Chapter 53 Goodbyes And Promises

Vanessa's POV..

Nagkagulo ang lahat ng mga estudyante nang lumitaw kami galing sa isang portal. Dinala kami nito sa gymnasium.

"Sila Vanessa!"

"Oh my god! What happened to them?!"

Samot-sari ang naririnig ko galing sa kanila. Naririndi ako sa ingay nila. Wala sa tamang ayos ang aking isipan. Gulong-gulo pa rin ako sa mga pangyayari.

Nang maalala ko ang aking mga kasama ay agad ko silang dinaluhan at chineck ang kanilang pulso. Si Kuya Lander at Nicole ang pinakadelikado.

"Tabi! Tumabi kayo!" Narinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Bumaling ako kung saan ito nanggaling at nakita ko si Morgan at Jayden na tarantang papalapit.

Natulala silang dalawa pagkakita sa kalagayan ng bawa't isa.

"Hospital. They need to get to the hospital!" sigaw ko.

"Jayden! Morgan!" singhal ko nang hindi sila gumagalaw.

"Fvck! What happened to them?" si Jayden.

"I don't have time to explain! Just go and get some first aid kit to stop their bleeding!"

Nakita kong may mga lumapit na ilang babae sa mga kasamahan naming sugatan.

Pinakita nila ang kanilang mga ID. "We'll help. We are registered nurse," wika nila bago sinimulang asikasuhin ang aking mga kaibigan.

Inuna nila si Kuya Lander at Nicole na siyang pinakamalubha ang kalagayan. Ang ibang estudyante ay tumulong na rin sa pag-aasikaso sa kanila habang sina Jayden at Morgan ay nagtungo sa hospital upang kumuha ng mga gamot at benda.

Umalis ako at pumunta sa isang sulok. Tiningnan ko ang aking mga kamay. Kanina pa ako nanginginig.

Biglang pumasok sa aking isipan ang aking ama. Ano na kaya ang nangyayari sa ibaba?

"Vanessa.."

Lumingon ako at nakita ko si Tita Rebecca.

"T-Tita," hikbi ko.

Niyakap niya ako at inalo. Sa pagitan ng aking mga paghikbi ay isinalaysay ko ang mga nangyari. Wala siyang salita. Tahimik lang siyang nakikinig.

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil saka pilit na ngumiti. "Magiging okay din ang lahat." Yun lang ang sinabi niya pero alam kung nahihirapan din siya. Sino ba kasi ang may gustong nag-aaway ang kanilang mga kapatid?

Si Tita Rebecca ang gumamot kina Kyle na nalason. Kailangan nilang maagapan ng paunang lunas dahil kinakailangan na naming umalis dito dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ng laban sa ibaba.

Ibinilin ko sa mga tauhan ni Kuya Lander at Nicole na pabalikin ang mga chopper na sinakyan nila kanina at kung maaari ay magpadala sila ng maraming sasakyan at maghintay sa labas ng paaralan.

Madali lang naman sana ang umalis dito kung kami lang gamit ang mga helicopter. Pero ang mga estudyante ay hindi makakalusot sa barrier kaya kailangan naming dumaan sa gate.

Unang nagkamalay sa kanila si Sage at agad hinanap si Sabrina.

"Where is she?" nahihirapan niyang tanong. Mabilisan lang ang ginawang pagtatahi sa kanyang sugat, sapat na upang maampat ang pagdurugo nito.

"She's upstairs," wika ni Tita Rebecca na kasalukuyang sinusuri ang kalagayan ni Kuya Lander at Nicole na naghihilom na ang natamong mga sugat. Ngayon na nasa taas na kami ay umeepekto na ang kapangyarihan ni Nicole. Paunti-unti man pero maganda na iyong balita. Lubos lang siyang gagaling kapag makalabas siya dito sa hindi niya teritoryo.

"I want to s-see her."

"Mamaya na Sage. Hindi ka pa magaling at wala pa siyang malay," sagot ko.

Hindi siya umimik. Matagal bago siya nagsalita.

"I'm sorry," bulong niya. "I'm useless at the very end. Wala akong naligtas, ako pa ang naging pabigat," aniyang nakatingin kay Nicole at Kuya Lander.

