Chapter Nine Ate Mary

"KASALANAN MO NAMAN TALAGA!" Paninisi ni Aireen kay Ryu.

"Talaga lang, ah? Ikaw kaya ang may kasalanan. Kung hindi mo pinakialaman 'yung photo-album na iyon, hindi naman mangyayari ‘to!" Ganti naman ng binata.

"Ano ba ang me'ron sa photo-album na 'yun at ayaw mong ipakita sa’kin?" usisa niya rito.

"Alin? 'Yung photo-album ni Kuya Ryu? Marami siyang naked shots 'dun!" pagsingit ni Ferlyn.

"Naked?" gulat ni Aireen na halos namilog ang kanyang mga mata. 

Tumango naman si Ferlyn.

"Ang daldal mo rin, noh!" inis ni Ryu sa dalagita. 

"Nahihiya ka, bata ka pa naman 'yun! Baby Boy Ryulito!" Ganting pang-aasar ni Ferlyn.

Inirapan lang ni Ryu ang pinsan nito. Parang gustong-gusto na nitong sakalin si Ferlyn para matahimik pero wala naman itong magawa kungdi ang mapasimangot na lang. 

"Dahil lang 'dun kaya kayo pinarusan?" usisa pa rin ni Ferlyn. 

"Hindi," umiling si Aireen.

"Eh, ano'ng dahilan?" kulit ng daligita.

"Nag-agawan kasi 'dun sa photo-album..." napatingin si Aireen kay Ryu para malaman niya kung kailangan ba niyang ituloy ang kuwento o hindi. 

"Tapos?" kulit pa rin ni Ferlyn habang namimilog ang dalawang matang titig na titig sa dalaga.

"Kailangan bang idetalye namin sa'yo kung ano'ng nangyari?" inis ni Ryu sa pinsan. 

"Gustong ko lang malaman, ah! Masama ba?" Katwiran ni Ferlyn.

"Masama!" galit na tugon ni Ryu. 

"Masama?" napakunot ang noo nito, "Suguro nahuli kayo ni Lola Martha na-" 

"Shhh..." kaagad namang tinakpan ni Aireen ang bibig ni Ferlyn bilang pagpigil sa dapat nitong sasabihin. Pero mabilis ding iyong inalis nh dalagita.

"Pwe! Pwe!" inis nito habang pinupunasan ang sariling bibig, "Ano ka ba, 'teh? Pinampunas mo 'yang kamay mo sa mukha ni Kuya Ryu tapos pinantikom mo naman sa bibig ko! Ang alat! Kadiri!" 

Natigilan si Aireen lalo na nang makita niyang napangiwi ito. 

"Ang yabang mo!" react ni Ryu habang pinandidilatan ng mata ang pinsan. 

"Siguro, totoong nagtanan kayong dalawa!" hinala nito. 

"Hindi!" todo-iling naman si Aireen, "Hindi talaga kami nagtanan." 

"Talaga lang, ah!" bahagyang tumaas ang isang kilay ni Feelyn saka napasalung-baba sa harapan ng dalaga, “Ate Ai, mukha lang akong bata pero marunong naman akong makiramdam sa paligid ko. Kung tutuusin, pwede naman tumakas si Kuya Ryu sa mga makukulit ninyong magulang na mag-isa. Pero bakit sinama ka pa niya rito?" 

Dahil sa sinabing iyon ni Ferlyn ay bigla na napatingin si Aireen kay Ryu.  Ngayon lang din niya naisip na bakit nga ba siya isinama nito sa pagtakas, at dito pa talaga siya dinala?

“Tumahimik ka na nga!" saway na ni Ryu sa pinsan nito, "Biglaan ang nangyari 'yun, my lovely cousin. At wala ka roon para maintindihan ang mga nangyayari!" 

"Tse!" inirapan lang ni Ferlyn ang binata. 

"Bakit mo nga ako naisipang dalhin rito?" nakuha nang itanong iyon ni Aireen kay Ryu. 

"No Choice," tugon nito saka napakibit-balikat, "Biglaan nga, diba? Saan mo ba inaasahang dadalhin kita, sa Disneyland?"

Napasimangot ang dalaga.  Hndi na rin niya maiwasan ang makadama ng pagkahiya lalo na't narinig pa niya ang bahagyang pagtawa ni Ferlyn.  At dahil doon, siya naman ang nang-irap kay Ryu.

Iniisip niya, ano nga ba ang inaasahan niyang isasagot nito? Gusto lang ba talaga siya nitong parusan sa mga ginawa niyang kapalpakan?

Nasa ganoon silang pag-uusap nang marinig nilang bumukas ang pintuan sa silid-aklatan. Kaagad naman bumalik sa pagkakaluhod sila Aireen at Ryu. Hindi naman nawala sa kanilang paningin ang ngiti sa mga mukha ng kanilang mga magulang na parang maganda ang kinalabasan ng pag-uusap ng mga ito.

“Tumayo na kayong dalawa," utos na ni Lola Martha kina Ryu at Aireen.

