KABANATA 1

"Daddy!"

Nakangiti akong kumaripas ng takbo palapit sa aking ama na noo'y kabababa pa lamang ng kaniyang sasakyan. Agad na sumilay ang magaganda niyang mga ngiti nang masilayan ang paborito niyang tao, na walang iba kung hindi ako! Ibinuka niya ang mga bisig niya upang salubungin ako ng isang mainit na yakap, kaya't ibinuka ko rin ang maliliit kong mga bisig upang iyakap iyon sa kanya sa oras na marating ko ang kinatatayuan ng aking ama. Malakas man ang aking pagkakasalpok sa kaniyang dibdib ay hindi namin iyon alintana.

"My baby girl!" Masayang tawag ng aking ama matapos ay tumayo upang iikot-ikot ako sa hangin habang humahagikgik at tumatawa. Ilang ikot din ang ginawa niyang iyon bago ako tuluyang ibinaba at lumuhod upang ilebel sa akin ang kaniyang mukha kasunod ng isang pisil sa aking pisngi.

"Ang saya mo a? Do you have something to tell Dad?" nakangiti niyang tanong na nagpangiti sa akin ng malapad. Tumango naman ako ng maraming beses bago iniangat ang aking dalawang kamay upang ipakita ang mga stars na nakuha ko sa klase.

"I got seven stars, Daddy!" masaya kong balita sa kaniya. Hinagod niya ang buhok ko at saka ngumiti sa akin. Iyon ang tanging bagay na pinakagusto ko— and makitang nakangiti at masaya ang Daddy ko.

"You did a great job, Sheii. You made Daddy so proud," sambit niya.

Ginawaran niya ako ng isang mapagmahal na halik sa aking kaliwang pisngi kaya naman mas humagikhik pa ako.

"That's all for you, Daddy. Kasi ikaw ang best Daddy sa buong mundo!"

Tumawa si Dad nang idemonstrate ko pa sa kaniya ang isang malaking bilog para idiin kung gaano siya ka-the best para sa akin.

"... At ikaw naman ang pinakang maganda at pinakang matalinong anak sa buong mundo, Sheii. You're my everything." sabay pisil sa maliit kong mga kamay.

"I love you, Daddy,"

"I love you too, baby," tugon niya. "Let's go home. I asked Manang Grace to cook your favorite spaghetti."

"Yay!"

Binuksan ni Dad ang pintuan ng kotse saka ako inalalayan paakyat bago siya umikot upang umupo sa driver's seat.

***

"Dad, do you think Mom will be proud of me if she's still alive?" Napatingin is Dad sa biglaan kong tanong habang marahan siyang nagmamaneho.

"Of course, baby. Your mom will be so proud because she has a daughter who's as beautiful as her, and as smart as her. She will be very happy to have you—her photocopy," sagot niya.

Napangiti ako sa sagot na iyon, ngunit kagaya ng palagi ay nauuwi lamang ang bawat usapan tungkol kay Mom sa mas marami pang tanong.

"Kamukha ko po ba si Mom?"

My father nodded and flashed a weak smile. I really love my father's happy face, kahit na minsan ay may halong pighati sa bawat ngiti niya. His laughter and joy were my favorite things. I love seeing him happy and proud. And my dream is to protect his smile.

Sandali akong napatitig kay Dad nang sumilay sa mga mata niya ang sakit sa pagkabanggit kay Mom, at kahit na hindi ko nasilayan ng personal kung paano nila minahal ang isa't-isa, alam kong malalim ang pagmamahalan nilang iyon. Gusto ko pa sanang magtanong, tungkol naman sa ibang bagay, nang rumehistro ang gulat sa mukha ni Dad at wala sa sariling ipinihit ang manibela pakaliwa. Kitang-kita ko ang pagsalpok ng isang trailer truck sa tagiliran ng kotseng sinasakyan namin at maging ako ay hindi na nagawang kumurap sa bilis ng mga pangyayari. I saw how we spin and how our car crashed on a big tree. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtama ng ulo ko sa bintana ng kotse at kung paano nabasag ang mga salamin.

Nang imulat ko ang mga mata ko'y umiikot ang aking paningin.

