Chapter Ten Pagkalito
HALOS HINDI MABALI-BALI ANG pagkakatitig ni Aireen sa mukha ng kanyang Ate Mary. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagsisink-in sa kanyang utak na nasa harapan na niya ito. Aaminin niya, hindi pa rin kumukupas ang ganda nito saka mas lalo pa itong naging tisay dahil sa weather ng Canada. Medyo namumula-mula rin ang pisngi nito dahil na rin siguro sa init ng panahon dito sa Manila.
"Na-miss ko talaga ang Philippines!" komentong sabi ng Ate Mary niya habang nakatingin ito sa glass window.
Dinala sila ng kanilang Daddy sa second floor ng kanilang restaurant. Ang lugar na iyon ay exclusive lang for events and parties or for VIP costumer ng Daddy nila.
Tanaw sa kinaroroonan nila ang kalsada kung saan maraming sasakyan ang dumaraan. At dahil gabi na, kitang-kita nila ang magagandang ilaw na nagmumula roon.
Saglit silang iniwan ng kanilang Daddy para maghanda ng pagkain para sa kanila.
Halos wala pang isang oras nilang nakakasama ang kapatid niya pero parang may iba na siyang napapansin rito. Hindi niya alam kung dala lang ba ng jetlag ang pagiging malambing nito o talagang malaki lang ang pinagbago nito paglipas ng anim na taon.
Ang Ate Mary kasi niya, may maala-anghel na mukha pero demonyita ang pag-uugali. Noong mga bata pa sila, walang araw na hindi sila nag-aaway.
In short, hindi talaga sila magkasundo.
Pero ngayon, parang kinikilabutan siya na hindi niya mawari. Parang hindi ito ang ate niya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maramdaman niya ang bahagyang pagtapik ni Ryu sa paa niya.
Nakasimangot niyang sinulyapan ito. Para kasing napalakas ang pagtapik nito. Kaya sa inis niya ay ginantihan niya ito. Iyon nga lang, hindi pagtapik ang ginawa niya, kungdi sipa!
"Ouch!" daing ni Ryu.
Gulat naman napatingin si Ate Mary sa binata, "There's any problem?" tanong nito.
"N-nothing!" tugon lang ni Ryu, at palihim nitong hinimas ang binting sumakit.
Hindi pa nakontento su Aireen, pasimpleng dinilaan pa niya ito na parang bata. Mukhang napansin iyon ni Ate Mary dahil napatikhim ito.
Natahimik naman silang dalawa ni Ryu.
“Excuse me…” napatayo na si Ate Mary na siya naman kinabigla nila, “.. Magsi-CR lang ako.”
Sabay silang napatango ni Ryu.
Matamis na ngiti muna ang ginanti ni Ate Mary sa kanila bago ito nagtungo sa comfort room.
Saka naman siya nakahinga ng maluwag nang maiwan silang dalawa ni Ryu. Pero ilang saglit pa ay tinitigan niya ng masama ang binata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi pala si Ate Mary ngayon?" pabulong niyang tanong rito.
"Hindi ko rin alam," pabulong ring tugon nito, "Nagulat na lang ako nang tawagan niya ako sa cellphone ko at sinabi niya na nasa airport na siya. Akala ko nga, nagdyo-joke lang s’ya, eh."
Napasimangot siya. May kutob siya na may malaking dahilan ito kaya bigla itong umuwi. At kapag iniisip na niya ang isa sa mga posibleng dahilan ay ang kasal nila ni Ryu ay hindi niya maiwasan ang kabahan.
"Ang ganda pa rin n'ya, noh?" parang paghingi ng komento ni Ryu.
Naningkit ang mga mata ni Aireen. Parang may hatid na konting kirot sa kanya ang mga katagang lumabas sa bibig ni Ryu. Alam kasi niya noon pa, since mga bata pa sila. Si Ate Mary talaga ang ultimate crush ni Ryu. Alam din niya na iniyakan talaga ni Ryu si Ate Mary nang magdecided itong magtrabaho sa Canada.
Sa kanilang dalawa, ang Ate Mary talaga ang ka-edad ni Ryu. At ang Ate Mary rin niya ay naging kaklase ni Ryu since kindergarden hanggang highschool.
Si Ate Mary niya din ang naging main reason kung bakit nagtatag ng banda, at naging music lover si Ryu. Fan kasi ng isang sikat na rockband noon ang kapatid niya, kaya itong si Ryu ay gaya-gaya.
Puro na lang si Ate Mary niya.
Nagpakawala siya ng marahas na hininga saka niya tinitigan ng masama si Ryu, "Nasasabi mong maganda ang ate ko na kaharap ang bride-to-be mo?" may pagkainis niyang balik rito.
Natigilan si Ryu. Pero ilang saglit pa ay tumawa ito, "H-h'wag mong sabihin nagseselos ka sa kanya?"
"Hindi, ah! Hello?" mabilis niyang tanggi at inis na rin niyang iniwas ang kanyang paningin rito.
