Chapter 10

Nang makabalik na ako sa classroom ko ay nakita ko na naka upo si Sabrina, kung kanina ay naka ngiti ito ay, ngayon naman naka simangot ito na akala mo may malaking problem na kinakaharap.

"Oh, kanina masaya ka pa ah? Napano ka naman at natahimik ka ata bigla?" pag tatanong ko dito.

"Si Kasper kasi e, nakaka Inis, alam na may pinagseselosan ako, di pa niya rin iniiwasan yung babae na yun." pag mamaktol ni Sabrina sa akin.

"Natural na baka ganon lang talaga si Kasper, parang di mo naman alam na kilala si Kasper dito sa paaralan natin." Saad ko.

" Ay di ko alam pala ang bagong meaning ng natural ay yung may pa yakap pa sa braso ng boyfriend ko?" tinaasan ako ng kilay ni Sabrina.

" Ay ibang natural na nga iyon, dapat hinablot mo yung buhok wala ng intro-intro hablot agad." biro ko kay Sabrina.

Niyakap ko ito bilang pag comfort kay Sabrina, kasama talaga sa relationship minsan ang pag aaway, pero di na normal kapag napa dalas na.

"Huwag mo na iyakan yun hinahanap ka nga ata ni Kasper kasi naka sabay ko kanina lang sa pag lakad."

Nag simula kami sa klase na maga ang mata ni Sabrina, ang mga professor namin ay napahinto kapag napansin na may iba kay Sabrina.

Kung ano-anu na lang dahilan ni Sabrina sa professor namin, una masakit ang tiyan, pangalawa ay masakit ang tiyan niy, at ang pangatlo ay mayroon daw siya at masakit ang puson.

Sa pangatlong dahilan niya ay pinalabas muna siya para papuntahin sa clinic.

Nag panic pa si Sabrina ng palabasin siya, naniwala kasi ang professor namin na masakit ang puson niya.

Dahil sa pinalabas siya ay tinawanan ko ito, saktong pag harap ng guro namin ay nakita na tinatawanan ko si Sabrina.

"Ms. VillaMonte baka gusto mo samahan si Ms. Saavedra? Hmm.." Tanong sa akin ng professor namin.

"No problem Ma'am." Magalang na sagot ko dito.

Ako naman ang naka simangot ng makalabas din ako, naka abang pa sa gilid ng room namin si Sabrina.

"Oh, ano ka ngayon tawa-tawa ka pa kanina ah..."pang aasar niyo sa akin.

"Eh kung bumalik kaya ako sa room at sabihin ko sa Prof natin na arte mo lang yang, Sir masakit po puson ko..." pag bibiro ko dito.

"Di ka naman mabiro, ayaw mo non kasama moko sa clinic." Saad nito sabay kindat sa akin.

Kahit kailan talaga itong si Sabrina napaka ma loko, dinaan lang yung clinic, dumiretso sa canteen paano kung tanungn ng professor namin kung talaga bang pumunta siya doon?

" Hoy babae di ito clinic, canteen to tanga ka.."

"Come on di kana elementary, acting nga lang diba tsaka gutom na din kasi ako, ano gusto mo libre kita?" tanong nito sa akin at kinikindatan pa ako.

Ano paba choice ko? Andito na kami babalik pa ba kami, mga freshmen palang pero napaka loko pa din, lagot talaga kami pag nalaman na dito kami dumiretsong dalawa.

" Oo nga pala bukas kayo lalabas ni kuya diba? Himala free ang schedule ni kuya sa Saturday, mostly kasi busy day pa rin niya iyon.

" Totoo ba? Nakakahiya naman if busy ang kuya mo bukas.. "

" Huwag mo na isipin iyon, ganyan talaga nagagawa ng Inlove, tignan mo ko inlove kay Kasper blooming.." pag bibiro nito sa akin.

"Asus, siguro may dilig ka kay Kasper, ano? How does it feels?" pang aasar ko dito, akala ko sasawayin ako nito, pero mukhng sasabayan pa ako nito.

"Ano ka ba sa akin na yun, ano gusto mo ba I share ko ang wild desire ko kay Kasper?? Gusto mo ba full details hmm??" hindi ko kinaya si Sabrina, talagang on siya sa biro ko.

"So totoo ang chismiss na blooming kapag may dilig?" inosenteng tanong ko dito.

"Wait look at me, eto ang real definition ng nadiligan at blooming." sabay pa cute nito sa akin.

Hanggang sa naka balik kami sa classroom namin ay binibiro pa rin ako nito na I kwento na niya daw sa akin, I'm not serious naman sa biro ko kanina, mukhng ako pa ang maiinis sa ka kakulitan ni Sabrina.

Kulang na lang takpan ko ang bibig ng babae na ito. Sa sobrang daldal, muntik pa kami uli pa mapalabas ng klase dahil sa pangungulit nito sa akin.

Nagulat pa ako kanina dahil sa bigla ako nito sinundot sa tagiliran, malakas ang kiliti ko doon, kaya napa sigaw ako.