"Dad," sinubukan kong sabihin, pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

Mga basag na bintana, dugo, at ang kumikirot kong katawan lamang ang tanging alam ko sa mga oras na iyon. Iginala ko ang mga mata ko, at sa nang dumampi iyon sa walang malay at duguan kong ama, narinig ko ang impit kong daing habang tinatawag siya,

"Dad,"

Pumatak ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko nang hindi siya gumalaw o nagpahiwatig na gising siya. Sinubukan kong tawagin siyang muli, at sa pangatlong beses ay nagawa ko na iyon ng malakas...

"Dad!"

Marahas kong iminulat ang mga mata ko kasabay ng pag-upo sa aking kama. Hinihingal ako at mariing nakakapit sa aking kumot.

"I'm dreaming again,"

Hinawi ko ang aking buhok na noo'y tumatabon sa ilang bahagi ng mukha ko, dahilan upang mapagtanto kong naliligo na pala ako sa pawis. I shoved the blanket away from my body to get off that hellish bed. Napapadalas ang pananaginip ko tungkol kay Dad kaya't minabuti kong bumangon na. Kinuha ako ang cellphone ko upang tignan ang oras, 2:27 ng umaga.

I threw my phone on the top of my bed and then grabbed my hand wraps before heading outside to do my own therapy— kickboxing. Ito ang madalas kong ginagawa sa tuwing gusto kong malihis ang utak ko mula sa mga bagay na hindi naman kailangan. ***

I felt my sweats running all over my body but I don't feel tired, not yet. Mariin kong tinitigan ang punching bag habang patuloy sa pagpapakawala ng mararahas kong suntok. Bawat bira ay punong puno ng galit at pagnanasang wakasan ang buhay ng isang ato. I threw several kicks before going back to throwing punches. Mabigat na ang mga hininga ko, kasimbigat ng galit na nararamdaman ko sa puso ko.

"You can't kill me," I said in between my punches.

Mas maririin na suntok ang pinakawalan ko, nang maalala ang masayang mukha ng ama ko. Bawat ngiti niya sa panaginip ko'y tila isang karayom na tumutusok sa puso ko. Mariin at punong puno ng galit ang mga mata ko habang iniisip na si Damian Fontanilla ang nasa harapan ko imbis na ang punching bag na sumasalo ng galit ko sa lahat ng pagkakataon.

"I will make you suffer, you old piece of shit," hinihingal kong bigkas sa pagitan ng bawat suntok na pinakakawalan ko.

I felt tears running down my cheeks as the mixture of sadness, pain, and anger makes me more determined to kill Damian and his sons. Nagpakawala ako ng pinakamalakas na suntok bago ko hinayaan ang sarili kong mapaluhod sa sahig habang itinatangis sa hangin ang lahat ng bigat na nararamdaman ko. Nanghihina ako sa pagod at galit. Masasakit na ang mga kamao ko, pero hindi ko iyon lubusang mainda dahil para sa akin, mas masakit pa ring mangulila kay Dad kaysa mabalian ng kamay sa pagsuntok. Hinayaan ko lang kumirot lahat ng kumikirot, at noong mga oras na iyon ay hinayaan ko na lang din muna ang sarili kong maging mahina.

I've been suffering in this hell for a decade. Kinuha na nila ang sampung taon ng saya ng Daddy ko, pero hindi pa rin sapat. Those ten years were enough to make him suffer. I remember how my father taught me how will I protect myself from someone who wanted to kill me. Siguro ay dati pa niyang alam na hindi siya lulubayan ng demonyong si Damian. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang alalahanin ang sinabi niya sa akin noon.

"Never tell anyone that you are my daughter. Never tell your name to anyone that you're not familiar with. That might be one of the enemies. That will protect you even when you don't have me by your side."

"Never tell anyone," ulit ko.

I am not Lebrina Sheii Jaranilla. I can't remember who I am, where I came from, who's my parents, and everything about my past. That is because of the car accident. That is what I told Damian when he kidnapped me. Damian was my father's enemy. I don't know the reason why. I was 10 when I was kidnapped by him. Damian brought me to this hell, he wanted to film my death as a present for my father. And that day, nagbago ng tuluyan ang makulay kong mundo. Ang dating isang masayahin at inosenteng bata ay itinulak sa malalim na bangin ng galit, pagdurusa. Ginawa niya akong isang halimaw na siyang lalamon sa sarili kong ama.