Sumunod naman ang mga ito. Pero laking-gulat ni Aireen nang alalayan pa siya ni Ryu sa pagtayo. At saka rin niya napansin ang mga makahulugang ngiti ng kanilang mga magulang. Pero bigla na lang iyo nalihis nang biga siyang niyakap ng Mommy niya na parang ang tagal nilang hindi nagkita.

"Baby ko..."  anang Mommy niya.

“Mommy naman…” saway naman niya rito.

“Na-miss lang kasi kita!” sabi nito.

Napabuntong-hininga na lang siya.

"Noong una tutol ako sa gustong mangyari ng mga Nanay n'yo..." agaw ni Lola Martha sa moment ng mag-ina, "... Pero dahil sa nakita ko kanina sa inyong dalawa, ngayon pa lang gusto ko na kayong dalhin sa simbahan at manghatak ng kahit sinong pare para lang ipakasal na kayo!"

Napayuko naman si Aireen. Mukhang naikwento ng matanda ang nangyari sa kanila ni Ry

"Kaya dalawang buwan mula ngayon, kailangan n'yong paghandaan ang kasal n'yo." hayag ni Lola Martha.

"Kasal?!" gulat pa rin niya at nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa matanda.

Alam niya iyon ang pinag-usapan ng mga ito sa loob ng silid-aklatan, pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagpayag nito na maikasal sila ni Ryu. Sabi na nga niya, hindi magandang ideya na dito siya dinala ni Ryu.

“Pumapayag ba kayong dalawa ‘dun?” tanong ni Lola Martha sa kanilang dalawa ni Ryu.

“Pe—“ pagtutol pa sana ni Aireen.

"Opo!” sagot naman ni Ryu na siyang kinagulat ng dalaga. Hindi niya alam kung nabingi lang siya sa sinagot nito o talagang pumapayag itong makasal sila.

“Pero bakit?” natatakang tanong niya sa kanyang sarili.

Nagsimula siyang maguluhan. Pinasalin-salin niya ang kanyang paningin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay parang nagkakaisa na ang lahat? At siya lang tumututol ngayon?

Aktong magsasalita pa siya nang bigla siyang nilapitan ni Ryu, at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pumapayag po kami, Lola!"

Nanlaki ang mga mata niyang tumingin rito. At bigla siya nitong mabilis na ginawad ng halik sa labi na siyang labis niyang kinagulat.

Napatili sa kilig si Ferlyn.

Hindi naman maitago ang kilig sa mukha ng kanyang Mommy at ni Ninang Annie. 

"Abay ako ah!" sabi pa ni Ferlyn.

"Oo naman!" tuwa ni Ryu.

Masaya ang lahat maliban kay Aireen. Speechless siya. Hindi niya magawang makapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari. Hanggang sa makabalik sila ng Maynila ay litong-lito pa rin siya. O baka hindi pa pumapasok sa kanyang utak na ikakasal na siya.

Ikakasal na siya sa bestfriend niya!

Hindi rin siya nagtataka kung nagulat man sa balita ang ilan sa mga kaibigan ni Ryu dahim maski siya ay hindi pa rin makapaniwala.

Nang magbalik na sila sa Maynila ay nagsimula na ring magplano ang mga magulang nila tungkol sa mga kakailanganin sa kasal. Mukha ngang mas excited pa ang mga ito. At nagsimula na ring magtawagan ng 'balae.'

Pero para kay Aireen, parang wala namang nagbago sa kanila.  Parang bumalik lang sa dati ang lahat.  

Ganoon pa rin si Ryu sa kanya, minsan mabait at minsan masungit. Walang special treatment na nagaganap sa kanila na madalas niyang nakikita sa mga ordinaryong mag-jowa na malapit nang ikasal.

Hindi naman kasi talaga sila mag-boyfriend o mag-girlfriend, kungdi mag-bestfriend lang. Kaya ano'ng special treatment ang inaasahan niya mula sa kanyang groom-to-be?  

Sadyang mabilis na lumipas ang mga araw, hindi niya namalayan na halos mag-iisang buwan na pala ang nakalipas. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak niya na halos isang buwan na lang din ay karugtong na ng kanyang pangalan ang apilyedo ni Ryu.

Mrs. Aireen Salazar-Martinez na siya!

Hanggang ngayon, malaking katanungan pa rin sa kanyang isipan kung ano nga ba ang dahilan ni Ryu kung bakit ito pumayag sa kasal samantalang wala naman itong pananagutan sa kanya.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang naging desisyon. Teka, nagkaroon ba siya ng time para makapagdrsisyon? Hindi diba?  Biglaan ang lahat!

Aaminin kasi niya na hindi pa talaga siya sigurado sa kanyang nararamdaman kahit na malapit na silang humarap sa altar ni Ryu.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang naglalakad siya patungo sa dirty kitchen ng restaurant ng kanyang Daddy.

