Chapter 2
Nang matapos ang aking trabaho ay umuwi ako non na masaya, siguro tama nga ang kasabihan na kapag naging mabuti ka sa kapwa mo maraming blessings na dadating saiyo.
Sa maliit ko na apartment ay napaka liit lamang ng espasiyo, kahit ganon ay may pwesto pa rin ako para sa aking study table ko, ang laptop na gamit ko ay lumang-luma na kaya minsan hirap ako na gawin ang mga assignments ko.
Gumagawa ako ng assignments ko ng may taong nag message sa aking account, akala ko bukas pa si Alder mag message sa akin, ganon ba kalala at di niya maintindihan ang subject na iyon? Tsaka Isa ito sa deans lister.
"Hi, this is Adler may place kaba kapag tuturuan mo na ako?" Tanong nito sa akin mula sa kanyang message. Agad ako na sumagot kay Adler, di kami kakasya dito napaka liit ng place ko, at isa pa napaka pangit.
"Wala e, kahit sa school nalang ayaw mo ba doon?" Tanong ko dito.
" No, ayoko ko don, I think sa condo ko nalang para mas tahimik kapag mag tuturo kana sa akin." Explain nito sa akin.
"Ahm.. Adler pwede ko ba I advance ang 15k? Bibili sana ako ng laptop medyo mabagal na kasi e." Nahihiyang saad ko dito, alam ko napaka kapal ng mukha ko, dahil sa di pa ako nag sisimula nag advance na agad ako.
"Sure, don't worry magkano ba budget mo sa laptop? Masiyadong mababa if tag 15k ang bibilhin mo." Sagot nito sa akin. Biglang nahiya ako sa sinabi nito, dahil sa balak ko pa nga ay second hand din ang bilhin ko.
"Ganito nalang bukas after class simulan mo na ako itutor." Sagot nito.
Doon natapos ang pag uusap namin ni Adler, napaka saya ko na blessing din pala si Adler para sakin. Big help para sa pag aaral ko.
Araw araw ay maaga ako nagigising dahil sa papasok na ako, mahirap kasi ang sumakay ng jeep dito sa amin. Kahit sa pag daan ko sa street ng apartment ko ay may mga bumabati sa akin.
Ang Ilan ay masaya na binabati ako pero may mga ilan din na umagang umaga ay nanglalait na sa aking appearance, dahil sa kulot ang aking buhok at morena ang kulay.
Ang iba kasi lowkey na nag bibiro pero di nila alam na masakit para sa akin iyon, Isa dahilan bakit I have insecurities sa aking appearance.
Muntik pa ako ma late sa class ko dahil sa napaka traffic, working hours Kasi, kaya normally na traffic talaga. Malungkot na pumasok dahil wala man lang ako makausap dito sa school na ito kundi si Sabrina.
Si Sabrina kasi ay may mga kaibigan din na iilan, while me wala dahil sa takot na baka pati sila ay ma bully ng mga students dito. Tuwing nakikita ko ang mga bully ay nag papalit nalang ako ng direction para umiwas nalang din sa gulo.
Sa aking pag lalakad ay nakita ko si Kasper, at Adler mag kakasama sila na magtropa nag uusap, dumaan ako ng tahimik dahil sa nahihiya ako sa kanila, kahit na nakakausap ko naman ang dalawa.
Bago pa ako lumagpas ay nakita ko ang sabay na pagtingin ng dalawa sa akin, weird pero I assumed na baka may something ang pag tingin ni Kasper sa akin.
Sa aking sarili ay napaka assuming ko, kahit na una palang ay alam ko na di ako nito magugustuhan, dahil sa estado ko. Gwapo ito samantalang ako ay isang babaeng wala man lang ayos sa sarili.
Nang maka alis na ako doon ay nakita ko naman na naka upo sa malayo si Sabrina, akala ko ay late na ako wala pala ang professor ko sa unang class ko.
"Huy!! Wala ka ring first class?" Masayang bati ko dito.
"Oo wala rin ako e, baka may meeting ang mga professor, halos lahat wala e." Explain ni Sabrina sa akin, sa totoo lang mukha lang na nerd si Sabrina dahil sa kung paano ito manamit.
Pero galing din ito sa mayaman na pamilya, kaya kahit ganon ay medyo nahihiya pa rin ako dito.
"Gusto mo mag coffee muna tayo, libre ko? Tutal ikaw lang naman nakakausap ko madalas na siyempre, mayroon man ako kaibigan na ilan pero tingin ko ay kaibigan lang nila ako kapag may kailangan sila." Saad nito sa akin.