Kumulo ang dugo ko sa pagkaka-alala sa mga pangyayaring iyon. 10 YEARS AGO

Isang lalaking sa tantya ko'y nasa edad na 30 o higit pa ang bumungad sa harapan ko nang tanggalin ng kung sino ang mga piring sa mga mata ko. Mariin niya akong tinitigan habang suot-suot ang isang mapanganib at nakakalokong ngisi, tapos ay marahas niyang hinawakan ang baba ko upang ipihit ang mukha ko pasentro sa kaniya. Nakagapos pa rin ang mga kamay at paa ko, at dahil sa labis na takot— bilang isang bata— ay wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak.

His face enough is frightening, at nadagdagan pa ng mga armadong lalaki sa paligid namin ang takot ko.

"Tignan mo nga naman. Ang pinakamamahal na prinsesa ni Artemis, ..." bulalas ng lalaki saka marahas na binitawan ang baba ko at tumayo. Iniangat ko ang aking tingin sa kaniya na siya naman niyang sinalubong ng isang matalim at punong puno ng galit na mga titig.

"Artemis will be devastated kapag napanood niya kung paano ko paghihiwa-hiwalayin ang katawan ng pinakamamahal niyang anak," dagdag niya pa matapos ay umismid at tumalikod.

Naglakad siya patungo sa isang tripod na mayroon nang camera at iniayos iyon na para bang ang tagpo ay isang photoshoot. Itinapat niya iyon sa akin at ngumiti pa ng mas malapad. Wala akong ideya sa kung sino siya, o sino sila. Hindi ko alam kung para saan ang camera pero bilang isang musmos na natatakot para sa buhay ko ay umiyak lamang ako.

"Maawa po kayo, huwag ninyo po akong papatayin," pakiusap ko sa pagitan ng malalakas at nakahihingal kong mga hikbi. Malakas kong iniiiling akong ulo habang nakatingin sa mga mata ng lalaki at nagmamakaawa.

"At bakit naman hindi, princess?" tanong niya na animo'y ang ideya ng pagpatay ay hindi isang kasalanan, at isa lamang iyong maliit na bagay. Sa unang sampung segundo ay wala akong naitugon, ngunit sandaling pumasok sa isip ko ang mga narinig ko kanina nang igapos ako ng ialn sa mga lalaking armado na kasama namin ngayon. Binanggit nila si Daddy, at may kinalaman ang katotohanang anak niya ako sa pagdukot sa akin.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko sa loob ng lima pang segundo, bago nanginginig ang mga labing binanggit ang isang kasinungalingang inaasahan kong magliligtas sa akin s amga oras na ito.

"H-hindi ko po kilala si Artemis," utas ko na nagpahinto sa kaniya ng ilang sandali bago marahang binitawan ang camera upang tumingin sa akin. Tumawa siya at namaywang na tila ba'y isang biro ang sinabi ko. Ang bawat tawa niya ay kasinlakas ng pagtibok ng puso ko sa kaba, na naging dahilan ng pagkautal ko nang subukan kong dugtungan pa ang sinabi ko. "W-wala po akongm-maalala--"

Hindi ko na natapos anag sasabihin ko nang sa isang iglap ay nakalapit siya sa akin para gawaran ako ng isang malakas at nakabibinging sampal. Hindi iyon natapos doon at hinawakan niya ako sa buhok at iniharap sa kaniya.

Muli akong umiyak dahil masakit ang ginawa niya.

"Niloloko mo ba ako? Sige, tell me more about that interesting story,"

Bagaman nagliliyab ang kaniyang mga mata, kita ko ang pagrehistro ng isang masayang ngisi habang pinapanood niya akong nasasaktan. Pero ganon pa man, hindi ako susuko dahil gusto ko pang mabuhay.

"Wala po akong maalala simula nang magising ako sa ospital. Sabi po ng mga nurses na si Artemis daw po ang tatay ko, kagaya ng sinasabi ninyo, pero hindi ko po siya kilala," Sinubukan at pinilit ko na ituwid ang pananalita ko, pero sa tingin ko ay hindi siya naniniwala, at hindi siya maniniwala.

"Sorry, Honey. Hindi gumana," saad niya na tila ba hindi siya natutuwa saka ako binitawan at tumayo. Nanginig ang buong katawan ko nang makita siyang bumunot ng isang baril at nang itutok niya iyon sa mismong noo ko.

"Wag! Wag po! Hindi ko po siya kilala! Maniwala po kayo!"

