Chapter 22 - THE ONLY CURE

KAYE

NANG makarating sa emergency ay nakita kong nanginginig ang dalawa. The twins are having seizure, nakita ko si Mamita na inaalo ni Papito habang umiiyak.

And even me I can't helped it but to cry sa sobrang pag-aalala sa mga anak ko.

Automatically napahagulhol ako sa sitwasyon lalapit sana ako ng pinigilan ako ng isang nurse. Sapilitan kaming pinalayo ng isang nurse para ma clear ang area sa paligid nina Nicolo at Nicolai at siya ring pagdating ng mga attending physician nila.

The Doctor is trying to loosen anything around Nicolo’s neck and a nurse sa kay Nicolai din they are unbuttoning the top of the twins pajamas then they remove the pillows, raise the side rails, and put the bed in a flat position.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko but I am trying my best to stay positive, na magiging okay rin ang lahat.

Umiiyak ako habang nakayap sa kina Mamita at Papito. I never imagined something would happen like this sa kambal, not a single moment.

Mamatay ako kung anu man ang mangyari sa kanilang masama but for now I won’t go that far, ayaw kong mag-isip ng ganoong bagay.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit biglaan silang nagkasakit at sabay pa. Maayos naman sila kaninang umaga hanggang hapon at bago matulog pero bakit biglang nangyari ito?

I am thinking what triggers this to happen pero wala akong maalala.

After a while nang bumalik sa normal ang dalawa ay sobra akong nagpapasalamat sa Diyos at dahil dun pinayagan na rin kami ng mga doctor at nurses na lumapit, umiiyak ang dalawa sa akin habang inaalo ko namin Nina Mamita at Papitp ang kambal.

Pero, hindi rin ako nag tagal sa tabi ng kambal dahil sa need akong makausap ng doctor at sinabihan niya ako bago ito dumiretso sa labas ng emergency room to explain to me what happened, kaya iniwan ko muna ang kambal ulit sa Mamita nila at Papito.

Gusto kong makasiguro na okay lang ang kambal at maintindihan ang nangyari sa kanila kanina. I can't afford to experience the same thing ulit. Baka hindi ko na kayanin pa.

Naabutan ko ang doctor ng kambal sa labas ng emergency room, “Doc will you explain po bakit nagka seizure po ang mga anak ko?” I worriedly ask sa doctor ng kambal.

Hindi ako mapapakali pag wala akong ideya sa mga nangyayari at ayaw kong maging complacent pag health issue na ng kambal ang pinag-uusapan.

“Sa ngayon Ma’am ang nakikita ko na nag trigger sa seizure nila ay dahil sa biglaang pagtaas ng lagnat nila, since wala pa ang laboratory results nila mahirap mag conclude but rest assured na sooner ay makukuha rin natin ang results ng laboratory ng mga bata,” paliwanag ng doctor sa akin. “ for now let’s calm down and hope that everything would turned out fine. “

“I understand Doc, salamat.” I nodded to agree sa sinabi ng doctor.

“Okay Ma’am , please excuse me.” for the last time sabi ng doctor at umalis na.

*****

LUMIPAS ang mga oras ay taas baba ang lagnat ng dalawa pero pasalamat na rin ako kasi di na sila nag seizure. Umuwi muna sina Mamita at Papito at naiwan ako kasama ang katulong na nagdala ng mga gamit ng kambal at iilang gamot ko rin.

Kahit wala pa ang results ng laboratory ay nag pa admit na lang kami para makalipat sa isang private room at makapagpahinga naman ng maayos ang mga bata.

Ramdam ko na rin ang pagod sa buo kong Matawan at bunga rin ng Wala masyado ng tulog but I chose to ignored what I feel.

Hindi naman ako makapag pahinga ng maayos hangga’t di nasisiguro na okay ang kambal at iyon lang naman ang aking hinihingi sa Diyos na sana normal lang ang results ng laboratories nila.

Pilit kong pinapakain ang mga kambal pero nawawalan sila ng gana. Buti na lang at naka dextrose sila.

“Mama ayaw ko na po, “ sabi ni Nicolo sa akin. Napanguso ito.

“Ako din po Mama busog na po ako at ang pangit po ng lasa, sorry po. “ saad naman ni Nicolai na sobrang matamlay.

“Naku naman mga anak, ‘wag–” naputol ang aking sasabihin when the doctor entered our room.

“Hello Ma’am Zobel, kumusta at kumusta ang mga gwapo mong mga anak?” bungad na tanong sa akin ng doctor ng kambal.

“Ito Doc, pinapakain ko nga po kaso wala raw sila gana, “ sagot ko sa doctor.

Bumaling ang doctor sa kambal, ngumiti ito, “ Both of you, young men, you should make sure na kumain kayo para lumakas ulit kayo!”

Tahimik lang ang kambal at di sila sumagot sa doctor kaya napangiti na lang ito at binaling ang attention sa akin, he asked me kung kumusta ang temperature ng mga bata for the past 15 hours, since nasa around 10pm kami nagpunta ng emergency room.

Kasalukuyang chi-check rin ng Doctor ang chart ng dalawang bata.

Sinagot ko naman ang doctor na taas, baba ang temperature ng mga bata at pag tumataas ay umaabot talaga hanggang 40. Pagkatapos kong magpaliwanag ay inabot sa akin ng doctor ang results ng laboratory.

Nanginginig kong inabot ang resulta ng laboratory nila.

It’s says that aside from the infection that were found ay ang pagbilis ng pagbaba ng blood platelets ng mga bata to the point that they are both on a moderate risk which would have a high chance of bleeding and the need of a platelet transfusion as soon as possible para maiwasan ang bleeding.

