KABANATA 2

Napapikit ako nang sumampal sa mukha ko ang itinapong envelope ni Damian. Gayunpaman, hindi ako kumibo o umimik, bagkus ay pinagmasdan lang itong mahulog sa sahig bago pinulot para tignan kung ano iyon.

"Iyan ang mga dokumentong kakailanganin mo. You'll be attending the same school as my sons, and I am not sending you there to study but to disguise you as my youngest child," walang kagana-ganang sambit ni Damian bago naupo sa kaniyang upuan.

Wala naman akong isinagot o inimik dahil wala naman akong pakialam kaya't tinignan niya lang ako bago sinenyasang lumabas ng opisina niya. Walang emosyon akong naglakad palabas tangan-tangan ang envelope na ibinigay niya. Sampung taon na mula noong gabing iyon, at simula noon ay hindi ko na natutnan pang magpakita ng takot dahil ang tanging nakatatak na lamang sa utak ko'y ang makaalis sa impyernong ito.

Binuksan ko ang envelope na galing kay Damian habang naglalakad ako palabas ng bahay, at nakita ko kaagad ang pangalang nakalagay doon," Xena Calyza Fontanilla". Agad na umiba ang timpla ng mukha ko at marahas kong ibinalik sa loob ng envelope ang papel saka patuloy na naglakad. Having to stay inside his hellish empire suffocates me enough, what more kung iisipin ko pang ang pagkakakilala sa akin ng mga kaaway niya ay anak niya? Nakadidiri. Hindi ako isang halimaw na kagaya niya.

Isa sa mga dahilan niya kung bakit niya pinalabas na anak niya ako ay dahil para hindi makatunog si Daddy na buhay pa ako, at sa mga panahong inilalagi ko rito ay sinusubukan niyang lasunin ang utak ko. Ang hindi niya alam, hindi nawala ang ala-ala ko, at hindi niya kailanman malalason ang utak ko. Sa loob ng sampung taon, pinapanood ko lang siyang magsinungaling sa akin habang tahimik na tinatahi sa kamay ko ang plano kung paano ko siya papatayin balang araw. He manufactured Xena to kill my father, but just like how a dog bite its owner, the monster he's been trying to make use of will kill him in the most painful manner in the future.

Walang pagiingat kong inilagay ang envelope sa loob na bulsa ng jacket na suot ko bago naglakad palapit sa mga tauhan ni Damian na nagaasikaso ng mga kargamentong ibabagsak mamayang gabi kay Mr. Hipolito. Sampung box iyon ng matatas na kalibre ng mga baril na ihahatid namana ng mga tauhan niya sa mga rebelde sa mga bundok ng Casiguran, Aurora. Hindi man mahalagang impormasyon, pero si Mr. Hipolito ay isang politikong may kaugnayan sa mga rebelde dahil sa kanila nanggagaling ang kapangyarihan niya...

"Okay na ba ang lahat?" tanong ko nang makalapit kay Sebastian.

"Okay na, Xena. Kailangan lang mapalitan ng lagayan para hindi mabulilyaso sa paghatid mamaya," sagot naman niya.

Tumango ako bago umalis. Mabuti naman at maayos ang lahat dahil kung nagkulang na naman ang mga kargamento ay paniguradong may aalingasaw na bangkay na naman sa kung saan.

Ito ang imperyo ni Damian Fontanilla, isang makapangyarihang ulo ng underground society na sangkot sa lahat ng klase ng kahayupan kagaya ng: illegal drugs, human trafficking, assassinations, at illegal na pagbebenta ng mga armas. Siya din ang nasalikod ng mga kurakot na politikong namamayagpag sa bansa na akala mo'y totoong may malasakit sa bayan pero ang totoo'y mga magnanakaw at tiwali. Ang mga pondo ng kampanya ay nanggagaling kay Damian na kanilang babayaran gamit ang pera ng bayan. Sila rin ang nagsisilbing panangga ni Damian mula sa batas, dahil ang pagkakalaglag ni Damian ay pagkakalaglag nilang lahat.

Sa edad na sampu ay kinamulatan ko ang mundong ito, na sa kahit na anong pagsuka ko ay kinailangan kong sikmurain para manatiling buhay. Hindi ko maiwasang hindi makita ang mga kahayupang ito ni Damian pero sa paglipas ng panahon ay natutunan kong ibaling ang aking tingin sa tuwing kinakailangan kong linisin ang mga kalat niya. Sa bawat gabing mababahiran ng dugo ang mga kamay ko'y iniisip ko na lamang na nililinis ko lang ang dumi ng mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga kalabang pulitiko ng sino man sa panig ni Damian. Sa ganong paraan, gumagaan ang loob ko dahil pare-parehas silang mga walang silbi at magnanakaw. Mali ang pumatay, pero ang mundong ginagalawan ko ay isang malaking sapalaran.