Mabilis na umagos ang mga luha sa mga pisngi ko. Balot na balot na ako ng takot na tanging ang mga palirit at tili ko na lamang ang naririnig ko. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko dahil ayaw kong makita ang nakakatakot niyang mukha kung sakali mang tuluyan na niyang kalabitin ang gatilyo, ngunit.... ibinaba niya ang baril matapos ang ilang sandali at saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Fine, I'll give you a chance. Prove me that you really have lost your memory." Ibinato niya sa akin ang baril na tumama pa sa may tuhod ko. Inutusan niya ang isang tauhan na kalagan ako na agad din naman nitong sinunod. Nanginginig ko siyang tiningala. Nakatitig siya ng blanko sa mga mata ko...

"Kunin mo ang baril. Kung magagawa mong pumatay ng isa sa mga naririto, paniniwalaan kita. Kaya mo ba?" Walang emosyon niyang tanong, na siya namang ikinabahala ng mga tauhan niya. rinig ko kung paano sila suminghap sa nais na mangyari ng lalaki pero walang sino man ang nagsalita.

"A-Ayoko po," sambit ko saka marahang umiling. Hindi ko kayang gawin ang gusto niya...

"Just pick the gun!" Halos mapatalon ako sa malakas niyang pagsigaw. Aligaga kong pinulot ang baril kagaya ng gusto niya at hinawakan iyon ng mahigpit.

Mabigat iyon, na pakiramdam ko'y mababali ang kamay ko kung isang kamay lamang ang gagamitin ko.

"Itutok mo ang baril sa kahit na sino," Maotoridad at malamig niyang utos.

Takot na takot ako at hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinasabi niya o huawag na lang, pero kusang kumilos ang mga paa ko na sa isang iglap ay nagkaroon ng lakas upang tumayo sa harapan niya. Nanginginig ang mga kamay ko nang tignan ko ang hawak kong baril bago iginala ang aking aningin sa silid. Lahat ng mga tao roon ay mababakasan ng kaba, bagay na nagpahinang lalo ng aking loob.

"Kanino ko itututok ang baril? Sino ang papatayin ko? Kaya ko ba?

Dumako ang mga mata ko sa isang sulok kung saan natagpuan ko ang isang pares ng mga matang mariing nakatingin sa aking gawi, na sa kahit na anong pagkilatis ko'y hindi ko nakitan ng takot. Marahan siyang tumango na tila ba sinasabing gawin ko lamang ang nais ng lalaki at huwag akong matakot. Pamiyar ang mga mata niya, at isa siyang lalaking mayroong matipunong katawan.

Sa lahat ng tao na naroroon, sa kaniya ko itinutok ang baril habang patuloy na umaagos ang ga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam, pero alam kong pinahihintulutan niya akong gawin ko iyon. It's like he volunteered to die in my place. Iyon ang nahinuha ko nang ngumisi siya sa akin na parang isang proud na ama. Hindi ko siya kilala... pero pakiramdam ko'y kilala niya ako.

" Pull the trigger,"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong muli ang boses niya. Nagulat ako, pero hindi ko iniiwas ang aking tingin sa lalaking tinututukan ko ng baril.

I looked at him, hoping he'll see how sorry I am through my eyes. Tinitigan niya lang ako at wala nang anumang galaw na ginawa. Marahas kong kinagat ang ibabang labi ko ang kumurap uapng alisin ang mga luhang nagpapalabo sa aking paningin. Inisip kong siya ang lalaking nasa tabi ko, at inisip kong isa siyang masamang tao. Pero bago ko pa man makalabit ang gatilyo ay sumigaw ang lalaki.

"I said, pull the trigger!" Sa labis na gulat ko'y nagawa kong kalabitin ang gatilyo ng baril kahit na hindi maayos ang pagkakatutok noon sa lalaki. Nabitawan ko ang baril at natulala nang makita kung paano lumandas ang bala sa kaliwang hita niya, at kung paano sina ng pader ang kaniyang likod nang matumba siya.

I was shocked. I can't move. TIla ayaw marehistro sa utak ko ng nangyari. Tulala ko lang siyang tinignan habang iniinda ang kaniyang binti. Lumabas ang malalaking butil ng pawis sa noo at leeg niya, tanda na lubhang masakit ang ginawa ko. Gayunpaman, nagawa niya pa rin akong tignan at ngitian sa kabila ng pamumutla ng kaniyang mga labi.

"I did not expect this. Hmmm," The man smiled as he looks at me. "If you think Artemis isn't your father, can you kill him?"

