Kabanata 21
S C A R L E T
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Isang lugar kung saan maraming kulay violet na bulaklak na nakatanim at amoy na amoy mo ang amoy ng lavender sa paligid. Teka, nasaan ba ako?
Pinagmasdan ko ang paligid at hinahanap ko kung saan ako pwedeng magtanong.
Naglakad lang ako hanggang sa may napansin akong pamilyar na mukha kaya tinawag ko sya at hindi nga ako nagkamali dahil humarap sya sakin.
"Steppe?"
"Scarlet ... I mean Queen Scarlet" natawa na lang ako sa sinabi nya dahil nagbow pa talaga sya.
"Steppe, nasaan ba tayo? Hindi naman ito ang garden ng palasyo o garden sa Crea diba?" umiling iling lang sya sakin na syang ikinakunot ng noo ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Nakalimutan mo na ba? I was killed together with Josh and with our unborn child" natahimik at natigilan ako.
Wait, I remember now. Nalaman ko nga yan dahil sinabi yan sakin ni Axel pero bakit nandito ako?
"Steppe, anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba nito ay patay na rin ako kagaya mo?"
Napangiti sya at muling umiling iling.
"Diyan ka nagkakamali. Hindi ka pa patay dahil kung patay ka na ay nilamon ka na ng puting usok na may kasamang gitong glitters na sa loob lamang ng ilang minuto ay mawawala ka na na parang bula pero hindi ganon ang nangyari sayo dahil nagkulay abong ginto lang ang katawan mo na ang ibig sabihin ay nasa iyo na ang desisyon kung gusto mo pang manatiling mabuhay o tuluyan ka ng mamamatay"
Bigla kong naalala si Fahrenheit. Hindi ko pwedeng iwan si Fahrenheit, dahil kapag nangyari yon kapag namatay ako ay mamamatay din si Fahrenheit. Paano na ang Adetram.
"Steppe, I will go back" buong desisyong saad ko. Ayaw kong bitawan si Fahrenheit sa mga ganitong sitwasyon. He needs me and I need him.
Nakangiti namang tumango si Steppe.
"Very well pero Mahal na Reyna Scarlet, bago ka muna umalis ay may mga gustong makita ka" napakunot naman ako ng noo pero kinalimutan ko na lang yon at sinundan si Steppe sa pupuntahan nya.
Dito ko natagpuan ang dalawang Tovenaar na nakatalikod habang pinagmamasdan ang kulay asul na tubig na napapaligiran ng magaganda at mababangong bulaklak.
"Kamahalan, nandito na po sya" hindi ko inaasahang nagbow si Steppe sa dalawang Tovenaar na ito na sya namang ikinakunot ng noo ko.
Teka, sino ba ang dalawang 'to? Nakita ko ring napangiti si Steppe na syang lalong nagpagulo ng isipan ko.
"Steppe, sino ba si--" hindi ko na natapos ang itatanong ko sana kay Steppe ng biglang humarap ang babaeng nakatalikod at kasunod nito ang lalaking nakatalikod na syang nagpatigil sakin. At sa hindi ko inaasahan ay syang nagpatulala at nagpaluha sakin.
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay biglang mabilis na nagflashback sa isipan ko ang lahat ng alala na hindi ko inaasahan na mayroon ako.
At wala sa sariling napabigkas ako ... "Ma--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng basta na lang nya akong niyakap.
"Anak, sorry sa lahat. Sorry dahil hindi kami ang nakasama mo habang lu--" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mama ng niyakap ko na lang sya ng mahigpit habang umiiyak. Naramdaman ko na lang din na yumakap na rin samin ang aking Ama -- si Papa.
Nagkaroon kami ng oras para magkwentuhan at magpalitan ng masasayang storya. Hindi ko na rin napigilang mapaluha dahil sa kasiyahan.
"Anak, bakit ka umiiyak? Di ka ba masaya?" nag-aalalang tanong ni Papa habang hawak hawak ang kamay ni Mama.
"Hindi po. Sa totoo lang po, masayang masaya po ako. Sobra. Kasi po akala ko talaga noon ay wala akong mga magulang hanggang sa napunta po ako sa Crea, sa Adetram at ngayon ay isang Reyna na po ng Adetram" pinahid ko ang aking mga luha.
"Anak, masaya kami para sayo pero hanggang dito na lang talaga ang lahat, anak. Gusto ka man naming samahan sa Adetram ay wala na kaming magagawa. Ang desisyon mo lang ang makakagawa ng bagay na gusto mong mangyari"
"Mananatili ka na lang ba dito kasama kami o uuwi kang kasama ang iyong asawa sa Adetram?" natigilan at nalungkot ako. Napatungo na rin ako dahil sa mga luhang bumabagsak.
Hearing those words brings back the memories I had with Fahrenheit. Ang mga masasaya naming kwentuhan, pag-aaway, asaran. Namimiss kong lahat yon, pati na rin si Fahrenheit pero kapag ginawa ko yun hindi ko na makakasama sina Mama at Papa.
Hindi ko na makakasama ang mga magulang ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanila habang may luha parin ang aking mga mata at nasilayan ko ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Kahit ano mang desisyon ang piliin mo, tatanggapin namin. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin, anak. Mahal na mahal ka namin" napangiti ako sa sinabi nila at niyakap silang dalawa ng mahigpit.
"Mahal na mahal ko rin po kayo, Mama at Papa"
Itutuloy ...