Pumayag ako na sumama dito, kahit ganon ay di naman ako kinabahan sa pera dahil malaki ang mayroon ako ngayon, nahihiya pa nga ako na malaman na mahal pala ang binili nito.
Yung price non ay parang pang two days ko na pang lunch yun e, pero wala lang iyon kay Sabrina. Akala pa namin ay first class lang ang wala kami, all class no prof kami.
Sa aming pag lalakad ay nag vibrate ang aking lumang cellphone, one new message from Adler.
"Free kana ba?" Message nito sa akin. Nakakahiya man kay Sabrina ay nag paalam na ako na I have work pa kasi, walang problema naman daw sa kanya iyon, nag aya pa ito na pumunta ako sa bahay nila.
Pumayag naman ako na pumunta ang kaso bukas nalang, dahil need ko na asikasuhin si Adler.
Nang makarating ako sa parking lot ng school ay nakita ko na naka sandal si Adler sa kanyang magarang sasakyan. Akala ko talaga ay may pag ka loko loko ito, di naman pala totoo ang kasabihan na kapag di mo pa lubos kilala ang isang tao ay kusa mo na malalaman na ganon pala ang tunay ugali ng isang tao.
"Hi, I'm sorry na late ako nag coffee pa kasi ako." Nahihiya na paghingi ko ng paumanhin dito dahil sa na late ako ng ilang minutes.
"No worries, doon tayo sa condo ko, Tara sakay kana." Napaka gentle naman pala ni Adler when it comes sa babae.
Nang makarating kami doon ay mangha ako sa ganda nito at laki, humingi pa nga ito ng paumanhin dahil sa magulo daw, pero parang di naman magulo at madumi.
Sa laki ng place ni Adler ay kasiya ang Isang pamilya dito, kahit ganito lang ay okay na sa akin, pinangako ko na kapag may sarili na akong trabaho na successful ay bibili ako ng sarili ko.
"Tara pasok, antayin mo nalang ako, upo ka muna sa couch." Saad nito sa akin.
Naka upo lang ako sa couch, nag mamasid sa buong paligid, bawat gamit ay nag susumigaw sa sobrang mahal ng price. Kaya pala kayang kaya ako nito bayaran ng malaki.
Nag tanong ako kay Adler kung nasaan ang kanyang mga gamit, lumabas ito na naka topless lang naiilang ako sa view na aking nakikita dahil sa parang normal lang ito kay Adler.
"Ah wait lalabas ko, sandali lang mag bibihis lang ako ng damit." Paalam nito sa akin. Bukod lang pala sa gwapo rin ito si Adler ay napaka ganda rin ng katawan.
Nang matapos ito ay naka sando lang ito kaya medyo naiilang pa rin ako sa nakikita ko, pinilit ko na huwag nalang pansinin dahil mawawala lamang ako sa focus kapag pinansin ko pa iyon.
Nilabas nito ang mga gamit niya nag tataka naman ako bakit dalawa ang laptop na nilabas nito, dahil isa lang naman ang kailangan namin sa session namin ngayon.
"Ahm.. bakit dalawa iyang laptop na nilabas mo? Kahit Isa lang okay lang naman..." Mahinang saad ko dito.
Tumingin muna ito sa akin ng tanungin ko ito para saan ang isa pa, at isa pa ay mabait naman pala ito si Adler siguro naging ganon lang ang unang impression ko sa kanya ay dahil sa mga kaibigan nilang iba na mukhang tarantado.
"Ah.. ito? Para sa iyo talaga ito, tutal ay diko naman na nagagamit, don't worry may ibabayad parin naman ako sayo baka isipin mo binebenta ko sayo." Saad nito sa akin. Nagulat naman ako dahil sa brand ng laptop na binibigay niya ay napaka mahal non.
Kahit ata mag trabaho ako ng Isang tao na straight diko mabibili iyon sa sobrang mahal ng presyo non.
"Wait? Totoo ba? Baka joke time lang ito ah?" Di makapaniwala na saad ko dito, baka kasi joke lang at baka nag aassume lang ako na ibinibigay niya talaga iyon sa akin.
"No.. sa iyo na talaga iyan, don't worry diko babawiin yan.." paliwanag nito sakin. Inabot nito sa akin ang laptop, kumpleto na iyon may charger pa na kasama.
Ganon pala kaingat sa gamit si Adler dahil sa hanggang ngayon ay may mga gamit pa ito na pwede pa magamit. Tinanggap ko naiyon dahil sa kailangan ko talaga iyon.
Nag simula kami sa aming session, sa aking napansin ay napaka dali matuto ni Adler sa mga tinuturo ko, mukhang di naman ganon ka hirap ito sa pinapaturo niya sa akin.
