Kabanata 20

F A H R E N H E I T

Kasabay ng pagbagsak ng wala ng buhay na katawan ni Scarlet na ngayon ay kulay gintong abo na ay lalo akong nakaramdam ng galit at sa hindi ko inaasahan ay naramdaman nawalan na ng bisa ang ginawa ni Axel para pigilan ang kapangyarihan ko.

Inayos ko muna si Scarlet at pagkatapos ay agad kong kinuwelyuhan si Axel na ngayon ay nakatulala na. Gustong gusto ko syang patayin dahil sa ginawa nya sa aking reyna ng bigla na lang kumausap sakin sa aking isipan.

"Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo. Hindi pa patay ang mahal na Reyna sya'y natutulog lamang ginamit ko ang kapangyarihan ko para pagalingin sya"

"Teka, sino ka?" tanong ko.

"Ako si Airre, ang Ku Liefde Deva ng Ihmisen na nasa harapan mo ngayon" napataas ako ng kilay. Ang lalaking 'to? Ang hindi ko inaasahang kapatid ng aking asawa?

"Ang lalaking 'to?" pagkatapos kong i-vocal ang tanong na yon ay biglang lumitaw ang isang babae na nasa anyo ng isang puting lobo. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagbalik sya sa dati nyang anyo.

"Mahal na Hari" she paused and slightly bow her head. "Ako na po ang bahala sa kanya at kayo na po ang bahala sa mahal na Reyna. Huwag po kayong mag-alala. Sa takdang araw, muli pong magising muli ang mahal na Reyna" at muli syang ngumiti.

"Maraming salamat"

Sinunod ko nga ang kanyang sinabi at pinuntahan ko si Scarlet at binuhat ko sya na parang pang kasal at naglakad na pabalik sa palasyo. Maglalakad pa sana ako palayo ng narinig kong muling nagsalita ang babae.

"Sa ibang ruta po kayo dumaan. Dahil ngayon ay matutupad na ang nakasulat sa propesiya." tumango na lang ako sa sinabi nya at pinagpatuloy lang ang paglalakad papalayo.

-----

Ilang mga araw, buwan at linggo ang lumipas at hanggang ngayon ay di parin nagkakamalay si Scarlet. Hindi na naalis sakin ang pag-aalala.

Habang unti unting nabubuo muli ang Adetram at Crea sya namang unti unting pagkadurog ng puso ko sa bawat araw na lumilipas na hindi parin gumigising si Scarlet.

Pagkatapos ng insidenteng naganap, nabalitaan kong tunay ngang natupad ang nakasulat sa propesiya at si Axel ang lumaban at pumatay sa mga Ihmisen na syang lumaban sa kanya matapos malaman na may dugo syang Tovenaar.

Kasalukuyan syang naninirahan dito sa palasyo kasama ang kanyang Ku Liefde Deva na ngayon ay isa ng Cong Chua.

Naglalakad lang ako dito sa may hallway ng masalubong ko si Axel. Tumigil sya sandali sa kanyang paglalakad at slight na nagbow.

"Fa-Fahrenheit-- King Fahrenheit--" hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya ng ako na mismo ang nagsalita.

"You don't need to address me king, kung hanggang ngayon ay hindi ka parin sanay."

He smiled. "Honestly, hindi ko alam kung paano nyo pa ako napatawad. Imagine, I killed many mages , numbers are not accurate to count them all"

Napangiti na lang ako sa sinabi nya at nilagay ang kamay ko sa may balikat nya.

"Everyone deserves a second chance. For sure, kung gising ngayon si Scarlet ay gayun din ang gagawin nya besides hindi ka na lang basta Tovenaar ngayon dahil isa kang Hoang Tu. Ikaw ang Hoang Tu ng Adetram" napangiti naman sya sa sinabi ko at pagkatapos ay umalis na ako.

Everyone deserves a second chance.

Nalagpasan ko ang garden ng Palasyo at napangiti ako bigla ko na namang naalala si Scarlet. Kailangan kong tatagan ang aking kalooban. Babalik din sya.

"King Fahrenheit ..." bati sakin ng isang Tovenaar at nag bow sya sakin.

----

A X E L

Pagkaalis ni King Fahrenheit ay napangiti ako. Sayang at hindi ko nalaman ng maaga, edi sana close na close kami ngayon ng kapatid ko.

"Nakatulala ka naman at malalim ang iniisip" napalingon ako sa nagsalita at nalaman kong si Airre pala ito.

"A-airre" nakangiti sya sakin.

"As much as I want to help you, pero wala akong nagagawa, I don't have the magic to turn back time only the Queen can do that--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng basta ko na lang syang yakapin.

Natigilan naman sya.

"Maraming salamat at nandito ka. Thank you so much dahil ikaw ang nandyan at tinanggap mo ako--" siya naman ngayon ang hindi nagpatapos sa sinasabi ko at basta na lang syang kumalas sa yakap at basta na lang akong hinalikan.

Mabilis nya lang akong hinalikan at pagkatapos ay muli nya akong niyakap.

"No. I should thanked you dahil nandyan ka at kinumpleto mo ako" napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap sya ng mahigpit at hinalikan sya sa buhok.

"I love you."

"I love you too"

----

F A H R E N H E I T

Lumipas ang mga araw at inabala ko na lang ang sarili ko sa buong kaharian. Pinuntahan at binisita ang mga Tovenaar at ang Crea kung saan maraming nasaktan.

Napapagiti na lang ako kapag nakikita kong masaya ang aking nasasakupan, isang simbolo kung saan dapat ngumiti rin ako at maging masaya.

Naglakad lakad lang ako dito sa Crea ng may bigla akong naalala. Ang alaala nung panahong hindi pa nasisimulan ang kaguluhan, nung hindi pa sya umalis at bumalik pagkatapos ng isang taon at tatlong buwan.

Nung kasama pa namin si Celsius. I smiled on that thought. Gusto ko kapag naka-anak na kami ni Scarlet ay maging lalaki ito para mapangalan naming Celsius.

"Tara na, dito tayo malilom dito" mabilis na tumakbo si Scarlet habang dala dala si Scarlet. Napapailing na lang ako. Nakakainis, kanina ko pa sya pinagsasabihan pero hanggang ngayon ay araw nya paring makinig.

"Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko? Kapag may nangyari kay Celsius, hindi lang ikaw ang malalagot ako din. Madadamay ako sa kapabayaan mo!" hindi ko na napansin na napalakas na pala ang boses ko kaya napatungo na lang sya at tahimik na hinela si Celsius habang nangingilid na ang mga luha nya.

Napailing na lang ako. At sa hindi ko malamang kadahilan ay wala sa sariling nilapitan ko si Scarlet at niyakap sya ng mahigpit sa may likod.

"I'm sorry .."

Nabalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong may dumadaloy na maligamgam na likodo sa may pisngi ko. Hinipo ko yon at nalaman kong umiiyak na pala ako.

Miss na miss ko na si Scarlet.

Pumikit na lang ako ng madiin at pinahid ang mga luha kong patuloy lang sa pagbagsak.

Hindi na rin ako nakatiis at pinuntahan ko si Scarlet sa kwartong pinagdalhan sa kanya. Umupo ako sa upuang malapit at hinawakan ang kamay nya at hinalikan ito.

"Mahal, kung gising ka lang sana ngayon , niyakap na kita ng mahigpit. Miss na miss na kita" at muli kong hinalikan ang palad nya.

"Scarlet, mahal na mahal kita ...."

Itutuloy ...