Chapter 12
Agad ko na binasa kung ano ang mensahe sa akin ni Adler. Muntik ko pa na makalimutan na may session pala kami tomorrow.
"Ready for tomorrow? I'm sorry if late na at nag message pa ako sayo." saad ni Adler.
Mabuti na lang at nag message sa akin si Adler at naalala ko pa ang pangako ko sa kanya, actually dapat nga ngayon yun kaso may date ako with my future boyfie.
Well di ko pa boyfriend pero i know dadating kami doon, there's nothing wrong if masyadong advance ako sa mga mangyayari.
Ako kasi yung tipong di na niniwala noon sa sinasabi ng swerte, kasi if want mo talaga na mangyari ang minimithi mo dapat pag hirapan mo din, huwag laging umasa sa suwerte. Lagi ko inisiip na ako ang gagawa ng tadhana ko hindi ang suwerte.
Siguro ngayon matatawag na suwerte ako kay Luke, pero pag hihirapan ko iyon upang kapag dumating ang panahon na official na kami ay strong ang relationship namin.
Sumagot ako sa mensahe ni Adler kahit na antok at pagod na ako, baka kasi inaantay ni Adler ang message ko.
Nag titipa na ako ng aking message kay Adler ng maka idilip ako, kaya naging dahilan non ay diko na I send kay Adler ang message.
Nagising ako ng anong oras na, at ang aking cellphone ay lowbat dahil sa magdamag itong naka open.
Napa sabunot nalang ako sa aking buhok dahil sa Inis, I'm 15 minutes late na kaya grabe ang pag ma madali ko mag bihis.
Nag half bath lang ako dahil di na talaga kaya ng oras if mag tagal pa ako sa cr.
Sa sobrang pag ma madali ko ay agad ko na binuhat si Snowie, since diko pa naka usap ang neighbour ko ay dadalhin ko nalang ito.
Sakto naman na mayroong bag na pwede sa loob ang alaga, bahala na kung isasama ko si Snowie dahil ayoko na iwan ito ng mag isa dito sa apartment ko.
Kumuha ako ng saktong pag kain ni Snowie at ipinasok ko ito sa bag.
Palabas na ako ng batiin pa ako ng mga kapitbahay ko, tanging tango na lang ang isinagot ko sa mga bumati sa akin.
Ang lakad ko ay napaka bilis, saktong bilis lang upang di matakot sa aking likod si Snowie, ang iba pa nga ay napapalingon sa baby ko dahil ang cute daw nito.
Nang maka sakay na ako sa jeep ay agad ko na pinasak ang power bank deadbat pa rin kasi ang cellphone ko wala ng time para I charge pa.
Pag open palang ng cellphone ko ay may mga message at missed call sa akin si Adler.
Agad ko ito na tinawagan at mabuti nalang at sinagot din agad ni Adler ang call ko. "Hello, I'm late I'm sorry na pagod kasi ako kagabi lumabas kasi kami ni Luke, pasensya na." pag hingi ko dito ng paumanhin.
Sandaling natahimik ang kanilang linya kaya nag salita muli ako baka di si Adler ang aking kausap.
"Hello... Are you there pa ba? Galit ka ba pasensya na talaga on the way na rin ako malapit na ako diyan." tarantang sagot ko dito.
"A-ah yes sige lang take your time lang aantayin kitang dumating dito sa akin.." saad ni Adler medyo naka ramdam na si Adler na anong meron sina Mia at Luke, kaya naman medyo may laman ang kanyang naisagot kay Mia.
Mabuti na lang at di iyon naintindihan ni Mia.
Hindi alam ni Mia na may nangyaring masama kay Adler, Sabado ng gabi ng lumabas si Adler upang mag pahangin sana at bumili ng ilang kailangan.
Pabalik na sana si Adler sa kanyang kotse ng may lumapit kay Adler na tatlong lalaki, mga naka itim ang mga ito at naka cap.
Hindi masyadong malinaw ang mukha ng mga suspect kasi may takip ang mga ito sa kanilang mukha.
