Chapter 11

Nang inaayusan na ako ay panay ang pikit ko, dahil sa di pa rin ako gaano ka sanay sa mga make up.

Tulad nga ng request ni Sabrina, maganda ang final look, natural itong tingnan sa akin, kaya naman nagustuhan ko ang ginawa nila sa akin.

Di pa ako makapaniwala sa itsura ko, naka tulala sa malaking mirror minamasdan ang maganda kong mukha.

Humarap ako sa ka nila upang ipakita ang final look ko, habang suot ang pulang dress.

"Ahh.. Napaka ganda mo Mia, nakikita ko na talaga ang future sister in law ko ngayon palang, at ako ang bridesmaid mo ah.." hirit niyo sa akin.

Diko pa iniisip sa ngayon ah ganon bagay, baka kasi masyadong iniisip o pinaplano ang isang bagay sabi nila di daw mangyayari iyon.

" bagay ba sa akin? Di ba masyadong bongga ang itsura ko para sa unang dinner date namin ng kuya mo?" nahihiyang tanong ko kay Sab.

"Ano pinagsasabi mo okay lang kung tutuusin pa nga pwede pa maging bongga ang look mo now e, but I know na ayaw mo ng masyadong bongga kaya i request a natural look." naka ngiting saad sa akin ni Sab.

Umalis kami sa salon na iyon, nahiya pa ako na lumabas dahil mostly ang mga nakaka salubong namin ay napapalingon sa akin.

Dahil tuloy doon ay napapayuko ako ng ulo sa hiya." Hoy, chin up girl ganda mo tapos itatago mo lang?" pag bibigay lakas loob sa akin ni Sabrina.

Sakto ng matapos kami ni Sabrina sa lahat, 5:00 pm ng maka uwi na ako, nag insist pa sakin si Sab na ihatid ako, pero tumanggi ako dahil ang usapan namin ng kuya niya ay susunduin ako nito.

Pag baba ko agad ng sasakyan ni Sab, ay siyang itong nag sipag tinginan sa akin ng mga tao sa labas, "Oh.. Ganda mo ata ngayon Mia, sanang lakad mo? Mukhang naka dali ng big time ah??" biro sa akin ng isang kapitbahay namin na babae.

"Ah ganon po ba sige po salamat..." awkward na sagot ko dito, ewab I find it na nakaka offend iyon sa part ko, naka dali ng big time? Anong akala nila sa akin whore?

Ni minsan hindi ako umuwi ng apartment ko na may kasamang lalaki at maiksi ang short, hindi ba porke nag ayos ay naka dali na agad? Di ba pwedeng para din sa sarili ko ang ginagawa ko?

"Medyo rude mga neighbours mo ah, kunwari pa di na lang diretsuhin anong point nila." Inis na maktol sa akin ni Sab.

Marahan ko na lang na tinapik ang balikat nito upang, kumalma na ito sa inis kahit sino naman kasi maiinis o maiinsulto sa way ng pag bati nila sa akin. Lalo lang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

" Sure ka ba na aantayin mo na lang dito sa inyo si Kuya Luke?" nag aalangan na tanong sa akin ni Sabrina.

"Oum.. Ayun na kasi ang usapan namin, tsaka baka later andito na yun, baka magka salisian pa kami kung sakaling mauna ako diba." sagot ko dito.

"Okay, I'm going na ah.. Baka nagalit si kuya sa akin na nangialam na naman daw ako sa inyo, nako kung alam lang ni kuya na I'm very supportive sister niya." natatawang biro nito, nag paalam na ito sa akin na aalis na, at may pahabol pa na sigaw mula sa labas.

" Go bitch galingan mo, okay lang yan marami lang talaga insecure na tao." I don't know if sarcastic ba yun o talaga sinasadya niya talaga na sabihin.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Sab, mabuti at hindi siya naintindihan ng mga neighbours ko.

Ilang minutes lang ng maka alis si Sab ay dumating naman si Luke, naka gray na polo ito at ang pants na suot ay tama ang pag ka partner.

Ang gwapo ngayon ni Luke, although gwapo naman talaga ito kahit di naka ayos, may hawak pa itong red roses.

Agad itong lumapit sa akin at inabot sa akin ang mga rose, nagulat pa ako ng dampihan ng halik ni Luke ang aking palad.

Sa totoo lang nakaka kilig iyon, napaka gentleman kung iisipin, noon pangarap ko na may gagawa sa akin non, pero ngayon dream come true nasa harap ko si Luke at napaka romantic ng dating sa aking harapan.

"Hi, you look beautiful tonight, oh sorry always ka naman pretty, do you like roses? I don't know kasi what kind of flower do you like, kaya nag baka sakali ako na baka gusto mo ang rose." saad nito habang nag kakamot sa ka yang batok.

"Its okay I like it nga e, thank you for making me happy tonight." naka ngiti kong saad dito.

Inalalayan pa ako nito ng sumakay ako sa sasakyan nito, hanggang sa kotse ay napaka bongga pa rin, parehas silang mag kapatid.

Di pwedeng mahuli pag dating sa porma.

