Chapter 21 -IMPROBABLE FATE
KAYE
ILANG ARAW ang nakalipas after that encounter with Dylan ay hindi ko na siya naramdaman. Walang tawag at walang text at wala ring pasulpot-sulpot na parang kabute.
I should be thankful right?
Pero bakit parang hinahanap ko pa?
Seriously Kae? Okay ka lang?
Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa isipan ko. Minsan hindi ko na maintindihan ang sarili ko the worst thing is that palaging sumasagi sa isipan ko ang Dylan Mijares na iyan kahit naman hindi ko siya iniisip, plus the fact na madalas ko rin siyang napapaginipan.
Nakakasira talaga siguro ng bait ang sinumang may kinalaman sa lalaking iyon?
Naputol ang walang kabuluhang kong pag-iisip ng marinig kong may bumukas ng pintuan ko sa kwarto, mula sa terrace ng kwarto ay napabaling ako sa kung sino man ang pumasok ng diretso, and I saw Nicolai.
“Mama…” ingos nito habang kinukusot pa ang kanyang mga mata.
Sinalubong ko ang aking anak at inalalayan, “ Yes baby, are you alright? May need ka ba?”
Nag-aalala kong tanong, I pulled Nicolai closer to me at binuhat then pinaupo sa lap ko, habang yakap-yakap ko siya sa likuran niya and I suddenly able to feel na parang ang init nito.
“Masakit po…” matamlay nitong tugon sa akin, kaya kinapa ko siya sa leeg at sa noo.
Mainit nga si Nicolai at possibleng nilalagnat, “ Asan masakit Baby?” nag-aalala kong tanong kasabay ng pagtayo ko para paupuin siya sa bed at harapin.
Nagtingkayad ako sa harapan niya habang hinahawi ang buhok nito at ayusin, “Di-Dito po Mama,” mangiyak-ngiyak nitong sagot.
Tinuro ni Nicolai na masakit ang lalamunan niya kaya mas lalong nadagdagan ang aking pag-aalala.
“Wait baby ha, kuha lang si Mama ng losenges at gamot sa lagnat mo sa first aid kit natin na nasa restroom, balik ako kaagad, sige na tahan na.”
Dali-dali akong tumayo at kumuha ng mga kakailanganin para sa sakit ng lalamunan ni Nicolai at lagnat, gaya ng thermometer para ma-monitor ko ang temperature nito. Tinawagan ko rin ang isa sa mga katulong para maghanda ng malamig na tubig upang ipunas sa katawan ni Nicolai para kahit papaano ay bumababa ang init nito sa katawan.
Bumalik ako sa kay Nicolai na dala-dala ang thermometer, Kool Aid, Paracetamol at losenges galing sa restroom. Una kong kinuhanan ng temperature si Nicolai at nagulat ako na umabot hanggang 40 ang taas ng lagnat niya at dahil doon ay pina-inom ko siya kaagad ng gamot at kumuha ng tubig para painomin siya nito, then binigay sa kanya ang losenges para sa sakit ng lalamunan niya , tapos inayos ko ang higaan at pinahiga siya sa kama sa loob ng kwarto. Habang inaayos ko si Nicolai ay siya ring pagpasok ng katulong na inutusan ko.
Inabot niya sa akin ang bowl na may malamig na tubig, katamtaman lang ang lamig ng aircon at the same time. Pinasara ko na ang sliding door sa may terrace para di lumabas ang lamig sa loob ng kwarto. Habang pinupunasan ko siya ng malamig na tubig sa bimpo ay sinasabayan ko rin ng punas ng tuyong bimpo ang katawan mga braso, hita at paa nito para di siya malamigan masyado at naglagay ng Kool Aid sa noo nito para makatulong sa pagbaba ng mataas niyang lagnat.
“Mama…Mama…” umiiyak at matamlay na sabi ni Nicolai.
I stop sa pagpupunas sa kanya at pinalitan siya ng damit, “Shhh…nandito lang si Mama and you’ll going to be fine.” sabay yakap dito at halik sa noo.
Buti na lang makaraan ang ilang minuto ay nakatulog ito pagkatapos kong bihisan ng bagong damit, I tucked him in sa kama.
Habang inaayos ko si Nicolai ay siya ring pagpasok ni Mamita at Papito sa kwarto ko na nag-aalala, “ We heard na may lagnat raw si Nicolai, “ nag-aalalang sabi ni Mamita at lumapit sa amin.
“Ito nga po at mino-monitor ko ang temperature niya, buti na nga at tumahan na siya kasi kanina umiiyak.”
Kasalukuyan kong kinukumutan si Nicolai at naupo si Mamita sa paanan nito at , sinapo niya ito sa leeg samantalang si Papito naman ay nakatayo sa likod ko. “Bakit naman kaya nilagnat ito, si Nicolo ay chineck mo na rin ba?”
“Naku di pa po Papito, titingnan ko rin nga.” bigla kong naalala si Nicolo, syempre nag worried din ako kasi sana wala siyang lagnat katulad ni Nicolai since si Nicolai lang ang pumasok dito sa kwarto ko.
“Naku Apo, ako na lang mag che-check doon sa kwarto nila, dito ka na lang para mabantayan iyang si Nicolai, kawawa naman ang apo ko.” si Mamita at tumayo ito” Halika Alejandro check natin si Nicolo.”
