KABANATA 42
Sabay naming pina ulanan ni Kiel ng bala anag lahat ng tao na nandodoon sa loob.
Malalakas na sigawan ang pumaibabaw sa buong paligid. Nag takbuhan ang mga manunugal na walang kinalaman at hinayaan lang namin iyon. Matitira ang lahat ng tauhan ni Damian at ilang mga naduduwag na tumakbo palabas.
Mabilis na responde ang natanggap namin mula sa pwersa ng mga tauhan ni Damian na kagaya ng inaasahan ay mahuhusay.
Tumango sa akin si Kiel na agad ko namang nahinuha sang ibig sabihin. Nag hiwalay kaming dalawa. Nakipag bakbakan ako s amga tauhan ni Damian na hindi ako inaasahang mas mabilis pa sa mga beteranong assassin na naka salamuha ko.
Nakikita ko na ang dahilan kung bakit napaka lakas na puwersa ang naibibigay nito kay Damian. Dito naka toka ang pinaka magagaling niyang tauhan dahil kahit malagas ang lahat ng galamay niya at ang mga bahagi ng imperyo niya, hanggat buhay ang lugar na ito ay mananatili siyang nasa itaas.
Ito ang dahilan ng matataas at matitibay na pader na bumubuo sa kaharian ni Damian Fontanilla. Nakaka tawa na lang dahil sa ang mga prinsipe niya ang mismong nag taksil sa kaniya. Hindi na nasikmura ang kadungisan ng ama.
Naubusan ako ng bala kaya tinangka kong palitan ang magasin ngunit hindi ko na iyon nagawa nang biglang may sumipa noon palayo sa kamay ko. Mabilis kong inalerto ang sarili ko sa pakikipag laban ng walang baril.
Babae ang kalaban ko. Ayos, patas.
Itinapon niya ang hawak niyang baril saka ini amba ang katawan niya sa isang fighting stance. Pamilyar siya sa akin. Marahil ay kasamahan ko siyang assasin ni Damian pero hindi ko alam ang pangalan niya. wala din akong balak na alamin pa iyon. Hindi siya mahalga.
Matangkad siya kaysa sa akin. Payat ito at maganda ang hubog ng katawan. Bilugan ang hiita niyang naka aakit lalo na sa mata ng mga ka lalakihan. Hindi na din ako mag tataka kung isa siya sa mga bed warmer ni Damian o ng mga anak niya. Ayoko nang isipin.
Maamo din ang kaniyang mukkha na maiisip mong isa siyang modelo o di kaya ay buhay na manika. Hindi bagay sa ganitong uri ng mundo. Pero wala e, ganito talaga.
Tumayo ako ng tuwid saka siya hinarap na parang walang nagaganap na engkwentro sa paligid. Ngumisi siya sa akin saka nag simulanag sumugod.
Isang lakas na sipa ang pinakawalan niyang mabuti na lang ay nailagan ko. Masyadong mabilis ang bawat galaw niya na hindi ko na maisip kung paano ako bubuo ng atake sa kaniya. Hindi ko iyon maisingit sa bawat suntok at supa niyang pinakakawalan.
Tinamaan ako ng sipa niya sa tiyan na agad kong ikina atras. Humihingal siyang tumigil at tumutig sa akin. Napa irap ako sa inis. Mukhang kukulangin kami sa 30 minutong palugit. Matigas ang mga buto sa tuhod ni Damian para mapilayan agad agad.
Hindi ko alam kung sadyang may panahon ako para umatake o binigyan niya lang ako pero nag pakawala ako ng isang malakas na suntok na tumama naman sa pader ng mailagan niya. Namaanhid ang kamao kong kung hindi pa sanay sa ganito ay madudurog pa yata ang mga buto.
Napa daing naman ako dahil ramdam pa din ang sakit.
"Shit!" Sambit ko saka ipinagpag sa hangin ang namanhid at nanlalambot kong kamay. I herad her laugh. Napa irap ako. Kahiya hiya iyon bilang isa sa pinaka magaling na assassin ni Damian na si Xena.
Nag patuloy ang pagpapakawala ko ng atake. Suntok at sipa. Pero mabilis niya iyong naiilagan hanggang sa madama ko na ang pagod. Tumigil ako at tinignan niya lang ako at ngumisi.
