Chapter 4

Nang magising ako ay wala na sa aking tabi si Adler, hinanap ng aking mga mata kung nasaan si Adler, nang di ko ito mahanap ay tumayo na agad ako nataranta pa ako noong una, dahil sa nakakahiya at dito pa ako naka tulog.

Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang bumukas ang door, naka pants ang lalaki at naka ngiti ito sa akin, " Good morning gising kana pala, sorry di na kita ginising sarap kasi ng tulog mo." Saad nito sa akin.

Dahil doon ay tinubuan ako ng hiya dahil sa sinaad nito sa akin, napahawak tuloy ako sa aking bibig kung may panis na laway ba na nabuo. Tumawa naman si Adler sa aking ginawa.

"Don't worry wala naman panis na laway, kung iyon ang ikinababahala mo." Saad nito sa akin, ngumiti nalang ako dahil sa nahihiya ako, dapat pag katapos ko palang sa tutor time naka uwi na ako, sa sobrang pagod ay di ko na kinaya.

"Pasensiya kana.. pagod na pagod na kasi ako kahapon.." nahihiyang saad ko dito. Tumango naman sa akin si Adler upang ipakita na walang problema at okay lamang din sa kanya iyon.

Inaya pa ako nito na mag breakfast, tatanggihan ko sana ang aloj ni Adler, kaso mapilit ang lalaki, Wala na akong nagawa kundi ang mag breakfast don. Laking pasasalamat ko na rin iyon dahil sa naka tipid pa ako sa breakfast.

Paalis na ako ng tawagin ako muli ni Adler, " wait Mia ito ang bayad ko para sa pag turo mo sa akin." Sabay abot nito sa akin, Ewan di ko naman tipo ang tulad ni Adler pero bakit ang weird ng pakiramdam ko pag nakikita ko siya.

Nahihiya pa ako ng abutin ko ang pera sa kanya, ng makuha ko na ang pera ay umalis na ako doon, nalimutan ko din kasi na umuwi sa bahay ko. Di kasi ako sanay na walang tao sa apartment ko kahit mga ilang oras o araw pang.

Kahit sa pag alis ko ay nahihiya pa rin ako, mabuti nalang at wala akong panis na laway. Nang makarating ako sa aking apartment ay napa higa nalang ako sa maliit ko na kama. Pakiramdam ko ay dala ko pa din ang pagod mula kahapon.

Diko din maiwasan na malungkot na yung iba may mga magulang na gumagastos sa kanilang pag-aaral, while me araw-araw pagod para lang may pang gastos. diko din maiwasan na tanungin ang sarili ko bakit sa dami ng mawalan ng magulang ako pa? Maraming iba diyan na masamang tao pero ako pa ang napili.

Hanggang ngayon sa tuwing iniisip ko na naiwan ako mag isa ay naiiyak pa rin ako. Maraming di naniniwala sa akin na kaya ko mag tagpos kaya, dapat mag tiyaga ako dahil isasampal ko sa kanila ang diploma ko.

I'm busy in my school work, dahil sa di ko iyon nagawa na dapat kagabi pa tapos, sarap kasi ng tulog ko kaya di ko nagawa. Sa aking pag susulat ay nakatanggap ako ng message from Sabrina.

"Hey, what's up? Free ka now?" Tanong nito sa akin mula sa mensahe. I'm curious at bakit ito napa tanong ngayon sa akin na free ba ako.

"Yeah, why?" Sagot ko dito, agad naman na sumagot sa akin si Sabrina. Siguro ay bored ito kaya napa message ito sa akin.

Ayon kay Sabrina ay pumunta ako sa address na kanyang binigay soon niya daw ako susunduin, nag pahinga muna ako saglit since I'm tired sa mga nagawa ko ngayon. Nang makapag pahinga ng ako ng sapat ay umalis na ako, simpleng crop plain lang at pants ang aking suot.

Ganito talaga ako pumorma, napaka simple lang, ayoko naman ng masiyadong mahal ang presyo at agaw pansin dahil sa hindi nga naman daw bagay sa tulad kong cheap. At isa din na reason ay wala naman akong malaking pera, sadyang ngayon lang dahil sa extra ko kay Adler.

Nang makarating ako ay 10mins lang ako doon nag antay, nagulat pa nga ako na may sasakyan na itim ang huminto sa aking harapan, akala ko ma ho-hold-up naman ako uli. Naka hinga ako ng maayos na makita ko na si Sabrina ang sakay non.