Hindi ako nagsalita. I know him well. There's no word to comfort him this time.

Nakatingin ako sa bote ng tubig nang bigla itong gumalaw. Kumurap ako ng dalawang beses. Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng mahinang paglindol.

"Naramdaman niyo ba iyon? Lumindol ata?" rinig kong wika ng isang estudyante sa hindi kalayuan.

Nagkatinginan kami ni Sage.

"Matagal pa ba yan Tita?" tanong ko dahil kinukutuban na ako ng masama.

"Patapos na."

Nang makaramdam ako ng sunod-sunod na paglindol ay kumilos na ako. Medyo nagpapanic na rin ang mga estudyante.

"Jayden, nasaan si Morgan?" tanong ko nang mahanap ko siya.

"Nandun sa taas. Inaayos sina Preem at Sabrina."

"Tulungan mo na siya upang ibaba sila. Aalis na tayo."

Kumunot ang noo niya pero agad ding tumango. Kaming tatlo na lang ang natirang walang galos kaya kailangan naming magtulungan.

Pagkaalis ni Jayden ay nagkaroon ng malakas na paglindol. May ilan pang nahulog na parte ng kisame ng gym. Nagsigawan ang mga estudyante at hindi alam kung ano ang gagawin. May iba pang lumabas pero agad ding pumasok nang makitang may mga Yoebis pa sa labas.

Nang matapos ang paglindol ay may humahangos na lalaki ang pumasok sa gym. Puno ito ng galos at hinahanap ako.

"Miss Vanessa! Miss Vanessa!"

"Bakit?"

"Nagkaroon ng malaking bitak ng lupa sa level 5 at ang kagubatan ay nasusunog na. Kailangan na nating umalis dito!" hingal niyang wika.

Nasapo ko ang aking noo. Shit.

Sa sinabing iyon ng ng lalaki ay lalong nagkagulo sa loob ng gym.

"Ano bang nangyayari?!"

"Mamamatay na tayo!"

"Hindi ako pumasok sa paaralang ito para mamatay lang ng ganito!"

"TUMAHIMIK KAYOO!!" buong lakas kong sigaw sa mga estudyante. "Kung gusto niyong mabuhay ay tumahimik kayo at sundin kung ano man ang sasabihin ko!!" bulyaw ko pa.

Mga peste sila! Alam nilang nasa panganib ang buhay nila pero ngawa pa sila nang ngawa! Bakit hindi sila magtanong kung ano ba ang dapat na gawin upang makaligtas? Bakit hindi nila gamitin ang kakapiranggot nilang utak kesa gamitin ang bunganga nilang putak nang putak?!

Pasalamat sila at meron kaming puso dahil kung wala ay iniwan at pinabayaan na namin silang lahat dito.

Nang tumahimik sila ay inis ko silang tinalikuran at muling hinarap ang lalaking kausap ko kanina.

"Call everyone outside. We need to protect this royal students as we evacuate. Ayaw kong makakita pa ng taong walang ulo. Pakibilisan din," utos ko sa kanya.

Dinaluhan ko sina Morgan at Jayden nang makababa sila. Buhat nila si Sabrina at Preem sa kanilang mga likuran.

"Kaya niyo ba?" nag-aalala kong tanong sa kanila.

"Para lang akong nagbubuhat ng unan," wika ni Jayden na buhat si Sabrina. Hindi na ako nagtaka sa sinabi niya.

Bumaling ako kay Morgan.

"Magaan lang si Preem, mga 5 years old lang ang timbang," biro niya.

Tumingin ako kay Preem na nakangiti lang at hindi alam ang mga nangyayari.

Pagkadating ng mga tauhan ni Nicole at Kuya Lander ay tinipon ko silang lahat pati na ang mga estudyante.

Nagkaroon ng mga paglindol pero hindi ako natinag at nagsimulang magsalita.

"Divide yourselves in to 15 groups! Hindi tayo pwedeng magkumpol-kumpol lahat! Each group will have 10 men to escort you to the main gate!" malakas kong wika.

"Don't just stare and move!" dagdag ko nang makitang balisa lang sila.

Mabilis silang kumilos at naghati sa kinse na grupo. I gave them a go signal when I saw them ready to leave.

