Chapter 3
Something weird talaga ang mayroon ngayon, at ang kinaiinisan ko pa ay di ako nakatulog ng maayos, matapos ako ihatid kahapon ni Adler. Second class namin at terror ang professor namin.
First time ko na makatulog sa aming klase dati kasi napaka matatakutin ko na tulugan ang mga professor ko, kilala ako na masipag at matalino at dapat ko iyon panatilihin, kahit na pagod sa mga part-time jobs ko ay pinipigilan ko nalang iyon kahit gusto ko na matulog.
Sa mga oras na ito ay pakiramdam ko ay nakatulog ako ng maayos, ang paligid ay biglang tumahimik, di agad ako gumising dahil akala ko ay nag so-solve lang sila ng problem, mostly kasi ganito sa section namin tahimik lang kapag may problem solving na pinapasagutan.
Nagpatuloy lang ang tulog ko sa mga oras na iyon, akala ko talaga ay nandito pa sila, nagising ako bigla sa pag tikhim ng aking guro, kahit terror teacher namin ito ay mabait ito sa akin.
Isa ito sa mga professor ko na nakakaintindi ng aking sitwasyon ngayon, alam nito na ulila ako kaya kailangan ko na kumayod mag isa para sa aking sarili, sa katunayan ay ito pa ang tumulong sa akin sa Isa kong part time job.
"Ehem... Good morning Ms. Alvarez, first time ko na ma-encounter ka na matulog sa aking klase? I know napaka daming mong ginagawa, but next time don't do it again okay?? If you are not feeling well, please mag pahinga ka naman mahalaga pa rin na maayos ang kalusugan." Saad sa akin ng aking guro, I know nakakahiya na maabutan ako na nakatulog.
Mabuti nalang at mabait si Ms. Dela Cruz, humingi ako ng paumanhin ng umalis ito at ng tignan ko naman ang oras ay I'm five minutes late na sa nasabing meet namin ni Kasper. Halos takbuhin ko ang buong campus para lang makarating doon.
Dahil sa sobrang bilis ng pag takbo ko patungo dito ay puro na ako pawis, nahihiya naman ako sa mga nabangga ko dahil pag mamadali ko para lang makarating dito.
Naabutan ko si Kasper na nakaupo sa malaking bato, tahimik lang ito na nag aantay sa akin, akala ko pa nga ay umalis na ito, Hindi agad napansin ng lalaki ang pag dating ko kaya ako na ang kumuha ng atensiyon nito.
"Ahmm.. I'm so sorry if Im late, nakatulog kasi ako sa class ko, pasensiya na if napag antay kita ng ilang oras." Mahinang saad ko rito, dahil sa sobrang nahihiya ako na pinag antay ko pa ito.
Tumango ito sa aking sinabi, dahil doon ay napagaan ang pakiramdam ko ng wala naman na kahit anong reklamo si Kasper, dahil late ako nakarating dito. Tinapik nito ang kanyang tabi kahit na nasa malaking bato ito naka upo ay kasiya ang dalawang tao.
Ewan bakit may ganito sa aming school at di inaalis ang sabi naman ng iba ay may kwento daw ang bato na ito, at di ko gugustuhing malaman pa. Kahit na pina paupo ako nito sa kanyang tabi ay nahihiya pa rin ako.
"Don't worry it's okay, please sit beside me, huwag ka mahiya sa akin, sayang yung time natin,." Mahinang saad nito sa akin, habang nakatuon ang tingin sa binabasang libro.
"A-ah okay.. tungkol saan ba ang dimo maintindihan??" Tanong ko dito at naupo sa tabi nito ng dahan-dahan, kahit nahihiya ako ay di ko nalang pinansin iyon.
Tinuro nito ang mga di niya maintindihan, tulad din ng kaibigan niya na si Adler ay napaka bilis nito na naintindihan ang mga tinuturo ko, pag dating din pala sa pag aaral ay seryoso ito, pareho sila ng kaibigan niya. Siguro ang pinag kaibahan lang ay kung paano nakaka attract silang dalawang mag kaibigan.