Lahat ng tao sa loob ng kwarto namin ay napa tingin sa akin. Mabuti na lang ay na warningan lang ako.

Simula ng maging kaibigan ko si Sabrina maraming nabago sa akin, although nahihiya pa rin ako sa ibang tao, kapag si Sabrina ang kasama ko ay nababawasan ang pag kamahiyain ko.

Hanggang sa pag uwi ay napapailing na lang ako sa ginawa sa akin ngayon araw ni Sabrina, sobra niya akong napasaya.

Sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko na wala pala akong damit na susuotin para bukas.

Gabi na masiyado kung bibili pa ako, halos lahat ng dress ko hinalukat ko na sa pag hahanap.

Napapakamot na lang ako sa ulo ng makita ko na parang tita ako na kasama ang pamangkin sa mga dress ko.

Dahil sa taranta ay nag message ako kay Luke 'kung anong oras ba kami gagayak sa pupuntahan namin.

"Hi, Si Mia ito nakalimutan ko kasi anong oras ka nga uli ako dadaaanan dito sa apartment ko?" nag aalanganin pa ako i send ang message dahil nakaka hiya.

Agad na sumagot sa akin si Luke, "maybe 6 pm na lang para makapag ready ka naman, don't rush yourself take your time.." Saad nito sa mensahe.

Naka hinga ako ng maayos ng malaman ko na 6 pm pa naman pala.

May oras pa ako para mag hanap ng susuotin ko, iniisip ko may mahahanap ba ako na mura pero mukhang elegant naman tignan.

Ang kaso di kaya mapahiya ako once na mapansin nila ang suot ko ay mura lang? Lalo na kung galing sa ukay lang.

Hanggang sa pag tulog ko iniisip ko pa rin anog bibilhin ko, sa ukay ba o sa mall ako mag hanap? May pera pa naman ako kaso kailangan ko din kasi mag tipid.

9 am ng magising na ako kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko, akala ko alarm ko iyon ng hindi ko mapansin ano ba yun, Si Sabrina pala ang tumatawag.

"Hello bitch.. Good morning madam, aba kanina pa ako tumatawag ano alarm clock mo ako? May susuotin kana ba? Dapat maganda ka mamaya.." Saad niyo, kahit kailangan talaga napaka lakas ng boses nito, inatras ko agad sa aking tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses nito.

" Hello Sabrina, oo pwede kana maging alarm clock sa lakas ba naman ng boses mo, kagigising ko lang napaka ingay mo na agad.

Gumalaw na ako agad ng magising na ang diwa ko dahil susunduin daw ako ni Sabrina, pumayag na ako dahil baka maka tulong din ito sa akin sa pag pili.

Nag simpleng pants lang ako at baby pink na t-shirt, mamimili palang naman kami kaya ganito muna ang sinuot ko.

Nag susuklay pa ako ng maka rinig ako ng katok, malakas iyon at talagang kinakalabog ni Sabrina ang pinto ko.

Agad ko na binuksan iyon dahil sa baka maka bulabog ako sa mga kapitbahay, dahil kadalasan ay tulog pa ang ilang tao dito mga trabaho kasi karamihan ng iba ay pang gabi na call center.

Kaya agad ko na pinapasok sa loob si Sabrina. Naka pamewang pa ako ng pumasok na ito.

"Gaga ka mapalayas ako sayo di oras e." reklamo ko dito.

"Edi maganda para itanan kana ng kuya ko, tignan mo nga lakas ng tama sayo, alam mo ba araw araw ako tinatanong non may lalaki ba na umaaligid sayo." Saad nito sa akin, di ko alam na ganon pala ang epekto ko kay Luke.

"A-anong tanan ka diyan, napaka advance mo naman baka ma bati tigil mo yan!" tinarayan ko ito ng tumalikod ako upang kunin ang aking sling bag.

Lumapit ito sa akin at bahagyang hinawakan ang curl ko na buhok, "Hoy di ako kontra no, suwerte kaya ako.." sagot nito sa akin.

"Talaga lang ah mukhang suwerte nga si Kasper sa daldal mo ba naman.. Tara ng maka uwi ako ng maaga." pag anyaya ko dito.

Nang palabas na kami ay marami na pala tao, mag lalakad palang ako ng tawagin ako ng mang ruben.

"Magandang umaga mang Ruben, aga mo ata ngayon wala po bang pasok?" tanong ko dito.

"Eh ganon ba, meron kaso may babaeng maingay kanina nagising tuloy ako, tatlong oras palang tulog ko kaso nagising na sa ingay.." sagot ni mang Ruben.

Agad na nag peace sign sa akin si Sabrina. Nag paalam na ako kay mang Ruben, kaya ng maka sakay na kami ay tinaasan ko ito ng kilay.

" Yan kulit mo kasi sabi sayo huwag ka maingay, buti di alam na ikaw iyon pero huwag ka mag alala mababait naman mga tao dito."

"Pasensiya na excite lang kasi ako sa inyo ni kuya Luke. Next time tahimik nako dadating as in baka magulat ka nasa loob na ako ng apartment mo sa sobrang tahimik." biro nito sa akin.