" I'm sorry ngayon lang ako nakarating, dapat kanina pa na traffic kasi ako. Nag antay ka ba ng matagal?" tanong sa akin ni Luke.

"Ahm.. No naman katatapos lang din naman, sakto lang ang pag dating mo." habang nasa biyahe kami ay panay ang kwento sa akin sa naging araw niya, naka titig ako dito habang nagkukwento ito sa akin.

Tila akala mo ay mag nobya at nobyo kami habang nagkukwento ito sa akin, now I realize na masayahing tao itong si Luke, ang nakikita kasi nila kay luke strict boss, but my soft side ito pag dating sa iba. Maybe seryoso lang talaga ito when it come work ang pinag uusapan.

"Were here.. Wait me okay, huwag ka munang baba okay?" Saad nito at mabilis na tumungo sa side ko.

"Wait ano bang meron? Anong gagawin mo?" nalilito kong saad kay luke.

"Basta surprised nga diba.." natatawang sagot nito sa akin, tama nga naman may point surprise nga diba.

Nang makalapit ito sa akin ay tinakpan nito ang aking mga mata.

"Baka madapa ako ah... Umayos ka luke.." saad ko dito, mabagal lang ang lakad namin dahil sa natatakot ako na madapa.

Nang sa tingin ko ay nandoon na kami ay huminto kami, iniwan ako nito, sinabihan ako na huwag muna tanggalin ang panyo sa aking mga mata.

Naging tahimik ang paligid bigla na bagay na kinabahala ko, what if iniwan nila ako dito?

May lumapit sa akin ay tinanggal nito ang takip sa aking mata.

Napaka ganda ng paligid, puno ng magagandang ilaw ang paligid. Nang luminaw na ang aking paningin ay natagpuan ko na nasa table si Luke at inaantay ako.

Kada lakad ko ay may nag aabot ng mga rose sa akin, mabuti na lang at nasa kotse ni Luke ang unang binigay niya sa akin.

Isa-isa ko iyon tinanggap, habang palapit kay Luke.

"Maraming salamat.." bati ko sa mga nag aabot sa akin.

Nang maka lapit ako ay Inalalayan ako ni Luke na paupuiin sa aking upuan. Nahihiya pa ako dahil solo lang namin ang baba ng place, although sa taas ay di nila kami nakikita dahil sa tinted glass ang mga salamin.

Iisipin mo talaga na akala mo may audience kayo sa date niyo.

"I hope you like it.." saad ni Luke habang nakatitig sa aking mga mata.

"Yes, i really like it Luke" sagot ko kay luke.

Nag uusap kami ni Luke ng dumating ang mga foods namin, nakakalula ang mga inahin sa aming harapan.

Parang mahihiya pa tiyan ko na kainin dahil sa mahal ng price ng order na food.

Mas na gulat pa ako na mayroong mga Street food, I like street foods dahil nakasanayan ko na din iyon.

Para sa akin napaka memorable nito sa akin, hindi lang basta dinner date dahil ang iba niyan do nila gugustuhin na may Street food sa harapan nila.

"Kumakain ka ba ng mga ito?" Tanong ko dito habang hawak ang isaw.

"A-ahm... I want to be honest with you, actually no, but i will try maybe magustuhan ko diba?" mahinang saad nito sa akin. Okay lang naman sa akin kung hindi ito kakain ng Street foods dahil baka di niya iyon magustuhan.

"So.. Bakit meron nito?"

"I'm trying to impress you..?"

He really did that para sa akin, kahit na di siya sigurado na kaya niya ba kumain non, di ko naman siya pipilitin kung di talaga.

Nagulat pa ako na kumuha ito ng dugo, siguro akala nito black na tofu lang iyong dugo.

"Alam mo ba kung anong tawag diyan?" tanong ko dito, base sa itsura ni Luke ay di nito alam kung ano nga ba iyon.

"No.. Maybe black tofu.? Sagot nito na nalilito kung tama ba ang isinagot niya sa akin.

" What? Black tofu? Di mo ba talaga alam baka pinapatawa mo lang ako ah? " natatawang saad ko dito.

Umiiling ito kaya medyo na tawa talaga ako sa kanya, kumain muna ito ng kaunti kung magugustuhan ba niya.

Nasarapan ito ng ngumuya na ito, naisip ko na i reveal ko na ano nga ba tawag doon.

" We called that Dugo, not black tofu okay... " pag explain ko dito. Kaya naman nabitawan agad ni luke ang hawak na dugo.

"R-really? As in blood? What kind of blood ba? Human or animal?" gulat na tanong nito sa akin.

Sa pangalawang pagkakataon ay napa saya muli ako ni Luke.

"Sira, walang binebenta na dugo ng tao at kinakain, illegal yun ah tsaka kung ganun di ako kakain iww..." sagot ko dito.

"Blood ng animal yan like pig ganon, masarap right? Don't worry safe yan baka iniisip mo hindi e."

Sunod na pinatikim ko ay ang isaw. Tuwang-tuwang ito dahil daw zigzag ito. Ewan I find it na sobrang funny ng ka date ko for tonight.

