Chapter 55 Proposal
"I miss you too, baby boy," nakangiting tugon ni Sandra kay Aj na ka-videocall niya ngayon.
Pagkatapos ng kasal ni Clara ay kinailangan ni Aj na magtungo sa America for some business matter. Kaya sobrang namimiss niya na ito. Tila bigla ay may kulang sa araw niya at alam niyang si Aj iyon.
"Tomorrow I will be there, so better rest now. I love you baby girl," wika nito na pumukaw sa naglalakbay niya isip. Ngumuso pa ito at hinalikan yata ang screen.
Napailing na lang siya. "I love you, too baby boy. Take care ok. Can wait to see you." After bidding goodbye she lay down in her bed ang hug her pillow.
Sobrang miss na niya ito.
Excited na rin siya para bukas dahil Christmas party sa kumpanya kaya nga kailangan umuwi na si Aj dahil hindi pwedeng wala ang kanilang Dragon na Ceo ay hindi na pala. Hindi na ito bumubuga ng apoy, nanunusok na lang. Napangiti siya sa kalokohang naiisip hanggang sa tuluyan hilahin ng antok.
"Matutunaw na ang salamin sa kakatingin mo," pukaw sa kanya ni Samuel na nakatayo at nakasandal sa may hamba ng pintuan ng kwarto niya.
Hindi man lang niya namalayan na bumukas ang pinto.
Bumuntung-hininga siya bago hinarap ang kapatid. "Bakit kasi ito pa ang kailangan kong suotin? Masyadong agaw pansin," reklamo niya.
She was wearing a red long-sleeved maxi dress na pa v-neck sa harapan kaya litaw na litaw ang kanyang cleavage at mayayamang dibdib maging ang kanyang hubog na katawan ay talagang kapansin-pansin dahil humahapit ang tela nito sa kanyang katawan.. Samantala nakalugay ang kanyang itim na itim na tuwid na buhok.
Ipinadala ito ng mommy ni Aj at sinabi na ito raw ang suotin niya. Dahil pasko ay pula ang naging tema maging sa kasuotan.
Wala siyang nagawa kung.'di suotin ito. Hindi naman niya matatanggihan ang napakabuting ginang.
Nakita niyang naglakad palapit si Samuel sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.
"You look like a goddess, ate!. I can't blame him if he needs to rush," napakunot noo siya sa sinabi ng kapatid na may ibang ibig iparating.
Bago pa niya ito matanong ay sabay sulpot ni Sammy.
"Were going to be la-oh, wow!" bulalas ni Sammy ng mapadako na ang tingin nito sa kanya. "Is that really you, ate? Ilabas mo ang ate ko." Tinabig nito ang kamay ni Samuel at ito ang pumalit at mahina siyang niyugyog na parang nagpapaalis ng ispirito.
Binatukan ito ni Samuel. "Para kang tanga, Sammy. Masisira ayos ni ate!" sita nito kay Sammy.
Nanatili naman ang tingin ni Sammy sa kanya na parang di makapaniwala.
Inirapan niya ito. "Masyado kayong walang bilib sa ate n'yo. Kung hindi lang ako huminto sa modeling, siguro sikat na ako ngayon," wika niya sa mga ito.
Sabay pang sumimangot ang dalawa na ikinatawa niya.
Dati ay nagsisideline siya bilang isang modelo nung college pa siya. Kahit ng maka-graduate siya at nagtratrabaho para matustusan ang pangangailangan ng kambal. Pero pinatigil siya ng mga ito ng muntik na siya magahasa.
Ewan niya ba talaga bang kaakit-akit siya o talagang mga manyak lang ang mga taong 'yun.
"Tara na at baka malate ka na. Nakakahiya kung ikaw pa ang panghuli, huwag kang feeling paimportante," may bahid nang pang-aasar ang boses ni Samuel na ikinataas niya ng kilay.