Meron akong pinaiwan na lalaking malalaki ang katawan upang buhatin ang aking mga kasamahan na wala pa ring malay at hindi makalakad.

Nagmatigas pa si Sage pero sa huli ay nagpabuhat din.

Sabay-sabay kaming lumabas, kasama ang mga natirang mga tauhan. Ang isa ay hinagisan ako ng baril. Katabi ko si Tita Rebecca na may hawak na pamalong tungkod. Hindi ko alam kung makakatulong ba iyon upang protektahan ang kanyang sarili.

Sobrang lakas ng hangin sa labas. May mga nagtumbahang puno at marahas na inililipad ang mga dahon. Napakadami ring uwak sa madilim na himpapawid. Ang iba pa ay nagsimula nang kainin ang mga bangkay ng mga estudyanteng nasawi. Sobrang liwanag ng paligid dahil sa nasusunog na kagubatan sa level 6.

Tuloy-tuloy ang mga malalakas na paglindol. Nagsismula na ring magkabitak-bitak ang lupang inaapakan namin.

Nagsimulang umatake ang mga Yoebis. Nagsikasahan kami ng baril at sabay na nagpaputok. May ibang nakailag, meron ding ibang natamaan na agad nagiging usok.

May nakita pa ako sa unahan na may sinakmal na isang estudyante ang Yoebis. Kinagat nito ang ulo ng babae saka hinila sa ere. Wala pang isang segundo ay bumagsak itong wala ng ulo.

I hissed. Naririnig ko pa ang mga mura ni Sage.

"Lower your heads! Tell everyone to lower their heads!" sigaw ni Jayden.

Lalo lang silang dumarami habang papalapit kami sa castle. Ngayon ang problema ay kung paano kami lulusot lahat sa tunnel.

Kailangan naming wasakin ang castle pero ang detonator na nasa akin ay ang main gate lang ang kayang tibagin.

Suddenly, biglang pumasok si Duke sa aking isipan at ang papel na gagampanan niya.

Napangisi ako ng wala sa oras nang biglang nawasak ang itaas na parte ng castle. Sunod-sunod na ito paibaba hanggang sa tuluyan nang gumuho ang castle.

May nakita akong anino ng tao sa kabilang parte ng naguhong castle, at natitiyak kong si Duke iyon.

"Is that smoke from the fire?" tanong ng isang babae na nakatingin sa aming likuran.

Sabay kaming lahat na tumingin sa likod. Biglang nanlamig ang katawan ko.

No. It's not from the fire.

"I-Its.. Fvck! It's the Gehenna!" bulalas ni Morgan.

Seriously? At a time like this?

Ang usok ay unti-unting kumapal hanggang sa naging kulay itim na ito at nagsimulang manalanta.

"Open the gate Vanessa!" sigaw ni Sage.

Mabilis kong kinuha ang detonator at agad na pinindot ang button.

Nagkaroon ng pagyanig. Maririnig namin ang mga pagsabog sa ilalim ng lupa sa may main gate.

Sa kapal nito ay ilang minuto pa ang hihintayin namin bago ito tuluyang mawasak. Shit bakit ba ngayon ko lang ito pinindot?!

Nagsisigawan ang mga estudyante na umakyat sa mga bitak ng naguhong castle. Ang iba ay umalis na sa kanilang mga grupo at nagkanya-kanya na. Naging pabor iyon sa mga Yoebis at agad silang inatake.

Napapikit ako ng mariin. Alam kong takot sila pero ang tatanga nila!

"Don't leave your groups!" sigaw ng isa sa mga lalaking may hawak ng malaking baril at kasalukuyang nagpapaputok.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa likod.

Mula sa ilalim ng lupa ay may mabibilis na mga pigura ang lumitaw paitaas.

My Dad and my Uncle.

Marahas silang naglalaban sa ere kasama ng kanilang mga demonyo. Pula sa aking ama at itim naman kay Uncle Enrique.

Tanong nang tanong si Jayden kung ano ang nangyayari at kung bakit nandito si Enrique Cromello. Pero wala akong oras pa para magpaliwanag.

"Huwag mo na silang pansinin. Ang importante ay mailikas natin ang lahat."

Iniiwas ko ang tingin sa likod at bumaling sa harapan.

