Chapter 4: KABANATA 3

"This will be your room, Ms. Fontanilla. This is the only available space, and besides your roommates are your siblings," pormal na sambit ng isang middle-aged na babaeng nakasuot ng isang pencil skirt at white blouse bago sa akin iniabot ang I. D. ko.

Iginala ko ang mga mata ko sa kabuoan ng silid kung saan ko makakasama ang mga "kapatid" ko raw sa loob ng hindi ko alam na panahon. This is Oxemburge University. Isang boarding school kung saan ako magaaral kasama ng mga prinsipe ng impyerno ni Damian.

"This will do. Thank you," walang emosyon kong litanya bago isinara ang pintuan sa likuran ko makalipas ang ilang segundo na hindi nagaaballang tumingin sa babae. Wala akong pakialam kung sino siya o kung sinaraduhan ko siya dahil masama ang timpla ko sa katotohanang ang magkakapatid na Fontanilla ang makakasama ko sa silid na ito.

Malaki ang silid. May apat na kama na magkakaharap at ang isa roon ay bakante na paniguradong ookupahin ko. Sandali kong pinagmasdan ang silid at napaismid sa hangin nang maisip kong tatlong demonyo na ang naririto, tapos ay dumagdag pa ako, bali apat na kami. Ang saya naman. Para kaming mga demonyong nagmeet up sa lugar na ito, at nakikita ko na kaming apat na nagpapatayan-- este, nagpaparty.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago sinimulang maglakad patungo sa bakateng kama sa may dulo, malapit sa sliding glass door na naghihiwalay sa espasyo ng silid at sa balkonahe. Mayroon doong bakanteng dresser at isang side table na may drawer. I sat on the bed to unpack my things and stuff them inside the empty dresser. I didn't bring much, cellphone lang, ilang pares ng damit, mga sapatos, ilang libro, bathroom necessities, at ang bestfriend ko— baril.

Tapos ko nang ayusin ang mga gamit ko, at nililinis ko na lang ang baril ko bago sana itabi sa may bakanteng drawer nang mapahinto ako nang maiisp ang pagmumuka nina Leo at Max. Hindi ko kase sigurado kung makakayanan ko ba silang hindi pansinin dahil malamang sa malamang ay mapapatay ko sila sa oras na mapatid ang pasensya ko.

Bago pumatak ang alas otso ng umaga ay minabuti ko nang magpalit ng damit para umattend sa klase kong magsisimula na sa aloob lang ng ilang minuto. Tutal naririto naman na rin ako, mas pagbubutihin ko nang maging invisible sa mata ng lahat dahil bukod sa ayoko sa atensyon at mga mapapanuring mata, kailangan ko ang katahimikan para planuhin ang susunod kong hakbang laban kay Damian. Naglalakad ako sa hallway papasok sa unang klase ko ngayong umaga nang sandali akong matigilan nang dumaan sa isip ko ang isang bagay. Iginala ko ang mga mata ko sa mga estudyaanteng nagkalat sa paligid habang kani-kaniya ng mga pinagdidiskusyunan at ginagawa at saka napangiti ng mapait sa hangin. I've never experienced graduating elementary and high school, pero sa isang iglap, sampung taon na ang nakalipas at naririto ako, isang assassin sa loob ng isang eskuwelahan at nagbabalatkayong isang normal na kolehiyala.

At age ten, Damian taught me how to fight bare fist. Natutunana ko ang pagbato ng suntok at sipa kaysa ang basic aljebra. Noong labing isang taon naman ako, itinuro sa akin ni Damian ang iba't ibang uri ng mga baril at kung pano sila gamitin. Pagsapit ko ng labing dalawa, nalaman ko naman kung ano ang iba't ibang klasipikasyon ng droga, partikular na ang pangunahin niyang produkto— ang heroin na ginagawa niiya gamit ang mga bulaklak ng opyo. Sa edad na labing apat, alam ko na ang sistema sa underground society at kung paano niya pinatatakbo ang imperyo niya. At noon ding edad kong iyon, una akong pumatay ng tao.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong matuklasan ng isang tauhan ni Damian ang sikreto ko, at ang sunod ko na lang na natandaan ay bumagsak siyang dilat sa harapan ko at butas ang dibdib habang hawak-hawak ko ang isang kalibre 45 na baril.

That ... was the most horrifying event in my life, but it's also what made me who I am now. Ang tagpong iyon ang humubog sa mapanganib na assassin na kilala ngayon ng lahat sa pangalang Xena.

