Chapter 9

Matapos ang usapan sa loob ng room ng principal ay umalis na galit na galit ang mga magulang ng mga lalaki. Habang ako ay nakahinga ng maayos ng umalis na ang mga ito, sa katunayan pa nga ay bubulyawan pa sana ako ng mga nanay ng mga iyon ng awatin na sila.

Ang naging desisyon ng principal ay alisin sa school ang tatlong lalaki, sinabi ng aming principal na di nila tino-tolerate ang ganong klaseng mga studyante. Ayaw pumayag ng mga ina ng mga ito dahil nga daw sa isa lang naman daw akong scholarship ng aming school.

Nag yabang pa ang isang nanay na kung di dahil sa kanila ay wala akong scholarship na makukuha. Siguro tama sila na baka nga pero tama ba na husgahan nila ako at maliitin?

Lumapit sa akin si Adler at may sinabi sa akin, " okay na Ang lahat huwag kana matakot kung iniisip mo na nasa paligid sila, di na mangyayari iyon dahil tanggal na sila." Saad ni Adler sa akin.

Agad na nagtungo na ako sa aking klase parang normal lang at walang nagtatanong sa akin, tinupad nga ni Adler na walang makaka-alam ng nangyari nung nakaraan. Feel ko normal day ko lang na pumapasok sa klase.

"Good morning!" bati sa akin ni Sabrina, ang babae ay halatang maganda ang tulog nito at ganito ito kasaya. Naka ngiti ito na umupo sa aking tabi. " Kamusta? Anong naging desisyon ng principal?" Mahinang tanong sa akin ni Sab.

"Successful na alis na sila sa school, ang kaso bago nangyari iyon ay nilait muna ako." *Laughing sarcastically

"Mabuti naman at naging equal sila akala ko kakampihan nila ang mga iyon. Aba kung kinampihan nila iyon ako mismo mag papa drop sa sarili ko." Pilosopong biro sa akin ni Sab.

"Nga pala sabi ni kuya free ka ba mamaya?" Tanong nito sa akin. Nag isip ako saglit at naisip ko na hindi ako free dahil busy ako pag katapos ng klase ilang araw na akong walang turo kay Adler.

"Paki sabi nalang sa kuya mo di kasi ako free ngayon dahil may tutor ako mamaya, maybe next time nalang?" Nahihiya kong saad kay Sab.

"Ano kaba okay lang iyon maiinitindihan iyon ni kuya basta ikaw lakas mo don kaya." Sabay pa kami nagtawanan sa sinabi ni Sab. Sa ngayon naniniwala na ako na malakas ako sa kuya niya dahil akala mo iyon unang kita palang sa akin ay na Inlove na agad.

Tulad ng dati ay sa second class namin ay hiwalay na kami ni Sabrina, kapag break ay nakikita ko na tumatakbo ng hallway si Sabrina, alam ko kung saan ito papunta at kay Kasper iyon. Siguro si Kasper gusto na i public ang relationship nila si Sabrina lang ang hindi handa.

Tulad nga ng kwento namin nang galing kami sa nerd stage kaya ganon kami mahiyain kapag nag lalabas ng damdamin or what. Takot na baka mahusgahan kami ng mga ibang studyante. Lalo na kilala din sa campus namin si Kasper.

Tahimik lang ako sa canteen na kumakain mag isa ng biglang may tumabi sa akin si Adler pala iyon. Gusto ko ito paalisin baka pag usapan siya sa school namin na umupo ito sa mesa ko. Pero mukhang wala naman pakialam mga studyante. Wow siguro nag sawa na sila sa pang bu-bully nila sa akin.

"Huwag mo na isipin ang mga iyon, kung natatakot ka baka umapela pa sila, naka usap ko na ang principal at siya na ang bahala sa mga nanay non." Saad ni Adler sa akin.

Actually iniisip ko din iyon, what if mag hingkayat ang mga ina ng mga iyon na paalisin ako? Lalo na I'm a scholar in out school.