Pinalaki ako ng ama ko bilang isang masayahin at mabait na bata, pero isang gabi lang ang kinailangan ni Damian para gawin akong isang katulad niyang halimaw. Tama nga naman. It takes a demon to kill one. Iisipin ko na lang na sakripisyo ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para puntahan ang mga batang assassins na ngayo'y sinasanay ng mga tauhan ni Damian. Dumeretso ako hanggang sa dulo ng kampo, sa may kakahuyan, dahil doon sila nagsasanay. Ang mga batang assassin na iyon ay mga pulubi o kaya'y tumakas sa ampunan. Sapilitan silang dinala rito ni Damian para pakainin at bihisan. Nakaktouch ba? hindi pa tapos ang istorya. Dinala sila rito para maging assassin sa ayaw at sa gusto nila dahil iyon ang kabayaran ng mainit na higaan at pagkaing ibinibigay ni Damian. Like me, nililinlang sila ni Damian para paniwalaing masama ang munado sa mga katulad nila kaya kailangan nilang maging marahas dahil kung hindi ay sila lang ang magiging kawawa.

"Ang mundong ginagalawan natin ay wala nang pag-asa dahil sa huli ay ang mga mayayaman lang ang may pribilehiyo at boses. Kung hindi ka matututong lumaban sa bawat hamon, madidigpi ka, maiipit, at mamatay,"

Napakagandang payo, hindi ba?

Sa edad na kasing mura ng limang taon, makikita mo ang negatibong imahe ng buhay at lalaki kang iyon lang ang pinaniniwalaan. Ipagkakait sa ito ang tunaay na kulay ng mundo mula sa ibang perspektibo at anggulo, na dapat sana'y magiging tanging pag-asa mo para umahon. Ang kahayupan ni Damian na ito ang paulit-ulit kong iniisip para hindi ko maramdamang mali ang isiping tapusin siya. Matatanggap ko kung ako lang ang nagiisang batang tinanggalan niya ng buhay, pero hindi. Daan-daang bata ang isa-isa niyang itinutulak sa bangin ng karahasan.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga batang bihasa na sa pagbato ng mga suntok at sipa ngayon. Walang sinuman sa kanila ang makikitaan mo ng takot dahil lahat sila ay sanay na. Ito ang madalas kong gawin kapag may oras ako— ang panoorin ang mga bata. Wala pang ilang minuto akong nakatanghod sa mga bata ay nabaling ang atensyon ko sa pagtunog ng cellphone ko. Madali ko iyong binunot mula sa bulsa ng suot kong pantalon bago tinignan ang caller. Si Ezekiel pala. Agad ko iyong sinagot dahil alam kong isa iyong importanteng bagay.

"Ezekiel," bungad ko habang nakatingin sa lupa at nilalaro ang maliliit na damo sa paanan ko.

Si Ramon Ezekiel Valle ang taong binaril ko noong gabing iyon, at siya rin ang taong nagalaga sa akin dito sa impyernong ito. Mas kilala siya ng lahat sa pangalang Ezekiel Cortez, at tnging ako lamang ang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Siya lamang ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko rito, at siya lamang ang tanging taong pagkakatiwalaan ko.

"I need you here, Xena. Hindi ko alam kung sinong puta ang nag-tip sa mga parak tungkol sa plantasyon, pero wala na kaming oras para roon. Kailangang maitakas ang mga kargamento dahil uubusin ni Damian ang lahat ng tauhan kapag may naiwang kahit na isang gramo," maypagmamadali niyang salaysay bago ko naulinigan ang pagkasa niya ng baril.

Napasapo ako sa aking noo at napamura. Sino na naman kayang gago ang sumabotahe sa transaksyon ni Ezekiel?

"Papunta na ako," walang kagatol-gatol kong sambit bago pinatay ang tawag at kumaripas ng takbo.

