Chapter 56 Searching
Araw ng linggo at kakauwi lang ni Sandra sa kanilang bahay. Pagkatapos ng party kagabi at pag propose ni Aj ay dumiretso sila sa condo nito at mag-advance honeymoon raw sila.
Matagal na ngang nauna, eh.
Ayaw pa sana siyang pauwiin nito pero nagpumilit siya dahil naiinis siya rito at hindi niya alam kung bakit.
Marami ang bumati sa kanila. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mga magulang ni Aj. Mukhang gusto na talagang magkapamilya ito.
Nakaupo siya na pasalampak sa may carpet habang nakasandal ang likod sa may sofa. Nakatitig siya sa singsing na ibinigay ni Aj.
It has an infinite design na sa gitna nito ay may brilyante maliit. Sigurado siyang napakamahal nito pero ang umagaw talaga sa kanya ay ang infinite na design.
Mapait siyang napangiti. Ayaw niya ang pumapasok sa kanyang isipan. Parang nagkaroon siya ng trauma sa infinite na design.
Napapikit siya kasabay nang marahan ng pagbuga ng hangin.
"Confused?" Napaangat siya ng tingin sa nagsalita.
"Samuel," mahina niyang tawag dito.
Mabilis naman itong tumabi sa kanya.
"May problema ba?"
"Wa-wala. Nasaan si Sammy?" pag-iiba niya ng usapan.
"You can't hide it from us. Nalilito ka ba? O nagsisisi na tinanggap mo?" Napatingin siya rito dahil sa sinabi.
Umiling siya upang sabihin na hindi.
"Then, why are you sad?" Hinaplos nito ang kanyang pisngi.
Hinawakan niya ang kamay nito at pinanatili sa kanyang pisngi na tila dinadama ang init nito.
Maya-maya ay 'di niya napansin na lumuluha na siya habang nakapikit at dinadama ang palad ng kapatid sa kanyang pisngi.
"F*ck! What happened?" nag-aalalang tinig ni Sammy na nasa tabi na rin niya agad.
Napadilat siya at mabilis na pinunasan ang mga luha.
"Wala, ayos lang ako." Umayos siya ng upo. Nasa gilid si Samuel habang sa harapan si Sammy.
Kapwa nakatitig sa kanya ang kambal.
Lumipat si Sammy ng upo sa bakanteng gilid niya.
Isinandal niya ang ulo sa balikat ni Sammy habang ang isang kamay ay hinawakan ang kamay ni Samuel.
"Thank you for being there. Thank you for accepting Aj and giving your blessing to us. I love you both and remember ate will always be here."
"We love you too, ate. Kaya ayaw ka namin makitang nasasaktan. Now, tell us what is the real problem?" They know her very much. Kahit di siya magsalita.
"Why don't you ask help to Andrew or better to Kevin," wika ni Sammy.
"Help about?" tanong niya.
"To find him," sagot ni Samuel.
She stiffed. Why this twin know her to well.
"You deserved to be happy. At kung may patuloy na gumugulo sa isip mo hindi ka magiging masaya. Subukan lang, wala naman mawawala. Just for you to have a totally closure from your past. I know Andrew will understand you if he really loves you," mahabang pahayag ni Samuel.
"Don't you think it is rude if I do that? I already have him. Why do I need to look for someone who is no longer here anymore," she said.
"Ask yourself then. Why you are not totally happy having him?" sabad ni Sammy.
"Maybe because of guilt?" 'di niya siguradong sagot.
"Whatever your decision remember we are here for you. Maging masaya ka lang, masaya na rin kami, ate." Ipinatong ni Samuel ang ulo sa kanyang mga hita habang nanatili siyang nakasandal sa balikat ni Sammy.
This two men in her life is one of the best gift she received. Aj is right, they will be her saviour too like him.
Aj.....
.........
Pasko at Bagong taon ay sa Batangas sila nag celebrate kasama ang pamilya Villaflor.
Naging masaya 'yun para kay Sandra dahil simula namatay ang parents nila ay tanging silang tatlo na lang ang magkakasamang nagdiriwang.
Kita niya rin kung paano tratuhin ng mga Villaflor ang kambal. Dumating pa nga sa puntong nagselos ang tatlong kurimaw na sina Aj, Kevin at Anthony dahil daw hindi na sila pinapansin.
Sa pagbabalik nila bukas sa Manila isang desisyon rin ang nabuo niya sa isipan.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Aj sa kanyang bewang at pagpatong nito ng baba sa kanyang balikat.
Ipinatong niya ang mga kamay sa kamay nitong nakayakap sa kanya. Nandito sila ngayon sa may veranda ng kwarto ni Aj sa rest house nila sa Batangas.
Pareho silang nakatingin sa papalubog ng araw.
"Baby girl, inaasar na nila ako. Sabi hindi raw ako marunong mag shoot," pagbasag nito sa katahimikan.
Bahagya naman siyang natawa. "Hindi naman talaga," tukso niya pa rito.
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito at ang mga labi nito sa kanyang punong tenga.
"Ah, ganun! Gusto mo ba subukan ulit natin," bulong nito habang patuloy na kinakagat-kagat ang kanyang punong tenga. Naghahatid tuloy ito ng kakaibang init sa kanya.
"Aj, stop it. Kakatapos lang natin, ah," sita niya dito. Halos kakatapos lang kasi nila buti nga at tinawag sila kung hindi baka naararo na naman siya.