Nang matapos kami sa mga pinapaturo niya ay akala ko ay aalis na kami, papatayo na sana ako ng magsalita ito. "Alam mo ba ang kwento ng bato na ito?" Tanong niya sa akin, di agad ako naka sagot sa kanyang tanong dahil na na shock na pa ako sa kanya.
Umiling ako upang ipabatid na hindi ko alam ang kwento ng bato na ito.
"Nope, kapag tinatanong ko naman ang iba ayaw ako sagutin, o di kaya ang sinasabi ay di ko daw gugustuhing malaman ang story behind ng bato na ito, ikaw alam mo ba? Baka pwedeng I-kwento mo naman sa akin." Sagot ko dito, naka tanaw naman ito sa malayo at nag simulang mag salita.
"Itong bato na ito kasi ay may kwento ng dalawang tao na nag iibigan, ang sabi ng mga senior sa akin na napagtanungan ko, ay dito daw madalas na tumatambay ang dalawang mag kasintahan, halos sa buong campus ay kilala na mag ka relasyon sila, tuwing mag kikita ng patago ay dito sila naka upo, sa mismong inuupuan natin, ang mga naka saksi sa kwento nila ay akala nila ay sila na talaga hanggang sa makapagtapos, kaya nainisp na baka sila na nga dahil sa napaka saya ng dalawa, Yung tipong akala mo di na mag hihiwalay."
"Hanggang sa araw ng graduation nila nag antay ang babae na sisipot si lalaki, inantay nito na dumating ito upang sabay na tumanggap ng diploma nila, ngunit hindi dumating ang lalaki, dito sa bato na ito nag antay ang babae kahit na alam niya na di na dadating ang lalaki, pero nag tiyaga parin ito, walang kaalam-alam ang babae na naaksidente pala ang sinasakyan ng lalaki, bumangga daw iyon habang papunta sa campus. Kaya halos dito tumambay ang babae, umaasa na sana bumalik na ang kanyang minamahal. Ng malaman ng iba ang kwento nila ay di na ito pina-alis dahil sa respeto na din." mahabang kwento ni Kasper sa akin.
Now I know bakit ayaw I kwento ng iba ang kwento ng bato na ito, napaka tragic diko inaasahan yun akala ko nag cheat ang lalaki, sometimes akala natin papunta na tayo doon, iniisip na natin ang mga future natin sa Isang tao na lubos na mahal natin, Sabi nga ng iba kapag masiyado mo pinaplanuhan ay di natutuloy. Nakakalungkot man na halos bumuo kana ng pamilya sa iyong isipan at babawin din pala ng buhay ang taong pinapangarapan mo na.
"Ganon pala ang kwento, kaya pala ayaw ng iba I kwento, now I know bakit konti lang ang napapa tambay dito, inisip kasi ng iba na di kayo makakapag tapos ng partner mo kapag tumambay kayo dito. Iniisip nila na may sumpa ang bato na ito.
Natapos ang kwentuhan namin na una na akong umalis dahil sa may mga klase pa ako na papasukan, ang iba ay di na tumitingin sakin, I don't know anong nakain nila ay ganito sila ngayon sa akin.
Nang makapasok na ako sa sunod ko na klase ay may mga Ilan din ako na naging kaibigan, siguro ay lucky day ko kaya may kumakausap sa akin ngayon, iniisip ko naman na baka bukas ay wala na, o di kaya part lang ito ng prank.
Nag patuloy ang klase ko, hanggang sa matapos iyon, mamaya I will submit may resignation letter, para naman kahit papano ay gumaan ang free time ko, tutal ay malaki ang kita ko kay Adler.