Tuluyan nang nadisband ang banda nila ni Ryu. At  pino-focus na lang ni Aireen ang kanyang sa sarili sa pagiging assistant chef ng Daddy niya. At kahit wala pa itong sinasabi sa kanya, alam na alam niya na darating ang araw ay isa siya sa magpapalakad ng kanilang negosyo.  Kaya hanggang maaga pa ay pinag-aaralan na niya ang mga dapat niyang pag-aralan.  

“Miss Ai…” tawag sa kanya ng isa sa mga waiter ng Daddy niya, “…Gusto ka raw pong maka-usap ng ‘nung nasa table eighteen.”

“Bakit daw?” kinakabahang tanong niya.

“Gusto lang daw po nila makilala ang magaling na Chef na nagluto ng dinner nila,” nakangiting tugon nito.

Gulat siyang napatingin sa kanyang Daddy, na kasalukuyang abala sa niluluto nito.

Matamis na ngiti ang ginanti nito  at minsan pang tinapik ang balikat niya, "Go, My Baby Girl!" pag-cheer nito.

Matamis din na ngiti ang ginanti niya rito.

Nagpakawala muna siya ng marahas na hininga bago siya lumabas ulit ng dirty kitchen. Halos umabot hanggang tainga ang kanyang ngiti nang lumapit siya sa dalawang lalaki na naka-upo sa table eighteen.

"Good evening!"

Masigla naman niyang binati ang mga ito. Pagkaraan ay sabay-sabay na pinuri ng mga ito ang kanyang hinain na pagkain.

Natuklasan niyang mga Food Photographer pala ang mga ito, at vlogger. Humingi din ang pahintulot ang mga ito na i-featured ang restaurant ng Daddy niya sa site nito.

Kahit wala pang pahintulot mula sa kanyang Daddy ay proud na proud na siyang pumayag. Wala naman kasi siyang nakikitang masama. At malaking advantage sa kanilang restaurant ang opportunity na ito para makilala.

Habang nakikipagkwentuhan siya sa mga ito ay biglang nahagib ng kanyang dalawang mata ang pamilyar na lalaking pumasok sa main entrance.

Si Ryu.

Napakunot ang noo niya. Wala kasi siyang natatandaan na may usapan silang dalawa ngayong gabi.

Hindi nagtagal, mula sa kanyang kinaroroonan ay nakita niya ang isang pamilyar na babaeng kasunod ni Ryu na pumasok sa main entrance.

Nanlaki bigla ang mga mata niya. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan nang magtama ang kanilang mga mata ng naturang babaeng iyon.

“Miss, are you okay?” nag-aalalang tanong ng lalaking kausap niya sa table eighteen.

“Yah, I’m fine…” tugon niya saka magalang na nagpaalam sa mga ito.

Halos hindi na niya maihakbang kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ni Ryu at ng babae. Pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

Nakakabadtrip pa dahil umeksakto ang pagtunog ng background music sa kanilang restaurant ang hit song ng The Temptation na 'My Girl.'

"I've got sunshine on a cloudy day..."

Pakiramdam tuloy ni Aireen ay nagkaroon talaga ng sunshine sa loob ng restaurant nila dahil sa kagandahang taglay ng naturang babaeng iyon.

"Ai!" tuwang salubong nito, at mahigpit siyang niyakap.

“A-ate Mary…” gulat pa rin niya sabay ang sulyap kay Ryu.

Hindi ni Aireen alam kung nanaginip lang siya o totoong nasa harapan na niya ngayon ang nakakatanda niyang kapatid na si Ate Mary.

Mahigit na anim na taon silang hindi nagkitang kapatid. At aaminin niyang namissed na din niya ito ng sobra.

"M-mary? Anak?" gulat ng kanilang Daddy nang lumabas ito sa dirty kitchen.

"Daddy!" nakangiting sabi ni Ate Mary.

“Ang panganay ko!” bulaslas ng Daddy nila na nagmamadaling lumapit. At mahigpit na niyakap nito ang panganay na anak, "Ikaw nga! Hindi ako nananaginip!" mangiyak-ngiyak na sabi ng Daddy nila, at nagawa pa nitong pisil-pisilin ang braso ng anak. Sinisiguro kung talagang totoo ito.

“Dad…” malambing na saway ni Ate Mary, “…Ano ba naman kayo? Hindi pa rin kayo nagbabago, ako talaga ito! Nandito na ako, oh!"

"Magkausap lang tayo sa chat noong nakaraang araw, ah!" natatawang sabi ng Daddy nila habang pinupunasan nito ang tumulong luha, "Nag-videocall pa tayo, eh! Pero hindi mo man lang sinabi sa amin ng Mommy mo na uuwi ka ngayon dito?"

"Gusto ko kasi kayong i-surprised!" sabi nito saka sumulyap kay Ryu.

Napatingin na muli si Aireen sa nanahimik na si Ryu. Parang may napi-feeling siyang something na hindi niya nagugustuhan.

"I'm sure matutuwa ang Mommy mo!" excited na sabi ng kanilang Daddy, "Wait lang ipapatawag ko silang lahat para dito na tayo makapagdinner!"

Sabay-sabay silang nagsipagtango bilang pagsang-ayon rito.