Ang isa ay lumapit sa kanyang likuran at ang isa naman ay nag manman sa paligid na baka may makapansin. Habang ang isa ay lumapit sa kanya at may kung anong patalim na itinutok sa tagiliran ni Adler.
Clueless si Adler kung anong pakay ng mga ito sa kanya, inisip ni Adler ay baka holdaper ang mga ito.
"A-anong kailangan niyo sa akin??" kinakabahan na saad ni Adler sa mga lalaki.
"Gago ka! Ikaw ang dahilan bakit nag kanda leche ang buhay namin, wala kaming school na mapasukan, dahil sa gago ka! Ano bang connection mo sa hampas lupa na iyon?" bulong na saad ng isang lalaki kay Adler.
Sapat na ang sinabi ng lalaki upang makilala ni Adler kung sino ang mga ito.
" Tarantado ka pala e, deserved niyo yan gago!! " galit na bulyaw ni Adler sa lalaki.
Sabay na nag tawanan ang tatlo sa aking isinagot, di maintindihan ni Adler kung saang parte ng kanyang sinabi at natatawa silang tatlo.
"Siguro naka score kana doon ano? Mukhang kursunada mo e...." saad naman ng isang lalaki.
Lalong nag init ang ulo ni Adler dahil sa sinasabi nila at pangbabastos.
Nanatiling naka tayo lamang si Adler, dahil isang mali na galaw niya ay panigurado tatagas ang dugo niya dito sa parking lot.
" Tigilan niyo na si Mia pwede ba! Kahit mag takip pa kayo ng mga mukha niyo kilala ko kayo gago, sisiguraduhin ko na sa rehas na kayo ng mga ina niyo makikita." banta ni Adler sa mga lalaki.
"Aba! Matapang pala ito lumalaban, di mo ata mahal ang buhay mo pre!!" saad ng lalaki sabay halakhak.
Dahil sa sinabi ni Adler ay sinapak siya ng isa sa mukha, malakas iyon, dahilan kung bakit pumutok agad ang labi ni Adler.
Di pa nakuntento ang isa at sinuntok din siya ng isa pang lalaki, ang puti niyang polo ay puno ng dugo.
Agad na nanglaban si Adler at nasapak niya ang isa, Habang ang isang sasapakin niya sana ay naka ilag, dahilan kung bakit nasaksak siya nung unang lalaki.
Sa tagiliran iyon, gulat na napatingin si Adler na malakas ang dugo na lumalabas mula sa tagiliran niya. "F-f*ck!! Mga gago kayo!!" sigaw ni adler habang hawak ang tagiliran niyang May saksak.
"Taina mo pre, bakit mo sinaksak, akala ko ba tatakutin lang!!" sigaw ng isang lalaki sa kasamahan nila.
Dahil sa malalim ang saksak ay bumagsak sa sahig si Adler. Naliligo sa sariling dugo.
Agad na nagsipag takbuhan ang mga lalaki ng may mga civilian na naka pansin na may mali. Dumating ang mga security guard. Habang ang mga suspect ay naka takas.
Masiyadong marami na dugo ang lumalabas kay Adler, dahilan para mawalan siya ng malay.
Nagising si Adler na nasa Hospital na siya, napa buga ng malalim si Adler ng malaman na wala ang ina niya.
Dahil panigurado mag pa-panic iyon sa nangyari. Hanggang sa hospital ay si Mia pa rin ang iniisip ni Adler. Paano kapag si Mia naman ang balikan nila?
Agad na naalala ni Adler na may session sila ni Mia bukas, kaya naman medyo nabahala si Adler na baka matakot si Mia, once na malaman niya na binalikan siya ng mga dating ka schoolmate.
Pumasok ang doctor sa kanyang silid. "Good evening Mr. Griffin are you okay? May masakit pa ba?" tanong agad sa kanya ng doctor.
"Wala naman na doc, bukod lang ito sa sugat ko na saksak." sagot ni Adler sa doctor.
"Mabuti kung ganon, duguan ka ng dinala ka dito, may guardian ka ba na pwedeng i inform about what happened?." dahil sa tanong ng doctor ay agad na sumagot si Adler.
"No need na doc, I'm okay baka mag alala pa si mom ng sobra, malayo sa bituka to. Maaari na ba akong lumabas doc?" agad na tanong ni Adler.
