Chapter 8

Buong araw ko sa hospital ay si Adler ang aking kasama, bagay na ikinatuwa ko dahil may nakakasama ako, nang tanungin ko si Adler kung kumalat naba ang nangyari ay sinabi nito na tanging sila lang kaibigan niya ang nakakaalam at huwag nako mag aalala sa issue.

Dahil sa sinabi ni Adler ay napanatag ako kahit papano, malaking gulo ang mangyayari if kumalat pa iyon, baka ang mga bully ko noon ay bumalik kapag nalaman ang gulo, may point ang lalaki kanina.

Na kapag nag sumbong ako at walang sapat na pruweba ay satingin ko ba ay paniwalaan nila ako? Nasa bansa tayo na ang umiiral ay pera, kapag mahirap ka huwag kana umasa na may makukuha ka na justice, pero kapag mayaman ay makikita mo na naka upo sa malaking bahay at ang mga gamit ay napaka mahal na kaya kang bilhin.

"Maraming salamat at tinulungan mo ako, kung di ka dumating baka ano na nangyari sa akin. Mas malala pa ay walang maniniwala sa akin." Saad ko habang nakayuko, dahil sa sobrang pag papasalamat ko kay Adler.

"Wala yun parang akala mo naman iba ka sakin, malakas ka sakin akala mo." Sabay kindat nito sa akin. Sa pag bibiro ni Adler ay napagaan pa lalo nito ang aking pakiramdam, pero andito pa rin ang takot na baka balikan ako.

"Kung inisip mo na baka balikan ka, huwag ka mag alala dahil matatangal sila sa school. Di kailangan ng school natin ng ganong klaseng students. We don't tolerate that." Saad nito.

"Mabuti at hindi ka ganon tulad ng mga iyon mostly kasi masiyadong mahangin ang utak ng mga katulad mo, I'm sorry diko intension na ikaw, i mean sila." Nahihiya kong pag ulit sa aking sinabi dahil baka ma misinterpret ni Adler ang aking point.

Nag volunteer pa si Adler na ihatid ako sa aking apartment, sa totoo lang gusto nito na sa condo niya muna ako for safety daw. Siya pa itong masiyadong kabado kesa saakin.

Tinanggihan ko ang alok niya dahil wala naman nakakaalam ng address ko kaya feel ko safe naman ako sa aking apartment. Nang ihatid ako nito ay panay ang kwento nito kahit na alam ni Adler na tumatahimik ako dahil sa iniisip ko pa rin iyon, pilit nito na alisin sa isipan ko iyon at libangin ako.

Siguro makakalimutan ko pero andoon pa rin yung trauma na nakuha mo sa mga taong iyon, madaling sabihin na okay na pero andoon pa rin pangamba na kaya ko ba kalimutan? Okay nga lang ba talaga ako?

Nang bumaba na ako sa kotse ay nag paalam na ako, gusto ko man ayain sa loob si Adler ay diko na din nagawa dahil sa nasa iba ang atensiyon ko hanggang ngayon, kung kanina nawala kahit papano sa isipan ko pero kapag naiwan ka mag isa bumabalik iyon sa aking isipan.

"Sorry gusto kita ayain, pero baka di rin kita maasikaso kaya pasensiya na Adler.." pag hingi ko ng paumanhin dito. Tumango naman sa akin si Adler upang iparating na ayos lamang sa kanya iyon.

"Okay lang may aasikasuhin din naman ako urgent kaya aalis na din ako, be safe okay call me if need mo ng help ok??" Paninigurado nito bago umalis.

Saktong paalis palang si Adler ay siyang pag dating naman ni Luke at Sabrina. Nagulat pa ako at anong ginagawa nila dito sa aking apartment, at anong meron?

Kahit si Adler ay nagulat nahalata ko iyon sa mga mata ni Adler. Biglaan kasi ang pag dating ng magkapatid.

Clueless ako na lumapit kay Sabrina at Luke upang batiin sila sa pag dating, habang si Luke ay may hawak na white tulips at some of fruits. Wait may idea ba sila anong nangyari? Akala ko ba wala ng ibang nakakaalam sa nangyari kanina?

"H-hi bakit napadalaw kayo?" Utal ko na tanong sa dalawa. Bakas sa mukha nila ang pag aalala, naalala ko si Kasper at baka si Sabrina ang nagsabi sa kuya at kaya naparito din ito.

