Chapter Thirteen Ang Plano
FIFTEEN YEARS EARLIER....
"Ryu, laro tayo!" aya ng pitong taong gulang noon na si Aireen kay Ryu na kasalukuyang sampung taong gulang pa lang noon.
Kasalukuyan rin sila noong sa playground ng kanilang subdivision noong mga panahon. Weekend kaya wala silang pasok sa kanilang school.
"Ayoko nga!" tanggi ni Ryu at pasimpleng sinulyapan si Mary na tahimik lang nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno.
Isang pilyong ngiti ang gumihit sa mga labi ni Ryu, at saka niya hinagisan ito ng bola. Hindi naman malakas ang pagkakahagis niya, sapat lang para masagi ang librong hawak ni Mary.
Inis naman nag-angat ng tingin si Mary. At matatalim na tingin ang binigay kay Ryu.
"Bleh!" pang-aasar pa ni Ryu.
"Ah ga'nun!" tumayo na si Mary sa pagkakaupo sabay ang pagdampot ng bola, at binato ito kay Ryu.
Ang asaran ng dalawa ay nauwi sa paglalaro nila ng bola. Samantalang si Aireen naman ay napasimangot dahil hindi siya sinasali ng dalawa sa laro ng mga ito.
Nagtatampo si Aireen sa ate niya dahil kanina niyaya niya itong maglaro pero hindi siya pinapansin, lagi lang itong nagbabasa ng libro. Si Ryu naman ay tinatanggihan siya lagi. Mas gusto pa nitong kalaro ang Ate Mary niya.
Wala na siyang makalaro. Kaya naman, inis na siyang umalis sa playground. Uuwi na lang siya.
Hindi na alam ni Aireen kung gaano na siya katagal sa paglalakad hanggang sa mapagtanto niyang naliligaw siya sa loob ng subdivision nila. Hindi na niya matandaan kung nasaan ang bahay nila.
Samantala, kapwa napagod sa paglalaro ng bola sila Ryu at Mary. Kapwa rin sila napasandal sa puno. Halos hindi na nila namalayan ang oras, doon nila napagtanto na malapit nang magtakip-silim.
"Aireen..." tawag ni Mary sa kapatid. At nang mapagtanto nitong wala roon ang kapatid ay nag-aalalang nagpalinga-linga ito sa buong playground, "Ryu, si Aireen nawawala!"
Naalarma na rin si Ryu nang makitang wala sa paligid si Aireen. Saka na nila sinimulang halughugin ang buong playfround.
"Aireen!" tawag nila rito pero walang sumasagot.
Simulang kabahan ang dalawa dahil nagsisimula na ring magdilim.
"Nasaan na 'yun?" kinakabahang tanong ni Mary.
Nagdesisyon silang dalawa ni Mary na maghiwalay sa paghahanap. Nagdesisyon din sila na hindj sila uuwi hanggang hindi nila nakikita si Aireen
Magdadalawang oras na pero hindi pa nila nakikita si Aireen. Madalim na ang buong paligid. Halos namamaos na siya kakatawah sa pangalan ni Aireen.
"Aireen!" umiiyak niyang tawag rito, "Sorry na!"
Sa kanyang paghahanap ay hindi niya namalayan na napadaan siya sa bakanteng lote. At dahil gabi na rin at madilim wala nang katau-tao sa paligid.
Umikot-ikot siya sa buong bakanteng lote hanggang sa makarinig siya ng pag-iyak. Pahinto siya dahil parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang pag-iyak iyon hanggang sa makarating siya nakatampak na mga bato.
Mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata ng makita niya si Aireen roon. Wala sa loob na niyakap niya ito. Pakiramdam kasi niya nabunutan siya ng tinik.
"Ryu?" tumingin ito sa kanya.
Kahit may luha ang kanyang mga mata ay nagawa pa rin niyang ngumiti.
"Ryu!" umiiyak ding niyakap siya nito, "Akala ko hindi na kita makikita! Akala ko hindi na ako makakabalik!"
"Sorry... Sorry... Promise hindi na kita iiwan!" niyakap niya ito ng mahigpit.
KASALUKUYAN...
HINDI MAIWASAN NI RYU ANG mapangiti sa tuwing maalala niya ang insidenteng muntikan nang mawala si Aireen. Alam kasi niya sa kanyang sarili na iyon ang simula ng pangako niyang hindi niya ito iiwan. Natakot talaga siya noon noong nawala ito. Ganoong alam niya sa kanyang sarili na may kasalanan siya pagkakawala nito.
Hindi lang niya akalain na hanggang sa pagtanda niya ay paninindigan niya ang pangakong iyon.
Heto siya ngayon, naghahanda ng magandang surpresa para kay Aireen. Matapos nilang manggaling ni Ate Mary sa mall ay dumiretso silang dalawa rito sa restaurant ni Tito Roman, ang daddy nila Ate Mary at Aireen.
