Chapter 57 Afraid

Magkasalubong ang kilay ni Aj nang bumaba sa living room dahil raw nandito si Kevin at hinahanap siya.

Nakita niya itong prenteng nakaupo sa may sofa habang nakatutok sa cellphone nito.

Mukhang busy ito dahil hindi man lang naramdaman ang kanyang pagdating.

"Why are you here?" tanong niya rito bago umupo sa single couch na naroon.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya bago ibinulsa ang cellphone.

"I want to tell you something." Tumigil ito at tumitig sa kanya. "Sandra visit me this afternoon."

Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito.

Nasundan niya ito ng tingin ng tumayo ito at lumakad palapit sa kanya. Huminto ito mga tatlong hakbang sa kanya at nakapamulsang hinarap siya.

"She's asking for help," wika nito.

Tumayo na rin siya upang magpantay sila. Tumalim ang tingin niya rito.

"What help?"

Nakipagtitigan ito sa kanya. "Just make sure that whatever I will tell you now, keep it to yourself."

Naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

"Diretsuhin mo na ako, Kevin. We are not a kid to play around," madiin niyang sambit rito.

Bumuntung-hininga ito. "She asked me if I could help her find a good private investigator." Tumigil ito na tila nagdadalawang isip kung itutuloy ang sasabihin.

"Continue," wika niya.

"She wants to look for her fist love." Tila isang bomba sumabog sa kanyang utak ang sinabi nito. Hindi siya agad nakapagreact at nanatiling nakatingin rito na sinusuri kung seryoso ba ito. Walang bakas na biro sa mga salitang binitiwan nito.

"I hope you did not help her." Sa wakas ay lumabas sa kanyang bibig. Pero di niya napigilan umigting ang mga panga sa nalaman.

Why she needs to search for him?

Hindi pa ba siya sapat?

Mga katanungang hindi niya alam kung masasagot ba.

"I help her and I'm willing to do everything to find him." Bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin sa sinabi nito at lumipad ang kamao niya sa mukha nito.

Humandusay ito sa sahig.

"Andrew!" malakas na boses ng kanyang daddy na mabilis lumapit sa kanya.

Habang ang kanyang mommy ay dinaluhan si Kevin na ngayon ay nakaupo na habang pinupunasan ang dumugo nitong labi.

"What was that Andrew James?" Ang galit na boses ng kanyang daddy ang nagpabalik sa kanya sa sarili.

Matalim pa rin ang mga tinging ipinupukol niya sa pinsan na nakatayo na ngayon habang nakaalalay si Mommy.

"Why don't you ask that asshole!" madiin niyang sagot sa daddy niya.

"Andrew James!" sabay na sambit ng mommy at daddy niya.

"I'm doing it for your sake, couz!" sabat ni Kevin na nakabawi na sa kanyang pagkakasuntok.

Tumawa siya ng nakakainsulto rito. "For my sake? Are you kidding Kevin? You are helping Sandra to search for that f*cking man! Do you have idea what will happen if she found him?" Nanlilisik ang kanyang mga matang tumingin dito.

His like a volcano that wanted to explode any moment.

Nagpalipat-lipat naman ng tingin ang kanyang magulang sa kanila ni Kevin na tila di maunawaan ang nangyayari.

"Yes! There is a possibility that she will leave you and choose her first love." kaswal lang na tugon nito na tila ang mga sinabi ay walang halaga.

Narinig niya ang pagsinghap ng kanyang mga magulang.

Mas lalong siyang naggagalaiti sa galit.

Hindi niya alam bakit ginagawa ito ng pinsan niya.

"Do you hear what your saying, Kevin? You are my cousin. You must be in my side and not to that asshole!" sigaw niya rito.

"I'm in your side and that's the reason, your my cousin. Hindi lingid sayo ang pagkakatulad mo sa taong 'yun. Hindi mo ba naisip na baka minahal ka niya dahil nakikita niya sayo ang unang minahal niya." Napatiim-baga siya sa narinig mula rito. "I want to help her so that as early as it is, she will find the right answer!"

Walang nagsalita pagkatapos nito magsalita.

"I can accept it." Pagbasag niya sa katahimikan habang nakayuko. "Ok lang sa akin kahit mahalin niya ako dahil nakikita niya ito sa akin. I can take it but what I cannot take?" Tumingin siya kay Kevin. "I can't take to lose her. So, please couz, don't help her," pakiusap niya rito.

Everyone hissed to what he said.