"Hindi ka pa totally ayos Adler, kailangan pa i monitor ang saksak mo." Saad ng doctor sa kanya.
"Sige na doc, may importante kasi akong ka meeting bukas doc. Don't worry lagi po ako dadaan dito para ipatingin ang sugat." sagot ni Adler sa doctor.
Hanggang sa pag pahinga ni Adler ay si Mia pa rin ang nasa isip niya, binalak ni Adler na ilihim sa babae ang tunay na nangyari sa kanya, ayaw niya na, mag alala si Mia sa kanya.
Lalo na at baka may nobyo na ito at anong laban ko kung mahal niya yung tao? Isa akong kilala sa aming campus pero pag tapat lang ng feelings kay Mia naunahan pa ako.
Inuna ko pa kasi ang hiya, ngayon ito iniisip na lang na maging masaya si Mia sa piling ng lalaki na pipiliin nito.
Kung dumating man ang panahon at pag kakataon ko naman ay di ko iyon sasayangin.
Nang makauwi si Adler sa condo niya ay agad na nag pahinga si Adler, upang kapag dumating si Mia ay mukhang disente siya sa paningin ni Mia.
Hanggang sa pag bangon ay ramdam ni Adler ang tahi ng kanyang sugat, masakit iyon na parang pilit pinaghihiwalay ang nga tahi.
"Lintek naman oh! F*ck!!" Saad ni Adler habang papa tayo sa kanyang kama.
Agad na kinuha nito na ang cellphone at nag message kay Mia, ngunit di pa rin ito sumasagot sa kanyang message.
Sinubukan nito na tawagan pero cannot be reach ang cellphone ni Mia. Naka ilang dial si Adler ngunit wala pa ring sagot si Mia.
Nag antay ito dahil baka na late lamang iyon sa biyahe. Naisip na sana ni Adler na sunduin si Mia ng maalala niya na masiyado pang fresh ang sugat niya.
Ilang minutes pa ang lumipas at sumagot na si Mia.
"Hello, I'm late I'm sorry na pagod kasi ako kagabi lumabas kasi kami ni Luke, pasensiya na." pag hingi ko dito ng paumanhin.
Nakarating si Mia na aligaga pawis at halatang di na nakapag ayos. Pag bukas ko ng pintuan ko ay nakita ko na pawisan ito.
Mas lalo pang nagulat ako ng nakita ko na may buhat itong puting rabbit, nakakatuwa na ang cute ngayon tignan sa aking harapan si Mia habang bit it ang rabbit niya.
"Oh.. Hi are you okay? Mukhang hingal na hingal ka sa pag punta.." Saad ko dito habang nakatitig sa babae.
"ahm.. Yes pasensiya na Adler na late ako, ginabi na kasi kami ni Luke at sa sobrang pag mamadali ko naisama ko na si Snowie, okay lang ba?" nahihiyang tanong nito sa akin.
Gusto ko sabihin kay Mia ang nangyari pero di ko magawa, anong parte ko ba kay Mia isa lang naman akong tinuturuan niya at ayun lang iyon.
Ni hindi ko nga maamin na mag mula ng masilayan ko siya ay nagustuhan ko na siya.
"O-okay lang pasok ka.." pag anyaya ko dito.
Pumasok ito at nagulat pa ako ng yakapin ako nito, mahigpit iyon kaya itinago ko ang sakit na naramdaman ko, parang kasing sakit na mayroon siyang ibang gusto.
Agad na humilay ito ng yakap sa akin, "Ay pasensiya na akala ko kasi galit kana.." nahihiyang Saad nito sa akin.
Pumasok na kami sa loob at umupo na ito sa couch, kinakausap pa nito ang alaga nito na mag behave lang nakaka tuwa na tignan siya habang kausap ang rabbit niya.
"Mag start na ba tayo?" marahang tanong nito sa akin.
"Yes, hintayin mo ko saglit mag papalit lang ako.." pasimpleng paalam ko dito, dahil ramdam ko na napadiin ang pagyakap sa akin ni Mia.