"Uy, nagba-blush ka!" sita nito, at minsan pang tinangkang kurutin nito ang pisngi niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Ryulito!" inis niyang hinawi ang mga kamay nito.
Tumawa lang ng malakas si Ryu.
"Tumigil ka nga! Papasakan ko ng tissue 'yang bibig mo, eh!" dinampot niya ang tissue sa ibabaw ng table nila.
Nasa ganoong sitwasyon sila nang bumalik si Ate Mary. Kung hindi pa nila narinig ang mahinang pagtikhim nito ay hindi nila ito mapapansin.
"Hindi pa rin kayong nagbabagong dalawa!" nakangiting komento pa nito, "Baka kahit sa mismong araw ng kasal n'yo ay nag-aaway pa rin kayo."
Nagkatinginan silang dalawa ni Ryu. Kapwa sila nakadama ng pagkahiya sa harapan ni Ate Mary.
“Four weeks," pagbasag ni Ate Mary sa katahimikan nilang lahat, "Kulang na kulang ang araw para sa pagpe-prepared ng isang kasal. Halatang hindi n'yo man lang pinag-isipang mabuti ang lahat."
"Sina Mommy at Ma…Ninang Annie na raw ang bahala," katwiran na lang niya saka siya tumingin ulit kay Ryu.
"Hinayaan n'yo nalang sila sa mga kagustuhan nila?" seryosong tanong ni Ate Mary, at kay Ryu ito mismo nakatingin, "Sino ba ang ikakasal, sila ba o kayo?"
Nagsimula na siyang kabahan. Mukhang tama nga ang hinala niya na kaya ito biglang umuwi ay dahil sa kasal nila ni Ryu.
"Masyado na rin kasi kaming abala ni Ai, Ate..." katwiran ng binata.
“Ate?" bahagyang natigilan si Ate Mary, "Nakukuha mo na rin akong tawagin ngayong Ate?"
Hindi nakakibo ang binata. Maski siya ay nagulat sa narinig niya. Pero sa kabila ng kanyang pagkagulat ay parang nakadama siya ng kasiyahan?
“Sorry,” bawi ni Ate Mary saka biglang hinawakan nito ang kamay ni Ryu na nakapatong lang sa ibabaw ng lamesa.
Kapwa sila nagulat ni Ryu.
“Hindi lang kasi ako sanay na tinatawag mo akong ate,” nakangiting katwiran ni Ate Mary.
Muli silang nagkatinginan ni Ryu.
Napabuntong hininga na lang si Aireen. At hindi na siya nagsalita pa hanggang sa dumating na ang kanilang Mommy kasama ang mga magulang ni Ryu.
"Welcome back!" masayang bati ng mga ito kay Ate Mary.
Samantalang ang Mommy niya, umiral na naman ang kadramahan nang makita ang panganay nitong anak. Hindi naman niya ito masisi dahil after six years, ngayon lang ulit naisipang umuwi ng Ate Mary niya.
"Kaya ka ba umuwi kasi kasal ng kapatid mo?" nakangiting tanong ni Ninang Annie kay Ate Mary habang masaya na silang kumakain.
"Ga'nun na nga po," magalang na tugon naman ni Ate Mary saka nakangiting tumingin sa kapatid
Lihim namang napalunok si Aireen. At binaling na lang niya ang kanyang paningin sa katabi niyang si Ryu.
"Bakit?" maang tanong nito.
"Wala, masama bang tignan ka?" inis niya rito.
"Nakakailang ka kasi, alam mo nang kumakain ako!" nahihiyang sabi nito.
"Kaylan ka pa nailang ng ganyan kay Ai, aber?" makahulugang tanong ni Ninang Annie sa anak.
"Ma!" saway ni Ryu sa ina nito.
Tumawa lang si Ninang Annie, at pasimpleng kinindatan si Aireen.
"Hanggang kaylan ka dito, ija?" baling ng kanilang Mommy kay Ate Mary na may himig na paglalambing ang boses.
Napakibit-balikat ang Ate Mary niya, "Naisip ko po kasi na, need na ako ni Daddy rito sa restaurant niya. Ngayon pang mag-aasawa na si Aira."
"Meaning hindi ka na babalik ng Canada?" namilog ang mga mata ng Mommy niya.
"Baka hindi na po, Mommy!" nakangiting tugon nito.
"Finally!" mangiyak-ngiyak na niyakap ng Mommy nila si Ate Mary. At kahit hindi masyadong nagsasalita, kitang-kita rin niya ang kasiyahan sa mukha ng Daddy nila.
Masaya rin si Aireen sa naging desisyon ng kanyang Ate. Gusto man niyang usisain ito ay mas pinili na lang niya ang manahimik. Ang mahalaga, kompleto ang kanyang pamilya sa mismong araw ng kasal niya.
"Ate, ok lang ba sa'yo na ikaw ang Maid of Honor ko sa kasal?" tanong na lang niya rito.