I'm almost safe. . . at ito lamang ang paraan para makaligtas ako. Kung kinakailangan kong magsinungaling at magkunwaring hindi ko kilala si Dad ay gagawin ko, dahil gusto kong bumalik sa kaniya ng ligtas.

Itinuwid ko ang takot kong expresyon at buong tapang na muling tumingin sa kaniya. Hindi na ako natatakot. Napalitan na ng galit ang labis na takot ko kanina. Sa murang edad ay pinahawak niya ako ng baril at inutusang manakit ng iba. Gusto kong mabuhay dahil gusto ko siyang maparusahan.

"O-oo," sagot ko kasunod ng muling pagpatak ng mga luhang akala ko'y ubos na. "Papatayin ko siya ... dahil siya ang dahailan kung bakit ko nagawang saktan ang lalaking iyon,"

Hindi si Dad ang tinutukoy ko, kundi ang lalaking nasa tabi ko at malapad na nakangiti. Kailan man ay hindi ko sasaktan ang Daddy ko, bagkus ay ang mga taong sinubukan siyang saktan. Muntik na akong makapatay, kaya't tatandaan ko ang gabing ito at dadalhin habang buhay. Gagawin ko itong dahilan para balikan ang taong naging ugat ng lahat...

End -------

"Just wait, Dad. I'll point the gun to the person who taught me how to use it," bulong ko sa aking sarili habang nananantiling nakaluhod sa lupa at umiiyak.

Nanatili ako sa gannong tayo ng ilan pang minuto bago pinahid ang pisngi ko gamit ang likod ng palad kong mayroon pang suot-suot na handwraps. Tatayo na sana ako nang maramadaman kong hindi ako nag-iisa sa silid. Sandali akong tumigil at nakiradam, bago nagpakawala ng isang malakas na sipa sa likuraan, na hindi ko maiwasan kung paano niya nagawang iwasan. I'm sure he's wearing a brown leather jacket and a pair of jeans. Nakita ko.

He moved to my left side, so I immediately throw a punch na kagaya ng sipa ko'y knaiya ring naiwasan. Patuloy lang ako sa pagatake na paulit-ulit niyang naiiwasan hanggang sa lumapat na ang kaliwang paa ko sa lupa at bumungad ang pagmumukha niyang nakaririmirim sa harapan ko. Hindi ako nagdalawang isip na iangat muli ang paa ko para umatake, pero napigilan niya ako nang itutok niya sa noo ko ang dulo ng kaniyang baril.

Parehas kaming hinihingal nang mga sandaling iyon. Matalim ang titig niya sa akin habang may suot na nakakalokong ngiti— bagay na pinakang kinamumuhian ko— habang ako nama'y tamad lang na nakatingin sa kaniya. Walang emosyon akong pinapakita dahil alam kong sa oras na sumilay ang kahiit anong emosyon sa mukha ko ay maaari nila iyong gamitin laban sa akin.

"Good morning, Xena," bakas ang gigil sa boses niyang bumati sa akin. "Naiinip ako; Pwede ba kitang patayin? Nababanasan na kasi ako sa pagmumukha mo, at araw-araw akong nangangating pakalatin ang dugo mo sa sahig," dagdag niya pa.

I could only sneer at what he said. He's been telling me the same thing since we're young, pero hindi niya pa rin ako nagagawang patayin. Magaling lang ba talaga ako o sadyang mahina talaga siya?

Ngumiti ako sa kaniya saka nagsimulang maglakad papalapit hanggang dumikit sa noo ko ang malamig na nguso ng baril. Sinalubong ko ang titig niya saka mabilis na hinawi ang kamay niyang may hawak ng baril. Mabilis pa sa kurap ng mata nang mapunta ang hawak niyang baril sa kamay ko na siya ko namang itinutok sa noo niya bago sinabing,

"The feeling is mutual, Leo,"

Itinutok ko ang baril sa lupa bago kinalabit ng tatlong beses ang gatilyo. Hindi napatid ang matatalim naming tinginan sa kabila ng pagalingawngaw noon sa buong silid, na para bang ang mga nakabibinging ingay na iyon ay mahiina lamang na kaluskos. Walang karea-reaksyon si Leo nang simulan kong kalasin ang baril sa harapan niya gamit lamang ang isang kamay ko na hindi pa rin binibitiwan ng tingin ang mga mata niya.

"You can plant a bullet on my head while I'm sleeping. Wag ka nang magpakahirap," sambit ko ng malamig bago ngumisi at tumalikod.