"Is that all that you've got, Xena? I feel bad. Nag expect pa naman ako." Sambit niya sakin saka umiling at tumawa.
Nainsulto ako sa sinabi niya at bilang isang matigas na ulo at ma pride na tao ay nainis ako sa sinabi niya kaya mas pinilit kong maging mabilis at agresibo sa pag atake. Natatamaan siya pero hindi ganoon ka lala ang epekto. Tila btapik lang iyon sa kaniya.
Nag pakawala siya ng suntok na hindi ko inasahan dahil isinabay niya iyon sa atake ko. Sumapul iyon sa panga ko na naging dahilan ang pag atras ko. Napa mura ako sa hangin sa sobrang inis nang makiuta ko ang Dugo na naidura ko. Nadali sa ngipin ko ang pisngi ko at sa tingin ko ay nag sugat iyon kaya may dugo ako sa bibig. Hindi naman ganoon ka dami.
Pinunasan ko ang bibig ko at nilunok ang lasang kalawang na dugo sa bibig ko para linisin iyon. Damn! Para na naman akong uminom ng ferus sulfate na inadvice sa amin sa school na inumin every friday. Lasang kalawang. Ang hirap inumin.
"Look at the best assassin that used to get me punished every time. Nakaka tawa." pang iinsulto pa niya sa akin na ikinatigil ko.
Oh, now i remember. She's Sabrina. Yung kasamahan kong assassin na malaki ang inis sa akin kapag natatalo ko siya. Bukod sa parusa ang inaabot niya ay dahil din siguro sa pride. Nakaka awa. Ang pagiging bida na lang ang nakikitang liwanag sa buhay niya. maganda pa naman sana siya. Kung naging prostitute na lang sana siya ay sumama sa customer para sa pag takas ay naging maganda pa sana ang buhay niya, hindi kagaya ngayon. I pity her.
Doon ko naalala ang kahinaan niya sa pakikipag laban. Naalala ko ang galaw kong kahit kailan ay hindi niya nagawang matakasan.
Ngumisi ako sa kaniya na ikina dilim ng tingin niya. Ang ngising hindi niya makakalimutan. Hindi nga ako nagka mali. sumugod siya sa akin at mabilis na nagpakawala ng mga suntok at sipa na mas bumilis at nag improve. Mahirap nang patumbahin siya sa dating bilis at galaw kaya mas bibilisan ko din siguuro.
Sa pag subok na gamitin ang parehong galaw ay madaming suntok at sipa ang natamo ko pero nang buong lakas niyang ibinato sa akin ang kamao niya nang mapa sandal ako sa pader ay mabilis kong hinuli anag kamao niyang ikinagulat niya. Pipnilipit ko iyon habang lumulusot sa ilalim ng kili kili niya saka siya kinawit sa leeg at pinilipit ang ulo mula sa likuran.
ganoon ka bilis, binawian siya ng buhay.
Naramdaman ko ang pagod at sakit ng katawang natamo ko sa kaniya. Naaawa ako sa kaniiya pero pinili niya ito.
"Sayang, maganda ka pa naman. Sabrina." Sambit ko bago pinulot ang itinapon niyang baril kanina saka pumunta sa direksyong tinahak ni Kiel kanina.
Masyadong alisto ang mga tauhan kayat nahirapan akong maka pasok sa loob ng mga silid na para naman sa prostitution. Pinilit kong huwag maubusan ng bala at umiwas sa mga kayang iwasan hanggat hindi ko nahahanap si Kiel.
Maya maya pa aya narinig ko ang sirena, indikasyong papunta na ang mga parak. Nagulantang ako at wala sa sariling pinaulanan ng bala ang nakita kong nag iisang tauhan. Naubos iyon at muntikan na akong mabaril ng isa pa kung hindi lang asintado si Kiel.
Tumakbo siya papalapit sa akin saka ako hinila palayo.
"Umalis na tayo. Parating na ang mga parak." Sambit niya.
"Teka, naka sunod na ba si Dad?" tanong ko sa kaniya ng naguguluhan.
Ang plano kasi ay mauuna kaming sumugod ni Kiel kasama ang mga tauhan bago pa Susunod si Dad para humarap kaming tatlo kay Damian. Uunahin niya lang ang isa pang lungga ni Damian kasama ang magkapatid na MAx at Leo. Pero sa tingin ko ay hanggang ngayn ay wal pa siya.
