Chapter 20 Misyon ni Katrina: paibigin si Jeremy

BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?

Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y, bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito?

Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.

Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit kailangan ulit-ulitin pa sa kanya ni Katrina iyon na para bang gusto talaga nitong ipasok sa kanyang isip na hindi siya ang ama ng dinadala nito?

Hindi kaya...?

Natigil siya sa kanyang pag-iisip nang bumukas ang pintuan. Hindi na siya nagulat nang makita niya si Katrina pero ibig niyang magtaka kung bakit ang lapad-lapad ng pagkakangiti nito sa kanya. Nu'n kasing mga nakalipas na araw ay palagi itong maungit sa kanya.

"Hi."

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Napamura lang siya sa sarili dahil hindi niya napigilang itago ang pananabik sa kanyang tono.

"Kuwarto ko rin naman ito, hindi ba?"

"Sabi mo sa guest room ka matutulog dahil nandoon ang pinsan mo."

"Sorry."

Kung nabigla siya sa sinabi nitong iyon, mas mabigla siya nang sumampa ito sa kama at niyakap siya nang mahigpit.

"Na-miss kita ng sobra," wika nito.

Hindi agad siya nakakibo sa sinabi nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya mapaniwalaan na mababang-mababa na ang tono nito. Kung susuriin pa nga ay para itong nagsisisi ng labis sa nagawang kasalanan.

"Ako, hindi mo ba na-miss?" tanong nito.

Doon na siya tuluyang napangiti. "Miss na miss na kita kaso parang lagi kang bad trip sa akin ng mga nakaraang araw."

Nakagat nito ang pang-ibabang labi. Siya naman ay napalunok ng mapagmasdan niya ang mapupula nitong mga labi na wari'y nag-aanyaya sa kanyang halikan ulit ang mga iyon.

"Siguro ay dahil napaglilihian kita. Pasensiya ka na kung nagmamaldita ako ng mga nakaraang araw. Natatakot lang kasi ako," wika nito habang pinapagapang sa kanyang mukha ang mga daliri nito.

Damn it, shit! gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ng husto ang sarili. Magaan lang ang kamay nitong humahaplos sa kanyang mukha pero sapat ng dahilan iyon para mag-init ang kanyang pakiramdam. Ang totoo nga niya'y gusto na niyang sibasibin ng halik si Katrina pero kailangan muna niyang pigilan ang kanyang sarili. Siyempre, bago niya gawin iyon gusto niyang makasigurado muna na okay na silang talaga.

"S-saan ka naman natatakot?"

"Na isang araw ay iwanan mo ako."

Kumunot ang noo niya. "Bakit ko naman gagawin iyon?"

Hindi siya nito tinugon na para bang may binabasa sa kanyang ekspresyon. Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niya kung ano ang kinatatakutan nito. "Mahal kita at hindi magbabago iyon."

"Halikan mo ko."

Iyon lang at hindi na niya nagawang pigilan ang kanyang sarili. Inangkin niya ang labi nito. Talagang gusto niyang iparamdam kay Katrina kung gaano niya ito kamahal kaya't hindi na niya alintana kung ano man ang nangyari rito sa nakalipas na tatlong taon. Basta ang gusto niya ay tuluyang mapasok ang puso nito.

Tulad ng dati.

HIMBING nang natutulog si Jeremy pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Katrina. Para kasing hindi pa siya nagsasawang pagmasdan ito. Ibig din niyang maramdaman ang mainit nitong yakap sa kanya kahit tulog na tulog na ito. Pakiwari niya tuloy ay mahal na mahal siya nito kaya ganoon ang akto nito.

Kung hindi nga lang niya narinig ang tungkol sa 'testamento' talagang maniniwala siya na mahal na mahal siya ni Jeremy, ngunit, ayaw naman niyang maniwala na nagkukunwari lang ito. Dama naman kasi niya ang pananabik nito sa kanya sa tuwing aangkinin siya. O baka naman tulad lang ito ng normal na lalaking kailangan talaga ng may kasiping.

Napabuntunghininga siya at pilit na itinaboy sa kanyang isipan ang hinalang nagpapadurog sa kanyang puso. Tama naman kasi si Ysabelle ng sabihin nito sa kanyang hindi na importante kung anong dahilan ni Jeremy nu'ng pakasalan siya. Ang mahalaga lang dapat sa kanya ay 'yung maayos ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Ysabelle ay dapat na niyang aminin kay Jeremy ang katotohanan pero gusto muna niyang magpakasiguro. Ibig niyang kapag nalaman nito na ito talaga ang ama ng ipinagbubuntis niya ay talagang mahal na mahal na siya nito at hindi na nito iisipin pang iwanan siya.

"Huwag mo na akong titigan. Matulog ka na."

"Gising ka pa ba?" natatawa niyang tanong. Nakapikit naman kasi ito kaya naisip niyang baka naman nagsasalita lang ito ng tulog.

"Ramdam kong titig mo sa akin. Wala na akong lakas. Masyado mo na akong pinagod kanina."

Napahagikgik siya sa sinabi nito. "Two rounds lang naman tayo kanina, ah. Baka naman kailangan mo ng uminom ng viagra."

Bigla itong napadilat sa kanyang sinabi. "Anong sabi mo?"

"Antok na kako ako," wika niya saka sumiksik pa kay Jeremy. Talagang gusto niyang maramdaman ang init na ibinubuga ng katawan nito. Pakiramdam kasi niya ay protektadung-protektado siya sa kung anong kapahamakan kapag nasa tabi lang niya ito.

"Humanda ka sa akin bukas."

"Kumain ka kasi ng balot," tudyo niya rito.

ANG ngiti sa labi nina Jeremy at Katrina ay hindi mapalis-palis. Kaya naman, pati ang mga nakapaligid sa kanila ay masaya.

"Okay na kayo?" tanong sa kanya ni Ysabelle.

"Y-yes." Nakangitig sabi niya rito.

"Di happy si... pussy," wika nito sabay hagikgik.

Pinanlakihan kasi niya ito ng mata. Kahit pabulong lang naman ang pagkakasabi nito sa kanya, mabilis pa ring nag-init ang kanyang pakiramdam. Siyempre, dahil tama naman talaga ang hinala nito.

Muntik na siyang mapasinghap nang malakas ng maramdaman niya ang kamay ng asawa niya sa kanyang hita. Kahit nakapatong lang naman iyon, para pa rin siyang kinukuryente. Hindi tuloy niya napigilan ang mapa-'shucks' dahil talagang nag-iinit siya lalo na't nararamdaman niyang pumipisil na ang kamay nito.

Oh, para tuloy ayaw na niyang mag-breakfast ng pagkain at yayain na lang si Jeremy na magkulong sa kanilang silid.

"Babalik na ba ako sa Manila?" nanunudyong tanong sa kanya ni Ysabelle.

"Bakit naman?"

"Para matutok mo ng husto sa atensyon mo sa asawa mo," wika ni Ysabelle, sabay kindat kay Jeremy.

Hindi tuloy niya napigilang tapunan ng matalim na tingin ang pinsan. Napahalakhak naman ito sa nakitang reaksyon niya. At nang ibaling niya kay Jeremy ang kanyang tingin ay nakangisi rin ito sa kanya na para bang alam na alam ang kanyang nararamdaman. Oh, para tuloy gusto niyang magtalukbong sa sobrang kahihiyan.

Ang layunin niya ay paibigin ng husto si Jeremy pero pakiramdam niya ay siya ang mas lalong nahuhulog dito. Ngunit, wala na siyang pakialam doon. Basta ang gusto niya ay palagi itong makasama.