Chapter 6

Pasensiya na diko sinasadya natakot kasi ako, at nagulat sa pag kawala ng liwanag sa paligid, dahil sa nangyari ay napakamot nalang ako sa aking ulo sa hiya. Siguro di nalang pinansin iyon ni Luke dahil sa di naman namin sinasadya iyon.

Mga ilang oras din bago bumalik ang kuryente at ng bumalik na ay agad na naghanap ng yelo si Luke, mabuti nalang at may yelo ako sa cooler ko, agad iyon nilagay ni Luke sa aking ulo.

Akala ko masakit lang yung untog ko pero may bukol pala, at bukod sa bukol ay namumula pa iyon, paano ako nito haharap kay Sabrina at sa school ng ganito ang itsura ko?

Sh*t nakakahiya talaga, sandaling natahimik muli ang pagitan sa amin ni Luke. Nang biglang humina na ang ulan tumayo ito at dahil don ay sinundan ko ito ng mata.

"Mahina na ang ulan, siguro titila na yan uuwi na ako at mag iingat ka dito, pasensiya na at nahalikan kita diko sinasadya iyon." Pag hingi nito ng paumanhin sa akin. Agad ako umiling dahil sa totoo lang ako naman talaga may kasalanan kung bakit nangyari iyon.

"A-ahmm.. okay lang huwag mo nalang sabihin kay Sabrina baka anong isipin ng kapatid mo."

Tumango naman si Luke at tumalikod na diko alam kung na offend ba ito sa sinabi ko or feelingera lang talaga ako?

Akala ko diretso na aalis si Luke ng bigla itong lumingon mula sa pwesto ko, "first kiss mo ba iyon?" Tanong nito sa akin.

Ang cheeks ko siguro ngayon ay mapula na dahil sa hiya at the same time sa kilig na rin. Kung si Kasper ay crush ko, si Luke ay iba ang pakiramdam ko sa kanya iba yung kilig at hiya ko pag siya.

Weird kasi ngayon lang kami nag kakilala at mukhang tinamaan ako ng malakas. " A-ahh oo huwag mo na isipin yon.." nahihiyang sagot ko kahit na malayo ito ng konti sa akin.

Sumagot sa aking sinabi si Luke, " mabuti kung ganon at ang suwerte ko naman.." sabay tumalikod si Luke may pasuntok pa ito sa hangin. Ang mga kamay ko ay nasa pisnge ko dahil baka obvious na talaga na kinikilig ako.

Nakita ko na naka sakay na si Luke sa sasakyan nito at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakangiti at kumakaway kay Luke.

Pag balik ko sa aking apartment ay agad ko na chinarge ang cellphone ko. At baka may announcement sa aming section nang tignan ko naman ay wala naman pero ang nag pa kaba sa akin ay maraming message si Adler sa akin.

Kinakabahan ako na mag reply ano sasabihin ko na busy ako kay lukd kaya nakalimutan ko man lang mag reply.

"Hi, Adler pasensiya na at di kita nasagot sa mga call and message mo naka do not disturb ata kanina phone ko, by the way ano ba iyon?"

Lalo ako kinabahan ng mga ilang minuto ay wala pa rin reply sa akin si Adler, iniisip ko paano kapag nagtampo iyon? Saan ako kukuha ng pera allowance ko inaasahan ko iyon.

15 minutes after mag reply sa akin si Adler, " no it's okay don't worry may itatanong lang sana ako, pero okay na salamat nalang Mia.." sagot nito sa aking mensahe.

Ewan ko pakiramdam ko ay ramdam ko ang lungkot sa message ni Adler, or kina-career ko lang talaga ang pagiging feelingera.

Nag ayos ako ng ilang gamit ko para sa pag pasok para bukas, Nakita ko na umilaw ang aking cellphone notification iyon mula sa social media account ni Kasper, larawan iyon ng bulaklak at ang caption non ay nag bigay sa akin ng logic sa aking isipan.

Sa caption na kanyang nilagay ay kung sino naman ang babae na kanyang tinutukoy? At mukhang special ito sa kanya?

Pinatay ko nalang ang cellphone ko dahil sa gugulo lamang ang aking isipan kung sino man ang babaeng iyon at napaka suwerte naman non. Daming babae ang nais maging girlfriend ni Kasper.

8 am ang klase ko kaya medyo nahirapan ako mag hanap ng masasaktan patungo sa school nilakad ko na kung saan maraming pwedeng sakyan, laking gulat ko na makita ko na napaka haba ng pila at alam ko na kapag pumila pa ako at mag antay diyan ay di ako aabot sa oras ng klase ko.

Naisip ko nalang kung mag taxi nalang kaya ako? Di ako pwede ma late dahil may test ako ngayon sa unang subject ko, papara na sana ako ng taxi ng may dalawang kotse na mamahalin ang huminto sa akin.

Akala ko mananakawan nanaman ako, pero sabagay napaka kabog naman ng mag nanakaw kung ganito ka gara ang mga kotse nila para lang mag nakaw sa studyante at 1k lang ang pera.

Sabay pa na binaba nila ang kanilang mga salamin ng kotse, dahil doon ay medyo napa atras ako sa gulat di ko kasi ini-expect na sina Luke at Alder ang nasa harapan ko at nag aantay na sumakay ako.

"Wait? Bakit andito ka Adler at tsaka ikaw din Luke? Di naman kayo dito dumadaan kapag papasok ah?" Naka pamewang pa ako sa kanila, dahil sa totoo lang diko alam kanino ako sasakay sa dalawa?

Iniisip ko kung kay Adler ba dapat ako sumakay? Kung Adler naman nakakahiya naman kay kuya Luke if tanggihan ko ang layo pa ata ng dinaanan nito.