Parang kulog ang ingay ng dambulang gate nang unti-unti itong bumigay. Hindi ito natumba kundi nilamon ito ng lupa, leaving a chasm.

Binaril ko ang mga nagsisilapitan na mga Yoebis. Ang ibang hindi ko natamaan ay mabilis na pinaslang ni Tita Rebecca gamit ang kanyang tungkod na nagliliwanag.

Nginisihan ko siya. This oldie. She grinned back.

Binalingan ko si Jayden. "Give Sabrina to Tita Rebecca. Pull some trees and make a bridge."

Walang inaksayang panahon si Jayden at mabilis na nagbunot ng mga puno. We can't use portal to connect from the other side. Epektibo lang ito kapag nasa loob ka ng paaralan.

Palapit na nang palapit ang Gehenna dahil naririnig na ang maingay na hangin na dala nito. Hanggang sa huling sandali ay gusto pa nitong kumuha ng mga kaluluwa.

Ang mga ilang estudyanteng hindi makapaghintay ay sinubukang tumalon papuntang kabila pero sa butas lahat ang bagsak nila. Mga inutil talaga.

Ang mga lalaking buhat ang mga sugatan kong mga kasama ay nauna na sa harapan kung nasaan ang mga kumpol ng mga estudyanteng naghihintay na matapos ang tulay.

"Vanessa!" biglang tili ni Tita Rebecca na buhat si Sabrina.

I loaded my gun and faced her. "What is it?"

"May estudyanteng naiwan! Humahabol siya!"

Liningon ko ang tinutukoy niyang estudyante.

Meron ngang tumatakbo palapit sa amin. Nakaputi itong bestida habang ang mahaba nitong buhok ay sumasayaw sa hangin dahil sa pagtakbo nito. Nakangiti ito ng malawak pero umaagos ang luha sa kanyang mga mata.

Naningkit ang mga mata ko upang tingnan ng mabuti ang kanyang mukha.

"Tita," tawag ko kay Tita Rebecca. "Tumakbo ka ng mabilis at unahin mong itawid si Sabrina sa kabila."

"What? Why? What's happening?"

Tumingin siya sa babaeng tumatakbo nang itinutok ko ang baril dito.

"What are you doing Vanessa? She needs help! Aabutan siya ng Gehenna!" bulalas ni Tita Rebecca.

"She's not a student! That's Eba!" sigaw ko bago pinaputok ang baril.

Nang nakita ni Tita Rebecca na lumusot lang ang bala sa ulo nito ay nagkukumahog na itong tumakbo na hindi man lang nagbibitiw ng isang salita.

"Don't leave me!" nagmamakaawa nitong sigaw.

Ang pakay niya ay si Sabrina. Gusto niyang magkaroon ng katawang lupa.

Humarang ako sa daraanan niya. Hindi ako papayag sa gusto niya. Matagal na siyang patay. Ang mga namatay na ay wala ng lugar pa dito sa lupa. Mundo ito ng mga tao. Hindi na dapat siya nandito.

"Huwag niyo siyang ilayo!" iyak niya.

Sa likod niya ay ang Gehenna at sa itaas naman ay ang aking ama at ang kambal niya. My family is so fvcked up. Sana hindi na lang ako pinanganak sa magulong pamilya na ito. Pero tapos na. Nangyari na ang lahat. Ang kailangan na lang gawin ay tapusin ito at ituring na alamat.

Kasalukuyan na ngayong tumatawid ang mga estudyante sa kabila. Okay lang na mahuli kami dahil hindi naman kami maaapektuhan ng Gehenna.

Hindi ko alam kung mapipigilan ko si Eba pero susubukan ko pa rin. Mas lalong bumilis ang takbo niya. Nang malapit na siya ay sinibukan ko siyang sipain. Lumusot lang ang paa ko sa kanyang katawan na parang sumipa ng hangin.

Sinundan ko siya ng tingin. Diretso ang takbo niya kay Sabrina.

"Tita Rebecca!" babala ko.

Nang akma ng hahawakan ni Eba si Sabrina ay malakas siyang hinampas ni Tita Rebecca ng tungkod na hawak. Humiyaw ito at nagwala nang matamaan.

Ibinaba ni Tita Rebecca si Sabrina at hinarap si Eba. Matatalim na ang mga mata nito at handa ng pumatay ang itsura.

