Chapter 7
Nang makabalik na ako ay agad na ako dumiretso sa pangalawang klase ko matapos ko kunin ang aking gamit at agad na tumungo sa aking classroom. Hanggang sa klase ay na shocked pa rin ako, siyempre medyo nakaka gulat yun para sa akin.
And also mas mabuti na huwag ko nalang muna sabihin sa aking kaibigan na dati ko naging crush ang lalaking dina-date niya or boyfriend na niya. dahil Ewan bakit parang napaka bilis ako tinamaan ni kupido at weird ang nararamdaman ko sa kuya niya? Iniisip ko din what if dumating ang panahon na maging bf ko ang kuya niya?
Sabagay siya na din nag sabi na boto ito sa akin para sa kuya niya, sa aking klase ay wala naman masiyadong ginawa nag lecture lang ang professor ko, kaya medyo hindi ako stress sa ginawa ngayon.
Nang palabas na ako ng classroom ay naramdaman ko na nag vibrate ang aking phone. Nakita ko na mayroon akong natanggap na mensahe mula kay Adler.
"Let's meet later ng klase are you free ba?" Message nito sa akin. since wala naman masiyadong gawain ay okay lang naman sa akin, at bakit ko naman tatanggihan ang grasya diba?
"Okay I will text you nalang :) " sagot ko sa mensahe ni Adler sa akin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko di ba ito nagalit o nagtapo dahil sa pagtanggi ko kanina? Hindi naman siguro ganon si Adler?
Tahimik lang ako na naglalakad sa hallway ng may mga lalaki na sa tingin ko ay senior ko, " psst.. Mia diba? Ganda mo rin pala g kaba?" Tanong nito sa akin. Dahil sa tanong nito ay medyo di ko na gets anong point niya.
Parang natulala ako na iniisip anong g? Para saan anong meron? Muli tinignan ang mga senior na student sa tingin ko ay ito ay mga anak ng mga kilalang pamilya din, kung pag mamasdan mo sila yung tipong lalaki na napaka taas ng tingin sa sarili, yung kakainisan mo dahil Panay hawi ng buhok akala mo ikina-gwapo nila yun.
"G kaba?" Tango nito sa akin na tila inaaya ako sa wala akong idea kung ba iyon?
"A-ahmm.. I'm sorry no di ko alam sinasabi mo, pasensiya na alis na ako.." papalakad na ako para umalis non ng hablutin ako ng lalaki na ito, dahil doon ay nanglaki ang aking mga mata sa gulat. Mas lalo pa ako nag panic ng hatakin nila ako sa lugar na walang studyante.
Tatlo silang humahatak sa akin kaya di ko magawang makatakas man lang sa kanila, kahit anong pag pumiglas ko ay balewala lamang iyon. Pinilit ko sumigaw upang humingi ng tulong pero tinakpan nila ang aking bibig.
"Napaka arte mo akala mo kung sino, porke gumanda ka sa picture na pinost akala mo kung sino na, kapal mo para tanggihan ako!" Saad nito tuloy lang ang luha ko dahil sa kinakabahan na talaga ako, alam ko na anong gagawin nila sa akin.
Dahil sa pag pupumilit ko ay naalis ang takip sa aking bibig dahilan upang lumuwag iyon, sumigaw ako ng napaka lakas, "TULONG!! TULUNGAN NIYOO KO!!" dahil sa ginawa ko ay malakas ako na sinampal ng isang lalaki.
"Kahit sumigaw ka walang tutulong sayo anong akala mo kapag nag sumbong ka paniwalaan ka nila? Tanga ka pala e walang maniniwala sa katulad mo na mababa lamang!" Saad nito sa akin habang hawak ang aking baba.
Nag patuloy ako sa pag sigaw ng sampalin ako ng lalaki, napaka lakas non dahilan para mapa iyak ako ng napaka lakas, di na tama ang ginagawa nila sa akin.
Magtatanggal na sana ng uniform ang Isa ng biglang kumalabog ang pinto, si Adler dumating, nahihilo na ako dahil sa pagod ng pag iyak at sa lakas ng pagsampal ng lalaki sa akin.
Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa sinapak ni Adler ang mga lalaki, malabo na ang paningin ko kaya di ko makita kung galit na galit ba ito. Basta ang huling narinig ko ay pinag mumura niya ang mga ito.
Ayun ang huli ko naalala bago ako mawalan ng malay, naramdaman ko na may bumuhat sa akin.
Adler
Papalakad ako sa hallway ng makarinig ako ng iyak ng Isang babae at tila humihingi ng tulong, di ko nalang sana iyon papansinin dahil baka mali lamang ako ng akala dahil nawala bigla ang ingay.
Pero habang papalayo ako ay unti-unti ko nanaman naririniang iyak ng babae, pinilit ko sundan kung saan banda ng gagaling ang iyak na iyon, dahil sa napaka lawak din ng university hindi ako sigurado kung saan iyon.
Pero dahil sa malakas ng pakiramdam ko na may kakaiba ay nag tiyaga ako na hanapin at sundan ang ingay, nang mahanap ko na kung saan ay agad ko sinira ang pinto. Nakita ko na tatlong lalaki at isang babae ang nasa loob.