"Ahm.. Alder thank you kasi sinadya mo pa talaga na hintuan ako, baka kay kuya Luke nalang ako sasabay.. pasensiya na and thank you pa rin!" Saad ko alam ko medyo nakakahiya na tanggihan pero wala akong maisip talaga kung sino dapat ang sakyan ko sa kanila at unang naisip ko ay si kuya Luke.

"Wala yun nagkataon lang talaga napadaan ako dito." Sagot nito sa akin. Papalapit palang ako sa kotse ni Luke ng umalis na din ang kotse ni Adler, ewan I feel sad sa nagawa ko feel ko napaka sama ko sa pagtanggi ko.

"Good morning.. " bati ni kuya Luke sa akin, ang laki ng ngiti nito dahil sa kanya ako sumabay.

"Good morning din, dito ka ba talaga napadaan or sinadya mo talaga ako?" Tanong ko dito.

"Actually nope, napadaan talaga ako at nakita kita diko naman alam na kakilala mo yung kasabay ko na kotse kaya hinintuan kita.

Ay palaka ka! napaghahalataan na ako talaga na napaka feelingera ko, kung may kasama ako baka tinawanan na ako sa pagiging feelingera ko.

"Ganon ba akala ko dinaanan mo talaga ako.." sabay tingin sa labas upang mabawasan ang hiya nakuha ko.

"Nga pala manliligaw mo ba iyon?" Tukoy nito kay Adler.

"Sino si Adler? No tutor ako non bakit?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Wala naman at mabuti kung ganon." Mahinang saad nito kaya medyo diko narinig baka binge na ako.

Nahihiya pa ako dahil haggang gate talaga mismo ng school namin ako nito ibinaba, ang kapatid naman nito na si Sab ay tila may inaantay nawala lang sa focus ng makita na bumaba ako sa sasakyan ng kuya niya.

"Oh.. hinatid ka ni kuya??" Gulat na tanong nito, kung ako din ay gulat din sa biglaang pag sulpot ng kuya mo e.

"Ah yes Sab nag kasabay lang saktong nakita ko ang kaibigan mo." Sagot nito sa kapatid.

"We?? Nagkataon o talagang intension mo na ihatid talaga itong kaibigan ko? Di ka naman ganyan dati e.. sabagay maganda naman kasi itong kaibigan ko e boto ako diyan kuya.." Sabay kindat nito sa kuya niya, kung umasta si Sab akala mo wala ako sa harapan nilang mag kuya.

"Pasensiya kana dito sa kapatid ko ganyan talaga yan." Nahihiyang saad sa akin ni Luke.

"Lah? Sino kaya itong nahuli ko na nakatingin sa social media ni Mia??" Pag kukunwari ni Sab na di nakatingin sa amin.

Dahil doon ay mahinang kinurot ni Luke si Sab sa bewang nito. " Ikaw talaga napaka panira mo talaga."

"Sige na umalis kana malate kapa sa work mo, don't worry bantay ko tong manok ko." Saad ni Sab sa kanyang kuya, na tila akala mo ay panigurado na ito na magiging kami mg kuya niya.

Nag paalam na sa amin si Adler at umalis na din. Pag ka alis palang ng kuya ni Sab ay bumulong ito agad sa akin, " i swear gusto ka ni kuya Luke!" Tila excited ito na ibuking sa akin ang kuya niya.

"Nako baka trip niyo akong dalawa ah? Tigilan mo ako sa biro mo Sab!" Natatawang saad ko kahit na medyo bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Sab sa akin.

Sa simpleng kong ito ay may magkakagusto pa pala, hanggang sa pag pasok namin saaming classroom ay iniisip ko ang mga biro ni Sab, what if totoo? Handa naba ako sa commitment? Wait what? Bakit ayun agad nada isip ko? Ni hindi panga nangliligaw hibang na ako masiyado.

Haggang sa pag take ko ng test naka ngiti ako at biglang naging inspired na diko alam anong dahilan basta feeling inspired ako ngayon, dahil doon I got the highest score.

Ganito pala kapag inspired mataas ang score, sa pangalawang klase ko ay di na kami magka sama ni Sab iba ang subject niya kaya hiwalay na kami pag second subject.

Nagtataka panga ako ng makita ko na nag mamadali itong lumabas matapos ang unang klase namin, gayong di pa naman late para sa second subject? Anong meron ba sayo ngayon Sab tila inspired ka naman araw-araw? Di kaya Inlove ito? Kung in love ito kanino naman? kilalang mahiyain itong si Sab.

Madaldal lang kapag close niya or mabait sa kanya? Sinubukan ko na sundan ito, nag taka pa ako bakit instead na sa room 302 ito papasok ay lumiko ito ng pasilyo.

Tila may lalaking nag aantay sa kanya doon, Lugar iyon kung saan ako inaya ni Kasper na turuan ko siya, naalala ko ang sabi ni Kasper non siya lang ang madalas doon.

Kaya ng sundan ko ito ay laging gulat ko na may lalaking nakatalikod at nag aantay kay Sabrina, mas lalo pa akong nagulat ng humarap ang lalaki. Kaya pala ganon ka saya ang kaibigan dahil si Kasper pala ang kinikita nito.

So siya ang tinutukoy ni Kasper sa upload nito? And I'm happy for my friend di naman ako against don at wala naman ako dapat ikagalit if maging sila, dahil first naging tipo ko noon si Kasper but now unting-ungi na iyon nawala.

Bumalik ako sa classroom ko na tila akala mo walang nalaman at nakita, sinabi ko sa sarili ko na aantayin ko na mismong friend ko ang mag sasabi sa akin, dahil desisyon nila iyon.

Baddie_Cutie8

*********************************************************