Isa sa pinakamalaking properties ni Damian ay ang plantasyon niya ng opium poppy sa lalawigan ng Rizal, kung nasaan ngayon si Ezekiel. Ang isa pa niyang plantasyon ay nasa La Trinidad sa Benguet kasama ng mga marijuana. Ang mga magagandang bulaklak na iyon ay sinusupply kay Damian mula sa mga sindikatong kaugnay niya mula sa Europa. The seeds are smuggled inside the country and are planted by Damian's seed growers. At para mas maproteksyunan ang plantasyon, sa mismong property na niya ginagawa ang mga droga, partikular na ang Heroin.

Agad akong nagpadala ng mensahe kay Sebastian para magpadala ng dagdag n amga tauhan, at matapos iyon ay agad kong hinila ang nakatabong itim na tela sa aking motorsiklo. Hindi na ako nag abalang isuot pa ang helmet bagkus ay mabilisang isinaksak sa hita at balakang ko ang dalawang piraso ng baril bago pinaharurot ang motorsiklo paalis.

Gustuhin ko mang pabayaan na lang na makumpiska ang mga bulaklak at droga ay naisip kong mapapahamak si Ezekiel kaya't kailangan kong isalba ang mga iyon sa kahit na anong paraan. Pasabugin ang mga parak, o pasabugin ang property at buong plantasyon, ay gagawin ko huwag lamang mataniman ng bala ang bungo ng taong itinuturing ko nang ama. Binaybay ko ang mga rutang pinkamaiksi patungo sa plantasyon, at ang nadatnan ko roo'y isa ngang tunay na disgrasya. Napapalibutan na ng mga parak ang halos kabuoan ng property, at marami na rin sa mga tauhan ang nalagas, gayunpaman, napanatili ni Kiel na protektahan ang exit. Pitong taon ko nang binabalik-balikan ang lugar na ito kaya't mas kabisado ko ito kaysa sa mga parak. I moved swiftly under their noses. Mayroong mga nakakita sa aking ilan sa mga parak ngunit mabilis ko silang pinaputukan. Sinamantala ko ang pagkakataon habang abalang nagpapalitan ng mga putok ang bawat kampo, at nang makarating ako sa pwesto ng mga tauhan namin ay agad kong hinanap si Kiel. Nakita ko siyang nagbibigay ng command sa mga tauhan para itakas na ang mga naikargang droga at armas, at pagkatapos noon ay sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya.

"Malapit na ang mga parak, maging alisto kayo," babala ko sa isang tauhan bago tumalikod para sumunod kay Kiel.

Maingat kaming dumeretso sa silid kung saan ginagawa ang mga droga. Abalang tumatakas ang mga tauhan ni Damian na gumagawa ng droga habang ang iba naman ay abala sa paglipat ng mga kahong may lamang Heroin.

"Pangunahan mo ang pagsalba ng mga droga, ako na ang bahala sa mga parak." bilin nito saka ako iniwanan doo, kaya't mabilis akong kumilos. Binalaan ko ang bawat tauhan tungkol sa mga parak na umikot para tuluyang mapaligiran at mabarahan ang exit, at wala naman silang sinayang na sandali.

Tumayo akong bantay sa bawat kargamentong isasampa sa bawat van at sa tuwing makikita kong may susulpot na parak sa bawat sulok ng lugar ay mabilis kong pinapuputukan. At kung minamalas ka nga naman ay naubusan pa ng bala ang hawak kong baril. May sumulpot na namang parak na pasimple pang nagkubli sa makapal na trapal ng laboratoryo kung saan pinoproseso ang droga, kaya't mabilisan kong binuklat ang isang kahon na naglalaman ng mga droga at armas. Agad kong dinampot ang isang rifle.

"Alright, motherfuckers. Here comes Xena," bulong ko sa hangin saka sunod-sunod na pinaputukan ang mga parak sa likod ng trapal habang humahakbang paatras para protektahan ang mga tao naming nagsasampa ng mga kahon sa van.

"Tatlong kahon na lang!" Sigaw ng isang tauhan kaya't agad nang umalis ang iba.

Ayos na ang lahat, at isang kahon na lamang ang natitira. Akala ko'y okay na pero nang sandaling sumampa ako sa van ay dumaplis sa kaliwang braso ko ang bala ng isang pulis na sa paglingon ko ay nakatumaba na. Nakita ko si Kiel na tumatakbo palapit sa direksyon ng van. Tinungo niya ang driver's seat at mabilis na binuhay ang makina. Hindi ko na ininda ang sakit ng braso ko, bagkus ay umupo na sa van at pinanatiling bukas ang pintuaan.