Handa na ang lalaki na alisin ang uniform nito at nag kataon ang dating ko at hindi iyon natuloy nang makita ko ang babae na kanilang pilit kunin ay nagulat ako ng si Mia iyon, base sa lagay nito ay mawawalan na ito ng malay, sobrang pagod at iyak.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa napa tagal ang paghanap ko sa kanya, dahil sa galit ko ay agad ko na sinapak ang isang lalaki na nagtatangka na kay Mia.
"Gago kayo mga hayop!! Wala talaga kayong pinipili!!" Bumagsak ang lalaki sa unang suntok ko sinugurado ko na malakas iyon dahil sa sobrang galit ko.
Di na pumalaga ang dalawa dahil sa nakita nila anong kaya kong gawin sa kanila, agad na nag sipag takbuhan ang dalawa nitong kasama, naiwan ang Isang lalaki at bulagta sa sahig.
Agad ko na tinignan kung okay pa si Mia at napanatag ako ng makita ko na nawalan lang ito ng malay.
Tinawagan ko agad ang mga kaibigan ko upang hanapin at alamin kung sino itong may gawa nito kay Mia. Wala pang ilang minuto ay dumating na sila Kasper.
"Anong nangyari Adler?" Agad na tanong sa akin ni Kasper.
"Itong Gago may binabalak na masama, at mabuti napigilan ko, kayo ng bahala diyan may kasama yang dalawa at tumakas, make sure mahanap niyo, I will not let them escape what they have done mali sila ng kinalaban.
Sasapakin ko pa sana ang naka bulagta na lalaki ng awatin ako ng mga kaibigan ko, " easy baka mapatay mo na yan huwag mo babaan ang sarili mo dahil lang sa talunan na ito." Turo ni Klystron
Agad ko na binuhat si Mia upang dalhin sa hospital si Mia. I know we have clinic in our university but I choose na huwag nalang doon. Ayoko na kumalat ang balita na muntik na mapahamak si Mia.
Ayoko na pag uusapan siya kaya pinili ko na dalhin ito sa hospital, ng dalhin ko ito ay kabado ako dahil nakita ko na maga ang cheeks nito, alam ko na agad paano iyon namaga dahil panigurado ay sinampal ito ng mag ingay ito.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tulala kay Mia at concerned sa lagay niya. Pumasok ang doctor at sinabing maayos ang lagay ni Mia maaaring sa pagod at hilo kaya ito nawalan ng malay.
Nang hindi pa magising si Mia at iniwan ko muna ito, bumalik ako sa school upang hanapin ang mga kaibigan ko, dinala nila sa route namin ang tatlo pag pasok ko kita ko na may pasa na ang mga Mukha ng tatlo.
Nang makapasok ako at di ko napigilan ang aking sarili agad ko s sinapak muli ang lalaki na sinuntok ko kanina lang. "Gago ka anong ginawa mo at naging ganon si Mia!!" Galit na galit kong saad.
"T*Ina mo gagawin kong miserable ang buhay mo at matatanggal ka pa sa school na ito!! Huwag mo ipagyabang na porke mayaman ka ay makakatakas ka sa ginawa mo gago ka!!" Nang akmang susuntok muli ako at inawat na ako klystron.
Nag pumilit ang tatlo na patawarin ko sila pero di ko iyon ginawa, dahil grabe ang ginawa nila kay Mia, mahal ko yung tao grabe yung respeto na binibigay ko tapos gaganuhin lang nila?
Di nila alam dahil sa ginawa nila ay trauma ang kalalabasan non, kaya grabe ang gigil ko. Umalis ako na sobrang inis at bumalik sa hospital.
Saktong pag dating ko ay nagising si Mia, tila sinusuri nito ang buong paligid at tumingin ito sa aking gawi. Ngumiti ako dito upang hindi ito mag panic, "Anong nangyari at bakit andito ako?" Takot na tanong nito sa akin.
"Nawalan ka ng malay dahil sa nangyari, don't worry di na sila makakalapit o makikita dahil tanggal na sila sa school at gagawin Kong miserable ang pamilya nila, ginusto nila iyon at harapin nila ang consequence ng ginawa nila sayo.
"M-maraming salamat at paumanhin na abala pa kita.." nahihiyang saad ko kay Alder.
"Wala iyon, gutom kana ba? may gusto ka ba kainin?" Tanong ni Alder sa akin, tatanggi na sana ako na hindi dahil di pa naman ako gutom ng may dumating na pagkain.
Nag insist pa si Alder subuan ako tinatanggihan ko pero mapilit ang lalaki bat wala na akong nagawa pa. Ng madikit ang kamay sa akin ni Adler ay nagulat ako tanda na natatakot ako dahil sa nangyari.
"I'm sorry natakot ba kita?" Malungkot na tanong nito sa akin. Dahil sa reaksiyon ko ay nalungkot ang lalaki.
"Wala iyon naiinitindihan ko naman"
Isang araw din ako nagtagal sa hospital at si Adler ang umaasikaso sa akin. Nakakahiya na nga sa totoo lang.
Nang pa alis na kami sa hospital ay niyakap ko bigla si Adler ng hindi nag iisip at nag thank you sa pagligtas niya sa akin. Basta ang alam ko safe ako kapag siya ang nasa tabi ko.
Please add to your library na din :)))
Baka want niyo din always updated follow me.
Baddie_Cutie8
*********************************************************