Nang matapos kami mag lunch ay nag paalam na ako na babalik na ako sa room ko, sakto sa aking pag lalakad ay nakarinig ako ng mga nag uusap.

"Uy! Alam niyo ba na expelled si Marlon tsaka mga kaibigan niya?

"Ay we? Totoo ba, kanina nakita ko pa sila ah?" nagtatakang tanong ng isang study ante.

"Oo totoo nga ayun narinig ko, pero di alam anong dahilan bakit na expelled silang mag kakaibigan." dahil sa sinqbi ng studyante ay medyo napanatag ako.

I guess di talaga nila malalaman at ayoko din na malaman nila, dahil kapag nalaman nila I'm pretty sure na sila Marlon kakampihan nila, dahil ganon naman lagi e kapag mahirap ka mababa tingin nila sayo.

At salamat din kay Adler kung hindi niya ako tinulungan ay baka napano na ako at walang maniniwala sa akin.

Sa buong araw ko ay tahimik lang ako ay masiyadong kinakain ng kalungkutan, diko alam hanggang kelan ako magiging ganto na parang may kulang sa akin.

Nasa chemistry class ako ng tawagin ako ng professor ko.

"Ms. Villa Monte are you with us?" dahil sa sinabi ng professor ko ay napaigtad ako sa gulat, "I'm so sorry.." pag hingi ko ng paumanhin.

Hanggang sa pag uwi ko ay wala ako sa sarili ko, basta pakiramdam ko ay sobrang nakaka pagod ang araw na ito.

Gusto ko sumuko pero hindi pwede, dahil sarili ko lang din ang tanging aasahan ko.

Nang makauwi na ako ay agad ako na humiga sa maliit ko na kama. Gusto ko matulog buong mag damag.

Papatulog na sana ako ng makatanggap ako ng message from Luke. " Hi, are you okay?" tanong nito sa kanyang message.

Oo nga pala nakalimutan ko na sabihan si luke mismo na I'm busy kanina, "yeah I'm okay, I'm sorry if di kita nasipot sa aya mo naging busy lang, maybe next time na lang."

"Okay, maybe Saturday nalang, I have meeting tomorrow with my client." Agad naman ako sumangayon, dahil wala naman ako extra kay Adler ngayon, siguro ay naiintindihan na niya ang ibang di niya medyo gamay na subject.

Ewan kahit na Friday palang bukas parang excited na ako na makita si Luke, normal lang ba to? Pa iba iba ang emosiyon ko, kanina napaka lungkot ko ngayon naman napaka excited naman.

Umaga ng pumwsok na ako sa school, parang normal lang dahil di naman nila alams sino ang dahilan bakit na expelled sila Marlon.

Habang nag lalakad ako ay sumabay naman sa akin si Sabrina, naka ngiti na naman ito as always naman kapag nakasama nito si Kasper.

"laki ng ngiti ah, nanalo ka ba, grabeng laki ng ngiti parang walang bukas.." dahil sa sinabi ko ay sabay kaming dalawa nag tawanan.

"Alam mo na kung bakit, kailangan ko pa ba banggitin?" biro nito sa akin.

"by the way lalabas daw kayo ni kuya sa Saturday?" tanong nito sa akin. Singit na din dahil tutal ay alam naman niya ata lahat, kahit date kung kelan kami lalabas ng kuya ni alam niya.

"Ah oo, I know alam mo na agad ikaw pa ba, di ka pwede go mahuli e para kang marites bilis makasagap, lakas ng signal sis." biro ko dito, hanggang sa maka pasok kami sa unang subject na in ay panay ang pang aasar nito sa amin ng kuya niya.

"Alam mo sa lahat ng gustong ligawan ni kuya ikaw pinaka gusto ko, bukod sa maganda napaka bait mo pa, yung iba kasi napaka hangin at yaman lang ni kuya ang gusto. Buti nga di na uli na arrange ng blind date si mommy kay kuya, it was terrible!! " saad nito sa akin.