"Anong zigzag, intestine yan ng chicken, try it masarap yan favorite ko yan actually" tinikman din ni Luke ang isaw sakto lang daw ang lasa.

Buong pagkain namin ay di na bigo si luke na patawanin ako sa mga hula niya ano ba ang kinakain niya.

Akala ko tapos na kami ng tumayo ito at may isinuot sa akin na necklace.

Napatingin ako doon dahil ang ganda ng binigay niya sa akin. Butterfly ang pendant non.

"This dove make me remember you always, para kahit saan man ako magpunta alam ko kung saan ako babalik sa safezone ko ang tahanan ko." Saad nito habang nakatitig sa aking mga mata.

Nakaluhod ito sa akin habang sinasabi iyon, ang mga luha ko ay unting-unting pumapatak sa tuwa.

Di pa doon natapos ang surprise sa akin ni Luke, may kahon na bitbit ang lalaki ang cute ng pag kabalot non.

"Open it my love... I know na masyado akong mabilis, ngayon nahanap ko na ang totoong tahanan ko at pahingaan ko, di ko na palalampasin pa."

Tinanggap ko iyon na gulat pa ako ng gumalaw ang loon non na tila may buhay sa loon ng box na iyon.

"W-wait baka snake to ah??" kinakabahan na saad ko kay Luke.

"No.. Open it I know you really want that gift." binuksan ko iyon at puting rabbit ang lumantad sa aking harapan.

I really like bunny, marami akong stuff toys na rabbit dahil pangarap ko talaga na magkaroon, dahil sa kapos sa budget ay di ko magawa na makabili na sarili ko.

"Agad ko na binuhat ang rabbit na puti at pinangalanan na Snowie dahil sa napaka puti nito.

" T-thank you for making me so much happy Luke." saad ko at lumapit ako dito at bahagyang hinalikan sa cheeks ang lalaki.

Di agad nag process kay Luke ang ginawa ko kaya pareho kaming naka ngiti ngayon sa isa't isa.

I'm so happy dahil mostly talaga dogs or cats ang binibigay ng iba, naging masuri sa paligid ng aking apartment si Luke kaya alam niya na I love rabbits.

Diko alam gaano ako kasaya na I have rabbit na pwedeng kong alagaan na akin talaga.

"Alagaan mo siya ah? May pangalan kana ba sa kanya?" tanong sa akin ni Luke.

Tumango at sinabing, " Yes, Snowie ang name niya. And we are the parents of Snowie now!!" maluhang luha kong saad kay Luke.

Nasa kotse na kami at buhat ko ang aking rabbit, dapat nga daw dalawa ito, ang kaso busy pa ako baka di ko kayanin kapag dalawa ang aalagaan ko.

"Maybe kapag di kana busy, we can buy a partner ni Snowie. Is it okay to you?" Saad sa akin ni Luke habang naka tuon ang atensyon sa daanan.

Naisip ko din ngayon na maalagaan ko ba ng maayos itong rabbit? Lalo na I'm a college student. Maybe my neighbour can help me kapag may pasok ako.

Pumayag naman si Luke sa aking rekomendasyon. Na pareho naming sinang ayunan.

"Parang mag boyfriend at girlfriend na tayo nito ah?" biro ko kay Luke, mahina na tumawa sa aking sinabi si luke.

Kung kanina sa amin ni Sab ay may mga neighbours na naka abang ngayon naman ay meron par rin, "Oh.. Mia boyfriend mo?" sabay na tanong nila sa akin.

"Ahmm.. H-hi.." di ko na na tuloy ang aking sasabihin na sa aking kausap, dahil agad na sumingit si Luke.

"Yes, po I'm his boyfriend po.." magalang na sagot ni Luke sa kausap.

Nagulat pa ako sa sinaad ni Luke na boyfriend ko na daw soya, masyadong komlinyansa ang kuya ni Sab ah.

Akala ko mapapa-away si Luke, at mabuti naging maayos ang pag uusap, naka inom kasi ang mga ito kaya ganun na lang ang takot at kaba ko kanina.

Nakaka gulat pa na may dalang liter si Luke ng bumalik ito galing sa kanyang kotse.

Kumpleto iyon may mga pagkain na, di naman ata masiyadong pinaghandaan ito ni Luke ano?

Nag paalam na sa akin si Luke na aalis na ito, naiwan ako na kasama ang rabbit ko. Parang baby ko na ito kung asikasuhin.

Ni ayaw ko nga maalis sa aking paningin, siguro medyo naninibago pa sa paligid si Snowie kaya medyo ilap pa sa tao.

Inaayos ko ang gamit ni Snowie ng mag text sa akin si Adler.

Author's Note:

I know yung iba baka di ito tapusin, dahil iniisip na baka tragic love give a try this na basahin hanggang ma complete promised maganda to maraming mga magagandang pangyayari, and for those na readers ko don't spoil others in review section, lalo na sa mga makakatapos nito, hayaan natin na ma discover nila what really happened bakit ganun ang title.

Ika nga ng kasabihan "Don't judge the book by it's cover. ;))

Baddie_Cutie8

*********************************************************