Nagtaka ako ng biglaan sa hindi tamang panahon. Nandiyan na ang mga parak. MAdadamay kami sa pag aresto kapag namataan kami dito. Hindi kasi namin pwedeng ilantad aang pagkaka kilanlan namin sa mga parak dahil parte kami ng Underground society at isang kilalang personalidad ang ama ko sa legal na negosyo kaya hindi pwede.
"Mamaya ka na mag tanong halika na." Sambit ni Kiel habang nag ngangalit ang mga ngipin na tila galit na galit.
"Kiel, Paano si Dad baka dumating siya dito biglaan." protesta ko habang nag lalakad kami ng mabilis at kapit niya ang braso ko.
"You're dad isn't coming so shut up!" Singhal niya s akain saka ako dere deretsong nag lakad.
Palaabas na sana kami nang mamataan kami ng ilang parak na ikina wala ni Kiel ng biglaan sa ulirat dahil s agulat kaya nakalabit niya ang gatilyo ng hawak niyang gloc caliber 40 na baril.
"Bwisit!" Bulong pa niya ng may tiim na bagang.
Napa sapo ako sa noo ko dahil sa pagka bulilyaso ng plano. Wala pa si Damian sa paningin namin kaya malamang ay makakatakas iyon sa mga parak! Tatalikod na sana ako kay Kiel nang pigilan niya ako.
"Sheii, tara na!" Sambit niya saka tumakbo palabas sa kabilang direksyon.
I don't get it. Bakit tatakbo kami ngayong isang pulgada na lang ay matatapos na ang lahat basta masiguro naming madadkip si Damian. Wala sa sarili akong nagpa tianod sa kaniya habang tumatakbo.
Isang putok ng baril ang narinig ko at naramdaman ko ang pag daplis ng bala sa kanang binti ko dahilan ng pag tumba ko.
Mabilis na kumilos si Kiel at pina putukan ang tatlong parak pero isa lang ang napa tumba. Biglang sumulpot ang dalawang prinsipe ni damian at binutas ang bungo ng dalawang parak na natira.
"Sheii!" Nag aalala akong pinulot ni Leo sa lupa habang si Kiel naman ay sumenyas na umalis na kami. Agad akong inakay ni Leo dahil kaya ko naman. NAgulat lang ako sa pag daplis ng bala sa binti ko.
"Hey, si Dad?" Tanong ko sa kanila ni Max habang tumatakbo kami papunta sa van.
Isinakay niya ako doon bago niya isinara ang pintuan.
"I don't know. Nang malaman niyang wala doon si Dad ay bigla na lang siyang umalis ng mag isa." Sagot niya sa akin habang nag sasakayan ang iba pang tauhan. Sa kabilang Van na yata sasakay si Max at Kiel.
"what? akala ko ba nandito siya sa lugar na ito?" Tanong ko ng naguguluhan. Anong pinag sasasabi nito?
Kumunot ang noo niya saka ako tinignan.
"Anong sinasabi mo?" Tanong niya sa akin.
"Anong ano!? Damn! Ikaw anag ano ang sinasabi mo?" Iritado kong sigaw sa kaniya. "The plan was to break your dad's leg and get him caught right in this very place! anong sinasabi mong nandoon?" Tanong ko pang muli na ikinakunot lalo ng noo niya.
"But the plan that i knew was also like that. pero ang sabi ay nandoon siya sa Cavinti and turns out na wala. Naguguluhan ako Sheii!" Sigaw niya pabalik sa akin.
Damn! I knew it!
"Kiel... He must be behind this, Napaka tuso talalga ng tiyuhin ko. Marahil ay may plano sila ni Dad." Sambit ko.
Mukhang natauhan si Leo at nahinuha kung anong mali. They tricked us para maka harap nila ng solo si Damian. Badtrip!
"Nah. I know the place where he's most likely to be found." sabit niya na ikina lingon ko.
Bumaba siya saa van saka umupo sa driver's seat saka nag maneho. Damn! Ang komplikado na ng sitwasyon mas pina komplikado pa ni Kiel. Mag tutos kami mamaya.