Dahil sa nabanggit niya ay nagtaka ako uso pa pala ang nag se-set na magulang ng blind date para sa anak nila. Kung ganon bakit wala man lang nagustuhan si Luke?

" Sa mga blind dates ng kuya mo, wala man lang siya nagustuhan? As in wala kasi single pa kuya mo e"

"Wala pangit kasi nila, ewan ko ba kay mommy bakit pumapayag siya, nung tinanong ko bakit ganon ang sagot ni mommy maganda ng asset daw iyon kay kuya kapag nag katuluyan. But no one have luck to impress my brother, you are the exception." naka ngiting saad nito sa akin.

So I'm lucky na nagustuhan ako ni Luke, Di naman nako lugi kay Luke bukod sa mabait ay napaka gwapo din nito.

" kung I describe mo naman mga past blind dates ng kuya mo parang napaka pangit nila, grave ka baka naman mabait din mga iyon."

"Tigilan mo ako sa bait-bait na yan, sa ugali na nga sana sila babawi pumalpak pa, oh ano ngayon sila ayaw ni kuya sa kanila." Diko alam kung dapat ba ako matuwa dahil ako ang nagustuhan ni luke?

Nang matapos kami sa klase ay nag break muna kami at nagtungo ako sa lagi kong pwesto, tahimik dito at ayun ang gusto ko, ranging huni ng ibon ang naririnig ko, konti lamang kasi ang nagagawi sa spot na ito kaya tahimik.

Akala ko ako lang ang tao dito ng dumating si Adler, may dala pa itong pag kain, siguro dito din ito pupuwesto.

"Hi, dito ka din?" Naka ngiti kong tanong kay Adler. Isang marahang tango ang sinagot nito sa akin.

"Yes, May I?* Agad naman ako tumango dahil, diko naman teritoryo ito para di siya payagan.

" Free ka tomorrow? "tanong nito muli sa akin.

Kinabahan ako dahil naka oo na ako kay Luke at tingin ko ay mag papaturo na uli sa akin si Adler.

" Adler pwede bang linggo nalang tayo? Diko kasi inaasahan na sabado ito mag papaturo sa akin.

"Okay lang naman, baka busy ka pwede naman Sunday." ramdam ko ang ilang ng boses ni Adler, ewan ko ngayon lang ito nag ka ganito.

Hanggang sa pag tapos namin kumaing dalawa ay biglang naging tahimik si Adler.

"Pasensiya na ah, agahan ko nalang pag punta para naman sulit ang pag bayad mo sakin sa pag tutor ko sayo."

Tango lang ang naging sagot sa akin ni Adler at nag paalam na ito na babalik na sa klase.

Bumalik na din ako ng marinig ko ang pag bell hudyat na oras na para bumalik sa kanya-kanyang klase.

Nag ka sabay pa kami ni Kasper sa pag lalakad sa hallway, kita ko pa na may mark ito ng kiss sa kanyang cheeks.

Agad ako na sumenyas na mayroon, clueless pa si Kasper sa tinuturo ko kaya ng ma realize na mayroon nga.

Nahihiya pa ito na mayroon nga, kita ko sa mata ni Kasper ang kaba, oo nga pala di niya pa alam na alam ko ang tungkol sa kanila ni Sabrina.

"Don't worry behave lang ako, I know your secrets you and Sabrina." sabay kindat kay Kasper.

Tumakbo na ako ng di masiyadong maintindihan ni Kasper ang aking sinabi, dahil alam ko na marami itong tanong kung nag tagal pa ako sa pag lalakad.

Nang makalayo ako ay sumesenyas pa ito na bumalik ako, kumaway nalang ako biglang pag senyas.

Author notes

Vote and add to your library na guys para always updated kayo :))

Baddie_Cutie8

*********************************************************