Nag beso naman sa akin si Sabrina upang batiin ako, bumulong ako upang tanungin anong sadya nila.

"Anong meron at napadalaw kayong magkapatid?" Tanong ko dito.

"Narinig ko ang nangyari tungkol sayo and we are concerned about you, are okay?" Nag aalalang tanong sa akin ni Sabrina.

"Yes I'm totally okay, and I'm curious ang sabi tanging kaibigan ni Adler lamang ang nakakaalam sa nangyari paano niyo nalaman at saan niyo narinig?" Kunwaring wala pa akong idea kung saan, sinubukan ko if aamin naba sa akin si Sabrina.

And tulad nga ng hinihiling ko ay sana sabihin na sa akin ni Sabrina kung anong meron sila ni Kasper.

"Maybe we can talk this later? Baka marinig ni kuya.." kinakabahan na sagot sa akin ni Sab.

"I know naman na kung saan mo nalaman yan at inaantay ko lang ang explanation mo about don, and I'm okay na huwag mo muna sabihin sa kuya mo naiinitindihan ko at hindi ako ang may karapatan para sabihin sa kuyamo iyon nirerespeto kita bilang kaibigan ko.

Ngumiti ito sa akin matapos ng aking sinabi dito. Sabay naman ang pag bigay sa akin ni Luke ng flowers at basket ng fruit nakakahiya at napakarami non. Inabot ko iyon na nahihiya dahil sa biglang pag bilis ng puso ko ng makalapit lang ako kay Luke.

Nabigla pa ako na mahigpit ang yakap sa akin ni Luke diko inaasahan iyon, akala mo girlfriend niya ako na nang galing sa accident at ganito ito ngayon umakto.

Dahil sa presensiya ng dalawa ay nakalimutan ko na mag paalam muli kay Adler sumakay na pala ito ng kotse saktong pag bitaw ng yakap sa akin ni luke.

Kumaway nalang ako bilang pag bigay ng sign na mag ingat siya sa biyahe niya.

"Tara come in maliit lang ito ah baka di tayo mag kasiya." Pabirong saad ko sa kanila na sabay din ito nagsi tawanan.

"What happened ba talaga paanong nangyari iyon Mia??" Tarantang tanong agad sa akin ni Luke uupo palang kami.

"Look kuya masiyadong obvious ka kay Mia, Wala ka pa ginagawa at baka ma reject ka niyan sige ka, easy lang ikaw pa ata mas kabado kay Mia." Natatawang saad ni Sab sa kanyang kuya.

Sinamaan ng tingin ni Luke si Sab dahil sa sinabi nito sa aking harapan, kinwento ko sa kanila ang nangyari halos sirain na ni Luke ang couch ko sa sobrang higpit ng kapit ng kamay niya doon.

Tinatanong pa niya anong pangalan ng mga iyon at maturuan ng aral sa ginawa nila sa akin. Nataranta naman ako sa gustong gawin ni Luke ayoko d madawit ito sa problema ko at sinabi ko na hangga't maari at huwag sila madamay sa gulo.

Sapat na nandito sila at nadalawa nila ako, doon palang napaka laking bagay na sa akin. Hanggang sa nag usap-usap sa ibang mga bagay ng biglang mag ring ang cellphone ni Luke at nag paalam ito na sasagutin lamang niya ang tawag.

Naiwan kami ni Sab at dahil doon ay may opportunity na kami na pag usapan ang naudlot kanina lang. Nahihiya pa ito na mag simula nanginginig ang mga kamay sa kaba. akala mo teacher niya ako sa major subject kung kabahan siya.

"I know nag lihim ako sayo, di pa tayo ganon ka tagal mag kaibigan but you are very special friend for me. And gusto ko malaman mo na b-boyfriend ko si Kasper." Naka pikit na pag amin nito sa akin.

Akala niya siguro ay mag violent reaction ako, pero wala na iyon kung saan siya masiya ay doon din ako, sino ba ako para pigilan ang kasiyahan niya.

"Actually bago mangyayari ang accident sa akin ay alam ko na, at pasensiya na din diko agad sinabi sayo dahil inantay ko na ikaw mismo ang mag open sa akin about doon. But now nasabi mo okay lang sa akin support kita saan ka masaya.

"G-ganon ba? Grabe kaba ko para lang maamin dahil nahihiya ako na mahusgahan kaya pinili ko na itago na lang muna ang secret relationship ko kay Kasper. I know baka ma shock si kuya lalo na at friend sila non ni Kasper kaya I'm not ready to say pa kay kuya Luke." Panatag na saad sa akin ni Sab.