Dinala ni Leo ang sasakyan sa isang lugar na hindi mo aakalaing may tao. Hindi ko alam pero ito ang naiisip niyang maaaring kinaroroonan ng kaniyang ama.
"What is this place?" Tanong ko sa knaiya nang bumaba kami.
Nakita ko ang van na sinasakyan ni Kiel at Max. Pati ang kotse ng Daddy ko. Nandito sila. Pero ano ang lugar na ito.
"The place that was so important to him. Hindi ko sigurado kung bakit pero hindi niya gustong abandonahin ang lugar na ito.
Isang lumang bahay. Hindi malaki, hindi magara. Simpleng bahay na halatang napag lipasan na ng panahon ang disenyo pero hindi pa naman magigiba. Naguguluhan man ay tinahak namin ang daan patungo doon.
Nilagpasan namin ang mga pamilyar na sasakyan na nadodoon at dere deretsong nag tungo sa likurang bahagi. Namangha ako sa ganda noon. Isang malawak na hardin ng mga bulaklak. Naagaw ng mga Dilaw at pulang rosas and atensyon ko. Pati na din ng mga freesia, Lvender at smeraldo. Mga paboritong bulalak ko at ng Mommy ko.
Nakuha ni Damian ang atensyon kong naka tayo sa gitna ng mga bulaklak habang may sinisimsim na alak.
Walang mga tauhan. Siya lang. At ang Ama ko, Si Kiel at si Max naka tayo ilang metro mula sa kaniya. Kapwa kami naka tingin lang sa kaniya habang pinag mamasdan niya ang lahat ng mga bulaklak na nasa paligid.
Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil sa ilaw na nag mumula sa ilang mga poste ng ilaw na mukhang ipina sadya para mag bigay ng liwanag sa paligid.
"Sheii." Gulat na utas ng ama ko nang makita ako.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumitig lang sa naka tayong imahe ni Damian. Tila wala siyang alam na may mga tao sa paligid niya. Mali, mas mukhang alam niya at ineexpect ang pag dating naming lahat.
"Damian." Tawag ni dad sa kaniya ng malamig.
Ngumiti lang siya ng sarcastic at pilit sa pag tawag ng ama ko sa kaniya.
"Do you remember this place, Art? These flowers? hmm? This is all Celixa's Favorite flowers. She planted these herself. Do you remember?" Sambit niya habang naka tingin sa freesia flower na nasa harapan niya saka iyon hinaplos.
"You shit! Celixa pa din! Kahit kailan hindi mo nabanggit si Mama." Sarcastikong natawa si Max habang naluluha.
Of course, masakit iyon. May ibang mahal ang ama nila kaysa sa ina nila. Galing no? Nakinig ko ang pag igting ng panga ni Leo pero hindi ko siya nilingon.
"Shut up Max. I loved your mom." Sambit niya. Tumawa lang si Max saka siya tinitigan.
He eyed my father.
"I know you remember that time when you first met her as my girlfriend. You met her at this very place. You were my best friend back then. Until trinaydor mo ako. " Utas ni Damian saka ininom ang natitirang alak sa baso niyang hawak hawak.
"Dahil sa inyo ni Celixa, naging patapon ang buhay ko. Having her..." Sabay turo sa akin ng hindi tumitigin. "You both ruined my life. Tapos ngayon ay nagawa mo ding patalikurin ang natitirang kayamanan ko sa akin." Dagdag niya pa.
"You started all this Damian! I told you to treat her right! Ikaw din ang pumiling maging basura ang buhay mo! Hindi ko na kasalanan kung tinalukran ka ng mga anak mo." Sagot ni dad ng kasing lamig ng boses ni Damian.
Walang nangahas na sumabat. Nanatili kaming tahimik at nanonood habang hindi mapigilan ang maluha sa kinahinatnan ng mga ama naming dating magka ibigan. Ang hitsura ni Max na nag pupuyos sa galit at sakit ay hindi mo kailan man gugustuhing masilayan. Nakaka durog ng puso.
"Oo. Alam mo higit na kanino kung anong klase ng pamilya ang meron ako hindi ba? Ikaw dapat ang mas naka iintindi kung namulat ako sa karahasan. Pero imbis na tulungan mo akong mag bago ay pinag taksilan ninyo ako." Bakas ang panunumbat at sama ng loob nanag bigkasin niya iyon habang mariing tinitignan ang ama ko.