Nag aalangan pa ako na tanungin si Sabrina na samahan ako sa ukay, baka kasi ayaw niya soon.

"S-sabrina okay lang kaya na sa ukay tayo mamili?" nag aalangan kong tanong dito.

Humarap agad ito sa akin, "I know mura kesa don, at magaganda pa naman ang mga damit doon, hayaan mo na ako ang bumili kahit ngayon lang ng damit mo, ng lumuha ang mga mata ng umaaligid sa kuya ko." Saad nito sa akin.

"Pero naka kahiya kasi libre mo na naman ako..." mahinang Saad ko dito.

"Nako tigilan mo ako sa ka artehan mo Mia, magising sister in law din naman kita, para saan pa diba?"

Buong biyahe namin ay panay ang kwenti nito tungkol sa kuya niya at sa buhay niya.

Nabanggit niya din na wala pala sa pilipinas ang mga parents nila kaya malaya na nagagawa ni Sabrina ang gusto niya.

" Alam mo ba kapag nalaman nila na boyfriend ko si Kasper, baka ipakasal nila agad ako.. Lalo na kilala ang pamilya din ni Kasper. Kaya ko din agad kilala yang si Kasper kaibigan ni kuya, tsaka sa party ng pamilya nun nung nadapa kasi ako ito ang tumulong sa akin, akala ko nga naka kita ako ng Prince charming e.. " kwento nito sa akin.

" So... Doon mo talaga unang na kilala si Kasper, and also naka usap?" tumango sa akin si Sabrina.

" Yep, simula non naging crush ko na talaga yung lalaki na iyon, kaso nga lang di ko pa kayang i public na kami na, sigurado dudumugin ako.." may point ang sinabi ni Sabrina, ganon sa school namin kapag naging girlfriend ka ng sikat, panigurado kuyog ka bukas.

Pano pa ako na taga pag mana ng company nila Sabrina ang makaka date ko? Paano ko haharapin iyon? Kaya ko ba?

Sa isang mall kami unang pumunta pero walang nagustuhan si Sab, kaya sa isang sikat na boutique kami pumunta.

Napaka ganda ng boutique, pag hawak ko palang sa isang dress masasabi mo talagang mahal.

Sa sobrang ganda, di mo din kakayanin ang mga price parang isang buwan ko na yung allowance. Baka nga kulang pa allowance ko sa price.

"Hoy, seryoso ba na dito talaga? Ang mahal ng mga price Sab diko keri yan." mahinang bulong ko dito.

Ngunit di ako nito pinapansin at tuloy lang ito sa pag pili, isang red dress ang hawak nito at napaka ganda non ang daming palamuti sakto lang ang design di masiyadong agaw pansin kaya bagay sa dinner date.

Tinapat niya iyon sa akin, "Ano ka ba did I tell you na ako ng bahala nga diba? Then choo.. Sukatin mo yan bilis tignan natin kung bagay.." panunulak nito sa akin papasok sa loob ng dressing room.

Ingat na ingat ako sa pag sukat dahil baka maka sira ako wala akong pambayad niyan kung masira ko man.

Nahihiha pa ako na lumabas sa dressing room, ang mga nag assist sa akin ay naka ngiti ng lumabas ako.

"Ehem.. Sab b-bagay ba?? Di ba pangit sa akin?" nahihiyang tanong ko dito.

"Look pretty Mia, now I know na talaga bakit nagustuhan ka kaagad ni kuya.." lumapit ito sa akin at pinaikot ako upang tignan ang buong itsura ko.

"We will buy this, I like it.." Saad nito, akala ko uuwi na kami ng mag labas pa ng mga necklace at earing ang mga sales lady.

Lahat iyon nag kikinangan sa ganda, ang mga gems nito ay pula din, habang ang isa naman ay may hawak na dalawang pares ng pula na stiletto.

" Teka, red na red naman ako diyan Sab, honeymoon ba ang pupuntahan namin ng kuya mo?" tanong ko dito.

"bagay nga sayo, lalo ka pang gumanda, tsaka pwede naman kung doon ang punta niyo ni kuya." natatawang Saad nito.

"Ano ba talaga kita kaibigan? Bakit parang binebenta mo na ako sa kuya mo?"

Sabay kami nag tawanan, VIP pala dito sila ng kuya niya kaya pala kami lang ang nandito.

Lahat iyon pinasukat sa akin ni Sab, inabot din kami ng ilang oras, dahil nag ikot ikot pa kami, nang mapadaan kami sa Isang salon na kanyang pinupuntahan ay pinaayusan niya na din ako.

"Make her beautiful, don't change her hair just curl lang stay lang doon, as long as mag mukhang natural pa den siya, siyempre dapat beautiful ang friend ko ah." request nito sa gay na mag aayos sa akin.

Pasensiya na guys medyo late ang ud ko ngayon, enjoy reading guys!!!

Add niyo na din sa library niyo and follow me para always kayong updated sa mga bagong update ko.

Baddie_Cutie8

*********************************************************