“Nasa 21, 000/mcl ang kasalukuyang platelet ng dalawang bata which is not good dahil at the same time apektado rin ang RBC count nila, ” pagpapaliwanag ng doctor.

Napahilot ako ng aking noo, at pilit na ikalma ang sarili, “ What is the best that we can do Doc?”

“We need a platelet transfusion as soon as possible but we have to make sure na AB + or B+ ang dugo since AB+ ang type ng dugo ng mga anak niyo. .” sabi nito.

“PO? Di po ba pwede kahit na anong type like ako po, type O positive po ako.”

“Unfortunately Ma’am wala naman sanang problema kung kahit anung type ng dugo kung platelet transfusion lang po at WBC lang kaso pati red blood cells ng anak ninyo ay apektado kaya it is very advisable that the blood na need eh transfused sa kanila is either AB + or B+ po Ma’am.”

Mas lalo akong nanlumo pagkatapos marinig ang paliwanag ng doctor. I wanted to burst out pero wala akong magawa kung di ang magtimpi at pigilan ang mga luha ko kasi pag nakita ng mga bata na umiiyak ako ay baka mas lalong matakot at mag-alala ang mga ito.

I need to be strong para sa kanilang dalawa.

Diyos ko, tulungan niyo po ako.

Saan ako hahanap ng AB+ or B+?

******

NAKIPAG COORDINATE ako sa hospital but unfortunately they don’t have an available type of the blood para sa kambal. Si Mamita at Papito ay nag pa cross examination para malaman nila ang type ng dugo nila pero di rin compatible sa kambal same with Richard and the rest sa Mansion.

At that time I questioned God, bakit ganito?

Bakit palagi ko na lang kailangang maranasan ang maghirap?

Okay lang sana kung ako lang pero this time pati mga anak ko, bigla pang nagkasakit na mas lalong nagpapahirap sa akin.

Masama ba ako?

At kailangan kong pagdaraanan ang lahat ng ito?

Nakatingin ako sa mga anak kong mahimbing na natutulog, napaka bata pa nila para sa ganitong mga bagay. Marami namang mga masasamang tao diyan pero bakit kami pa? Mga anak ko pa ang nakararanas ng ganitong paghihirap?

Ilang butil ng luha ko ang kumawala sa aking mga mata, nakatingin ako sa screen ng phone ko, to be specific sa number ni Allaine. Di naman ako galit sa kanya pero nagtatampo pa ako kaya di ko siya kinakausap ng matagal kahit na tumatawag siya sa Mansion from time to time para mangamusta sa amin.

But this time, I guessed... I have to set aside my pride alang-alang na rin sa mga bata, kaya humugot ako ng malalim na buntong-hininga at tumawag sa kay Allaine.

Malakas ang tibok ng aking puso habang hinihintay na sumagot si Allaine, naka ilang ring rin at ng maka anim na ring na ay papatayin ko na sana ng biglang may sumagot.

[“Beks!? Kamusta ka at ang kambal kumusta?” medyo gulat na tanong ni Allaine sa kabilang linya. Hindi kaagad ako nakapagsalita, “ Nalaman ko kina Mamita at Papito, na nasa hospital ang kambal? I hope na okay lang kayo.” ]

“Be-Beks… Pasensya ka na.” turan ko kay Allaine at agad-agad ay bumuhos ang aking mga luhang kanina pa talaga gustong kumawala sa aking mga mata.

Na miss ko rin naman kasi si Allaine, sobra! Mahal na mahal ko ang babaeng ito kaya kahit nagalit ako di ko magawang magalit ng matagal, kaya hanggang tampo lang talaga.

[“It’s alright, naiintindihan ko, kaya sorry rin.” ]

At iyon nga naekwento ko lahat kay Allaine ang mga nangyari these past few days.

“Ngayon di ko alam kong saan ako hahanap ng donor nila na may kaparehang type ng dugo nila Beks.” hagulhol kong turan kay Allaine.

I am expecting kasi na sana kahit si Allaine na lang may parehong blood type ng mga bata but malas ko parehos kami ni Allaine ng type ng dugo kaya sobra akong malungkot.

Di ko na talaga alam ang gagawin ko.

[“Beks, actually may solusyon ka pa.” saad ni Allaine sa akin na medyo nagpatahan sa akin. ]

“What do you mean? Kasi tumawag na rin ako sa Red Cross at sa Blood Bank, wala talaga eh.”

I heard Allaine sigh bago magsalita, “ Wag kang magagalit sa sasabihin ko ha?”

Nalilito man ay sumagot pa rin ako, “ May time pa ba ako diyan, okay na tayo ba’t naman ako magagalit?”

[“E kasi baka hindi mo magustuhan iyong suggestion ko. “ atubili nitong sabi.]

“Beks kung para sa kambal kahit na ano, lahat-lahat gagawin ko Beks, kasi mahal na mahal ko sila, kaya kung anu man iyan ay sabihin mo na, we are running out of time kasi, natatakot na ako!”

“Okay, kalma! Then contact Dylan.”

Hindi ako nakasagot kaagad, pero sa sitwasyon ko ngayon kailangan kong mag compromise at sana sa gagawin ko, worth it, kasi buhay ng mga anak ko ang nakasalalay dito.

“Be-Beks, sorry, galit ka na naman ba, pasensya na kasi naman—?” nag-aalalang tanong ni Allaine dahil sa matagal akong natahimik.

Pinahid ko ang aking luha, “No, Beks, actually I hate to admit it, pero I agree with your suggestion. Kaya kong balewalain lahat-lahat para sa mga anak ko Beks kaya I will contact Dylan as soon as possible!”