Hindi na niya pinatulan ang mga ito at kumapit na lang sa braso ni Samuel habang si Sammy ay nauna na.
Inihatid lang siya ng dalawa sa labas ng bahay kung saan ay naghihintay si manong Jaime na siyang pinadala upang sunduin siya. Mag taxi na lang sana siya kaso ayaw ni tita Clarissa keso binilin daw siya ni Aj.
Humalik muna siya sa pisngi ng kambal bago tuluyan sumakay at umalis.
Pagkarating sa Kumpanya ay napabuga pa siya ng hangin bago tuluyan bumaba.
"Bakit ba siya kinakabahan?" kausap niya sa sarili habang naglalakad papasok sa loob.
Walang bantay sa may entrance sadyang malayang nakabukas ito dahil lahat daw ng empleyado ay imbitado. Kaya lahat ay mag-e-enjoy.
Dahan-dahan na siyang humakbang papasok. Nasa bungad pa lang siya ay ramdam na niya ang pagdako ng mga tingin sa kanya.
Napapikit tuloy siya ng mata mas lalo siyang nakaramdam ng hiya. Wala naman siyang naririnig sa mga empleyado nang malaman ng mga ito na girlfriend siya ng kanilang Ceo.
May mga tuwang-tuwa pa nga dahil sa wakas daw ay may nagpaamo na sa mabagsik na Leon.
Alam niyang may mga bitter din na hinuhusgahan siya pero dedma lang siya dahil wala naman mangyayari kung papatulan niya ang mga ito. She knows herself more than anyone.
"May I escort my beautiful daughter-in- law?" Nagulat siya nang marinig ang boses ng daddy ni Aj na nasa kanyang harapan na pala.
Sa lalim ng kanyang iniisip ay di na niya napansin ang paglapit nito.
Nahihiya man ay humawak siya sa braso ni tito Eduardo na nakalahad sa kanyang harapan.
Daughter-in-aw! Shit! Sarap pakinggan. I hope so...
Inakay na siya nito papunta sa table kung nasaan ang pamilya Villaflor.
"Good evening po," magalang niyang bati na yumuko pa siya ng bahagya sa mga ito pagkahinto sa tapat ng lamesa.
Nagulat pa siya ng senyasan siya ng lola ni Aj na lumapit dito. Binitiwan naman siya ni tito Eduardo.
Mabilis siyang lumapit sa lola at Lolo ni Aj at humalik sa mga pisngi ng mga ito. Ganun din ang ginawa niya sa iba pa.
Huli niyang binati si Clara at bahagya pang hinaplos ang tiyan nito na medyo nakaumbok na.
"Your so pretty beshie," puri nito sa kanya.
"Ikaw din naman, mas lalo ka yata gumaganda. Hiyang magbuntis?" tugon niya rito.
"Your really a good catch, iha. That's why I can't blame Andrew." Napalingon siya kay tito Alfred sa sinabi nito.
"Dapat lang na kumilos agad, mahirap na," tinig naman ng Lolo ni Aj na may ngiti sa mga labi.
"Siyempre may pinagmanahan!" sabad naman ni tito Eduardo na bakas ang pagmamalaki sa boses nito.
Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng mga ito na tila patungkol sa kanya. Pero hindi niya maunawaan.
"Don't mind them, iha. Umupo ka na. Let's wait for a moment and the party will start," nakangiting wika ni tita Clarissa. Umupo naman siya sa tabi ni Clara.
Nagtataka naman siyang nagpalingon-lingon dahil hindi niya pa masilayan si Aj maging sina Anthony at Kevin. Nahihiya naman siyang magtanong baka ano pa isipin ng mga ito.
Kaya pasimple siyang bumulong kay Clara, "Did you see Aj and where is Anthony?"
Bumaling ito sa kanya at bumulong din, "Just wait and see."
.....
"T*ngna! Ano ginagawa ko dito?!" tanong ni Dominic sa sarili.