"Tara na!" sambit kona hindi tumitingin kay Kiel para simulan nang paandarin ang sasakyan paalis habang pinapuputukan ko ang mga pulis na nagtangkang humabol sa amin.

Nang makaalis sa lokasyon ay inis kong binitawan ang rifle para sapuin ang duguan kong braso. Malalim ang sugat kahit na daplis lamang iyon, at tuloy-tuloy rin ang agos ng dugo. Hinubad ko ang jacket kong suot at hinila palabas sa bulsa noon ang dala kong panyo. Itinupi ko iyon ng ilang beses bago itinali sa nagdurugo kong sugat.

"Iyan lamang ba ang sugat mo?" malamig na tanong ni Kiel saka ako sinulyapan sandali sa rear view mirror na siya ko lang namang tinanguan bilang tugon.

"You'll be facing something more painful than that, soon. Wag kang iiyak ha?" sabat naman isang nakakademonyong boses sa likuran ko, na hindi ko na pagkaka abalahan pang tignan para alamin kung sino.

"Ingat ka. Hindi ka sigurado kung ako nga ba iyon," malamig at matapang ko namang sagot bago isinuot muli ang jacket ko dahil hindi ako kumportable sa nakalantad kong balikat lalo pa't isang demonsyo ang nasa likuran ko.

Tumawa siya ng malakas katulad ng isang tunay na demonyo.

"Hindi ko talaga alam kung saan mo nakukuha ang tapang mo, Xena," muli niyang sambiit na may pagbabago sa tono ng pananalita. Mula sa nakakaloko ay naging nalamig ito. Ramdam ko ang ginawa niyang paglapit sa likuran ko maging ang pagtama ng hininga niya sa gilid ng leeg ko nang bumulong siya sa mismong tainga ko.

"I hope you won't die soon,"

"Ano ba?! Nakakatakot, Leo. Sobra." hilaw kong sambit matapos siyang lingunin at titigan sa mata. "Go easy on me, Leo. I'm just a girl," dagdag ko pa saka nagsilay ng isang hilaw na ngisi bago tumalikod at umupo ng prente sa upuan ko.

Honestly, I'm scared. Alam kong ano mang oras ay pwede akong bawian ng buhay, pero hindi ako natatakot sa mga Fontanilla o sa mga pwede nilang gawin sa akin. Ang tanging ikinatatakot ko lang ay sa puder ni Damian ko masilayan ang huling pagsikat ng araw. ***

Umalingawngaw sa silid ang tunog ng nabasag na vase na siyang ibanlibag ni Damian sa harapan namin ni Ezekiel. Nakatayo ako sa tabi niya ngayon dito sa opisina ni Damian matapos naming ibalita ang nangyari sa plantasyon. Kagaya ng inaasahan a hindi niya nagustuhan. Sino ba namang makakagusto kung milyones lang naman ang napunta sa kustodiya ng nga autoridad?

"Inutil!" Sigaw ni Damian sa galit. "Milyones ang halaga ng property na iyon kasama na ang mga bulaklak na iyon! Paanong sa isang iglap ay nalaman ng mga pulis ang tungkol sa mga poppy?!"

Matalim kaming tinignan ni Damian na kung hindi ko pa nga siya kilala ay matatakot ako. Hindi kami kumibo ni Ezekiel kaya't mas lalong sumiklab ang galit ni Damian. Ibinukas niya ang drawer ng kaniyang desk at dinampot ang isang revolver mula roon. Naglakad siya palapit kay Kiel bago idinikit ang dulo nito sa noo niya at galit na sinabing,

"Malaking pera ang mawawala sa akin dahil sa mga bulaklak na iyon. Sapat na siguro ang bungo mo para bayaran ang lahat ng nalugi dahil sa kapalpakan mo,"

Hindi umimik si Kiel o gumalaw. Blanko lamang ang mukha niyang kataingin ng lampasan kay Damian na tila ba wala siyang nais gawin sa galit nito. Napalingon ako sa kaniya sa labis na kaba pero tinignan ako ni Kiel ng makahulugan. Alam kong nais niya akong manahimik at manatiling kalmado pero sa ideya ng pagkalabit ni Damian ng gatilyo ay hindi ako mapakali.

"Naisalba ang lahat ng droga pati na rin lahat ng tauhan na nandoon. Walang naiwan na maaaring mapakinabangan maliban sa mga bulaklak. Sa palaga'y ko'y hindi na masama ang pagpapaubaya sa property at sa mga bulaklak," sabat ko na nabablanko ang utak dahil sa takot na pinipilit kong hindi ipahalata.