Saglit itong natigilan. Hindi rin nakawala sa kanyang paningin ang saglit nitong pagsulyap kay Ryu bago ito tumango, "Sure, no problem!" sagot nito.
Hindi niya naiwasan ang lihim na mabahala. Ramdam niya na parang may mali. Ramdam niyang may gustong ipahiwatig ang Ate Mary niya. At hindi rin niya maiwasan ang lihim na mainis dahil makailang beses na niyang nahuhuling nagnanakas ito ng tingin kay Ryu.
Alam niyang mali itong nararamdaman niya sa kanyang kapatid, kaya kung hangga't kaya niyang itago ang nararamdaman niya gagawin niya.
Lumipas pa ang isang linggo. Aaminin ni Aireen, hindi na nagiging maganda ang nararamdaman niya.
May kaba at excitement.
Kahit pa sabihing ng kanyang Mommy at Ninang Annie na ang mga ito ang mag-aasikaso ng lahat, pakiramdam niya ay napakabusy pa rin niya.
Naisipan niyang puntahan si Ryu sa bahay nito para pag-usapan nila ang mga ilang bagay sa kanilang kasal. Pero hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ay namataan niya sa hardin ang Ate Mary niya.
Napakunot ang noo niya.
Wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ng kapatid niya sa hardin ng mga Martinez. At hindi niya maiwasan ang mabahala nang makita at marinig niya itong umiiyak.
"Bakit?" tanong niya sa kanyang sarili habang unti-unti siyang lumalapit.
Pero natigilan siya nang matuklasan niyang hindi si Ninang Annie ang kausap nito, kungdi si Ryu.
"I don't know what can I do!" hinanakit na sabi ng Ate Mary niya, "I know, magagalit sila sa akin kapag nalaman nila ang totoo!"
Hindi nakaimik si Ryu. Parang nashock ito sa anumang pinagtapat ni Ate Mary.
"Ryu!" ani Ate Mary at niyakap bigla ang binata.
Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang nasaksihan. At may sampu o higit pang kutsilyo ang sabay-sabay na sinaksak sa kanyang dibdib.
Hindi niya alam kung ano nga ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero hindi naman niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi masaktan.
Pero sa kabila ng kanyang nakita ay mas pinili pa rin niya ang manahimik. Kahit ramdan na ramdam niya ang kirot sa kalooban niya dahil sa matinding selos sa kanyang kapatid.
Nagdesisyon siyang ikubli o itago na lang sa kanyang sarili ang lahat ng nakita at narinig niya.
Lumipas pa ang ilang mga araw, nananatili lang siyang nakikiramdam. Nanatiling tikom ang bibig niya.
"Si Gerald pala ang kinuhang Bestman ni Ryu sa kasal n'yo, noh?" biglang tanong ni Ate Mary sa kanya matapos nitong makita at mabasa ang wedding invitation nila ni Ryu.
Kakadeliver palang nito ng Wedding Planner nila kanina. Naisipan na niyang lagyan isa-isa ng pangalan ang mga naturang invitation sa mga taong gusto nilang imbitahan ni Ryu.
Dahil sa sobra na ring busy niya sa kanyang ginagawa, hindi niya namalayan na binabasa na pala ng Ate Mary niya ang laman ng isa sa invitation.
Kilala ng kanyang Ate Mary si Gerald dahil sa iisang university lang noon nag-aaral ang mga ito. Alam na alam rin ng kapatid niya kung gaano niya kagustong ang binatang iyon.... dati!
“Siya kasi ang pinakamalapit na kaibigan na lalaki ni Ryu,” paliwanag niya sa kapatid.
"Hindi ba akward 'yun?" makahulugang tanong ni Ate Mary, "Imagine, nagconfessed sa'yo 'yung taong ito. At inamin niya na nagseselos siya kay Ryu kaya hindi ka niya magawang ligawan noon. Pero heto, pinatunayan mo nang tama ang mga sinabi niya sa'yo noon then ginawa n'yo pa siyang Bestman."
"Nagkausap na rin ulit kami, Ate..." himig na kalungkutang sagot niya, "At wala naman daw problema sa kanya. Wait, paano mo pala alam ang tungkol sa pagconfessed ni Gerald ng feelings niya sa akin?”
“Bakit hindi mo tanungin si Mommy at si Ninang Annie?” balik na tanong nito, “Sa tuwing maglo-long distance sila sa’kin noon wala silang ibang bukam-bibig kungdi ang love triangle ninyo."
"Love Triangle talaga?" pabirong react na lang niya.
“Well, mayroon nga talaga s’yang dapat pagselosan…” pagpapatuloy ng kanyang kapatid.
Hindi na siya kumibo.
“… Ai, may tatanong ako sa’yo..." Ani Ate Mary, "... Gusto mo ba talagang pakasalan si Ryu?”
"Ha?!" gulat siyang napatingin rito.