Simula ng madukutan ako ay nag tatiyaga na ako na mag antay ng tricycle or jeep na dumaan, mahirap na manakawan uli. Sumasakay ako kapag may mga ibang pasehero, dala narin siguro ng trauma kaya nag iingat na din ako sa pag sakay.
Dahil tuloy sa kwento ni Kasper ay napaisip ako na baka di talaga kami, tulad nga ng kwento niya ay di nag kakatuluyan ang dalawang tao na tumutungo dito, ay nako bakit ko ba iniisip yun malabo na magustuhan ako ni Kasper sa lagay ko na ito.
Tsaka sabi-sabi lang naman yun, Ikaw ang gagawa ng tadhana niyo, huwag ka umasa na ang tadhan gagawa non, dahil lagi niyong tatandaan kayo ang gumagawa ng sarili niyong tadhana.
Aking pinagtataka naman bakit di ako tinawag ngayon ni Adler, Akala ko everyday ang tutorial namin? Baka busy lang siguro kaya wala kaming session ngayon, Nang napadaan ako sa bandang court ng aming campus ay nakita ko na naglalaro si Adler, kasama ang mga kaibigan niya, kaya pala busy sa pag lalaro.
Di na lang ako dumaan sa tapat ng court, at baka isipin ni Alder ay tinatawag ko na siya, tsaka pag nakita kami ay for sure pag didiskitahan nanaman ako ng mga bully, lalo na ang mga babae dito.
Tumungo nalang muna ako canteen upang kumain saglit, kung noon ay tipid ako sa pagkain ko, ay ngayon ay sakto na ang kinakain ko, di na bitin dahil sa may malaki na din akong extra incomes. Kumakain ako ng makatanggap ako ng message mula kay Adler.
"Later nalang tayo sa condo, nakalimutan ko na siyahan ako sa paglaro, pasensiya na." Laman ng kanyang message sa akin. Kahit pala mukhang siraulo lang ito si Adler ay napaka mabait din pala.
Or mabait ito dahil sa mukha akong kawawa? Di naman siguro ganon ito si Adler, Nang matapos ako ay lumabas na ako ng canteen, saktong nakasalubong ko si Sabrina kakawayan at babatiin ko sana ito ngunit nag mamadali ito na tumungo patungo sa kabilang department, which is department nila Kasper yun.
I don't know anong gagawin doon, gayong di naman doon patungo sa department namin, napa kamot nalang ako sa aking ulo dahil sa naiwan sa ere ang kamay ko sa pag kaway sana sa kanya. Baka may professor lang na kailangan kausapin.
Akala ko pa naman ay aayain na ako ni Sabrina na pumunta sa kanila, mukhang di matutuloy dahil sa mukhang busy ito, at napansin ko din madalas na ito masaya at bago iyon sa akin.
Sabagay ay mayaman ito ay marami ang pwede makapag papasaya sa kanya, while me? Ang makakapag pasaya sa akin ay matapos na ako sa pag aaral ko at makahanap ng magandang trabaho.
Buong klase ko ay yamot ako sa kakaantay na matapos na ang klase, gusto ko na umuwi, ang kaso sabi nga ni Adler ay may tutorial kami ngayon, kailangan ko din kasi yun kaya push lang kahit pagod.
Mga Ilang oras lang na pag aantay kay Adler ay dumating na ito, at bitbit ang bag nito, sa mga oras na ito ay okay lang na sabay kami na sumakay sa kotse dahil ganitong oras ay konti nalang mga students.
"I'm sorry if napag antay pa kita, kanina ka pa ba dito?" Tanong nito sa akin, di agad ako naka sagot dahil sa nakatitig ako dito, now I know bakit ganon ka baliw sa kanya ang mga babae sa campus.
"A-ahm.. di naman sa katunayan pa nga kakarating ko lang dito." Ang totoo talaga ay mga ilang minutes na ako dito nahiya lang ako na sabihin kay Adler.
