Kabanata 19
S C A R L E T
Nagbalik ako sa katawan ko at sa kasalukuyan na ramdam na ramdam ang pagod at hirap ng paglalakbay ng malayo at matagal. Ayon din sa pagbabasa ko ng libro ay may posibilidad ring dahil sa halos lahat ng lakas ko ay binuhos sa pagbalik sa nakaraan ay may posibilidad akong mawalan ng buhay.
Umiling iling ako on the thought.
I cannot afford to lose Fahrenheit. I cannot afford to lose him.
Nilingon ko sya at nakita kong nakatingin sya sakin with that tear in his eyes. Umiiyak sya?
"F-fahrenheit .." bigkas ko dahilan para lingunin na kami ng lalaking itong ayon sa nalaman ko sa nakaraan ay nagngangalang Axel.
"What do you have here? Nagbalik ka na pala? I thought you're already dead!" at nakuha nya pang tumawa dahilan para makaramdam na muli ako ng takot pero hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang aking panghihina.
"I guess, kailangan na kitang patayin para mamatay na rin ang lalaking 'to" sabay tingin nya kay Fahrenheit na ngayon ay nagtatangis na ang mga bangang sa galit at inis.
Naging mabilis sya dahil hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na sya. Nanlaki ang mga mata ko ng naramdaman kong hinipo nya ang dulo ng aking hanggang bewang na buhok.
Napatingin ako kay Fahrenheit at masamang masama ang tingin nya kay Axel.
"One .. Two .. Three--"
Hindi na natapos ni Axel ang kanyang pagbibilang ng basta na lang sumigaw si Fahrenheit.
"Get your filthy hands off my wife. Kung gusto mong pumatay ng isang Tovenaar, bat di na lang ako. I rather sacrifice my life than seeing my wife in pain and slowly dying!" nakatiim bagang na saad ni Fahrenheit habang masamang tinitingnan si Axel sa may likuran ko.
Narinig kong humalakhak si Axel na nagpa-echo sa buong kwarto.
"What a great idea. Nakakatuwang isipin na handang isugal ng isang walang kwentang hari ang kanyang buhay para sa kanyang reyna." hindi na lang nag-react si Fahrenheit sa sinabi ni Axel pero kitang kita ko ang bagang nya na nagtitiim at halatang halata na nagpipigil lang si Fahrenheit.
Akala ko ay gagamitin ni Axel ang kanyang kapangyarihan ngunit hindi nya ginawa bagkus ay naglabas sya ng isang matalas na kutsilyo at isasaksak na sana kay Fahrenheit ng sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan ay nagawa kong patigilin ang oras at ako na ang humarang para ako ng ang masaksak ni Axel.
Muli kong tinuloy ang oras at ako na ang tuluyang nasaksak. Hindi ko na napigilang magsibagsakan na ang mga luha ko.
Nakita kong naka ngisi lang si Axel at nung nilingon ko naman si Fahrenheit ay nakita kong nanlaki ang mga mata nya dahil sa pagkabigla at puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata.
Unti unti na akong bumabagsak mabuti na lang at kahit nakatali si Fahrenheit ay nagawa nya paring saluhi ako. Nakailang beses na ring papikit pikit ang mga mata ko.
Ang sakit sakit. Sa sobrang sakit ay halos ang naririnig ko na lang ay ang pintig ng puso ko. Nakakabingi na ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang unti unting pagpapalit ng katawan ko biglang isang gintong abo.
"Mahal ko. B-bakit mo ginagawa yon?" Sabi ni Fahrenheit na kahit nahihirapan akong marinig ay nagawa ko paring ngumiti.
"Ok lang. Pasensya ka na ha. I just cannot afford to see you suffer. Ayokong makitang nasasaktan ka. Kasi mahal na mahal kita" isa isa nang nagsibagsakan ang mga luha ko. Makailang beses muna akong napapikit pikit ng tingnan ko si Axel na walang emosyong nakatingin samin ni Fahrenheit.
"A-axel, bago ako tuluyang mawalan ng buhay gusto ko sanang malaman mo na masaya ako dahil bago matapos ang buhay ko ay nalaman kong meron pala akong nakababatang kapatid. Ikaw yon, Axel. Ikaw yon"
Itutuloy ...