Isang iglap lang ay hawak na nito si Tita Rebecca sa leeg. Itinaas nito sa ere habang nagtatagis ang mga bagang.

Kita ko si Sage na pilit tumatayo. Masama ang tingin niya kay Eba.

"Huwag kang makialam! Ito na ang huli kong pagkakataon kaya huwag na huwag niyo akong pipigilan!"

Napasinghap ako nang malakas nitong inihagis si Tita Rebecca sa butas. Buti na lang at mabilis itong nasalo ni Duke.

Lumuhod ito kay Sabrina habang sapo ang mukha. Namalisbis ang kanyang mga luha at napahagulgol. "Sa wakas. Sa wakas," paulit-ulit niyang bigkas.

"Stay away from her!" ani Sage. Sinubukan niya itong pigilan pero katulad ng nangyari sa akin ay hindi niya ito mahawakan. Hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa loob ng katawan ni Sabrina.

Pareho kaming nanlumo ni Sage nang magsimula na namang magwala si Sabrina. This time ay mas malala na kaysa kanina.

Mahigpit siyang niyakap ni Sage upang pakalmahin.

"No.. No please. Lumaban ka," pagsusumamo ni Sage nang nagpapalit-palit na ang mukha ni Sabrina, from her to Eba.

"Everyone has evacuated! Let's go!" sigaw ng mga tauhan ni Nicole.

Kaming tatlo na lang ni Sage ang natira. Sinubukan naming buhatin si Sabrina pero sa tindi ng pagwawala niya ay hindi namin siya mahawak-hawakan.

"The Gehenna!"

Pagkasabi nun ay biglang naging madilim ang paligid. The smoke already reached us. Ang tangi ko na lang nakikita ay si Sage at Sabrina. Hindi ito problema dahil hindi naman kami mapapahamak.

"Ughh," rinig kong daing ni Sage. Nakaluhod ang isa niyang paa sa lupa habang sapo ang dibdib na may sugat. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko kundi ang balat niya, namumula na mukhang nalalapnos.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking balat, pagtingin ko dito ay namumula rin ito.

"Shit! What's happening?" daing ko nang sumidhi ang kirot sa aking balat.

Wala na ba ang epekto ng aming marka?

Sa isiping iyon ay pilit kong hinawakan si Sabrina at kinaladkad.

"Sage," tawag ko sa kanya na nakaluhod pa rin. Mukhang hindi niya kakayanin ang tumayo.

"J-Just go. Susunod ako," hirap niyang saad.

"Vanessa! Sage!" rinig kong sigaw nila Jayden.

Sumulpot sila sa aming harapan at tulad namin ay namumula rin ang kanilang mga balat.

"The mark is fading! Kailangan na nating makaalis!" ani Morgan at inakay si Sage. Si Jayden na ang bumuhat kay Sabrina at tinulungan ko si Morgan na akayin si Sage.

I bit my lip while walking. The searing pain in my skin is unbearable. Umuusok na ang aming mga katawan. Mariin ding nakakagat sa labi ang lahat sa tindi ng sakit na nararamdaman. Si Sabrina lang ang hindi nasusunog at hindi ko alam kung bakit.

Tuluyan na akong napahikbi nang hindi ko na nakayanan ang nanunuot na sakit. Napabaling silang tatlo sa akin nang sunod-sunod na akong humikbi. Ang tangi lang nilang nagawa ay magmura at binilisan ang paglakad.

Ang sakit! Kailan ba matatapos ang mga pasakit na ito?!

Isang malakas na pagbagsak ang aming narinig mula sa aming likuran. Lumingon ako at natulala sa nakita. Ang mainit kong balat ay biglang nanlamig.

"Dad!" sigaw ko. Binitawan ko si Sage at lumapit sa aking ama na nakahiga sa lupa.

"Dad.. Dad!" tawag ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya. Wasak ang dibdib niya at hindi ko alam kung saan siya hahawakan!

"V-Vanessa. Bakit nandito ka pa?" tanong niya. His eyes were dilated. Ang apoy na kasama niya ay lumiit at natutupok na.

Hinagilap ko ang kamay niya at napahagulgol ng iyak nang makitang wala na ang dalawang daliri niya.