Ang dami ... ang dami kong hindi naranasan. Ang dami ... ang daming ninakaw na taon ni Damian mula sa aking kabataan. PInatay niya ang kamusmusan ko, at ninakaw niya ang buhay na sana'y mayroon ako sa piling ng ama ko.

***

Muntik na akong magulat nang mapansin kong walang nakikinig sa prof na nagdi-discuss sa unahan. Muntik ko nang makalimutan, hindi nga pala ito isang tipikal na eskuwelahan. Dito nag-aaral ang mga anak ng mga bigating tao sa underground society: mga utak ng maliliit o bigating sindikato, politiko, mafia, assassins, at spies. May mangilan-ngilan ding mga commoners at scholars para pabanguhin ng bahagya ang pangalan ng School, pero gayun pa man, walang makapagkakaila na ang paaralang ito ay bahagi ng madilim na mundo ng underground society.

Napairap na lamang ako. Palibhasa kasi hindi sila kasing excited ko dahil nakapag-aral sila ng high school. Bwisit. Nang sumapit ang lunch ay hinanap ko ang cafeteria para mananghalian, pero kabuntot ko na nga yata ang gulo, dahil habang tahimik akong nanananghalian kasama ng aking paboritong mga tugtugin ay may sumira sa araw ko. Nakapasak ang earphones ko sa tainga ko at nakatodo ang volume noon para wala akong marinig na kahit ano dahil ayokong maabala sa pagkain. Natigilan ako sa pagnguya nang may kung sinong depunggal ang humila sa earphone ko. Inis ko siyang tingala at sumalubong naman sa mga mata ko ang nakataas niyang drawing na kilay habang nakahalukipkip at mataray na nakatingin sa akin.

"Bago ka? Table namin yan," sabi niya.

Tinignan ko lamang siya sandali bago muling ibinalik sa tainga ko ang earphone para ipatuloy ang pagkain dahil wala akong pakialam sa kanila, pero bago pa ako makabalik sa pagkain ko ay muli niya itong hiningit. Bwisit kong nilingon ang babae na mayroon pa palang kasamang dalawang babae at dalawang lalaking nagtatawanan sa likod, na animo'y ako ang pinagtatawanan.

"Sabi ko, table namin yan," ulit ng babaeng mataray.

Maganda silang tatlo, pero halata ko nang mean girls at mga bully sa asta pa lang. Wala akong pakialam sa kanila at ayokong magsayang ng panahon kaya'y kinalma ko ang sarili ko bago ako tumayo at humarap sa kaniya. Sandali ko siyang tinignan mula ulo hanggang pa bago humakbang palagpas pero mahigpit niyang kinapitan ang braso ko.

"What's with that insulting look? Kilala mo ba kung sino ako?"

"Hindi," agaran kong sagot saka tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin. "Wala akong pakialam."

Nilingon ko pang muli ang mga kasama niya habang isinasalpak sa tainga ko ang earphones ko bago tuluyang umalis ng cafteria. "Putang ina, yung pagkain mo!" narinig ko pang sigaw nung babae na inis na inis pero hindi ko na iyon pinansin. Linisin niya, tutal gusto niya umupo roon e.

It's my first day, kaya hanggat maaari ay ayokong masira ang araw ko, pero ang sakit sa mata ng mga estudyanteng nagkalat sa field habang nakikipaghalikan sa mga kapwa estudyante na hindi manlang iniisip na maraming nakakakita. Pambihira! Oo nga pala, nakalimutan kong ang school na ito nga pala ay sangtuwaryo ng mga demonyito at demonyita. Pero sa lahat ng mga nakakarimarim na aktibidad sa field, dalawang tao ang kumuha ng atensyon ko habang abala silang naghahalikan sa may gilid. Natawa pa ako ng makita ang putanginang si Leo habang nakapikit pang nilalapa ang labi ng isang teenager!

Hindi k maintindihan kung mandidiri ba ako o matatawa dahil sa hitsura ng babae ay mukhang 17 pa lamang ito. Bwisit, Leo. Pati ba naman menor de edad hindi pinalagpas?

Pumalakpak ako ng tatlong beses saka malakas na isinigaw, "Whoo! Go Legolas Fontanilla! I'm rooting for you, asshole! I know you can do it. Whooo!"