Nagpatulong siya kay Ate Mary para matupad ang mga pinaplano niya. Ngayon kasing araw ang balak niyang pagpo-proposed kay Aireen.
Excited pa nga niyang pinakita kay Tito Roman ang singsing na napili nila ni Ate Mary para kay Aireen. Alam kasi niya na marami itong inaalala kahit wala itong sinasabi sa kanya.
Sa tagal nilang magkasama ni Aireen, ngayon lang niya naisipang regaluhan ito. Maski kapag birthday nito ay hindi niya ito pinag-aaksayahan ng effort na bigyan ito ng gift.
Ngayon lang!
Napansin kasi niya na wala itong engagement ring na madalas niyang nakikita sa mga babaeng malapit nang ikasal. Kaya pinakiusapan talaga niya si Ate Mary na samahan siyang mamili ng magandang singsing na babagay sa kapatid nito.
"Oh my... Oh my!" bulaslas ni Tito Roman. Hindi ito mapakali, nagpalakad-lakad lang ito sa loob ng dirty kitchen habang tinititigan ang naturang engagement ring.
"Ang ganda ng singsing na 'to, ijo! I'm sure, matutuwa ang anak ko!" mangiyak-ngiyak pa si Tito Roman.
Nakahinga naman siya ng maluwang dahil sa sinabing iyon ng future father-in-law niya. Aaminin niya, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya akalain na ganito ang nararamdaman ng isang lalaking malapit nang ikasal.
Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi na siya iba sa mga magulang ni Aireen.
"Galingan mo mamaya, ah! Gusto ko 'yung mapapaiyak ng husto ang anak ko sa tuwa!" bilin ni Tito Roman.
"Yes, sir!" sumaludo pa siya.
"Ikaw talaga!" natatawang tinapik na lang nito ang balikat niya.
"Naku, ang lakas pa rin ng ulan sa labas!" sabi ni Ate Mary habang nakatingin sa bintana.
Napangiti lang siya rito, at saka na niya pinagpatuloy ang pagbabalat ng sibuyas para sa ikalawang putaheng iluluto nila.
Pero muli siyang napahinto nang marinig niyang magring ang kanyang cellphone.
Kinuha naman niya iyon, at nabasa niya ang pangalan ng kanyang Mama sa screen.
"Ma," sagot niya sa kabilang linya.
"Nasa'n ka?" nag-aalalang tanong nito.
"Sa restaurant po ni Tito Roman," sagot muli niya, "Nagpapaturo akong magluto."
"Umuwi ka muna," utos nito, "Nandito ako kina Mommy Luz mo ngayon. Si Aireen kasi..."
Hindi niya maiwasan ang biglang kabahan nang banggitin nito ang pangalan ni Aireen. At sa tono ng pananalita nito parang may nangyaring hindi maganda.
"A-ano pong nangyari kay Ai?" nag-aalalang tanong na niya rito.
"Umuwi ka lang muna dito!" ulit nito.
"S-sige po..." tugon na lang niya. Pinindot na niya ang red botton sa cellphone niya para tapusin ang pag-uusap nila ng kanyang Mama.
"Ano'ng nangyari, ijo?" bumakas na rin ang pag-aalala sa mukha ni Tito Roman.
"Pinapapunta po ako ni Mama sa inyo," tugon niya, "M-May nangyari daw po kasi kay Aireen."
"Ano'ng sabi mo?" gulat nito, "A-ano daw nangyari kay Aireen?"
"H-Hindi ko pa po alam. Hindi naman po sinagot ni Mama ang tanong ko. Dad, k-kailangan ko muna po'ng umuwi," humakbang na siya patungo sa pintuan.
"Wait..." habol ni Ate Mary, "... sasama ako!"
Tumango naman siya.
Naiwan si Tito Roman sa restaurant nito. Samantalang nagmamadali na silang sumakay ni Mary sa kanyang kotse. At saka niya pinaharurot ang kanyang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
"Ano kaya ang nangyari?" nag-aalalang tanong na rin ni Mary, "Nakakainis, kung kaylan naman emergency saka ko nakalimutan ang phone ko."
"Pwede mong gamitin ang akin," aniya sabay abot ng phone rito.
Mabilis na dinial ni Mary ang number ng Mommy nito. Pero nag riring lang iyon.
Malapit lang ang subdivision na tinitirhan nila sa restaurant ng mga Salazar, pero bigla silang natagalan dahil nagkaroon ng traffic. Nalaman nila mula sa mga taong nasa kalsada na nagkaroon daw ng banggaan sa kanto, tapos ay sumabay pa ang biglaang pagbuhos ng ulan.
"Kung kaylan ka naman nagmamadali, oh!" inis niya.
Nagpakawala lang ng marahas na hininga si Ate Mary. Maski ito ay bigla ring nag-alala.
"Hello, Ate Ging. Si Mary 'to!" biglang sabi nito nang makontak ang kasambay na si Ate Ging, "Ano bang nangyayari?"