"Buong buhay ko, wala akong pera kagaya mo. Wala akong mabubuting magulang. Lumaki ako sa sinturon ang amain ko kaya ako naging bayolente. Walang nag alaga sa akin. Ikaw lang ang meron ako at ang babaeng iyon. Pero sinaktan niyo ako. Kayong dalawa na parehong importante sa akin. I am not a monster and you know it. You know better than anyone that i was just turned into one." Salaysay niya ng may pait sa harapan ng Ama ko.
Napa sapo ako sa bibig ko. Ganoon? Ganoon ang naging buhay ni Damian? I really thought na mababaw ang dahilan niya but now i get it. Betrayal. From the two persons he loved so dearly was more than enough for a reason to be someone like he is now.
Pain... can change a person. Sometimes for the better. but often for the worst. Just like how i was turned into a monster. The pain of being away from Dad. The fear the kept hugging me everytime i will paint my hands with blood. I was turned into like this because of pain. But Damian beacame like this for so many reasons.
He was battered. He wasn't loved. He craves for love and attention. He seeks for understanding. I now see what my parents did wrong.
"You, of all people. My best friend Artemis. who i looked to as my own brother. Gave me the pain that i never became able to bear, forget and let go. Because of that, i lost the only woman that never showed me i wasn't loved. I never noticed her because the pain was too unbearable! Nagawa ko ang mga bagay na hindi ko gustong gawin. Kunin ang anak mo na inisip ko na din sanang angkinin bilang anak ko pero... sa tuwing makikita ko ang mga mata niya ay bumabalik ang lahat sa akin. How you betrayed me. Namatay ang anak ko. Namatay din ang bunso mo. Akala ko patas na tayo. Pero bakit walang satisfaction akong nararamdaman? Bakit?" Mapag hinanakit niyang dugtong sa mahaba niyang salaysay kanina.
nanatiling naka tingin sa kaniya ang ama ko. Kapwa na silang lumuluha ngayon. Alam kong sinampal ang ama ko ng mali niya. Silang dalawa ang dapat sisihin at hindi lang si Damian.
Hindi ko namalayang umiiyak na ako habang pinag mamasdan silang dalawa na para yata sa kanila ay dalawa lang silang tao dito.
"But now i get it. I lost everything. I lost. Ito na nga yata ang kapalaran ko. Ang manatiling anino mo. Nasaktan ako sa ginawa ninyo ni Celix, now i am hurting and became someone like this... ako pa din ang masama. Nasan ang hustisya?" Sambit niya.
Tumulo ang luha ng ama ko.
"Inaamin ko ang mali ko Damian, sadyang hindi ko lang kayang makita kang sinasaktan si Celixa na babaeng pinapangarap ko. Alam kong mahirap tanggapin pero hindi pa ba naging sapat sa iyo ang bawiin ang buhay ng asawa ko? Idinamay mo ang anak ko. Sobra naman yata iyon." Sambit ng ama ko na nakikipag sukatan ng tingin kay Damian.
"Hindi ko iyon sinasadya. Kagaya ng dati. Hindi ko sinasady--"
"Sinungaling!" Nagulat kami sa tinig na nag mula sa gawing kaliwa namin. Napa tingin ang lahat sa kaniya na luhaan at may hawak na baril habang nanginginig ang mga kamay.
"Tita Ara."tawag ko sa kaniya.
Mariin niyang tinignan ang ama ko at si Damian. Luhaan ang mga mata niya at nag pupuyos sa galit. Naka tutok kay Damian ang baril niya.
"Pinatay mo ang anak ko! Wala siyang kinalaman pero pinatay mo ang anak ko! Wag mong sabihing hindi mo sinasadya dahil kahit kailan ay hindi sapat na dahilan iyon!" Basag ang boses niya nang isigaw ang mga katagang iyon.
Gulat ang lahat dahil sa pag sulpot niya. Paanong nandidito siya? Nakita ko si Kiel na agad na rumehistro ang nag aalalang mukha. Nag tangka siyang lalapitan si Tita pero tinutukan siya nito ng baril.
"Don't come near me. Papatayin ko siya. wag mo akong pigilan." Sambit ni Tita Ara na ikinatigil ni Kiel.
