Chapter 23 Sweet na naman sa isa't isa

IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos.

Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito.

Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya.

Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito.

Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina ay wala siyang pakialam, lalo pa't hindi naman mabuting tao si Flaviano Samonte.

Kaya, gagawin niya ang lahat para bumalik ang pag-ibig sa kanya ni Katrina. Tiyak naman kasi niyang nasa puso pa rin siya nito.

Noon ngang unang araw ng pagsasama nila ay nararamdaman niyang nababawi na niya ang pag-ibig ni Katrina pero biglang nagbago iyon ng mabuntis ito.

Marahil kaya ganoon ay dahil si Flaviano ang ama ng anak ni Katrina.

Ah, hindi siya papayag na di niya makuha ang puso ni Katrina nang buung-buo. Siya ang asawa kaya siya ang may karapatan.

"MAY gusto ka bang kainin?" masuyong tanong sa kanya ni Jeremy nang imulat niya ang kanyang mga mata.

Bigla siyang napangiti nang makita niyang ang kanyang asawa sa kanyang tabi habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa kanya. Mahal na mahal niya si Jeremy kaya gusto niyang manatili ito sa kanyang buhay. Hindi lang talaga niya maiwasang masaktan kapag naiisip niyang pinakasalan lang siya nito dahil sa hacienda pero ang totoo'y may mahal itong iba.

"Ice cream," mabilis niyang sagot.

"Anong flavor?"

"Pandan."

Ngumiti ito kaya bumilis na naman ang pintig ng kanyang puso na talagang hindi nakakalmante kapag nasa paligid lang ito. "Okay, titingnan ko sa ref kung mayroon pa. Kung wala na, bibili ako."

"Gusto ko, dito ka lang," mariin niyang sabi. Natatakot kasi siyang kapag umalis ito sa kanyang tabi ay baka makalimutan na naman nitong balikan siya. Nang maisip niyang parang kinalimutan siya nito dahil tumawag ang bestfriend nito nu'ng isang araw, parang madudurog na ang kanyang puso. Paano kapag nangyari ulit iyon?

"Paanong ice cream mo?" Marahang tanong nito pero para namang walang balak umalis din sa tabi niya. Nakayakap din kasi ito sa kanya.

Saglit siyang nag-isip. "Tingnan mo sa ref kung mayroon pang pandan flavor. Kung wala naman, iutos mo na lang ang pagbili. Gusto ko kasi, katabi kita. Please?" masuyo niyang sabi. Alam niyang nagiging clingy siya pero sa tingin naman niya'y okay lang na maging ganoon siya kay Jeremy tutal asawa naman niya ito.

"Okay, pero, bago ako umalis. Pwede bang yakapin pa muna kita kahit five minutes lang," wika nito.

"Kahit pa ten minutes o kahit ilang oras pa tutal para ka rin namang ice cream," nakangiti niyang sabi na tinamisan pa ang kanyang ngiti. "Kapag tinitingnan mo ko, parang natutunaw ang puso ko."

"Eh di, ikaw pala ang parang ice cream sa ating dalawa."

"Hindi ako, ikaw. Alam mo ba kung bakit?" malambing na malambing niyang tanong dito. Ayaw niyang ialis ang tingin dito. Ang gusto kasi niya ay mas maramdaman nito ang kanyang pagmamahal.

"Bakit?"

Sa halip na sagutin ang tanong nito, binigyan niya ito ng mapusok na halik. Kailangan niyang gisingin ang damdamin nito para sa kanya. Okay lang kung mas mabuhay ang pagnanasa nito at hindi ang pag-ibig. Ang importante sa kanya ay mapasok niya ang sistema nito at alam niyang kapag nangyari iyon ay baka matupad na ang kagustuhan niyang tuluyang makuha ang pag-ibig nito.

"OH, hindi ba, tama ako. Mas matamis pa sa ice cream ang halik mo."