Napatigil si Leo at ang babae maging ang lahat ng nakarinig sa akin. Nilingon nila akong lahat saka nagtawanan kaya't napatawa rin ako nang kumunoot ang noo ni Legolas dahil nakatingin na rin sa kaniya ang mga naroroon habang tumatawa. Nahiya yung babae at nakita ko pang binulungan siya nito tungkol sa lipstick niyang kumapit na sa labi ni Leo.

Pumalakpak akong muli saka siya sinenyasan na para bang nagc-cheer ako sa isang basketball game.

"Fighting!" pahabol ko pang sigaw. I pressed my kips together to keep myself from laughing pero hindi ko mapigilan ang paghagikhik nang tumalikod ako at maglakad paalis. Akala ko'y walang igaganda ang araw na ito, kaunting kalokohan lang pala ay mabubura na ang masamang elemntong sumanib sa akin simula pa kaninang umaga.

Tinahak ko ang daan pabalik sa dorm, dahil wala akong balak makihalubilo sa mga bubwit at pipitsuging badgirls at badboys ng Oxemburge. Sapat na ang naobserbahan ko sa nakalipas na ilang oras para makabisado ang eskuwelahan, hindi ko na kailangang manood ng mga boring na scenario sa field, sa hallway, sa classroom, o sa cafeteria dahil kagaya ng inaasahan ko'y wala namang engrande sa lugar na ito.

Isinaksak ko sa tainga ko ang earphones ko para makinig ng paborito kong tugtugin mula sa mga paborito kong mga banda, at malapit na ako sa dorm room nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante, pero wala akong pakialam kung ano man ang dahilan. Hindi ko sila tinapunan ng pansin, bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pintuan ng dorm. Nakahawak na ako sa doorknob, at sa isang pihit lang noon ay nasa loob na sana ako, kung hindi lang ako marahas na hinigit ng kung sinong putang ina sa braso na naging dahilan ng pagkahugot at pagkasira ng pinakamamahal kong earphone!

"Putang ina!" Sigaw ko saka matalim na tinignan. Kung matatalim na kutsilyo lang ang mga tingin ko'y malamang nakahandusay na siya sa sahig.

Hindi umimik si Leo sa kabila ng pagmumura ko at matatalim na tingin, bagkus ay tinitigan niya ako na para bang sinusuri niya kung ako nga ba talaga ito. May gusto siyang sabihin, pero tinatantiya niya ako, bagay na mas nagpainit sa ulo ko. Walang pagdadalawang isip na umigkas ang kaliwang kamao ko na siya naman niyang nasalo ng hindi kumukurap, kaya't mas lalong nagtinginan sa amin ang mga estudyante. Mali. Sa akin sila tumingin habang galit na galit akong nakatitig kay Leo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" walang emosyon kong tanong na siya namang ikinatawa niya ng mahina at may halong sarkasmo.

"Sa tingin ko ay ako dapat ang nagtatanong, Xena. Ano yun, ha?"

Tinitigan ako ni Leo habang bahagyang nakataas ang isang kilay, at doon pa lang ay nhinuha ko na kagaad ang iniisip ng impakto.

"I just ... cheered so you could do better?" sagot ko saka binalingan ng tingin ang kamao kong hawak niya. "Tang ina, kadiri," Sabay bawi sa kamao ko. Binitawan niya iyon, pero hindi ang braso kong kanina niya pang hawak.

"Talaga?" mapangasar niyang tanong saka humakbang palapit at hinigit ako palapit sa kaniya. "That didn't seemed like a cheer to me, Xena." Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin nang idugtong niya iyon ng pabulong at tila ba nangaakit. Napangiwi ako sa pandidiring inilayo ang mukha ko sa kaniya saka sinabing, "Asa,"

Marahas kong binawi ang kanang braso ko, na mabuti na lang ay binitawan na rin niya kaagad dahil kung hindi, ay hindi ko sigurado ang kaligtasan ng susunod na henerasyon ng mga Fontanillang dala-dala niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinasadahan ng mapandiring tingin mula ulo hanggang paa bago pinihit ang doorknob at pumasok na sa loob ng dorm.

"Kadiri," sambit ko pa na bahagyang nangisay sa kilabot sa dumi ng iniisip ni Leo. Ew! No way. Iniisip ko pa lang na mahahalikan ko si Leo ay paranag gusto ko na lang magpakamatay.

"Xena?"