"Ano po kasi Ate, iyak po ng iyak dito si Aireen. Naging ganito siya matapos niyang sundan kayo ni Ryu sa mall," sabi ni Ate Ging sa kabilang linya. At dahil naka-loud speaker ito kaya nadinig ni Ryu ang sinabi nito.
"Ano'ng sinundan?" naguluhan si Ate Mary, "Dahil lang 'dun?"
"Ano po kasi..." hindi na nakapagsalita si Ate Ging sa kabilang linya.
"Asar binaba!" nanggagalaiting sabi ni Mary.
Hindi nila alam kung sinadya ba nitong putulin ang linya para makaiwas sa mga tanong ni Mary.
"Ate, ikaw muna ang bahala rito..." sabi ni Ryu kay Mary saka mabilis niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at binuksan ang pintuan ang kotse.
"H'wag mong sabihin, lulusong ka sa ulan?" hula nito.
"Hindi rin kasi ako mapalagay," katwiran niya.
"Pero-"
Hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Ate Mary dahil bumaba na siya ng kotse, at mabilis na tumakbo.
Tiwala naman siyang iwan ang kanyang sasakyan kay Ate Mary dahil alam niyang marunong itong mag-drive. Kahit malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan ay hindi pa niya nakuhang huminto hanggang marating na niya ang bahay ng mga Salazar.
"Ma..." tawag na kaagad niya kahit na nasa bakuran pa lang siya.
Kasalukuyan na siyang nasa pintuan nang sumalubong naman sa kanya ang Mama niya at ang Mommy ni Aireen na si Tita Luz.
"Bakit basang-basa ka rin?" gulat ng kanyang Mama, "Lumusong ka ulan?"
"Ano pong nangyari kay Ai?" nag-aalalang tanong niya sa ina na hindi man lang pinansin ang unang tanong nito.
"Si Aireen kasi, gusto na niyang iurong 'yung kasal!" tugon ni Tita Luz na halos mangiyak-ngiyak.
"Po?!" para naman siyang nabingi sa sinabi nito.
"Nagulat kaming lahat dito nang dumating siya na basang-basa," kwento ng Mama niya, "Tapos, bigla siyang lumuhod at nagmakaawa sa amin na itigil ang kasal n'yo!"
Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng kanyang mga kamao na parang handa siyang manuntok dahil sa kanyang mga narinig. Hindi niya alam kung ano ang biglang tumatakbo sa utak ni Aireen, at bigla-bigla na lang ay nagdedesisyon ito na hindi man lang siya kinakausap?
Okay naman sila kanina, pero bakit bigla-biglang iuurong nito ang kasal nila? Dahil lang ba sa sinundan sila nito ni Mary sa mall kanina?
"Ging, diba magkasama kayong dalawa ni Aireen kanina nang ihatid n'yo 'yung mga invitation?" baling ni Tita Luz sa nanahimik na kasambahay.
"Opo," nag-aalalang tugon nito.
"Ano bang nangyari, at ikaw na lang ang bumalik dito?" usisa ng Ginang, "Tapos bumalik siya na parang basang-sisiw!"
Napakunot ang noo ni Ryu nang mapansin niya ang pag-aalalang tingin sa kanya ni Ate Ging. Nakakasiguro siya ngayon na may nalalaman ito kung bakit nagkaganoon bigla si Aireen.
"Ano po kasi..." hindi mabali ang tingin ni Ate Ging sa kanya, "... Bago po kasi kami makabalik rito, nakita niyang magkasama kayong umalis ni Mary."
Napakagat ng ibabang labi si Ryu.
"Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinakasan, at sabi niya na may pupuntahan lang daw siya!" dagdag pa ni Ging, "Pero malakas ang kutob ko na sinundan kayo ni Aireen kasi tinanong niya ako kung alam ko daw ba kung saan kayo pupunta."
"Alam mo nga ba?" paniniguro ni Tita Luz sa kasambahay nito.
"Opo! Sa mall," tumango ito, "Narinig ko kasing nag-uusap sila ni Mary sa phone."
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin ni Mary 'dun?" pagbuntong ni Ryu ng inis sa kasambahay.
"H-Huwag kang magalit sa'kin. S-Sinabi ko lang naman ang alam ko. Wala akong dinagdagan! Hindi mo ba napapansin nagseselos na si Aireen. Alam mo ba kung ano ang sabi niya kanina? Sabi niya, bakit kapag siya ang humihingi ng pabor lagi ka na lang daw busy. Pero pagdating kay Ate Mary niya, go na go ka!"
Natigilan siya. Hindi niya alam kung maiinis siya dahil masyadong detelyado ang pagkikwento nito with action pa.
Napabaling ang tingin sa kanya ng dalawang ginang. Parang inuutusan siya ng mga ito na ayusin ang gulo. At kahit hindi siya utusan ng mga ito ay talagang gagawin niya kausapin si Aireen. Hindi siya papayag na basta-basta na lang nitong iuurong ang kasal.