She's hurting, She's in pain. Kahit kami. Leo just stood there watching everything with teary eyes. Alam naman naming lahat na hindi niya kakalabitin ang gatilyo.
"Go on. I'll let you. Inosenste ang anak mo. Tatanggapin ko. Let's end this all now. Let's make thing right. " Naka ngiting sambit ni Damian.
Naguguluhan ako. Why all of a sudden? Biglang nag iba ang ihip ng hangin kay Damian. The devil... suddenly became a real human. How?
"Dad!" Malakas na sigaw ni Max na naka kunot ang noo.
I knew it. Kahit ako, bilang anak kahit alam kong mali ang ama ko ay hindi ko siya gugustuhing mamatay.
Ngumiti lang si Damian.
Itinutok sa kaniya ni tita Ara ang baril saka siya nagiginig na tinignan.
"You were too lucky to deserve death. pero wala na akong ibang gusto kung hindi ang makita ang katawan mong kasing lamig ng anak ko!" Sambit nkya saka kinalabit ang gatilyo na ikinagulat ni Kiel kaya mabilis niya iyong tinabig sa kamay ni Tita Ara.
Tumama sa kung saan ang bala at hindi nasaktan si Damian.
"Let go off me papatayin ko siya!" gigil na sambit ni tita Ara habang ang pupumiglas sa yakap ni Kiel. "I said let go!" Sigaw niya ng basag ang boses. "Alex died because of him! he killed my son! Alex!!" Sigaw pa niya sa galit habang umiiyak at tuluyan nang napa upo sa lupa.
I can see how much she's hurting. Napa iyak na lang siya doon habang yakap yakap siya ni Kiel.
"I lost everything already. even the respect and love of my children. Its all over. And besides, my sons love your daughter. Balato ko na ito sa kanila." Saad niya saka ngumiti ng mapait.
He's also hurting. Ang pait ng buhay niya hanggang dulo. I can't even imagine kung anong buhay ang meron siya noon at gaano ka sakit iyon.
He turned to Leo and smiled.
"Leo, be a man... Learn from my mistakes. Never do what i did. Cherish her. Love her. Never lay a hand on her. This is the first time i would be a father to you and Max." Saad niya na ikina kunot noo ng mag kapatid.
"Dad..." tawag niya, naguguluhan sa tinuturan ng ama.
"Shut the fuck up! just go to jail!" Sigaw naman ni Max sa kaniya ng may galit at sakit.
Damian smiled at them bitterly. A painful scene to watch.
"That won't do anything. Tonight, i am a father... Live your lives meaningfully. Mahal ko kayo anak, kayo lang ang totoong naging pamilya ko. Dad feels very sorry for not beiang a good father and a husband to your mom. Sorry for realizing this late. I'm sorry... sons"
Saad kiya saka nagpakawala ng masaganang luha at hikbi bago niya hinugot ang isang baril sa likuran at itinutok iyon sa sarili niyang sintido bago kinalabit ang gatilyo.
"Dad!" Malakas na sigaw ng dalawang Fontanilla.
Walang naka galaw sa gulat. Kita ko ang pagka bigla ni Leo at Max. That quick, kinitil ni Damian ang buhay niya. Mas lalo akong nabato sa kinatatayuan ko.
Gulat ang lahat at hindi na naka galaw. maging si Tita Ara ay natulala sa ginawang iyon ni Damian. Nakita ko ang mga mata ng ama kong hindi inaasahan ang ginawa ng dati niyang kaibigan. Suddenly, Dad burst into tears.
For the very first time, Damian became a human and a real father. Who can give advice to his child and who can sacrifice himself for his sons. The thing i never thought he could ever do.
Nag uunahang umagos ang luha ko habang minamasdan si Leo na daluhan sa sahig ang walang buhay nilang ama. Mabilis na tumakbo si Max palapit sa ama niyang hawak hawak ng kapatid.
"DADDD!" Malakas niyang sigaw habang umiiyak sa harapan ng walang buhay nilang ama. Doble ang sakit na nakikita ko sa kanilang dalawa ngayon. Napaka sakit nilang pag masdang umiiyak dahil sa mga pangyayari.
Ang pait. Ang pait ng kinahinatnan ng lahat.