Binatukan ito ni Kenneth. "G*go! Para kang tanga talaga!"
"Tanga talaga wala ng para," sabad ni Anthony na ikinatawa nilang lahat.
Napapailing na lang si Aj sa kalokohan ng mga kaibigan at pinsan.
"T*ngna mo Andrew, ang dami mong alam. Mahal talent fee ko!" wika ni Kevin na nakasimangot.
"Ako rin!" sabay-sabay pang pang-sang-ayon ng iba.
Inirapan niya lang ang mga ito.
Ayaw niya masira ang gabi niya. Because tonight he will propose to the woman he loves.
"Paano kung hindi ka sagutin ni ate?" pukaw ni Samuel sa kanya. Kilala niya ito dahil sa suot.
Oo, nandito ang kambal at kinasabwat niya sa plano, buti nga nagsipayag.
At dapat lang na maging saksi sila.
Kasama niya rin sina Dominic, Kenneth, Kevin at Anthony. Ayaw pa nga magsisama, sinabi niya lang babayaran niya. Mga mukhang pera!
Pero bigla ay natigilan siya sa itinanong nito.
Paano nga ba kung humindi ito?
Masyado ba siyang nagmamadali?
"Bakit naman siya hi-hindi? Mahal naman niya si Andrew," balik-tanong ni Dominic.
Napatingin siya kay Samuel na seryoso ang bukas ng mukha.
"Dahil priority niya pa kami. Hindi pa kami graduate, kung kami ok lang kahit magkapamilya na siya. Konting tulak na lang graduate na ako. Ako na bahala kay Sammy nun.." tumigil ito saglit at tumingin sa kanya," iba si ate mag-isip. Alam mo anong tinutukoy ko. Now, Are you still ready to propose?" mababa ang boses pero madiin nitong tanong.
Nalaman niya ang lahat ng sakripisyo ni Sandra para sa mga kapatid. Mas lalo tuloy niya minahal ito at tama si Samuel may chance na humindi ito pero itataya niya ang kaunting pag-asa masiguro lang na magiging kanya si Sandra. Makasarili na siya pero hindi naman niya pababayaan ang mga kapatid nito.
"Ano na? Sagot? Para maumpisahan na," pukaw ni Kevin sa kanya na nakangisi, "take it or leave it?"
Nagbuga muna siya ng hangin bago tumingin sa mata ni Samuel at binalingan rin si Sammy na nagsusuot ng sapatos pero nakatingin sa kanya.
"I will take that little chance I have," matatag niyang sagot.
"Well! Let's start then!" sabay tayo ni Sammy at tumitig sa kanya, "you have our support!"
Napangiti siya sa sinabi nito. Kinapa niya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa.
This is it!
....
Halos kalahating oras na siya nakaupo pero hindi pa rin niya masilayan si Aj maging ang dalawang pinsan nito.
Nagulat siya ng biglang magdim ang ilaw ng buong paligid lalo na siya nataranta ng may dalawang taong humawak sa kanyang magkabilang braso at itinayo siya.
Tiningnan niya ang mga ito at nanlaki ang mga mata na ang kambal ito.
Hindi siya nakapagreact agad dahil sa gulat at nagpatangay sa mga ito papunta sa harapan kung saan may stage na nakatayo.
Bago pa siya maakyat sa stage ay nakahuma na siya sa pagkabigla kaya mabilis na binawi ang mga braso.
"What are you two doing here? At ano ito bakit tayo aakyat diyan? Nakakahiya!" mahina niyang wika sa kambal.
"Just go with the flow, trust us, ate," bulong ni Samuel at muling hinawakan ang kanyang braso para alalayan siya paakyat habang si Sammy ay nasa likod nila.
Pinaupo siya nito sa may nakahandang upuan na nasa gitna mismo ng stage. Napatingin siya sa harapan at napapikit na lang dahil lahat ay nakatutok ang paningin sa kanya.
Nakakahiya! Ano ba kalokohan ito.
