Chapter 23 - UNEXPECTED VISITOR
KAYE
AFTER talking with Allaine I decided na lumuwas ng probinsiya para makarating kaagad sa syudad para sa isang importanteng pagkikita with Dylan. I know for a fact na ito ang isa sa mga bagay na ayaw kong mangyari but the situation did not give me any choices, again—- ang pagkakataon na naman ang naglagay sa akin sa ganitong position and this time I am helpless.
“Mama will you come back po naman di po ba?” tanong sa akin ni Nicolo habang inaayos ko ang hospital bed niya.
“Yes naman baby.” maagap kong sagot sabay abot sa pisngi nito.
“Mama balik ka po kaagad ha, please po.” biglang ingos naman ni Nicolai, hinalikan ko sa ulo si Nicolo at binaling ang atensyon sa kay Nicolai na nakahiga sa sarili niya ring kama.
“Sure baby, I will.” sagot ko sa kanya sabay halik sa noo nito.
Nagpaalam ako sa mga bata at ganoon na rin sa kay Mamita at Papito to settle things with Dylan dahil sa pagkakataong ito kailangan ko siya para sa mga bata whether I like it or not. Tama si Allaine what if si Dylan ang sagot para tuluyan ng gumaling ang mga bata. I have high hopes sa ideyang ito.
Iniwan ko ang mga bata sa pangangalaga muna nina Mamita at Papito.
“Are you sure that you wanted to do this apo?” may pag-alalang tanong sa akin ni Mamita.
“Yes po Mamita, para sa mga anak ko po, lahat-lahat ay gagawin ko.” maiyak-iyak na tugon ko.
“Basta apo, tandaan mo that you can always count with us and don’t be to stress sa pag-alis mo, we will take good care of Nicolo and Nicolai,” dagdag na sambit ni Papito.
Umalis ako ng Mansion de Zobel, na kahit papaano’y medyo panatag ang loob dahil alam ko naman na mahal na mahal nina Papito at Mamita ang kambal at di nila ito pababayaan.
ILANG oras na rin akong nasa daan at nagmamaneho, though my mind was clouded with so many things dahil sa kasalukuyang kinakaharap ko dahil sa sitwasyon ng kambal, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakarating ako ng safe sa harap ng building ng MIJARES GROUPS OF COMPANIES.
I parked my car sa parking lot at pinatay na ng tuluyan ang makina ng aking sasakyan. I suddenly heaved a heavy sigh para ikalma ang aking sarili but to my dismayed mas lalong kumakabog ang tibok ng aking puso.
“Oh please kumalma ka, si Dylan lang iyan. “ I said to myself with so much conviction, “ Tandaan mo, you are doing this because of Nicolo and Nicolai and nothing more.”
I looked at myself in the rear view mirror para tingnan kong okay lang ba ang mukha ko at pilit na ngumiti. After a few seconds ay nagdesisyon na akong bumaba sa sasakyan ko. Lumabas ako na may kaba pa rin sa dibdib ko apparently walang alam si Dylan na pupunta ako ngayon para makipag-usap sa kanya.
Habang papalapit ako sa entrance ng company building ni Dylan ay di ko maiwasang mapakagat ng labi ng ilang beses para lang pakalmahin ang tibok ng aking puso. Nakakainis lang dahil bakit ganito na lang palagi ang epekto ni Dylan sa akin. Hindi naman ako takot sa kanya but his presence and Dylan himself is forbidden, para sa akin isa siyang temptation na dapat iwasan.
Sa tuwing sumasagi siya sa aking isipan na hindi ko maiwasan ay parang may malaki siyang warning sign sa noo nito, his personality screams danger!
I continue to walk towards his compamny building, I know where his office is pero bago pa ako tuluyang makapasok ay hinarangan ako ng isang guard.
“Good morning po Maam, mawalang galang na po mukhang di po kayo empleyado dito, meron po ba kayong appointment?” tanong ng guard.
Inalis ko ang aking sunglasses at ng makita ng guard ang mukha ko ay biglang nagbago ang reaction nito sa akin.
“Ah yes but—-.” biglang naputol ang aking sasabihin ng biglang pinutol ito ng guard.
“Naku Maam pasensya na po, di ko po kayo agad nakilala, sige po pumasok na po kayo.” agad na sabi nito sabay yuko ng ulo nito.
“Oh, okay, thank you.” nakangiti kong tugon at kahit nagulat at nagtataka sa biglang pag-iba ng reaction ng guard ay binalewala ko na lang ang importante ay nakapasok na ako sa building ni Dylan.
Dire-diretso ako sa may elevator at habang naghihintay sa pagbaba nito ay may napansin ako from may peripheral vision na may babaeng tumabi sa akin marahil ay upang sumukay rin sa elevator napaka sexy nito at may hawak siyang kape.
Sa pagbukas ng elevator nagkataon na walang laman ito at dali-dali akong pumasok pero dahil sa halos magkasabay kami ng babae ay di naiwasang nagkabungguan ang aming mga balikat dahilan na muntik na akong ma out balance at natapon sa akin ang kapeng laman ng cup na hawak niya at mabuti na lang di mainit ito.
“So-sorry.” sabi ko at pinauna ko na lang siyang pumasok pero nagulat ako dahil ni hindi man lang siya nag sorry rin sa akin dahil sa nangyari at sa natapunan ako ng kape niya instead tiningnan lang ako ng diretso ng babae at di ako pinansin at pumasok sa elevator na parang wala lang nangyari.