Pumasok agad ako sa bathroom, at tama nga ako nakita ko na tumagos sa bandage ang dugo, masiyadong napa higpit ang yakap kasi nito sa akin.
Marahan ko na inalis ang bandage at napapangiwi nalang ako sa sakit, dahil feel ko inaalis ang tahi ko ng walang anesthesia.
Tahimik lang ako na ngumingiwi sa sakit, dahil baka marinig ako ni Mia.
Agad ko hinanap ang medkit ko, kailangan ko na palitan agad ang bandage at baka tumagos na sa t-shirt ko ang dugo. Nililinis ko na ang aking sugat ng kumatok si Mia.
"Hello.. Okay lang ba? Kanina ka pa kasi e." sigaw na tanong sa akin ni Mia.
Kinakabahan ako na baka buksan niya ang pinto.
"Ahh.. Sandali lang Mia antayin mo nalang ako sa living room. May ginagawa lang ako." sagot ni Adler kay Mia.
Sinunod naman ni Mia ang sinabi ni Adler, binalikan niya ang alaga niya, sa sobrang worry ni Mia ay naiwan niya pala sa couch si Snowie.
Napa takbo agad si Mia ng makitang nangatngat na ni Snowie ang wire ng laptop ni Adler. Nilapitan agad ni Mia kung nasira ba ni Snowie ang cable ng charger ng laptop hi Adler.
Napa sapo nalang ito ng ulo na makitang nahati sa dalawa ang wire.
"Anong ginawa no Snowie, sabi ko mag behave ka lang e nasira mo patay tayo nito.." pag papakausap ni Mia kay Snowie.
Kahit na alam ni Mia na di naman sasagot ito ay kinakausap pa din ni Mia si Snowie. Kinuha naman ni Mia ang kanyang cellphone upang I check anong klaseng cable ba ang nasira ni Snowie.
Nag sesearch si Mia kung ano iyon at magkano iyon, ngayon palang iniisip na agad ni Mia magkano ang nasira ni snowie ay napapa aray na agad siya sa mahal non.
Nakatalikod si Mia ng lumabas na si Adler mula sa bathroom. Maayos na ito at nalinis na nito ang sugat na kanina ay nagdudugo.
"May Problema ba? At ano iyang hawak mo?" nagtatakang tanong ni Adler kay Mia.
Dahan-dahan na lumingon si Mia sa gawi ni Adler. At hawak ang nahating cable na wire.
"S-si snowie kasi nasira niya ang wire ng charger mo, pasensiya na.. Babayaran ko nalang." pag hingi ng paumanhin nito.
"Ah.. Na ngatngat ba ng alaga mo? May nabasa din kasi ako na ganun talaga ang ibang mgs bunny, huwag mo na isipin yun at madami pa naman ako ng extra. Tsaka try to search more about rabbit para di ka ma shock sa mga traits nila. Normal na talaga na minsan nakakasira sila ng mgs wire, papers at mgs sometimes rubber din. " pag explain ni Adler kay Mia.
Habang si Mia ay nakikinig ng mabuti sa sinasabi ni Adler sa kanya tungkol sa mga rabbits. Now I have new knowledge about my Snowie.
" Maraming salamat sa payo mo Adler, regalo kasi ito sa akin ni Luke kahapon, kaya medyo di ko pa masiyado alam ang tungkol sa mga rabbits." nahihiyang saad ni Mia kay Adler.
Tumango nalang si Alder, at di alam paano sasagot pa kay Mia, naririnig palang niya ang pangalan ni Luke, dahil parang sign na iyon na wala na talaga, siyang pag asa kay Mia.
Base palang sa emotion ng mukha ni Mia ay alam mo na agad na hulog na hulog ito kay Luke.
Mahinang bumulong si Adler sapat ang hina non upang di marinig ni Mia iyon.
"Kung alam mo lang Mia, kung paano nalagay ang buhay ko sa peligro para lang di ka balikan ng mga iyon." sa hangin niya nalang iyon nasabi dahil di pa siya nag tatapat ay tapos na agad ang laban sa puso ni Mia.
Author's Note
Add to your library na din guys, and follow me para always updated kayo sa mga update ko.