"Di ka naman nahihirapan e, niloloko mo lang ata ako na hirap ka sa subject na ito e.." biro ko dito, Ewan bakit sa klase ng pag sasalita ko ay parang close na kami, I don't know basta pakiramdam ko ay komportable ako kay Adler na kausap ito.
"Ahm.. no promised medyo nahihirapan ako sa subject na iyan, sadyang magaling ka lang magturo, tama ang na recommend sa akin ng professor ko na magaling ka." Paliwanag nito sa akin, dahil sa iniisip ko na baka trip lang ako nito.
Now I know bakit maraming babae din ang naghahabol kay Adler, dahil sa bukod na gwapo ay napaka bait din pala nito at matulungin, bonus na din na matalino ito, ganito ang ideal ng bawat babae.
Swerte ng magiging girlfriend nito dahil sa mukhang responsible boyfriend ito, Napaka ideal niya. Nang matapos na kami ay pumasok ito saglit sa kwarto niya, may kinuha ito iyon pala ay ang bayad nito.
Naka cash na iyon kaya kita ko kung ganon ka kapal ang pera na ibabayad ni Adler, inabot nito sa akin ang bayad niya naka ngiti ito sa akin ng iabot niya iyon, napaka gwapo sa tuwing ngumingiti.
"Ginawa ko na 20k yan dahil magaling ka mag tutor sa akin, next time uli kapag may message ako na need ko mag paturo.." abot nito sa akin, hulog ng langit talaga sa akin si Adler dahil sa may tip pa ito sa akin.
"Hala totoo ba? Thank you may pang bayad na ako.." masayang sagot ko dito. Naka tingin ito sakin na nakangiti.
"Hatid na kita saan kaba nakatira?" Presinta nito sa akin na ihatid ako sa aking maliit na apartment. Tatanggi pa sana ako pero pursigido pa rin ito na ihatid ako.
Kahit na ayoko na ihatid ako nito ay hinatak na ako nito na sumakay sa kotse niya, nakaupo ako at hawak ang bigay na laptop niya. Saglit lang ang biyahe dahil sa di naman na traffic.
Tinuro ko kung saan banda ang aking apartment, akala panga nito ay tinuturo ko ang lugar na iyon para doon ako ibaba nito ako, Sabi kasi nito sa akin ay napaka delikado ng lugar ng aking apartment.
" Dito ba talaga apartment mo? Mukhang delikado dito ah?" Sagot nito sa akin.
" Ah.. Hindi sanay na ako dito, mababait naman sila dito." Sagot ko dito. Pag baba ko palang ay ang mga tambay na sumigaw at binati ako. ang mga ito naman ay mababait pero kapag wala sa mood ay minsan di nakakatuwa ang mga sinasabi.
Di pa sana aalis si Adler kung di pa ako makikita na papasok sa loob, di ko na ito pinatulog dahil sa nahihiya ako sa liit ng apartment ko. Diko alam bakit napapaisip ako bakit ganon ang trato sa akin ni Adler?
Ayoko bigyan ng meaning pero bakit ganon? Una yung laptop na binigay niya sa akin, pangalawa yung bayad niya sa akin may tip pa? At hinatid pa talaga ako sa apartment ko.
Sinawalang bahala ko iyon at gumawa nalang ng ilang mga activities ko, nag message naman sa akin si Kasper na papatulong din sana ito sa Isang subject niya. Diko iyon tinanggihan dahil sa malaki din ang naitulong nito sa akin.
"Hi, papatulong sana ako bukas doon tayo sa di masiyadong pinupuntahan ng mga students.. after break.. thank you" saad nito sa kanyang message.
Maaga ako na gumising tulad ng lagi ko ginagawa, papasok sa school at nag lalakad ng mag isa dahil si Sabrina lang naman madalas kausap ko dito.
Ewan bakit mula kahapon ay wala ang mga bully ko, at di ako ginulo nakaka pagtaka anong meron nag bago naba sila? Baka nag sawa na sa ginagawa nila.
Sabay kami ni Sabrina na pumasok sa klase namin, ng makapasok kami ay tila napaka saya nito, diko alam bakit masaya ito.
Habang ako ay iniisip na anong meron at bakit parang may iba at nabago, ang mga dating tumitingin sa akin na parang hinuhusgahan ay di na ako pinapansin.
Author notes
Enjoy reading mga bb, vote and follow na rin para sa mga walang jowa ay magkaroon na, and di mag vote magiging single habang buhay char..
Baddie_Cutie8
*********************************************************