Naputol ang mapanglait kong mga ideya nang maulinigan ang pamilyar na boses na nagpabaling sa akin sa gawi ng unahang kama kung saan nasilayan ko ang matamis at maliwanag na mga ngiti ni Ace, ang bunsong anak ni Damian. Nagulat ako na matagpuan siya roon sa silid, pero hindi ko ipinakita. Tinapunan ko lang siya ng tingin saka nagdere-deretso ng lakad patungo sa pinakadulong kama— akin, at habang naglalakad ako palapit doon ay nahagip ng mata ako ang panganay ni Damian na nakadapa at tulog na tulog sa kama niyang katapat ng sa akin. Topless pa si gago. Feel na feel ang maganda niyang katawan.

"Nice, tatlong demonyo," paismid kong bulong bago tuluyang naupo sa kama kasunod ng isang mahabang buntong hininga.

Tinignan ko ang paborito kong bagay na nasira dahil sa putang inang si Legolas, at tila umakyat ang dugo ko sa ulo na maisip na ito na ang huling matino kong earphone, at dahil sa hinayupak na iyon, hindi ko na maeenjoy ang mga paborito kong tugtugin hanggat hindi ako bumibili ng panibago.

Nahagip ng paningin ko si Ace na papalapit, pero kagaya ng palagi kong ginagawa ay hindi ko siya pinapansin. Kung tutuusin ay dalawa lang sa tatlo ang demonyo at peste sa buhay ko, pero malayo sa napakaamong muka ng bunsong anak ni Damian, siya ang pinakang walang puso sa kanila. Mabait siya, at masayahin, pero sa oras na maputol ang kahit isang hibla sa magandang side ni Ace, hindi mo siya makikila dahil magbabago siya ng tuluyan sa isang kisap ng mata.

Ace likes me, at hindi niya iyon itinatago sa ama niya, sa akin o sa kahit na sino, at dahil anak siya ni Damian, hindi pwede, kahit pa may puwang din sa puso kong nakalaan para sa kaniya. Ace may be a ruthless monster when provoked, but he's the only person who has warmth among his family. And because of that, I don't think I could kill him.

"I've been waiting for you," utas ni Ace matapos makalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at iginapos sa katawan ko ang mahahaba niyang mga bisig. "Kumain ka na ba?"

Hindi ako nakaimik sa ginawang iyon ni Ace. Sa kanilang tatlo, sa kaniya lang ako hindi nandidiri. Siya lang ang pwedeng humawak sa akin na hindi ako magrereklamo, at siya lang rin ang tanging Fontanilla na nagagawang yakapin ang isang makamandag na traydor na si Xena— ang ahas na papatay sa pamilya niya.

Sa bawat pagdikit ng balat ni Leo at Max sa akin, automatiko akong humuhugot ng baril, pero pagdating kay Ace, natitigilan lang ako.

"I need to rest, Ace," malamig kong saad nang kagaya ng palagi ay hindi ko nagawang itulak siya palayo, marahas man o marahan, hindi ko kayang gumalaw at kumawala sa kaniya.

Marahang kumalas si Ace sa pagkakayakap sa akin bago nagsilay ng isang matamis na ngiti, na para bang wala lang sa kaniya kahit na malamig ang pakikitungo ko sa kaniya simula't sapul. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at isinabit iyon sa likuran ng tainga ko saka tumango.

"Sige, pahinga ka muna," bago tumayo at tumalikod.

Hindi ko siya tinignan. Hindi rin ako umimik pa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Ayokong mahulog kay Ace, dahil anak siya ni Damian. HIndi ko kayang magmahal ng isang Fontanilla.

Matapos niyang makaalis ay hinubad ko ang suot kong jacket at naiwan ang suot kong panloob na sandong puti. Walang gana kong itinapon sa kama ang jacket ko kasunod ay ang paghagod patalikod sa mahabaa at wavy kong buhok. Inis akong napairap nang mahagip na naman ng mga mata ko ang sira kong earphones. Kahit kailan talaga ay buwisit sa buhay si Leo.

Ibinagsak ko sa kama ang sarili ko at ipinatong ang kanang bisig ko sa noo ko bago marahang pumikit. May isang oras pa ako bago ang susunod kong klase, ipapahinga ko na lang muna siguro.

Sa paglubog ng araw mamayang hapon, hahabi ako ng mas magandang plano para tapusin ang pamilya ni Damian. Sa oras na magkaroon ako ng tyansa, wala akong sasantuhin at ititira, maging si Max, Leo, ... o si Ace, dahil ako si Xena. Ang pinakamabangis na assassin at isang makamandag na traydor sa imperyo ni Damian Fontanilla.