"You got my back Sab don't worry." Sabay kindat dito upang mabawasan ang kaba sa kanya kahit man lang sa ganon ay mapakalma ko ang kaba na nararamdaman niya.

"Hindi ba talaga sasabihin sino ang may gawa non sa iyo Mia?" Nag aalalang tanong sa akin ni Luke, umiling lang ako upang ipahayag na wala talaga akong balak na sabihin. Di nadin ako pinilit ni Luke siguro ay hinayaan nalang din niya ako sa gusto ko na kalimutan nalang iyon.

Nag tagal pa sila ng ilang oras dito sa aking apartment kaya medyo nakalimutan ko ang nangyari sa akin, nang paalis na sila ay nauna na sumakay ng kotse si Sab dahil sa inaantok na daw ito naiwan sa aking harapan si Luke.

"Thank you for tonight na enjoy ko na makasama kayo dahil sa presensiya niyo kahit papano nawala sa aking isipan ang nangyari." Naka ngiti Kong saad kay Luke.

Ngumiti din ito sa akin matapos ko mag salita, akala ko aalis na ito sa aking harapan matapos ang usapan ng halikan ako nito sa cheeks ko bagay na aking ikinagulat ang mga mata ko ay nanglaki sa gulat.

"I-im sorry if masiyadong mabilis siguro naman may idea kana na may gusto ako sayo hindi ba? Sa sobrang daldal ba naman ng kapatid ko ay malamang nalaman mo na." Tumatawang saad nito, habang ako ay tulala pa sa gulat.

"H-hindi ba napaka bilis ng iyong ginawa? Di pa nga kita boyfriend e tapos nauna pa yung kiss sa ligaw?" Tanong ko dito.

Ngumisi si Luke sa aking sinabi, " Don't worry pupunta tayo diyan na advance lang ang kiss sa ligaw ko, kapag niligawan na kits araw-araw kitang liligawan yun ay kung papayagan mo ako?" Tanong nito sa akin.

Habang si Sabrina ay sumigaw na dahil sa naiinip na ito sa antok at gusto na umuwi sa kanila. " Ano ba kuya bukas mo na yan diskartehan walang aagaw sayo single yan." Antok na saad ni Sab.

Bumulong naman ng mahina ang kuya ni Sabrina, " Yan ang di ka sigurado di pa ako nangliligaw ay may umaaligid na." Mahinang saad ni Luke na hindi ko maintindihan.

"Uhmm.. by the way see you tomorrow? Silence means yes right?" Paninigurado ni Luke kahit naman na hindi ako sumagot ay oo naman ang aking isasagot.

Umalis na ang magkapatid matapos ang usapan habang ako ay nag lilinis ng katawan ko ay diko maiwasan na mapaluha at naalala ko nanaman ang nangyari, totoo na kapag naiwan ka mag isa ay babalik talaga sa ala-ala mo ang nangyari. Umiiyak ako sa loob ng cr at madiin na kinukuskos ang aking mga balat kung saan ako hinawakan ng mga lalaki.

Trauma ang nakuha ko sa mga iyon diko alam kung kelan ko ito makakalimutan basta ang alam ko ay maaring balikan nila ako lalo na at sinabi ni Adler na ma expel ang mga iyon, sigurado na di papayag ang mga magulang nila pag nalaman na ang nangyari.

Umaga ng handa na ako pumasok ay dumating sa labas ng apartment ko si Adler napa atras pa ako ng makitang siya talaga ang nasa harap ko.

"Tara na sakay na baka ma late ka sa klase and konting oras para sa office ng principal.." sa sinabi ni Adler ay alam ko na kung anong sunod na mangyayari dahil haharapin ko ang mga lalaking iyon muli at ang magulang nila.

Ilang minutes lang ang binyahe namin patungo sa school diretso agad kami sa office ng principal. Nag sitayuan ang mga taong involved sa pangyayari. Ang mga mata ko ay di ko alam saan ko ibabaling dahil sa pakiramdam ko ay huhusgahan nila ako.

"Good morning Mr. Griffin and Ms. Villamonte." Bati sa amin ng principal ng aming school.

Habang ang mga lalaking may kasalanan sa akin ay galit na nakatingin sa akin, diko sila tinitignan pa balik dahil sa takot.