Why? Bakit siya natalo? Natalo na naman siya sa ikalawang pagkakataon.

At the very end, he chooses the right path. Siya man ang puno't dulo ng lahat ng ito, ang mahalaga ay naiwasto niya ang nagawang pagkakamali.

"H-Hindi ko akalain na d-darating ang araw na ito. Na hawak mo ang aking kamay at iniiyakan mo ako."

May naaaninag akong anino na papalapit.

"Vanessa.." tawag nila sa akin.

"Umalis na kayo," mahinang wika ko.

"Pero-"

"Umalis na kayo!"

I can't leave my father like this! He's dying at ang sakit isipin. He's dying and I want him to die like this. Hindi ko hahayaan na masaktan pa siya sa huli niyang mga hininga!

Ang hindi ko inaasahan ay lumapit si Sage sa aking ama.

"Señor."

"Sage," tawa niya. "You know that you're like a son to me. S-Sana mapatawad mo ako."

"Wala kang kasalanan Senior. I am deeply indebted to you. If it wasn't for you, my sister should've died a long time ago. Hindi ikaw ang kalaban ko kundi ang kapatid mo."

Marahang hinila ng aking ama ang damit ni Sage. "The battle is not yet done. T-Take my demon and protect everyone."

Pagkasabi nun ay agad na lumipat ang apoy kay Sage. Nagningas ito at ang mga sugat ni Sage ay agarang gumaling.

"Dad.." untag ko nang lumamig ang kamay niyang hawak ko.

"Thank you for your g-genuine care.. Vanessa Haze."

"Persistent fools," malamig na wika ng bagong dating.

Akma niyang aatakehin ang aking ama pero maagap itong sinalag ni Sage. Ilang sandali lang ay merong isang mabilis na hangin ang lumagpas sa amin at inatake rin si Uncle Enrique.

"You're gonna pay for what you did to me, old hag."

It's Nicole together with Mammon, his demon.

"Tara na!" ani Jayden.

Pinagtulungan namin ni Morgan na akayin ang aking ama. Malamig na ang katawan niya.

I closed my eyes tightly.

Goodbye father.

Pagkarating namin sa kabila ay nagulat ang lahat sa aming itsura. Kagigising lang din nila Kyle at ang iba.

Saktong nagsidatingan ang mga sasakyan at kanya-kanyang pasok ang mga estudyante doon.

"Nasaan si Sage?" tanong ni Kyle.

Dumating ang malaking chopper na sinakyan ni Kuya Lander kanina at agaran nila itong kinuha at isinakay. Isinunod si Sabrina at Tita Rebecca, pagkatapos ay si Preem at ang bangkay ng aking ama.

"In asking you. Where is Sage?"

Tumigil ako sa akmang pag-akyat sa taling hagdan.

"Alam mo na kung nasaan."

Maririnig mula dito ang kalansingan ng mga armas. Kung kanina ay patigil-tigil ang paglindol, ngayon naman ay diretso na at walang tigil. The fire started to reach level 3. Ang mga sasakyan ay nagsisialisan na sa takot na baka kung ano na naman ang mangyari.

Pagkabigo ang bumalatay sa mukha ni Kyle.

"Wala na tayong magagawa pa Kyle. Sumakay ka na. Hihintayin natin sila sa taas," wika ko at tuluyan nang umakyat.

The chopper stayed up. Hindi kami mapakali habang naghihintay. Kyle opened his mind link upang kausapin si Sage pero wala itong tugon. Everything was on fire. Kalahati na ng paaralan ay nilamon na ng lupa.

"Damnit! Why isn't he responding?"

"How about Nicole?"

"Wala rin!"

Marahas akong humugot ng hininga.

They'll make it. I know they will make it.

"Ahhhhhhhh! Bitawan niyo ako!"

Napalingon kaming lahat kay Sabrina. Hindi ko alam kung bakit hindi niya kayang labanan si Eba.

"Auntie, a-anog gagawin natin?" tanong ni Kuya Lander kay Tita Rebecca sa basag na boses.

Yapos niya ang kapatid habang sinusubukang paalisin ni Tita Rebecca si Eba sa katawan ni Sabrina. Mukha na ni Eba ang siyang pumapangibabaw. Paminsan-minsan ay lumilitaw ang mukha ni Sabrina.