Nagulat ako doon napabuga na lang ng hangin dahil sa inasal nito, dahil ang rude lang pero hinayaan ko na lang since she’s not worth of my time at mas may importante akong sadya dito. Pumasok rin ako sa elevator at nakakainis lang ng akma kong pindutin ang floor kung saan ang opisina ni Dylan ay siya ring pagpindot ng babae. Nagtaka man ay napataas ang kilay ko sa gulat dahil parehong floor ang pupuntahan namin.
Napaatras na lang ako sa sulok ng elevator at di na lang ito pinansin and I also mentally noted na bago dumiretso sa opisina ni Dylan ay magbabanyo muna ako. While I am being silent and trying myself to calm down nakakagulat lang na pagkatapos pindutin ng babaeng walang modo ang numero ng floor na pipindutin ko sana ay napalingon siya sa akin at inalis ang sunglasses niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Aba naman talagang uma-attitude to the highest level ang babaeng ito ah!
My lips formed a thin line at pinipilit ang sarili na kumalma, sa rudeness ng babae na nakaharap sa akin ngayon.
“Yes?” tanong ko dito kasi di pa rin akong tinatanan sa tingin at the same time trying to supress ang inis na nararamdaman ko sa kaharap ko ngayon.
Buti sana kong mag so-sorry ito di ba, but I doubt!
Nakataas ang kilay ng babaeng nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa, naka kulay red dress ito na pencil cut, na sobrang iksi with a blazer on her shoulders habang ang hinaharap nito naman ay halos maluwa na sa sobrang laki, naka stilettos ito na kulay pula rin na may mataas na heels at pati lipstick ay sobrang mapula rin, maganda ito di mapagkakaila pero may attitude lang, the woman screams sophistication and class kaso, arrogante at mataray.
“Napansin ko lang kasi na di mo pa pinipindot ang 3rd floor.” maarting sagot nito sa akin.
“Well, I am not going to the 3rd floor, Miss.” maayos kong sagot dito na may pagtitimpi sa tono ko.
“Oh, hmmnn, so don’t tell me na papunta ka rin sa office ng CEO and it's funny that janitress are oblige to speak in English na rin ha," napahalakhal ito na may panunuya, "Oh well… not bad at all pero so baduy pakinggan!” mataray nitong tugon sa sagot ko at nagpakawala ng maarting halakhak.
“Excu—.” isasagot ko sana pero naputol ng magsalita ulit ang maarteng babae sa harap ko at bigla akong tinalikuran.
“Yeah I get it, it seems na nagpatawag si Dylan ng tagalinis ng opisina niya!” malakas na sabi nito which napakunot ang aking noo.
Seriously? Napagkamailan pa talaga akong janitress? Wala namang mali sa pagiging janitress dahil ano lang naman ba ako noon?
Pero nakakainsulto lang kasi ang inaasal ng maarteng babaeng nasa harap ko.
Naku!
Kasabay ng binitawang salita ng babaeng maarte at walang modo ay ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa floor na kami ng opisina ni Dylan. Pagbukas ng pinto ay maarte itong lumabas ng elevator pero binitawan nito ang cup ng coffee na hawak sa harapan ko ng makalabas na rin ako sa elevator na siyang pinagtaka ko.
“Pulutin mo iyan at itapon sa basurahan and I suggest na magpalit ka, you look so… dugyot!” sabi nito sa akin at rumampa palayo na parang siya ang nagmamay-ari ng building na ito.
I am dumbfoundeed for a while sa kung paano ang trato ng matapobreng babaeng iyon sa akin.
Kapal ng mukha!
Kalma ka lang Kaye, di pwedeng mabulilyaso ang pinunta mo rito mas importante ang sitwasyon ng kambal kaysa sa patulan ang maarteng babaeng iyon na mukhang clown sa kapal ng make up at kapal ng lipstick.
Kaya napahinga na lang ako ng malalim para mapigilan ang sarili na huwag patulan ang napakabastos na babaeng nasa harap ko. Kung sino man siya wala naman akong pakialam pero paano niya nasabing tagalinis ako ni Dylan ng opisina nito.
Tapos napag utusan pa akong magtapon ng cup ng coffee niya!
She's unbelievable!
Well... walang modo naman kasi si Dylan so what would I expect sa mga taong associated sa kanya?!
Napatingin tuloy ako sa damit ko…
Wala namang masama sa T-shirt at jeans ah!
Nagmamadali ako kanina kaya kung ano na lang ang mahugot kong susuutin besides di naman ako pupunta ng meeting o anu pa man, isa pa si Dylan naman ang pupuntahan ako as if ganun siya ka special.
Napailing akong pinulot ang cup ng coffee ng babaeng iyon at itinapon sa basurahan na nasa labas lang ng elevator sa gilid nito. Then napatingin ako sa t-shirt ko na basa pa ng natapong kape ng babaeng iyon, pero halos napatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng taong sadya ko sa building na ito.
“Kaye, is that you?” may pagtataka at gulat na tanong nito sa akin.
Napapikit ako ng aking mga mata at humugot ng lakas ng loob para harapin siya. Pero mas nagulat ata ako ng makita ko ang maarteng babaeng naka abrisyete sa braso ni Dylan na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin.
I smiled and just said, " Hello!"
Alright Kaye, sa dami ng sasabihin mo 'Hello' pa talaga!