"Hi, tara sakay kana kanina ka pa ba diyan? I'm so sorry napaka traffic kasi sa nadaanan namin ni manang." Pag hingi nito sa akin ng pasensiya, although okay lang naman 10mis lang naman iyon.

Sumakay na ako sa tabi ni Sabrina, diko maiwasan na ma mangha sa ganda ng kotse na gamit niya ngayon, napaka gara nito at halatang di ko kaya kaya bilhin.

"Anong meron at nag aya ka ngayon ha??" Pag bibiro ko dito. Ngamiti naman sa akin si Sabrina, Ewan ko ba sa babae na ito at napaka saya nitong nag daan na linggo.

"Ikaw ah Inlove ka no?" Panunukso ko dito, di ito sumagot it's means true nga ang hula ko. Dahil don ay nahampas ko ito sa braso sakto lang naman ang lakas kaya medyo kinabahan ako, Nakita ni manong yun baka isumbong ako sa daddy/mommy nito.

Na realize ko na mali ang ginawa ko kaya sandali ako na natahimik, agad naman ako na inalo ni Sabrina na it's okay lang naman sanay naman na daw ito.

"Siguro naman di mag susumbong si manong sa parents mo? Sorry talaga" bulong ko dito, ngunit tinawanan lamang ako nito sa aking sinabi.

"Ano ka ba kasama ko sa kalokohan ko yang si manong, don't worry natatakot ka naman masiyado easy lang." Saad nito, nagulat pa ako na close pala sila nito ni manong parang partners on crime nga daw sila nito kapag may gusto itong gawin, like tatakas or mag dadahilan ito para sa kanya bakit siya na late ng uwi.

Nang makarating kami sa bahay nila ay parang ayoko nalang tumuloy, mag bantay nalang ako ng kotse. Di kasi bagay ang tulad ko sa ganitong bahay. Pinapa-pasok ako ni Sabrina dahil sa nahalata nito na nahihiya ako na pumasok.

Sa sobrang pag ka lutang ko ay inalis ko ang sandals na suot ko. Dahil sa ginawa ko ay nag tawanan si manong at Sabrina. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko ngayon.

Habang nagtatawanan kami ay may lalaki naman na bumaba mula sa taas, naka topless lang ito, kung si Alder ay maganda ang katawan doble naman ang ganda ng story nito.

"Hi kuya Luke good afternoon tapos kana sa work mo? I mean work out?" Tanong ni Sabrina tumango lamang ang kuya ni Sabrina, ito naman kuya ni Sabrina ay yung tipo na napaka tahimik nito.

Kaya pala pawisan e galing sa work out kung pwede lang maging dumbbell mag vo-volunter pa ako, tulala ako lalo ng lumapit ito sa kapatid niya at pinupunasan ang pawis nito.

"Who is she? New friend tapos iiwan ka din?" Masungit na saad nito kay Sabrina, ouch ah di ko naman iiwan itong kapatid mo. Pero baka Ikaw Iwan moko mag Isa pag na fall ako. Hay nako corny na ng joke ko.

"Hi, I'm Mia new friend po ni Sabrina, don't worry di ko po iyon gagawin." Saad ko dito. Nagulat pa ako ng konti ng maglahad ito ng kamay sa akin. Nang abutin ko iyon ay nahiya pa dahil sa ewan ang weird Kasi ng pakiramdam ko ngayon.

"Nako kuya Luke Iwan kana namin tinatakot mo naman si Mia e." Saad ni Sabrina dito. umakyat kami sa pangalawang palapag ng building kung gaano kaganda ang loob ng baba ay ma maganda naman ang taas, feel ko bumalik ako sa panahon ng mga unang panahon napaka unique ng kulay at ng pag disenyo ng bahay nila.

Pag pasok namin ng kwarto niya ay manghang-mangha ako sa ganda at napaka ayos non. Expect ko na medyo makalat dahil parang spoiled brat din itong si Sabrina.

But I was wrong ang linis at napaka organized ng mga gamit niya. Ang mga decorations ay napaka ganda at iniisa-isa ko iyon ng makita ko ang picture ni Kasper, hinawakan ko iyon dahil sa curious at bakit mayroon siya na ganon.

"Ahmm.. friend ng kuya ko si Kasper, Ewan bakit andito ang picture na ito na mali ata si manang sa pinag lagyan." Kinakabahan na palusot ni Sabrina sa akin.

Something weird ang nararamdaman ko kay Sabrina, di ko maintindihan bakit ganito siya ka taranta na mag explain sa akin anong meron?

Enjoy reading mga bb, please follow me to always updated ka sa mga books ko. Please vote na din.

Baddi_Cutie8

*********************************************************