Umupo kami sa kaharap na upuan ng mga lalaki maingat ako na alalayan ni Adler dahil ramdam niya ang takot at panginginig ko sa takot. Bumulong pa ito ng mahina sa akin na huwag ako matakot at kasama ko siya.

"Good morning everyone since kumpleto na simulan na natin. Kayong tatlo ay may ginawang masama kay Ms. Villamonte totoo ba?" Unang tanong ng principal sa kanila.

Agad naman na tumanggi ang mga lalaki sa paratang, "Hindi po!! malandi naman talaga yan, siya pa nga unang lumapit sa amin.!!" Pag sasalita ng isang lalaki.

Sa kanilang sinasabi ay napapaluha na ako dahil nakukuha pa rin nila na mag sinungaling at baliktarin ang pangyayari.

Sumabat na sa usapan si Adler ng di na ito makatiis. " Mga siraulo pala kayo anong akala niyo sa akin bulag at tanga? Kitang-kita ko kayo mga hayop!!" Galit na bulyaw ni Adler.

Kilala ang magulang ni Adler kaya nagulat sila sa pag bulyaw nito sa loob ng kwarto.

"Mr. Griffin calm down please.." saad ng principal.

"Baka naman po nag sisinungaling itong babae Mam, tignan niyo ni hindi nga nag sasalita at idepensa ang sarili niya.." saad ng isang ina, dahil sa sinabi niya ay napa angat ako ng tingin di ko na kayang tiisin ang pamamaliit nila sa akin at pang iinsulto.

"For your information Mam kaya po ako di nag sasalita ay diko maatim na tignan kayo at ng anak mo, mayaman nga kayo pero ang ugali niyo ay parang walang pinag-aralan. Sabagay busy kayo sa mga pera niyo habang ang anak niyo ay walang magandang asal tignan niyo at kung paano umasta sa harap niyo na parang di kayo kayang galangin man lang. I'm sorry if nasasabi ko ito para na rin ito sa aking sarili nandito ako para ipakita na inosente ako. Mahirap man ako pero kaya ko panindigan ang sarili ko hindi ako papasok sa loob ng kwarto na ito kung nag sasabi ako ng walang katotohan. Kaya niyo ba panagutan ang mga paratang niyo kung napatunayan ngayon na may sala ang mga anak niyo?" Tanong ko sa kanila, bagay na ikina tahimik ng mga tao sa loob punong-puno na ako kaya nasabi ko na iyon sa kanila.

"We have proof na may kasalanan talaga ang mga anak niyo, tulad nga ng sabi ni Ms. Villamonte pag ba napatunayan na may sala ang mga anak niyo, kaya niyo ba panindigan?" Pang hahamon ni Adler sa mga magulang ng mga lalaki.

Taas noong nag sagutan ang mga mga ina ng mga lalaki. Di pa nila lubos kilala ang mga anak nila kaya ganyan sila ka kampante sa anak nila.

Tumayo si Adler at may inabot sa principal, video iyon kuha sa CCTV ng aming school, ang maganda ay naririnig din ang mga sinasabi sa video tahimik na pinanood naming lahat iyon at nang matapos ay disappointed ang principal sa mga anak nila at sa mga magulang.

"So sa video na ating pinanood at malinaw na may sala ang mga anak niyo, alam niyo ba na malaking kaso ang kakarahapin ng anak niyo kapag nag sampa ng kaso si Ms. Villamonte?" Pag tatanong ng principal sa kanila.

Walang sumagot dahil sa natuklasan ng mga magulang tungkol sa kanilang anak.

Galit na nag salita naman ang isang ina. "Ikaw anak ka ng mga Griffin hindi ba!! at bakit mo ipinagtatanggol iyang hampas lupa na iyan!!" Sigaw nito at pag duduro nito sa akin.

"Oo nga po anak ako ng mga Griffin pero diko ugali ang mag takpan ng mga kasalanan ng mga mayayaman nga pero ang utak ay napaka baba pa sa mahirap, diko tino-tolerate ang ganon kaya pasensiyahan nalang po tayo. na kay Ms. Villamonte ang desisyon if kakasuhan niya ang mga anak niyo, nasa tamang edad na sila at pwedeng na ikulong." Kalmado na saad ni Adler.

Nakaka touch ang pag tulong sa akin ni Adler napaka bait din pala nito sa iba.

Baddie_Cutie8

*********************************************************