Nilingon ako ni Damian at sandaling tinitigan bago imismid at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Itinutok niya ang baril sa gilid at kinalabit ang gatilyong muntikan nang magpalundag sa akin sa gulat kung hindi ko lang inasahan na gagawain niya iyon. Mabigat ang hininga niyang tumalikod at ibinato sa ibabaw ng desk niya ang baril bago sinabing,

Umalis na kayong dalawa sa harapan ko dahil hindi ko matantya ang kagustuhan kong ipaubaya na lang rin kayo sa lupa. Linisin niyo ang lahat ng kalat at siguruhing mababawi ang lahat ng nawala sa akin dahil kung hindi ay babawiin ko ang buhay niyong dalawa,"

Isang buntong hininga lang itinugon ni Kiel bago kami parehas lumabas ng opisina ni Damian. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig naming dalawa at parang walang nangyaring naghiwalay ng landas pagkalabas sa silid. Nagtungo siya sa mga naisalbang droga at armas habang ako naman ay tinungo ang pasilyong maghahatid sa akin sa silid ko. Mahapdi ang sugat ko, at kinakailangan ko na rin itong linisin. Nasa kalagitnaan ako ng pasilyo nang isang lapastangang nilalang ang humigit sa braso kong may sugat at tinulak ako pasandal sa pader, na nagpangiwi sa akin sa sakit lalo na nang mahigpit niyang kapitan ang braso ko.

Parang isang leading man niya akong inikulong sa pagitan ng katawan niya at ng pader matapos kunin ang pulsuhan ng isang kamay ko bago iyon idinikit sa pader sa may bandang itaas ng ulo ko. Hindi ako makagalaw kahit na hindi ganoon karahas ang pagkakakapit niya sa akin dahil sa panghihina. Bukod kasi sa kumikirot kong sugat at marami na akong nawalang dugo.

Swabeng dinilaan nni Leo ang ibabang labi niya habang nakatingin sa akin na para bang isang siraulong nangaakit ng babaeng bayaran kaya't napaismid ako at napatawa ng mahina sa kagaguhan niya. Ang mokong, imbis na matauhan ay mas lalo pang ginanahan. Isang malokong ngiti ang isinilay niya bago idinikit sa akin ang sarili niya.

"Papatayin mo na ba ako?" inis kong tanong nang ilapit niya ang katawan sa akin. Nadidiri ako sa kaniya at hindi ko gusto ang lapit namin sa isa't isa.

"Gusto ko nga e, Xena," bulong niya ng nakaka akit habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Dahan dahang buma ang tingin niya sa mga labi ko, leeg, at dibdib bago muling itinaas ang tingin sa mga mata ko at ngumisi. Kaya lang hindi pwede kaya pababayaan muna kita. Kapag nagawa mo na ang dapat mong gawin, saka kita papatayin..."

Nabato ako nang biglang inilapit ni Leo ang mukha niya sa akin at nang dumampi ng marahan ang labi niya sa gilid ng leeg ko. "... ng dahan-dahan," dugtong niya habang nakadampi sa balat ko ang labi niya.

Hindi ako nakagalaw hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa ginagawa niya. Naghaharumintado ang dibdib ko dahil sa disgusto pero hindi ko siya maitulak palayo dahil sa hawak pa rin niya ang mga kamay ko. Ramdam ko ang pagguhit ng ngisi sa mga labi ni Leo bago niya marahang sinimulang halikan ang kaliwwang haligi ng leeg ko.

I felt his warm lips and mouth gently sucking my skin like a vampire, and I could only roll my eyes in annoyance. Bigla kong nacompose ang sarili ko nang maisip ang marumi niyang laway na lumalapastangan sa balat ko kaya't kusang gumalaw ang ulo ko at inuumpog iyon sa kaniya. Agad naman siyang napabitaw sa akin at napaatras habang tumatawa dahil sa masama kong tingin sa kaniya. Napairap na lang ako pagtapos punasan ang leeg ko gamit ang mga kamay ko. Diring-diri kong ipinahid sa damit ko ang kamay ko saka siya tinignan at umiling.

"Kadiri," utas ko bago nagsimulang maglakad paalis. Kahit kailan talaga ay hindi siya nabigong sirain ang araw ko. Mabuti na lang at wala ana akong dalang baril dahil kung mayroon lang ay pupulutin na lamang siya ng ama niya sa sahig na butas ang bungo.