.
At sabay-sabay na nagtawanan ang lahat ng malaman ng mga ito ang pangalan ng anak nila.
The End