Chapter 58 Coldness

"Goodmorning baby boy," nakangiting bati ni Sandra kay Aj pagkapasok niya sa opisina nito.

Inilapag niya ang kapeng dala sa mesa nito at nilapitan ito upang halikan sa mga labi.

Gusto niya pa sana palalimin ang halikan nila pero ito ang kusang bumitaw na nakakapagtaka.

"We have a lots of thing to do now. Ako na rin pala ang pupunta sa Cebu to represent the company," wika nito na hindi man lang siya sinulyapan bagkus nakatingin sa laptop nito.

Binalewala niya na lang ang ikinilos nito dahil baka nga busy lang ito.

Pero ikinagulat niya ang sinabi nito.

"Akala ko ba may ibang tao kang ipapadala?" tanong niya rito.

"They request my presence. You stay here para matutukan mo rin ang mga investor. Three days ako mag-stay dun," tugon nito na nananatili ang tingin sa laptop nito.

Nakaramdam naman siya ng hiya dahil mukhang busy nga talaga ito kaya nagpaalam na siya rito na tinanguan lamang siya.

Which is kinda weird.

Dati-rati halos ayaw na siyang pakawalan.

Baka busy lang sunod-sunod din kasi ang mga clients nila.

Bumalik na siya sa kanyang trabaho.

....

Pansin ni Sandra ang pag-iwas ni Aj sa kanya at hindi niya alam ang rason.

Para itong nanlalamig.

Three days ito nasa Cebu. Sa loob ng tatlong araw kulang na lang hindi ito magparamdam kung hindi siya ang unang tatawag rito.

Naninibago siya. Dahil dati kapag nasa malayo ito ay halos minu-minuto ay tatawagan siya.

Nung dumating naman ito hindi niya rin masolo lagi itong may meeting sa labas na hindi niya naman alam maging dinner ay may meeting ito.

Ayaw niya lang maghinala pero 'yun ang pilit na pumapasok sa kanyang isip.

Pero ikakasal na sila. Kaya dapat ipanatag niya ang isipan. Sadyang busy lang ngayon.

Nandito siya ngayon sa may canteen at hinihintay ang mga kaibigan. Nauna siyang nag-out. As always, may lunch meeting na naman daw si Aj.

"Why that face?" Nagulat pa siya sa biglang nagsalita sa kanyang tabi.

"Jayson! Nang-gugulat ka paano kung may sakit ako sa puso? 'di nakabulagta na ako," sita niya rito.

"Oh! buti hindi ka pa nakabulagta? Obvious naman na may sakit ka...... sa puso mo?" sarkastiko nitong saad at umupo na sa kanyang tabi.

Habang sina Raymond at Sarah ay nasa kanilang harapan.

"Para kang nalugi, Sandra,"wika ni Raymond.

"Ano problem mo? Ikakasal ka na, ganyan pa hitsura mo," tanong ni Sarah.

"Let me guess, dear." Napalingon siya kay Jayson dahil sa arte-arte magsalita.

Porket legal na rito ang pagiging binabae eh. Ay sobra nitong pinanlalandakan.

Oo, nagsabi na rin si Jayson sa pamilya niya sa kakasulsol nila. At 'yun nga matagal na raw alam ng pamilya nito hinihintay lang na ito ang unang magsabi.

Wala naman daw magagawa ang ama nito. Anak pa rin daw nito si Jayson.

Nakakatuwa tuloy kasi nakalaya na ito.

"Lumamig na ba?" Nabalik siya sa realidad sa tanong ni Jayson.

Namayani ang katahimikan na tila siya ang hinihintay na magsalita.

Napabuga muna siya ng hangin bago sinulyapan isa-isa ang mga kasama.

"Pansin ko parang iniiwasan niya ako. Oo, totoong busy siya dahil sunod-sunod ang client na dumarating at meeting pero dati naman he still find time for us," pahayag niya.

Napayuko tuloy siya at itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Wait. I need to answer this call," pagpapaalam ni Raymond bago tumayo at umalis.

"Na bj mo na ba?" Napakunot noo siya sa tanong ni Jayson. Nag-angat siya ng tingin at bumaling rito na busy sa pagnguya.

Tinitigan niya ito na nagpapahiwatig na ulitin ang sinabi. Bumaling naman ito sa kanya at ngumisi.