Hindi napigilan ni Jeremy ang mapaungol nang iwanan ni Katrina ang kanyang labi. Kahit kailan kasi ay pinananabikan niya ang halik nito. Ngunit, dahil sa marahan siyang itinulak ni Katrina, wala na siyang nagawa kundi lumayo rito ng bahagya.

"Pwedeng ako naman ang mag-request?" marahang tanong niya rito. Nangangamba kasi siyang hindi nito pagbigyan kapag hindi ganoong tono ang gagamitin niya. Kilala kasi niya si Katrina. Madali itong maawa at kung kailangang palagi siyang magmakaawa rito para mahalin siyang muli ay gagawin niya.

"Naglilihi ka rin?" nakangiting tanong sa kanya ni Katrina.

Mas tinamisan pa niya ang kanyang pagngiti. "Siguro nahawa ako sa'yo kasi, hindi ba, pinaglilian mo ako. Buti nga, hindi ka na nagsusungit sa akin."

"Ano bang request mo?"

"Pwede bang magkaroon ng continuation ang kiss."

"Bakit hindi?" malambing niyang sagot. "Saka, talaga namang miss na miss na rin naman kita saka..."

"Anong saka... bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo?" nagtataka niyang tanong. Ilang segundo rin naman kasi nitong ibinitin ang gustong sabihin kaya talagang na-curious siya sa gusto nitong ipahayag.

"Nakakahiya, eh."

"Asawa mo ako, bakit ka mahihiya?" nagtataka niyang tanong. Napabuntunghininga lang siya ng matanong niya sa sarili, kung ang Flaviano Samonte na iyon ba ang kasama mo ay hindi ka mahihiya?

"Sabi kasi ng doctor, vitamins daw iyon ni baby."

Maang siyang napatingin dito ng makuha niya ang ibig nitong sabihin. "Talaga?"

"Yes."

"Kailangan ba ang susunod mong check up?" sabik niyang tanong dito. Kahit pa laging ipinapaalala sa kanya ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito'y, gusto pa rin niyang isipin na anak nila ang nasa sinapupunan ni Katrina.

"B-bakit?" pautal pang tanong nito saka lumunok na para bang sobrang kinakabahan.

Ayaw niyang isipin na may itinatago sa kanya ang asawa pero sa tingin niya'y parang namutla ito. Pinigilan niya ang sariling tanungin ito dahil baka maging dahilan pa iyon para magtampo ito sa kanya. Natutuwa na nga siya at nakalimutan na nito ang 'nagawa' niya kanina. "Siyempre, gusto kong kasama mo ako."

"Ha?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit parang ayaw mong kasama ako? Huwag mong sabihing ikinahihiya mo akong kasama. Guwapo naman ang asawa mo, di ba?" pa-cute niyang tanong sabay nguso. Sabi kasi dati ni Katrina kapag ngumunguso siya ng ganoon ay parang ang sarap-sarap niyang halikan kaya lagi siyang ngumunguso noon.

"Hindi naman sa ayaw ko..." wika nitong parang hindi naman pansin ang kanyang ginawa. Lalo tuloy niyang naisip na may sikreto itong ayaw nitong malaman niya. "Kaso pwede namang si Ysabelle…"

"Sino ba asawa mo?"

"Ikaw."

"Then, sasama ako sa susunod mong check up." At bago pa nakapagsalita ito ay inangkin na niya ang labi nito. Sabik na rin naman siyang maipadama sa kanyang misis ang kanyang pagmamahal.

Hindi rin niya napigilang hilingin na sa bawat pagtatalik nila ay tuluyan ng nabubura sa sistema ni Katrina ang tungkol sa ex-fiance nito. Kahit kasi siya ang kasama nito palagi, hindi niya maiwasan ang ma-insecure sa hinayupak na iyon.

"Wait muna..." wika nto ng unti-unti na niyang tinatanggal ang damit nito.

"Why?"

Ngumiti ito. "Maligo muna kaya tayo."

"Good idea," wika niya sabay kindat. Iyong pilyung-pilyong ngiti na alam mong may gagawing kalokohan. "Try na rin natin ang bathroom sex."