"Maybe I'm selfish. Call me whatever you want, I don't care! But can't you see? The moment she entered my life everything changed. I even forget my past. I stop dreaming about it. Now, tell me Kevin! How can I let go of the only woman who fixed me?" Hindi niya namalayan tumulo na ang kanyang mga luha.

Habang ang mga ito ay natulala sa kanya.

Nanlulumo siyang napaupo sa sahig. Sinabunutan ang kanyang buhok gamit ang dalawang kamay at yumuko.

His afraid losing her!

It's like they are taking his breath slowly.

"I'm sorry couz," narinig niyang wika ni Kevin. "But you don't deserved to be a second choice. Dont settle for less! Habang maaga pa at makakaya mo pang bumangon. Mas mabuti ng malaman natin ang patutunguhan. Mas masakit kung kelan kasal na kayo ay dun ka niya tuluyan iwanan. Magalit ka na sa akin pero paninindigan ko ang desisyon ko." Narinig niya ang mga yabag nito palayo kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin.

"Once she left me, forget that your my cousin!" malakas na sigaw niya rito.

"Andrew!" sabay muling tawag sa kanya ng mga magulang.

Nakita niya ring napahinto si Kevin pero saglit lang at tuluyang lumabas ng mansion.

Dahan-dahan siyang tumayo at tinignan ang mga magulang na awa ang makikita niya sa mga mata.

Mapait siyang ngumiti at malalaki ang hakbang na bumalik sa kanyang silid.

Pagkapasok ni Aj sa silid ay pabalabag niyang isinara ang pintuan. Diretso siya sa kanyang mini bar at kumuha ng isang bote ng alak. Kumuha siya ng baso pero malakas niya itong inihagis sa pader dahilan upang mabasag ito.

Binuksan niya ang bote ng alak at tinungga ito ng diretso.

He was hurt, so f*cking hurt!

Naglakad siya patungo sa sofa, pakiramdam niya ay hinang-hina siya.

Hindi siya sa sofa umupo kungdi sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang bote ng alak at tinutungga.

Napasandal siya sa may sofa na tila nanghihina.

And his tears started to fall again.

"F*ck!" malakas niyang mura na sumakop sa kasulok-sulukan ng kanyang silid.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara.

Patuloy niya naman tinungga ang hawak na alak.

"Son," mahinang tawag ng mommy niya pero sapat para marinig niya.

Nag-angat siya ng ulo at nasilayan niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mommy.

"Mom," tanging nasambit niya kapagkuwan ay naramdaman niya na lamang ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya.

He is a mama's boy.

Simula ng makita siya ng pamilya niya ay si Mommy na ang lagi niyang kasa-kasama kahit saan.

Ito lahat ang unang pinagsasabihan niya ng problema.

Hanggang ngayon.

Humagulhol siya sa bisig ng mommy niya.

"It's ok son, just cry, mommy is here," wika nito na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

Ilang minuto niyang inilabas ang sakit na tila unti-unti dumudurog sa kanyang puso hanggang sa maramdaman niya ang pagkalma ng sistema.

His a man.

But he is crying because of a woman.

Maybe because he really loves her that much.

Naramdaman niyang kinuha ng mommy niya ang bote ng alak sa kanyang kamay na hawak-hawak niya pa rin pala.

Kapwa na sila nakasandal sa may sofa at nakahilig ang ulo niya sa balikat ng mommy niya.

"Son, don't get me wrong but... your cousin had a point," panimula ng mommy niya

Hindi siya umimik.

He just want to listen for now.

"You know what son. I admire more Sandra of what she did." Napaalis siya sa pagkakasandal sa sinabi ng mommy niya.

Ngunit nanatili nakatuon ang tingin niya sa harapan.

"Whatever her reason on her action. I know she's doing it for both of you. I know she loves you. The way she look at you that's how I look at your father.... Let her fix herself, son. The only thing you can do for now is to trust her. Mahirap, oo, pero kung sasabayan mo siya mas lalong gugulo at baka tuluyan siyang mawala sayo." Napalingon siya rito at nakatingin rin pala sa kanya ang mommy niya. "But make sure to get ready whatever the outcome of it."

"Paano kung ito ang piliin niya? I can't imagine my life now without her, mommy," malungkot niyang saad rito.

Iniisip pa lang niya ay dinudurog na ang kanyang puso.

Hinawakan ng mommy niya ang kanyang magkabilang pisngi.

"Then do something to make her choose you." Ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Fix yourself, son. Everything will be fine."