"Bj? As in B-L-O-W J-O-B," dinahan-dahan pa nito ang bukas ng bibig at mahina lamang na ikinatanga niya.

Narinig niyang tumawa si Sarah kaya nalipat rito ang tingin niya.

"Mukhang hindi pa girl, the way she react," nakangisi ring saad ni Sarah at nag-apir pa ito at si Jayson.

Sarap pag-untugin!

Tinaas niya ang isang kilay na nagpatigil sa dalawa sa pagtawa.

Siniko siya ni Jayson. "Ikaw naman girl, di ka mabiro!" Sinabayan pa nito nang maarteng pagtawa.

"Kaya siguro nanlalamig, kulang sa romansa," napalingon siya kay Sarah na nakangisi.

"True girl," segunda ni Jayson. Humarap ito sa kanya. Nilunok muna ang pagkain nasa bibig bago nagsalita. "Alam mo girl isa sa mga gustong maranasan ng mga fafa ay ang tinatawag na blow job. Kaya kaming mga pusong babae magagaling sa ganya," sabay hagikhik pa nito, "so if I were you try to do it, malay mo bumalik ang init."

"Korek girl," muli nag-apir ang dalawang malibog.

"But I don't know how?" sabay takip niya sa bibig ng kusang lumabas ang mga katagang iyon.

Makahulugan siyang tiningnan ng dalawa na inirapan niya lang.

Pahamak na bibig!

"Let me teach you." Napatingin siya kay Sarah na hawak na ang isang saging. Sinukat niya pa ito gamit ang kamay. Ngumisi pa ito pagkatapos sukatan.

"Ay bongga, daks girl!" tili ni Jayson. Napalingon tuloy siya sa mga katabing mesa. Nakahinga siya nang maluwag ng makita busy ang lahat sa pagkain mukhang sila lang ang may ginagawang kalokohan buti at lagi silang nasa dulong bahagi.

"Sandra, dito ang tingin." Lumipat naman ang tingin niya rito. Nabalatan na nito ang saging. Tiningnan siya nito pagkatapos ay dinilaan ang tuktok ng saging.

Pinaikot niya pa ang dila sa pagitan ng tuktok ng saging. Pagkatapos ay dinilaan niya ito mula baba pataas. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang tingin rito.

"That's the start," wika nito pagkatapos dilaan ang buong paligid ng saging. "Now, mas masasarapan sila kapag isinubo mo. Isubo mo hangang kaya mo," pagkasabi nito ay nanlaki ang mga mata niya nang isubo nito ang halos kalahati na ng saging sa bibig nito.

"What the f*ck Sarah!" malakas na boses ni Raymond ang pumukaw sa kanila. Agad nitong inagaw ang saging na nasa bibig ni Sarah.

Sunod-sunod na ubo ang ginawa ni Sarah habang si Raymond ay hinahagod ang likod nito at inabutan ng tubig.

Nang mahimasmasan ay masama nitong tiningnan si Raymond. "Are you crazy? Bakit mo hinila, e, kung bumara sa lalamunan ko 'yan," asik nito.

Lumambot naman ang bakas ng mukha ni Raymond at sinuyo-suyo si Sarah na nagpapabebe.

Ang arte!

"Ang galing mo pala Sarah, kaya pala nababaliw sayo si Raymond." Bumaling si Jayson sa kanya. "See? Ganya dapat para sila ang mabaliw sayo." Inirapan naman niya ito.

"Kayo kung ano-ano na lang pinagtuturo n'yo kay Sandra! Saka ikaw Sarah, lakas ng loob mong magturo ni hindi mo nga magawa sa akin," mahina lang na wika ni Raymond.

Nakita niyang namula si Sarah at malakas namang tumawa si Jayson. At dahil dun nagwalk out si Sarah.

"Aroooh! Patay ka Raymond isang buwan kang bakante!" pang-aasar ni Jayson rito. Mabilis naman tumayo si Raymond at sinundan si Sarah.

"So, Goodluck sayo girl. Kaya mo 'yan, make him go crazy!" Ang lawak ng ngiti ng bakla.

Why not?

Manonood pa ako para mapag-aralan.

Napangiti siya sa naiisip.