Buong biyahe ay tahimik lamang ako, dahil sa katahimikan ay nag play ito ng music, nagulat pa ako na same kami ng favorite song. Ewan kapag may mga ganon ako na encounter like same kami ng favorites, nagiging madaldal ako, yung tipong walang preno ang bibig ko.
"Favorite mo din pala ang music na iyan? parehas tayo dahil paborito ko din ang kanta na ito." Masayang saad ko, Akala ko panga di ako sasagutin ni Adler sa aking tanong.
"Ahm.. actually yes, I'm a fan of this type ko music, I don't know kahit di naman ako broken or something favorite ko ang gantong klaseng kanta, siguro dahil na rin emotions na pinaparating ng kanta. And also I have one reason why I like this kind of music, and I'm not ready to share it to you." Sagot nito sa akin, habang nakatuon ang atensiyon sa pag maneho ng sasakyan.
Bago pa kami dumiretso sa condo niya at dumaan muna kami sa mini store na aming nadaanan, nahihiya pa ako dahil sa napaka mahal ng mga price ng mga inaalok niya sa akin, para naman daw while we are studying ay may snacks kami.
Mga mura na snacks lang sana ang kukunin ko ng pigilan ako nito, dahil sa maraming pwede naman daw na pagpilian huwag daw ako mag tipid dahil sa sagot naman daw niya ang mga drinks and snacks.
Nang matapos kami ay nakarating na kami sa condo, tulad ng unang dating ay mangha pa din ako sa ganda ng condo niya, Imagine bihira lang daw niya ito nagagamit dahil sa mayroon pa ito na bago.
Wow, samantalang ako? Mura lang ang apartment na afford ko, siguro kahit dalwang type ng apartment ko diko kayang ma afford. Suwerte nalang talaga ako at malaki ang bayad sa akin ni Adler, kung tutuusin pa nga daw sa dati niyang tutor ay mas double pa daw ang bayad.
"Upo ka, mag papalit lang ako saglit, then start na tayo." Saad nito sa akin bago umalis sa aking harapan.
Ang ginawa ko naman ay inayos ko na ang mga need na gamitin namin, and again napaka gwapo nito ng bumalik sa aking harapan, for today's video mga mare ay naka sando na white si Adler, di ko alam kung sinusubok ba ako ngayon at ganito ang ayos ngayon ni Adler.
Kahit naman na di ko naman tignan ay nakaka wala ng focus si Adler, ganito yung mga gusto ng mga babae, for inspiration ba? Para kapag down kana or nag breakdown kana, mabilis lang mawawala, syempre samapalin ka ba naman ng ano e, ah abs yun baka Iba iniisip niyo ah.
Gaganahan ka talaga ganito ba naman view mo, "Tara start na tayo,." Pag anyaya ko dito.
Ewan napaka suwerte ko at dalawang gwapo ang nakasama ko ngayon, una si Kasper, ngayon si Adler, napaka suwerte ko naman na babae ngayon pinagpala.
Ilang oras din kami nag aral ni Adler, di Ako nahihirapan na turuan siya dahil sa mabilis ito matuto at nakikinig talaga. Ang mga snacks naman namin ay malapit na namin maubos habang nag aaral. Sa sobrang pagod ko ay diko namalayan na nakatulog pala Ako.
Ang mga talukap ng aking mga mata ay unti-unting nag dilim dahil sa antok, naramdaman ko pa na my bumuhat sa akin, akala ko panaginip kaya hinayaan ko nalang. Sa sobrang pagod ay napasarap ang tulog ko.
Nag tataka pa Ako bakit naka lambot ng kama ko, at dahil doon ay na realize ko na wala ako sa apartment ko, napa balikwas ako ng bangon, nagulat pa ako ng nasa tabi ko si Adler at tulog din, although di naman ganon ito kalapit sa akin.
Ang sarap din ng tulog nito, siguro sa pagod din kaya nakatulog na din ito.
Baddie_Cutie8
*********************************************************