I cursed. Any minute from now ay magwawagi na si Eba.

Tumingin ako sa ibaba. She needs him.

Sage, where are you?

Lander's POV..

Naaawa ako sa aking kapatid. Dumudugo na ang ilong at ang tenga niya. Inaapoy din siya ng lagnat.

"K-Kuya," mahina niyang usal.

"I-I'm here Bree. Kumapit ka lang," kausap ko.

"I'm sorry Lander. The spirit is too strong. Hindi siya basta-basta mapapaalis," imporma ni Auntie Rebecca.

No. Hindi pwede.

Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko na mapigilan ang aking luha. Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Gusto ko siyang mabuhay ng masaya kasama ang iba, kasama ako pero sa sitwasyon ngayon ay mukhang malayo na matupad pa.

"Nefertari," bulong ko.

"What are you doing Lander?!" sigaw ni Auntie Rebecca.

I've made up my mind. With the deep wound that I have, I am going to die. And I don't want my life to be put in a waste.

"Nefertari!" ulit ko sa mas malakas na boses. As the next ruler of the Cromello, I have the power to summon her.

Biglang may lumitaw na itim na babae.

"Please, remove the spirit inside my sister's body. P-Parang awa mo na. Huwag mo na siyang idamay. Palayain mo na siya. Hayaan mong ako na lang ang magdusa," pagmamakaawa ko.

Nakatitig lang siya. Matagal bago siya nagsalita.

"Alam mong may kapalit ang hinihingi mo," aniya sa maraming boses.

"I know... Kahit ano."

"Lander!" suway ni Auntie Rebecca.

Nagsalita si Nefertari. "Then give me your soul.. and come with me."

Vanessa's POV..

I can't accept it. Kuya Lander is trading his life!

"Lander may iba pang paraan! Huwag namang ganito!" ani Tita Rebecca na hindi alam ang gagawin.

"This is the only way. Please Auntie Rebecca, huwag niyo akong pigilan," determinadong boses ni Kuya Lander.

Sa sinabi niyang iyon ay napahagulgol ng malakas si Tita Rebecca.

"Bakit ganito? Bakit kailangang kayo ang magdusa?" iyak niya.

Nagbara ang aking lalamunan at nag-iwas ng tingin. Nanunubig na naman ang mga mata ko. Ang mga kasamahan namin ay tahimik lang na nakikinig.

Bumukas ang lupa sa aming ibaba. Everyone keeps on calling Sage pero wala na siya. Wala na rin sila.

These is too much.

Nefertari inserted her hand on Sabrina's forehead and when she pulled out, Eba's already in her hand. Without a second thought, she threw her out off the chopper and directly fall in the burning hole.

"Natupad ko na ang iyong kahilingan. Ngayon, ikaw naman ang tumupad sa ating usapan," aniya kay Kuya Lander.

Hinagkan muna ni Kuya Lander ang noo ni Sabrina at mahigpit na niyakap ng matagal habang bumubulong ng kung ano sa tenga nito.

Kinabig ako ni Morgan at doon ako nag-iiyak sa kanyang dibdib. Ang sakit. Ang dami na nilang nawala. Hindi ko na kaya.

"Auntie, ikaw na ang bahala kay Sabrina. Sabihin mong nasawi ako sa laban. I don't want her to feel guilty of my death."

Malakas lang na pag-iyak ang naisagot ni Tita Rebecca.

Lumapit siya sa akin. "Vanessa."

Umiling ako. Hindi ko siya nilingon. Bakit kailangan pa niya akong pahirapan ng ganito?

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok.

"Take care of yourself, my dearest cousin."

Hindi ko na napigilan at liningon siya. Nasa bintana na siya at handang tumalon. Sa likod niya ay si Nefertari na naghihintay.

Nakaharap sa amin si Kuya Lander. For the last time, I want to memorize his handsome face. My tears flow nonstop.

Kuya Lander..

He smiled before he stepped back to jumped.

"Have a good life everyone."

In the middle of my crying, I heard a voice inside my head.

"Tell her that I love her. I may not come back but please tell her that she will always inside my heart. I will always love her, until my last breath."

Sage..