Tatayo na sana siya ng mula sa gilid ay isa-isa lumabas sina Kenneth, Dominic, Kevin at Anthony na may kagat-kagat na pulang rosas sa kanilang mga bibig at diretsong lumapit sa kanya at ibinigay ito.
Nag-aatubiling tinanggap niya iyon.
Nalilito siya.
Ngayon niya lang din napansin ang suot ng mga ito.
Naka-overall denim short style na may nakapanloob na puting t-shirt na manipis lang ang pangtaas at bakat na bakat ang mga muscle ng mga ito.
Napansin niya rin na ganun rin ang suot ng kambal.
Sigurado siya nakatulala na ang mga kababaihan sa magandang tanawin na nasa kanilang harapan lalo na siguro si Jayson.
Pinatayo siya ni Samuel at inilipat ang upuan sa may gilid. Pagkaupo niya ay tumayo sa kanyang harapan ang kambal na tila mga sundalo dahil nakatikas at ang mga kamay ay nasa likod.
Palagay niya ay nakaharap sila sa apat na lalaki. Hindi niya makita dahil tinatakpan ng malalaking katawan ng kambal.
Napatingin siya sa may kaliwang bahagi kung saan makikita ang mga bisita at nagawi ang tingin niya sa lamesa ng mga Villaflor. Malawak ang pagkakangiti ng mga ito.
Ano bang nangyayari?
Wala siyang lakas ng loob na magtanong basta nahihiya, 'yun ang nararamdaman niya.
Pipikit na lang niya sana ang mga mata, umaasa na isa lamang ito panaginip. Pero sabay sa pagpikit niya ay ang isang tinig na sigurado siyang kilalang-kilala niya.
Saturday morning
Jump outta bed and put on my best suit
Napamulat siya ng mga mata kasabay nang hiyawan ng mga bisita
Got in my car
and race like a jet
all the way to you
Nanlalaki ang mga mata niya at pilit pinoproseso ng utak ang nangyayari.
knocked on your door
with heart in my hand
to ask you a question
'cause I know that you're an old fashioned-man, yeah
Biglang naghiwalay ang kambal na nagbigay sa kanya ng daan upang makita kung tama ba ang hinala niya
Can I have your sister for the rest of my life?
Say Yes, Say Yes!
'Cause I need to know
You said I'll never get your blessin'
Till the day I die
"Tough luck, My friend
but the answer is NO!"
And there he is, the man she loves wearing a color red three piece suit while the right hand is holding the mic and the left hand is a bouquet of roses with different colors.
There eyes met while he continue singing. Inilipat niya ang tingin sa kambal sa sumunod na linya na tila pinapatamaan ang mga ito.
Why you gotta be so Rude?
Don't you know I'm human too?
Why you gotta be so rude?
At muling ibinalik ang tingin sa kanya.
I'm gonna marry her anyway
Marry that girl
Marry her anyway
Marry that girl,
No matter what you say
Marry that girl
And we'll be a family
Why you gotta be so rude?
Nakita niyang hinawakan ni Kenneth at Dominic si Sammy habang si Kevin at Anthony ay si Samuel na tila ba kakampi ito ni Aj at gusto siyang kunin sa mga ito.
Hindi niya tuloy napigilan mapangiti lalo na ng humilera ang anim sa may likuran nila at naghawak kamay habang sabay-sabay ang pasway-sway nila ng magkabilang paa left and right.
I hate to do this,
you leave no choice
Can't live without her
Pagbigkas ng linyang iyon ay iniabot ni Aj ang bouquet sa kanya na buong puso niyang tinanggap.
love me or hate me
We will be both standing
at the altar
Magkatitigan pa rin sila habang rinig na rinig niya ang mga tili na di niya alam kung kinikilig sa kanila o sa mga barakong nasa likuran nila ni Aj.