Makalipas ang ang ilang minuto ay bumalik si Papito sa kwarto na natataranta,“ Apo si Nicolo ay mataas rin ang lagnat!”
Nasapo ko ang aking noo, “Po? Bakit naman nagsabay pa sila, ngayon pa talaga. “
“Pinahanda ko na kay Richard ang sasakyan, mas maigi na dalhin na lang sila natin sa hospital sa bayan.” sagot sa akin ni Papito. Napatango na lang ako since mas mabuti nga iyon.
“Sige po Papito!” agad kong pagsang ayon at kinarga si Nicolai, buhat-buhat ko siya ng lumabas kami sa kwarto, “Si Nicolo po?”
“Kasama niya ang Mamita mo, nandoon na sila sa baba at naghihintay sa atin.” ani ni Papito.
******
MABUTI NA LANG at mabilis at diri-diretso ang pagpapatakbo ni Richard ng sasakyan papuntang hospital. Kabado man at sobrang nag-aalala pero mabuti na lang at pinapakalma ako ni Mamita, magkatabi kami sa likod ng sasakyan, siya ang kumakarga kay Nicolo at ako naman kay Nicolai, si Papito ay umupo sa passenger seat katabi ni Richard.
Nang makarating sa Hospital ay diretso kami sa emergency room na agad namang sinalubong at inasikaso kami ng mga nurse at doctor, Inihiga ko si Nicolai sa kama at ganun din si Nicolo na nasa katabing kama lang nito, si Papito ang nagpahiga sa kanya, kinuha ni Papito sa kay Mamita kanina si Nicolo pagkababa nito sa sasakyan.
“Doc please tulungan niyo po kami, take good care of my kids, please.” I desperately beg sa doctor.
“Sige po, pero doon na po muna kayo sa labas para magawa namin ang mga dapat naming gawin, magiging okay din po ang lahat. “ the doctor re-assured me.
Napatango na lang ako at inalalayan ako ni Mamita na maupo sa waiting area. Makaraan ang ilang minutong paghihintay ay pinatawag kami ng nurse para pumunta doon sa kama kung saan nakahiga ang kambal. Sinalubong kami nang doctor para sabihin na need obserbahan ang kambal muna, nagparequest din ito ng laboratory test like urinalysis at CBC at may inabot ring papel para sa mga information nila na need e fill out.
Mahimbing na natutulog ang dalawa ng nilapitan ko, una kong sinapo at hinawakan si Nicolo pagkatapos ay si Nicolai, nasa gitna ako ng kanilang mga kama habang nakikinig sa mga sinasabi ng Doctor. Si Mamita naman ay nasa kabilang dulo ng kama ni Nicolai at si Papito ay nasa kay Nicolo.
“Sa ngayon medyo bumababa na ang lagnat nila compared doon sa last na kuha mo ng temperature nila and hopefully sana ay simpleng lagnat lang talaga dala na rin ng panahong papalit-palit bigla.” pagpapaliwanag ng Doctor sa amin.
“Okay po Doc, marami pong salamat.” sagot ko dito habang panay tango ko ng aking ulo.
“At iyong gamot nila sa lagnat habang under observation sila ipagpatuloy lang ang pagpapainom nito at least every 4 hours.” dagdag pa ng Doctor.
“Copy po, Doc, Thank you!”
“Sige po, alis na muna ako and if you need anything you can always directly ask for help at the nurse station.”
Nang makaalis ang Doctor ay kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, I am just hoping na simpleng lagnat lang ang meron ang mga bata, isa pa ayaw kong mag-isip ng kung anu-anong negatibo besides it won’t help anyway.
Bumaling ako kay Mamita at Papito upang magpaalam muna para mag fill out ng information nina Nicolo at Nicolai sa may nurse station.
“Sige Apo, wag ka ng ma worry kami na muna ng Papito mo titingin dito sa kambal.”
“Sige po Mamita, tatawag na rin ako sa mansion para sa mga gamit ng kambal na kakailanganin dito habang naghihintay ng results sa laboratories nila.”
“O’ siya asikasuhin muna doon at kami na muna dito, “ si Mamita at tumango naman sa akin si Papito bilang pag sang ayon sa sinabi ni Mamita.
“Salamat po Mamita at Papito.” tugon ko sabay yakap sa kanila.
Hindi pa naman ako nagtatagal sa may nurse station habang nag fill-fill out ng mga information ng kambal ng biglang lumabas sa may emergency room si Mamita na natataranta at humingi ng tulong kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko at iniwan ang ginagawa ko upang pumunta ng emergency room ng makita kong may nurse na sumunod sa kay Mamita sa loob.
Tumatakbo akong ginagapangan ng kaba sa dibdib para sa mga anak ko, feeling ko ng mga oras na iyon ay kinakapos ako ng hininga. Hindi ko kakayanin kung may mangyayari sa mga anak ko, not them. I can sustain lahat ng sakit pero 'wag lang ang mga anak ko, hinding-hindi ko talaga kakayanin.
Diyos ko, tulungan niyo po ang mga anak ko. I silently prayed habang patungo sa kung saan ang kambal.
At nang makarating ako sa emergency room ay nagulat ako sa aking nadatnan...