Sumimangot ito. "Bukas babalik na tayo sa manila. Pwede bang dito na lang tayo. Mas masarap dito, eh." Napapikit siya sa init ng hininga nitong dumadampi sa kanyang balat.
"Ang sabihin mo manyak ka lang talaga!" Pinalo niya pa nang mahina ang kamay nito.
"Ah, ganun? Manyak? Ikaw lang naman minamanyak ko, tulad ngayon." Napatili siya nang bigla siya nitong buhatin patalikod at dinala sa higaan.
Bumagsak sila pareho at ito ang nasa ilalim mabilis nitong pinagpalit ang pwesto nila kaya ngayon siya na ang nasa ilalim.
Nakangisi pa itong nakatingin sa kanya bago siya mapusok na hinalikan.
Wala na!
Warak na naman si cherry.
......
Nagpunta si Sandra sa opisina ni Kevin. Gusto niya kasi makausap ito at humingi na rin ng tulong. Buti na lang at may meeting si Aj sa labas kaya pinauwi na rin siya nito ng maaga.
"What brings you here?" Salubong na tanong ni Kevin pagkapasok niya sa opisina nito. "Oh, sorry my bad, take your seat first, Sandra." Itinuro nito ang visitor chair sa harap ng mesa nito.
Mabilis naman siyang umupo roon.
"Coffee?" tanong nito.
"No, thank you," tipid niyang sagot.
Nakita niyang isinandal nito ang likod sa may sandalan ng swivel chair nito at tumingin sa kanya.
"Talk."
Tila nalunok niya ang kanyang dila sa napakalamig nitong awra na tila hindi sila magkakilala. This is the intimidating Kevin most people know.
"Baka magselos si Andrew dahil kung makatitig ka sa akin parang...." Napakurap tuloy siya sa sinabi nito.
Shit! Nakakahiya!
"So, sorry. Nanibago lang ako," wika niya rito na hindi ito tinitignan.
"So, tell me what do you need?" tanong nito.
"I need your help," tugon niya.
"Help about?" Tinignan niya ito at kita niya ang pagkunot noo nito.
Lumunok muna siya bago nagsalita muli. "Help me to find someone or if you know a good private investigator, can I have his number?" diretso niyang wika rito.
"Who?" tanong nito.
"What who?" balik-tanong niya.
"I mean, who is the person you want to look for?" Kita niya mas kumunot ang noo nito.
"From my past," kaswal na sagot niya at iniwas ang tingin rito.
"Your first love?" Nabalik ang tingin niya rito sa sinabi nito.
Paano niya nalaman ang tungkol dun?
"So, I am right? He is the one you want to search for? For what Sandra? Your going to marry my cousin next month." Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan at matiim na nakatitig sa kanya. Titig na tila gustong halukayin ang kaloob-looban niya. Kaya mabilis niyang iniwas ang tingin rito.
"I can't answer you. It's already a personal matter. I-I think I was wrong being here, I'm sorry for disturbing you." Tatayo na sana siya ng pigilan siya nito.
"Stay. We are not yet done talking, Sandra." Tumayo ito at lumipat sa upuang kaharap ng kanyang kinauupuan kaya mas nagkalapit sila.
Nagsisisi tuloy siyang ito ang nilapitan for all the people.
"Do you love, Andrew?" Nagulat siya sa tanong nito. Kaya di siya agad nakasagot.
"Should I repeat my question?"
"No-no. I mean you don't need to repeat and my answer to your question is yes. I love him, " sagot niya.
"Then why searching for someone whose already gone? Did you even think what my cousin will feel about it?" Napayuko siya sa sinabi nito.
Tama naman ito.
Inisip niya ba na maaring masaktan si Aj kapag nalaman ito.
"Say your reason maybe it can justify your action." Muli siya napatingin rito.
She can't see any emotion on his gray eyes.
Tumikhim siya upang maalis ang tila bara sa kanyang lalamunan. "I'm doing it not just for my sake but for Aj too. I'm sure that I love him. But I just want to totally close my past before I proceed to my future with him. Especially he has a lot of similarity from my past and I don't want him to feel that I love him because I'm seeing someone in him. And I also want to have a peace of mind. Because I feel guilt even I don't know why?" Nakayuko niyang pahayag rito kaya hindi niya nakikita ang reaksyon nito.
Naramdaman niya lang ang pagtayo nito. Bumalik ito sa swivel chair at umupo. Nag-angat na siya ng tingin patungo rito. At muli nagsalubong ang kanilang mga mata. Wala pa rin emosyon.
"I will help you." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Re-really?" 'di siya makapaniwalang wika rito.
Tumango ito.
"Thank you then, pwede bang huwag na lang natin ipaalam kay Aj?" Natatakot kasi siya na magagalit ito.
"I will set you an appointment to one of my trusted p. i. I will be out for two weeks. I need to stay in Batangas," imporma nito. Tumango naman siya.
"Salamat, mauuna na ako. I'll wait for your message," nakangiti niyang wika rito.
Tumango naman ito.
Nang pipihitin na niya ang door knob ay nagsalita ito.
"I'm doing it for the sake of my cousin. Don't stay with him if you doubt even a little. Magkakasakitan lang kayo." Tumango lang siya at tuluyan nilisan ang opisina nito.