Chapter 21: Kabanata 18

S T E P P E

Nabigla na lang ako ng may biglang dumating. Isang grupo ng mga Ihmisen pero may isang natatangi sa kanilang itsurang Tovenaar pero kilos Ihmisen.

"Anong binabalak nila? Bakit nandito sila sa lagusan papuntang Adetram?" tanong ko sa sarili ko na syang narinig naman ni Josh at mabilis syang nagpalit ng anyo mula sa isang halaman ay bumalik sya sa kanyang dating anyo.

"Wag kang magpapalit ng anyo, ako na lang ang lalaban sa kanila" balak ko sana syang pigilan pero hindi ko magawa. Buntis ako at ilang linggo na lang ay manganganak na ako. Bilang isang Tovenaar ay ang pagbubuntis ay isang buwan lamang.

Hindi na nagtagal pa at nagsimula na silang maglaban laban. Kahit anong bilis ni Josh ay in the end ay bumagsak at natalo parin sya at hindi pa nakuntento ang mukhang pinaka leader ng grupo na ito ay nagawa pang saksakin si Josh sa kanyang puso na mabilis ko namang naramdaman dahil ako ang Ku Liefde Deva nya.

Sa sobrang sakit ay halos di ako makapagsalita, napapapikit na rin ako ng madiin , nahihirapan na rin akong huminga. Ito na ba ang katapusan ng lahat?

"Steppe, p-pasensya ka na ha. Pasensya na d-dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang nararapat." umiiyak na si Josh kaya di ko na narin napigilang umiyak. Pinilit ko ang sarili kong lapitan sya at hawakan ang kamay nya.

"O-okay lang yon. Ayaw mo nun , sa huli buo pari ang pamilya rin. Ikaw, ako at ang supling natin. Magiging masaya tayo" napangiti na lang ako at ganun din sya.

At hindi pa natatapos ang isang minuto ay para kaming gintong abong nalusaw at katulad ng bula ay tuluyan ng nawala .

----

S C A R L E T

Napadpad ako isang daang taon sa nakaraan. Ang nakaraang isang daang taon ay walang problema at lahat ay masaya. Ang Adetram ay malaya pang nakabukas para sa mga Tovenaar at mga Ihmisen.

May mga Tovenaar na nag-asawa ng Ihmisen at gayun din ang mga Ihmisen na syang nag-asawa ng mga Tovenaar. May mga paaralan ding itinayo para sa pag-aaral ng mahika. Everything is complete and perfect hanggang sa hindi inaasahan ay may isang Ihmisen na lang na basta pumatay ng mga Tovenaar at mga Ihmisen na gustong lumaban sa kanya.

Dahil sa kanyang angkin talino sa mahika ay naging mahirap para sa maraming Tovenaar ang talunin sya dahilan para sa huli ay patayin na lamang sya nito.

Nung mga panahong yon ay kapapanganak pa lang ng Reyna sa kanyang bunsong anak na lalaki na pinangalanan nya ng Axel. Habang ang kanyang panganay na anak na babae naman ay halos tatlong taong gulang pa lang na wala pang alam gumamit ng mahika.

Nang mapatay na ng sinabing Ihmisen ang mga natitirang nilalang sa Adetram ay balak na nyang isunod ang Hari at Reyna kasama ang mga anak nito. Dahil na rin sa naging mabilis ang ilang Tovenaar ay nagawa nilang lisanin ang Adetram at lumipat ng Mundo ng mga Ihmisen habang ang iba naman ay nanatili sa tagong lugar sa lunsod ng Crea. Nang malaman ito ng Hari at Reyna ay mabilis silang umalis dala dala ang kanilang dalawang anak papunta sa mundo ng mga Ihmisen.

Tuluyan na sana silang makakalabas ng lagusan ng basta na lang inagaw ang bunso nilang anak. Nakipag-agawan sila pero huli na dahil sa isang iglap ay nasa mundo na sila ng mga Ihmisen.

Ilang mga taon silang nanatili sa mundo ng mga Ihmisen. Nabuhay at nanirahan sila bilang mga Ihmisen. Hanggang sa dumating ang isang araw na basta na lang silang sinaksak ng naturang Ihmisen. Ginawa ng Hari at Reyna ang lahat kaya pinadala nila ang kanilang anak sa isang pamilya at tinanggal din nila ang memorya ng kanilang anak para maitago ang alaala ng nakaraan at mailayo sya sa Ihmisen na syang pumapatay.

On the other hand, pinalaki naman ng naturang Ihmisen ang ninakaw nyang anak ng Hari at Reyna bilang kanya dahil umaasa syang paglaki nito ay ipagpapatuloy nito ang ginawa nyang pagpatay at paglipol sa mga Tovenaar. Dahil iniisip nya, simula ng dumating ang mga Tovenaar na yan ay unti unti ng gumulo ang kanyang mundo.

Itutuloy ...