Hinawakan ni Aj ang kanyang kamay
Kasabay sa pagbigkas sa sumunod na linya
Or we will run away
to another galaxy,
you know she's in love with me
She will go anywhere I go
Sabay kindat nito sa kanya na mas lalong ikinabilis ng tibok ng kanyang puso.
Hindi pa man siya nakakabawi ng lumuhod ito sa kanyang harapan
Nakarinig siya ng singhapan mula sa mga taong nasa paligid.
Maging siya ay bigla na lang tumulo ang luha.
Nagsimula magsalita ito habang nakatingin sa kanya. "I know it is too fast for us. Pero hindi naman nasusukat sa oras o panahon na magkasama tayo ang mahalaga ay kung gaano na kasigurado ang puso natin. And I know from the moment I laid my eyes on you. I know you will be the one that I want to spend the rest of my life. Yes, nagmamadali ako siguro ayoko lang na magkaroon ka pa nang dahilan na iwanan ako," tumawa pa ito, "I won't say sorry because this is what I want to do. "May kinuha itong maliit na kahon sa bulsa na mas lalong nagpasinghap sa lahat ng naroon.
Hindi na niya napigilan ang patuloy na pagtulo ng luha. This is one of her dream.
Binuksan nito iyon at iniharap sa kanya.
"Sandra Lyn Santiago, with the presence of your family and mine and all the people here." Tumingin ito sa harapan kung saan ang mga bisita naroon, sinundan niya ang tingin nito na mas lalong nagpaiyak sa kanya.
Her friends Jayson, Sarah and Raymond is holding a banner saying 'Will you marry your dragon?'
Bumalik ang tingin niya kay Aj. She saw sincerity and love in his green eyes, may namumuong luha na rin sa gilid ng mga mata nito.
Hindi niya alam nalilito siya dahil alam niyang may responsibilidad pa siya sa mga kapatid. Nang maalala narito ang kambal ay inilipat niya ang tingin sa mga ito.
Nakita niyang papalapit na rin ang kambal sa kanya. Napakagwapo ng mga ito sa overall na suot talagang mapapatili ang mga babae.
Kinuha ni Sammy ang mga bulaklak sa kanya habang si Samuel ay nilapit ang mukha at bumulong sa may tenga niya.
"Go on, answer yes. We will be fine. You deserved it, ate." Pagkasabi no'n ay ngumiti ang kambal sa kanya.
"Sagutin mo na ate, nangangalay na si dragon!" Sigaw ni Sammy sabay karipas nang takbo pabalik sa dating pwesto.
"Bastard!" narinig niyang asik ni Aj kaya nabalik ang tingin niya rito na nananatiling nakaluhod, nakaramdam tuloy siya ng awa dito.
Ngumiti siya at inilahad ang kamay rito. "Yes baby boy. I will marry you my dragon." Nagliwanag ang mukha nito kasabay nang pagtulo rin ng luha nito. Mabilis nitong isinuot ang singsing sa kanyang daliri at tumayo. Walang sabi-sabing sinakop nito ang kanyang mga labi.
Mas lalong naghiyawan ang mga bisita kasabay ng pagtugtog muli ng kantang "Rude"
"Bakit 'yan ang kanta napili niya?" rinig niyang reklamo ni Sammy.
"Kasi nga kayong magkambal ang rude niyo raw. Para sa inyo talaga iyon," tinig ni Dominic.
"Bakit ba ganito suot natin? Nakakahiya! shit!" reklamo ni Kevin.
"Ang cool nga eh, Dami pala mga magagandang babae rito," sabat ni Kenneth
"T*ngna mo! Babaero," Samuel voice.
"Dyan na nga kayo, puntahan ko lang asawa ko," si Anthony.
'Yun ang ilang narinig niya sa mga ito habang sakop ni Aj ang kanyang mga labi.
Nang pakawalan nito ang kanyang labi ay masuyo nitong pinunasan ang kanyang mga luha.
"I love you baby girl."
"I love you too, baby boy."